14/01/2025
Ang importante ay mahalaga๐๐๐คฃ๐คฃ
Sabi ng isang tatay sa kanyang anak, โKaka-graduate mo lang. Ito ang regalo ko sayo anak. Luma na pero kabibili ko lang nyan. Bago ko ibigay saโyo, dalhin mo muna sa car dealer yan. Ibenta mo. Tingnan mo kung magkano ang offer nya sayo.โ
Dinala ito ng kanyang anak saka bumalik sa tatay. โBinibili sa akin ng 10,000 pesos โtay. Luma na raw kasi.โ
Sagot ng tatay: โOkay. Dalhin mo naman ngayon sa 2nd hand car dealer.
Hapon na ng makabalik ang bata sa kanyang tatay. โBinibili sa akin ng 20,000 pesos. Dami na raw kasing pagawain bago mapakinis uli yan, โTay.โ
Pinayuhan ng tatay ang bata na sumali sa passionate club saka ipakita sa kanila ang lumang sasakyan.
Matapos dumalaw ang bata sa passionate club, nagbalik sya sa kanyang tatay.
โMay nag offer po sa akin na bilhin ito ng 100,000. Bibihira na raw kasi ang ganitong modelo tapos running condition pa. Mahirap raw makahanap ng ganyan.โ
Sagot ng tatay, โGusto kong maintindihan mo anak na walang kwenta ang halaga mo kung maling tao ang mga kasama mo.โ
Kung hindi ka nila ma-appreciate, โwag kang magagalit. Ibig sabihin lang nun, hindi ka angkop sa lugar nila. โHuwag kang manatili sa isang lugar na hindi nakikita ang totoo mong halaga.โ