Tanza News

Tanza News Mga balitang tampok at pinag-uusapan sa Tanza, Cavite!

SUNOG SA NAIC AT CAVITE CITYNagkaroon ng sunog nitong Linggo sa isang area sa Brgy. Sapa, Naic, Cavite habang isang junk...
03/02/2025

SUNOG SA NAIC AT CAVITE CITY

Nagkaroon ng sunog nitong Linggo sa isang area sa Brgy. Sapa, Naic, Cavite habang isang junk shop naman sa Cavite City ang nasunog nitong 4:00 AM at 5:00 AM ng Lunes sa kahabaan ng Cavite-Manila Boulevard sa Dalahican.

Inaalam pa ang naging sanhi ng dalawang insidente ng sunog sa magkaibang bayan.

Source: Leand Abad Tampol (FB, 1st pic Naic) / Prenz Bulanhagui (FB, 2nd pic Cavite City)

LABORATORYO NG SHABU, BISTADO‼️Natuklasan ng kapulisan ang isang pabrika ng shabu sa Brgy. Sahud-Ulan sa Tanza matapos a...
01/02/2025

LABORATORYO NG SHABU, BISTADO‼️

Natuklasan ng kapulisan ang isang pabrika ng shabu sa Brgy. Sahud-Ulan sa Tanza matapos ang isang pagsabog bandang alas-singko ng madaling araw na siya ring gumising sa mga residente ng barangay.

Ang pagsabog umano ay nagmula sa isang paupahang bahay na siyang nirespondehan ng mga lokal na tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP). Dito naman nila nadiskubre ang isang laboratoryo na ginagamit sa pagluluto ng shabu na agad nilang ipinagbigay alam sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na siyang naka-takdang magsimula ng imbestigasyon.

Agad namang natukoy ng kapulisan kung sino ang mga nangungupahan sa bahay sa tulong na rin ng pamunuan ng Barangay. Huli rin sa CCTV ang pagtakas ng mga suspect.

Napag-alaman rin na ang mga nangungupahan sa bahay ay isang Chinese National, dalawang Indonesian National at isang Pinay. Kasalukuyan namang gumugulong ang manhunt operations upang tugisin ang mga suspect at ang iba pang malalaking personalidad sa likod ng laboratoryo ng shabu.

📷: GMA

31/01/2025

Nabisto ang isang shabu laboratory sa loob ng isang bahay sa Tanza, Cavite. Nadiskubre ito nang manghingi ng tulong ang mga residente matapos may sumabog sa bahay. Patuloy ang imbestigasyon sa kung sino-sino ang mga personalidad na nasa likod ng operasyon ng nadiskubreng laboratoryo ng shabu.

Source: News5 | via Briane Basa

30/01/2025

SHABU LABORATORY SA TANZA‼️

SM City General Trias Update 🏗 The 8th SM Mall in Cavite ProvinceThe construction of SM City General Trias has begun wit...
29/01/2025

SM City General Trias Update 🏗 The 8th SM Mall in Cavite Province

The construction of SM City General Trias has begun within the SM District of Riverpark North, a master-planned community featuring residential, commercial, and transport hubs. Set to be one of Cavite's largest malls, the project aims to enhance urban living, boost the region's economy, and create job opportunities. Completion is expected in 3 to 4 years, establishing a landmark destination for convenience and lifestyle.

Photo credits: Progreso Pilipinas

Lanmar ResortGarden Coast SubdivisionBrgy. Capipisa, Tanza, Cavite⭐️ Private Resort in Cavite ⭐️ 🌊 Big Swimming pool🏠 Lo...
28/01/2025

Lanmar Resort
Garden Coast Subdivision
Brgy. Capipisa, Tanza, Cavite

⭐️ Private Resort in Cavite ⭐️

🌊 Big Swimming pool
🏠 Lounge Areas
🏠 Airconditioned Rooms with Own CR
🎤 Videoke / Karaoke / Sounds System / Movies
🥘 Kitchen with utensils
🔥 Grilling area
❄️ Refrigerator / Freezer
🚿 Shower rooms
🚽 Toilets
🎱 Billiards Table
🚙 Spacious parking space
🐶 Pets are welcome
✅ WiFi
🌊 Walking distance to the beach

📍Waze: Lanmar Resort

✔️Open for Day Swimming / Night Swimming / Overnight Stay

For bookings and inquiries:
📞 0966 819 9168

Somewhere in Tanza, Cavite. 💚
27/01/2025

Somewhere in Tanza, Cavite. 💚

MGA DAYUHANG TRABAHADOR NG POGO, NATAGPUANG NAGTATAGO SA ISANG RESORT SA CAVITE‼️Sa kabila ng pagsara ng mga Philippine ...
25/01/2025

