DZRH 94.3 Gensan

DZRH 94.3 Gensan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DZRH 94.3 Gensan, Radio Station, General Santos City.

24/11/2022

Isinusulong ng labor group na Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees o COURAGE na maging P33,000 ang buwanang sahod ng mga kawani ng gobyerno sa bansa.

Ayon kay Santiago Dasmariñas, Jr., president ng grupo, hindi na maituturing na 'living wage' ang nakasaad sa ilang polisiya ngayon kabilang ang salary standardization law. | DZRH News

24/11/2022

LOOK: Inilunsad ng ilang grupo ng kabataan at volunteers ang 'pandesal pantry' para sa mga manggagawang papasok sa trabaho sa Divisoria, Maynila | Kuha ni Boy Gonzales, DZRH News

24/11/2022
24/11/2022

ICYMI: Lusot na sa ikatlo't huling pagbasa sa Senado ang P5.268 trilyong national budget para sa 2023.

Sa botong 21 pabor at walang pagtutol, pinal na inaprubahan ang 2023 General Appropriations Bill.

Kasunod nito, tiniyak ni Senate Finance Committee Chairman Sonny Angara na kasado nang magpulong ang bicameral conference committee simula bukas, November 25. | DZRH News

24/11/2022

ICYMI: Sa deliberasyon sa pagkakatalaga ni Exec. Sec. Lucas Bersamin sa pwesto sa Commission on Appointments, tiniyak ng opisyal na magkakaroon ng coordination sa mga ahensya ng gobyerno upang maiwasan ang 'miscommunication' at 'di na maulit ang sugar fiasco. | DZRH News

24/11/2022

Isinagawa ng PDEA ang operasyon kasama ang PNP at Intelligence Coordinating Agency kaya't nadiskubre nila ang 500 gramo ng illegal na droga sa AFP-RSBS Industrial Park, East Service Road sa Taguig City.

Bukod sa nasabat na co***ne, nakuha rin nila ang iba't ibang klase ng e-cigartte na sinasabing may ma*****na oil at kush. | DZRH News

24/11/2022

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | As of 6:00 PM Miyerkules, November 23, 2022, narito ang update sa tala ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod. (CPIO/MLL/RSC)

Peso-Dollar Exchange Rate November 24,2022
24/11/2022

Peso-Dollar Exchange Rate November 24,2022

24/11/2022

DZRH BULLET NEWS

23/11/2022

'TIGILAN MO ANG KALOKOHANG 'YAN'

ICYMI: Sa , pinag-aaralan na ng DOJ ang mga kasong posibleng isampa kay suspended BuCor Chief Gerald Bantag dahil sa paghuhukay sa New Bilibid Prisons.

Ayon kay Justice Sec. Boying Remulla, ilegal ang pinasok na kasunduan ni Bantag sa kompanyang "Atom" na nagpondo sa excavation na para umano sa diving pool project. | DZRH News

DOS POR DOS:
https://fb.watch/gZ0m1SEcXe/

23/11/2022

'WALK THE TALK'

ICYMI: Duda si dating presidential spokesman at international law expert na si Atty. Harry Roque ukol sa naging pangako't pahayag ni US VP Kamala Harris kay Pang. B**gbong Marcos na tutugon ang US oras na atakihin ng China ang Pilipinas sa isyu sa West Philippine Sea.

Sa , sinabi ni Roque na naman anya nakialam ang US noong nang-agaw na ng teritoryo ng Pilipinas ang China. | DZRH News

DAMDAMING BAYAN:
https://fb.watch/gZ2r8jssM3/

23/11/2022

Sa , sinabi ni Manila Police District Brig. Gen. Andre Dizon, pinagsabihan at winarningan din ang mga natutulog na pulis sa Ermita Police Station.

Dahil naispatan silang natutulog habang naka-duty, inilipat na lang anya sila sa istasyon ng pulis sa Delpan na 24 oras dumadaan ang mga truck. | DZRH News

DOS POR DOS:
https://fb.watch/gZ8Jb8PSRa/

23/11/2022

ICYMI: Arestado ang magkapatid na babae matapos mag-post sa social media ng mga mapanirang komento laban sa kanilang ina.

Kinilala ang magkapatid na sina Lyka Amoro Sumalinog, 27 at Gabrielle na pawang residente ng Maribago, Lapu-Lapu City, Cebu.

Dinakip ngg mga pulis ang magkapatid sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng Lapu-Lapu City 7th Judicial Region Branch 27 para sa kasong cyberlibel na inihain ng kanilang ina.

Paalala ng PNP - Anti-Cybercrime Group sa publiko na mag-ingat sa pakikipag-away at sa posts ng akusasyon o komento sa social media, dahil may kaakibat na parusa ang paglabag sa batas. | DZRH News

23/11/2022

| Nangyari ngayong araw, 13 taon ang nakalilipas ang sa malagim na Maguindanao Massacre. Sa 58 nasawi, kabilang dito ang 32 mamamahayag at isa na rito si DZRH Reporter Henry Araneta.

