25/09/2024
Grabe 'yung adulting 'no? Kailangan mong gawin all by yourself. Sobrang layo na sa dati. Wala nang gigising sa'yo kundi alarm mo na lang. Wala nang magluluto para sa'yo kundi sarili mo na lang. Wala nang magpapaalala ng mga gagawin mo kundi 'yung mga notes at sarili mo na lang. 'Yung tipong kahit may sakit ka ay ikaw pa rin ang bibili ng gamot para sa sarili mo. 'Yung tipong kahit pagod na pagod ka na ay wala kang choice kundi ang magpatuloy.
Samantalang dati, babangon ka sa sigaw ng nanay mo. Tatawagin ka na lang kapag kakain na kayo. 'Yung pili lang 'yung mga gawain mo kasi mga magulang mo 'yung halos gumagawa ng lahat. 'Yung tipong p'wede mong sabihing “ 'Nay, p'wede po bang mamaya na 'to? Pagod na kasi ako”. At ang pinaka-nakakamiss ay 'yung may mag-aalaga sa'yo kapag may sakit ka — 'yung wala kang gagawin kundi humiga at magpahinga kasi alam mong mayroong andiyan para sa'yo para alagaan ka.
Nakakamiss din pala eh 'no? — pero dapat maging proud ka sa sarili mo kasi ang laki na nang pinagbago mo, kasi kung dati kailangan mo pa ng ibang tao para magawa ang lahat ng ito, ngayon kinakaya mo na ang mag-isa.