MGA DAYUHANG TRABAHADOR NG POGO, NATAGPUANG NAGTATAGO SA ISANG RESORT SA CAVITE‼️

Sa kabila ng pagsara ng mga Philippine offshore gaming operators (POGOs) sa buong bansa, nadakip ang 29 na dayuhan na mistulang nag-ooperate pa rin ng POGO sa isang resort sa Silang, Cavite. Kabilang sa mga nagtatago sa resort ang boss ng mga ito na Chinese national.

“Mayroong confidential informant na nagpunta sa office, na sinabi niya na may kakaibang nangyayari na doon sa resort, may mga nagda-drop na mga Chinese,” ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel J Gatdula, CIDG Cavite chief.

Karamihan sa mga inaresto ay pawang mga Chinese nationals habang anim naman sa kanila ay taga-Myanmar.

Tinanggihan naman ng Chinese national ang paratang na siya ang boss ng operation.

Ayon sa CIDG Cavite, dumating sa resort ang mga POGO workers noong Disyembre ng nakaraang taon. Gamit-gamit nila ang mga laptop imbes na desktop computers at bawat isa sa kanila'y may mobile WiFi imbes na internet router.

Kinumpiska ng mga awtoridad ang mga devices nila na diumano ginagamit para sa mga scamming activities.

“Ito yung sinasabi nating nagtatago sa mga resorts, sa mga apartments [...] Sa harap pa lang makikita mo na mayroong mga transaction ng cryptocurrency scam,” saad ni PAOCC Undersecretary Gilbert Cruz.

Dagdag pa niya, “Dapat wala na sila dito. Kung may mga passports ‘yan, dapat tourist passports lang sila."

Sa ngayon, iniimbestigahan na ng Bureau of Immigration ang mga criminal records ng mga nahuling dayuhan sa kanilang sari-sariling mga bansa.

Source: GMA News

CAVITE BUS RAPID TRANSIT, NAKATAKDANG MAGAMIT NG MGA COMMUTERS SA SEPTEMBER!Inaasahan na magsisimula ang partial operati...
24/01/2025

CAVITE BUS RAPID TRANSIT, NAKATAKDANG MAGAMIT NG MGA COMMUTERS SA SEPTEMBER!

Inaasahan na magsisimula ang partial operations ng Cavite bus rapid transit (BRT) sa Setyembre, na isa sa dagdag transportasyon para sa mga biyahero.

Ito ang target ng Megawide Construction Corp. na mapagtagumpayan, kung saan inaasahan na malaki ang maitutulong upang maibsan ang tumataas na pagdami ng pasahero higit lalo tuwing holiday season.

May sukat itong 42 kilometro sa mga lungsod at munisipalidad ng Cavite, kabilang ang Imus, General Trias, Tanza, Kawit at Trece Martires, na magbibigay daan patungo at pabalik ng Maynila, kung saan ito ay magiging konektado sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Source: Inquirer
📷: Metro Cavite and Beyond

20/01/2025

Viva Sto. Niño! 🙏💚

15/01/2025

Ang dating munisipyo ng Tanza, Cavite.

Video: Caviteño Tayo

MGA TANZEÑONG HIHINGI NG FINANCIAL ASSISTANCE, INABOT NG MAGDAMAG KAHIHINTAYInabot na ng magdamag kahihintay sa financia...
13/01/2025

MGA TANZEÑONG HIHINGI NG FINANCIAL ASSISTANCE, INABOT NG MAGDAMAG KAHIHINTAY

Inabot na ng magdamag kahihintay sa financial assistance ng Munisipyo ang mga residente ng Tanza.

Ilan sa mga ito ay inabutan ng cut-off kung kaya't no choice ang mga ito kundi pumila hanggang kinabukasan para maaga silang makapasok sa loob.

Ibang klaseng MALASakit ang naranasan ng mga pobreng nagnanais lang na humingi ng tulong. Sa labas na sila ng Munisipyo natutulog.

