25/02/2022
Tama si pangulong Duterte.
Hindi kayo magkamayaw noon sa pagtuligsa sa pangulo dahil hindi ito nakipagmatigasan sa China. Kinantyawan ninyo sa usaping Jetski at West Philippine Sea.
Puro kayo batikos sa pakikipagkaibigan nito sa Russia, halos kasuklaman nyo sya sa pagbitaw nya sa kasunduan sa Amerika.
Inilagay lamang ng pangulo ang Pilipinas sa gitna. Masyado tayong malapit sa Amerika kaya kailangan nyang dumistansya, malayo ang loob natin sa Russia at China kaya kailangan nyang makipagkaibigan.
Ang kanyang ginawa ay hindi kaduwagan at hindi pagiging tuta, bugkos isa itong matalinong hakbang at katapangan ng loob. Sya lang ang Presidenteng nakapaglagay ng estado ng Pilipinas na hindi tayo nagiging masyadong malapit sa anomang bansa at hindi rin ganoon kalayo, saktong distansya upang malaya tayo makipagkalakalan sa kahit na anong bansa at malaya tayong makakilos na hindi nangingialam ang sino man.
Ang pagbili ng pangulo ng mga armas at kagamitang pangdigmaan sa iba't ibang bansa, China, US, France, Russia, Japan, Korea at iba pa ay isa ding matalinong hakbang, nagpapatunay lamang at nagpapakita sa buong mundo na walang pinapanigan ang Pilipinas.
Sa nakikita nating kaguluhan ngayon sa Russia at Ukraine, Makikita natin dito ang Pilipinas at China kapag nakipagmatigasan ang Pilipinas sa usaping WPS. Hindi malayong ang kinahinatnan ng Ukraine ay atin ding danasin, Pandemya at giyera, hindi tayo makakabangon. Mabuting nakatuon ang kanyang administration sa pagpapalago ng ekonomiya at infrastructure kesa sa makipagpatayaan sa mga islang halos di naman napapakinabangan pa. Ang mas importante ay ang ngayon, at kung paano ibangon ang bansa.
Sabi nga ng pangulo, we cannot afford to go to war, we are friends with everyone and enemy to no one.
Mga bagay na hindi natin nakikita ay nakikita ng presidente sa huli tama si Duterte, laging tama si Duterte.
Noel Landero Sarifa