07/06/2023
“MAY MGA TAONG GUSTONG MAKASAMA KA, PERO HINDI KA NILA MAHAL!”
RealTalk:
Yung feeling na ayaw ka niyang MAWALA pero patuloy ka rin niyang SINASAKTAN, ayaw niyang maghiwalay kayo pero palagi ka niyang PINAPAIYAK at sobrang TOXIC pa. Masakit talaga bitawan yung taong matagal mong BINUO, pinaghirapan at minahal o relasyon na matagal mong INIINGATAN AT PINAGLABAN pero mas masakit ang manatili kapag alam mo na 'ngang toxic at napapatanong ka nalang kung minahal ka ba talaga niya, WELL THAT'S NOT LOVE ANYMORE. Minsan kailangan mong kalimutan ang nararamdaman mo at tandaan kung ano ang nararapat para sa iyo, may mga tao kasi na saka ka lang MA-APPRECIATE kapag PAGOD KA NA at AYAW MO NA.
May mga taong gusto ka kasi KAPAKI PAKINABANG KA pero deep inside hindi ka talaga niya mahal, mahal ka lang niya sa paraan na lagi kang nand'yan para sa KANYA. Why is it so difficult to cut the relationship? Dahil ang TUNAY na nagmahal lang ang nakakaalam kung gaano KASAKIT ang maiwan o ang pag-alis. La'lo na kung binigay mo lahat 'dun sa tao, binigay mo lahat hanggang sa wala ng MATIRA SA'YO. May mga taong nang iwan pero sila yung mas nagmahal at matagal nila naisip, matagal sila nagising bago nila PILIIN YUNG SARILI NILA.
Cutting people and situations that hurt us from our lives is an act of love, especially for you kasi karapat dapat lang na mahalin mo din ang SARILI MO at DESERVE MO na maging MASAYA. So please appreciate the person na hindi ka iniwan kahit sobrang sakit na para sa kanila pero nanatili parin kasi mahal ka. Ika nga; "MAHIRAP BUMITAY SA ISANG TAONG MAHAL MO, PERO MAS MAHIRAP KUMAPIT SA ISANG TAONG HINIHINTAY NALANG ANG PAG BITAW MO."
Kapag yung taong mahal mo palagi kang INIINTINDI, it means ayaw niyang MASIRA yung relationship niyo. Kapag yung taong mahal mo NAGALIT pero hindi sinasabi yung dahilan, it means gusto niya na ikaw MISMO makaalam sa maling ginawa mo. Kapag yung taong mahal mo binabaan yung PRIDE na'ko napaka SWERTE mo.
Palaging nag papalambing, it means gusto niya lang iparamdam mo SAKANYA na mahal mo siya. Palaging nagseselos, it means takot yan na MAWALA KA. Palaging nangungulit, it means mahal na mahal ka niyan at ayaw niyang mapunta sa iba yung ATTENTION MO. Pero once naramdaman nila na parang iniignore o binabalewa lang sila, KUSA YAN SUSU'KO AT LALA'YO. Mas masakit talaga kapag yung taong mahal muna yung SUMUKO you know why? Kasi once nakita na nila yung WORTH NILA at once they say THEY'RE DONE, they’re done kahit gaano kapa ka mahal NIYAN, iiwan ka N'YAN.
Ang taong nagmamahal marunong MAGPATAWAD, kung talagang mahal mo SIYA, palayain mo, para malaman niya sa bandang huli kung TAMA o MALI ba yung ginawa NIYA.
***
Norking Poster II