Panawagan ng mga ito: Alisin ang cut-off at ipagkaloob sa mga ito ang tulong pinansyal na nakalaan para sa kanila

Insidente ng Panghold-up at Pagsasamantala sa isang ginang sa Tanza, CaviteNoong madaling araw ng Enero 11, 2025, bandan...
13/01/2025

Insidente ng Panghold-up at Pagsasamantala sa isang ginang sa Tanza, Cavite

Noong madaling araw ng Enero 11, 2025, bandang 4:55 AM, isang nakagugulat at nakakatakot na insidente ang nangyari sa Starfish Highway, Tanza, Cavite. Habang naglalakad papunta sa kanyang trabaho ang isang 58-taong-gulang na babae, bigla siyang inatake ng isang lalaki. Ang lalaki ay walang suot na damit, may hawak na dark blue jogging pants na nakapulupot sa kanyang kamay, at itinuro ito sa biktima habang sinasabing, "Holdap to!"

Ang biktima, sa kabila ng takot, ay nagsabi na wala siyang pera dahil papasok siya ng trabaho, ngunit agad siyang itinulak ng suspek. Walang awang sinaktan siya, at pinagsusuntok at sinikmuraan. Mas masahol pa, ang suspek ay nagtatangkang gahasain siya. Laban sa takot at hirap, nanlaban ang biktima, ngunit wala siyang magawa dahil nasa ibabaw siya ng suspek at patuloy siyang sinasaktan.

Buti na lamang, isang tricycle ang dumaan at natakot ang suspek kaya't mabilis siyang tumakas mula sa lugar.

Kaya't kami po ay nananawagan sa mga makakapagbigay ng impormasyon ukol sa suspek. Ang lalaking ito, na may nakapulupot na dark blue jogging pants sa kamay, ay may mataas na panganib at patuloy na naglalakad nang malaya. Kailangan natin siyang mahuli upang hindi na makapanakit o makapaghasik pa ng takot sa ating komunidad.

Kung kayo po ay mayroong impormasyon ukol sa pagkakakilanlan ng suspek o kung mayroon kayong nakita o narinig, mangyaring makipag-ugnayan sa mga otoridad. Mahalaga ang inyong tulong upang matiyak ang kaligtasan ng iba at upang makamit ang katarungan para sa biktima.

Ipagbigay-alam po natin ito sa iba upang magkaisa tayo sa pagtugis sa salarin at mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa.

11/01/2025

Tanza Bulungan Fish Market. 🐟💚

ctto:

Baka po makita nyo itong nasa Larawan last Saturday pa po nawawala. Kung sino man po nakakakilala at Makakita ipag bigay...
10/01/2025

Baka po makita nyo itong nasa Larawan last Saturday pa po nawawala. Kung sino man po nakakakilala at Makakita ipag bigay alam lang po sa Barangay B**a. May contact number din po sa ibaba. Salamat po

Name: Claire Viray
Age: 17 Years Old
Address: B1 L64 The Istana Tanza Phase B Subd. Brgy B**a, Tanza, Cavite.
Contact Number: 09275460683
Mother: Camille Viray
Last Seen: Cavite City

Ipanalangin mo po kami. 🙏💚
09/01/2025

Ipanalangin mo po kami. 🙏💚

PANAWAGAN NI SIR ALEX GREGORIO“ Sa pamunuan ng Carissa Homes Tanza Cavite, sayang lang ang buwis na binabayaran ng mga h...
08/01/2025

PANAWAGAN NI SIR ALEX GREGORIO

“ Sa pamunuan ng Carissa Homes Tanza Cavite, sayang lang ang buwis na binabayaran ng mga homeowners dahil ginagawa nilang tapunan ng basura ang H papuntang Grandiosa. Nawawala ang halaga ng mga lupa sa Carissa at nakakadiscourage sa mga potensyal na buyer. Kung hindi basura, mga patay na hayop naman ang itinatapon. Walang kwenta ang mga opisyales, puro salita na lang. Ano ang silbi ng mga guwardiya na pinapasahod, kung wala namang nagbabago? Huwag magtapon ng basura kung saan-saan, hindi kayo nakikiramdam. Mahiya kayo! ”

PANAWAGAN‼️Para sa mga taga-Bucal, bandang Umboy, nagbabakasali po kami kung may nakakita sa batang ito kahapon, bago po...
07/01/2025

PANAWAGAN‼️Para sa mga taga-Bucal, bandang Umboy, nagbabakasali po kami kung may nakakita sa batang ito kahapon, bago po siya umalis ng bahay at tumakas mula sa kanyang lolo. Kung sakaling makita po ninyo siya, huwag po sana siyang paalisin. Susunduin po siya ng kanyang lolo.

Terhese Claire L. Abo
10 taong gulang
Bucal, Tanza, Cavite

Address

Gapan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tanza News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share

Category