20/09/2023
Paano nga ba maghihilom ang sugat sa puso na gawa ng taong mahal mo?
Paano mo mahahanap ang sagot para maghilom ito? Kung ang taong dahilan ng sugat ay hindi ka kayang bigyan ng sagot?
Sa araw araw na lumipas na dinala dala ko yung sakit at pait na gawa ng kahapon. Tipong gigising ka ng umaga na di mo alam ano ang nasa unahan mo kasi alam mong sa puso mo na may kulang.
Binigay ko yung buong ako, inayos ko puso ko para sayo at binigay ito ng walang pagdududa at pag-aalinlangan. Oo sinuklian mo ang pagmamahal mo sakin pero di ko aakalain na sa paglipas ng araw mag-sasawa ka din pala sakin,
Sa mga araw na yun ilang beses na akong nadapa, pero mas pinili kong habulin ka kasi naniniwala akong sa dulo ng daan na yun makikita kitang naghihintay sakin, ngunit nung hawak na kita para ka ding saranggola na kahit gano kahigpit yung hawak ko sayo mas pinili mo padin ang magpatangay ng hangin palayo sakin.
Nakakapagod na ding humabol ng paulit ulit, minsan pati yung luha ko pagod nang pumatak sa mga mata ko. Ang pag-ibig ay ang pinaka masarap na pakiramdam sa mundo pero kapag di nasuklian ng maayos nakakapagod din.
Sa ngayon, hahayaan kong maramdaman ang sakit hanggang sa wala na akong maramdaman pa, isusuko ko sa Panginoon ang lahat ng sugat. Hahayaan kong tulongan niya akong gamutin ito.
Babangon ako ulit di para ipamukha sayo ang kawalan ko sa buhay mo kundi para tulongan ang sarili kong iangat, mahalin at pahalagahan. Lalaban ako pero di na para sayo kundi para sa sarili ko. Paalam.