Sa , sinabi ng Cong. Toto Mangudadatu na hanggang ngayon, marami pa rin indibidwal ang nagtatago na dapat managot sa pangyayari. | DZRH News

23/11/2022

Pinabulaanan ni Pang. B**gbong Marcos ang napaulat na impormasyon na patatalsikin na niya sa pwesto si Finance Sec. Benjamin Diokno.

Ayon kay Marcos, Jr., fake news ito at hindi niya alam kung saan nagsimula ang pagkalat ng fake news.

Giit niya, wala siyang dahilan upang baguhin ang kanyang economic team dahil maganda anya ang kanyang binuong grupo. | DZRH News

23/11/2022

Wala pa ring nakasungkit sa jackpot prize ng 6/58 Ultra Lotto draw kagabi na umabot sa mahigit P269 milyon.

Sa advisory ng PCSO, ang winning combination na ay 08-03-21-51-07 at 58.

Dahil dito, inaasahan pang lolobo ang jackpot prize sa susunod na pagbola sa Byernes, November 25. | DZRH News

23/11/2022
Peso-Dollar Exchange Rate November 23,2022
23/11/2022

Peso-Dollar Exchange Rate November 23,2022

22/11/2022

'IT'S JUST A MATTER OF RESPONSIBLE FOOD CHOICES'

ICYMI: Kung si Dr. Imelda Agdeppa ng DOST-Food and Nutrition Research Institute ang tatanungin at kung pagkain lang ang pag-uusapan, hindi lahat ng masustansyang pagkain ay mahal.

Ito ang naging tugon ni Agdeppa sa : Pinoy Documentaries nang matanong kung sapat ba ang P570 na minimum wage sa Metro Manila sa gitna ng tumataas na presyo ng pagkain at bilihin.

DZRH STORIES: https://fb.watch/gXGOwCQ1MP/

22/11/2022

Nag-ugat ang desisyon ng partido sa reklamong inihain nina Jammal 'B**g' Amin, PFP Regional Chairman-BARMM, Al-Rasheed Sakklahul, PFP BARMM Regional President at Edifar 'Papay' Ladjhali, PFP BARMM Regional Exec. Vice President.

Inakusahan ng mga ito si dating Exec. Sec. Atty. Vic Rodriguez na ginamit ang kanyang impluwenya bilang executive secretary upang i-promote ang appointment ni General Manager Christopher Pastrana sa Philippine Ports Authority.

Kinwestyon ito ng partido dahil bukod sa anila'y conflict of interest, may utang pa si Pastrana na P132 milyon sa DOTr bilang isa sa mga may-ari ng Archipelago Philippines Ferries o FASTCAT.

Inulan din ng reklamo ang pagtatangka ni Rodriguez na kumamal ng kahina-hinalang kapangyarihan bilang Office of the Presidential Chief of Staff na nakasaad sa kanyang special/memorandum order. | DZRH News

22/11/2022

Itinanggi ng China ang panibagong pang-ha-harass na ginawa ng kanilang Coast Guard sa mga myembro ng Philippine Navy sa PAGASA Island.

Ayon kay Mao Ning, tagapagsalita ng Chinese Foreign Ministry, bagaman totoo na kinuha nila ang debris mula sa Philippine Navy, dumaan anya ito sa konsultasyon.

Ang naturang object umano ay mula sa wreckage ng rocket na inilunsad ng China ay unang nakita ng Chinese personnel sa karagatan ng Nansha Islands, alas-8 ng umaga noong Linggo.

Ngunit bago pa anya makarating ang mga Chinese sa kinaroroonan ng wreckage at nakuha na ito ng mga tauhan ng Philippine Navy, kaya nagkaroon ng maayos na konsultasyon, dahilan upang ibalik sa kanila ng Navy ang wreckage. | DZRH News

22/11/2022

ICYMI: Inilipat na ang TV host-actor na si Vhong Navarro sa Taguig City Jail male dormitory sa Camp Bagong Diwa, alinsunod sa naging desisyon ng Taguig Regional Trial Court Branch 69 na alisin na ito sa NBI Detention Center.

Makakasama ni Navarro sa loob ng city jail ng Taguig ang nasa 993 inmates, ngunit nakadepende pa rin ito sa posibleng banta sa buhay ng aktor. | DZRH News

RELATED:
https://www.facebook.com/dzrhnews/photos/a.511699645578172/5589060714508681/

22/11/2022

ICYMI: Sinabi ni US 2nd Gentleman Douglas Emhoff sa kanyang pagbisita sa Gregoria de Jesus Elementary school sa Caloocan, ipadadala nila ang $5 milyong investment sa pamamagitan ng US Agency for International Development at popondohan ng American Rescue Plans.

Inanunsyo rin ng US Embassy na maglalapag ng $8 milyon ang gobyerno ng US upang matulungan ang bansa na pigilan ang mga posible pang outbreak ng sakit at mabilis na pagtugon sa mga susulpot pang karamdaman.

Samantala, nagpahayag din si US VP Kamala Harris na tutulungan ang mga Filipino veteran, mga batang biktima ng online sexual exploitation at aalalay sa pagsusulong ng karapatan ng mga kababaihan. | DZRH News

Address

General Santos City
9500

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DZRH 94.3 Gensan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to DZRH 94.3 Gensan:

Videos

Share

Category