Basta Page Ko Ito

Basta Page Ko Ito i am, i was, im strong..

26/12/2024

“Umalis ako”

hindi dahil wala akong pake, kundi dahil dumating ako sa puntong kailangan ko nang piliin ang sarili ko. Hindi madaling talikuran ang mga bagay na minsang naging mahalaga, pero hindi rin tama na manatili kung ang kapalit nito ay unti-unting pagkapagod at pagkawala ng sarili. Umalis ako dahil natutunan kong hindi lahat ng laban ay kailangang ipaglaban, may mga pagkakataon na ang pinak**alakas na hakbang ay ang magdesisyon na bumitiw.

Umalis ako dahil deserve kong maging masaya at magkaroon ng kapayapaan. Hindi dahil hindi ko kaya, kundi dahil napagod na akong magtiis sa mga bagay na hindi na tama. Sa pag-alis ko, dala ko ang lakas ng loob na magsimula muli at ang tiwalang mas maganda ang naghihintay sa akin. At sa bawat hakbang papalayo, pinipili ko ang sarili ko, ang kaligayahan, ang dignidad, at ang bagong simula.

25/12/2024

I wanna be outside next year, and I don't mean clubs and parties. I mean travelling, hiking, picnics, trying new restaurants, exploring hidden gems, enjoying nature and making memories with good company.

24/12/2024

nag shave na ako para hindi niyo masabing bulbulin na namamasko pa

23/12/2024

bakit ba kailangan magk**ali muna bago tayo matuto , kung pwede naman na tayong matuto na sa pagkaka mali ng ibang tao.

22/12/2024

2022 taught me valuable lessons that I didn’t fully appreciate at the time, but I see them now. In 2023, life knocked me down harder than I ever expected. It felt like everything was falling apart, but it forced me to face things I’d been avoiding. Now, in 2024, my eyes are wide open to the truth of who I am and what I need to do. I’m no longer confused or lost. In 2025, I’m coming back stronger, with a clear purpose and a fire inside to keep moving forward. All the pain and struggles were stepping stones that led me here, and now it’s time to make things happen. 💛

22/12/2024

PAGOD AT NAWALAN📍

Tulad mo,
nakaramdam din ako ng pagod at pagkawala
ng gana sa lahat ng bagay.

Totoo nga,
kayang baguhin ng sama ng loob ang isang tao,
unti-unti kang nauubos sa bigat ng nararamdaman mo.

Parang lahat ng pag-asa ay nawawala,
at kahit anong gawin mo, tila wala nang kulay ang bawat araw.

Sa bawat patak ng luha,
kasabay nito ang pagdama ng lungkot at galit.

Ang mga dating kasiyahan,
unti-unting nagiging alaala na lang.

Hanggang sa parang wala ka nang ibang
maramdaman kundi kirot at pighati.

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito,
sana ay dumating din ang araw na
mahanap mo ulit ang lakas na bumangon,
dahil kahit gaano man kabigat,
may liwanag na naghihintay sa dulo ng bawat pagsubok.🫂

22/12/2024

"Kung hihiling akong muli"

Kung muli akong babalik sa pagkabata,
At muling tatanungin kung ano'ng gusto kong maging pagtanda,
Hindi ko na hihilingin pang maging marangya.
Pipiliin ko na lang na maging masaya at payapa.

Kung hihiling akong muli kay Bathala,
O sa buwan at mga tala,
Hihilingin kong ako ay ihanda—
sa malupit na mundo na hindi marunong maawa.

Kung sa langit ay muli akong titingala,
Hindi ko na bibigkasin pa ang mga sana.
Kung muli man akong mangangarap ay hindi na kasing taas ng mga ibong malaya.
Dahil alam kong hindi naman laging sasang-ayon sa'kin ang tadhana.

Kung bibigyan ako ng pagkakataong ibalik ang mga oras na nawala,
Hindi ko na muling mamadaliin ang aking pagtanda.
Lalasapin ko ang mga panahong ako'y malaya.
Ang malakas na halakhak ay hindi na muling ikakahiya.

Hindi na muling magrereklamo kung patulugin man ako sa hapon ni ina.
Dahil alam kong darating ang araw na gigisingin ako ng patong-patong na problema.
Magtatampisaw sa ulan ng walang sawa.
Dahil alam kong darating ang araw na maliligo na lang sa ulan upang maitago ang mga luha.

Kung alam ko lang na hindi ko maipapanalo ang mga bagay na itinaya,
Kung alam ko lang na ibabagsak lang din ako ng paulit-ulit sa lupa,
Kung ang bawat sakripisyo ko ay hindi rin naman pala magbubunga,
Ako'y bibitaw na lamang at hindi na muling susubok pa.

22/12/2024

Nawalan ako ng kakampi simula noong binawi ng langit si Lola.

Ang hirap-hirap nang ngumiti kahit sanlibong kahapon na ang nakalipas. Sintunado na rin ang boses ng piyano tuwing tumutugtog ako sa may sala. Lagi kong naaalala ang mga palakpak noon ni Lola kapag kuhang-kuha ko ang tono ng paborito niyang kanta. Pero ngayon ay marami nang nagbago. Wala na si Lola at wala na ring dahilan para tumugtog nang masaya.

Pati ang pagkain ng sorbetes ay hindi na katulad ng dati. Kahit paborito ito ni Lola, pakiramdam ko ay lalo akong nadudurog sa sakit. Naaalala ko ang lahat—ang pagkaratay niya sa k**a ng ospital hanggang sa k**a ng langit. Masakit pa rin. Masakit mawalan ng kakampi.

At siguro, kung mabibigyan ako ng pagkakataong bisitahin si Lola sa langit, doon lang ulit ako makakangiti. Siguro, kung makikita ko ulit siya, masasabi kong itong Pasko ngayong taon ang pinak**asaya sa lahat.

Naipon na rito sa puso ko ang lahat ng gusto kong ikuwento kay Lola. Marami na siyang hindi napakinggan. At marami din akong gustong isumbong sa kaniya. Gusto kong sabihin na sobrang lungkot ng buhay ko rito sa lupa simula noong nawala siya.

Gano’n kabilis binawi ng tadhana ang karugtong ng aking paghinga .

22/12/2024

Hindi ka nag-iisa, marami tayo.
Hindi rin mabilang ang mga nangangapa sa walang kasiguraduhang mundo,
Kung may patutunguhan ba ang mga pangarap na binubuo—
Lahat naman tayo ay nakararamdam ng pagsuko.

Katulad mo, karamihan ay lumalaban lang nang tahimik.
Mag-isang naglalayag sa binabagyong puso at isip.
Nagkukunwaring masaya at malakas—
Ngunit ang totoo, binabalot na nang lungkot at hindi na alam kung paano haharapin ang bukas.

Hindi lang ikaw ang lumuluha nang patago.
Hindi lang ikaw ang paulit-ulit na binibigo at nabibigo.
Hindi lang ikaw ang gusto nang maglaho—
Pero kahit ganito, nandito at nagpapatuloy pa rin tayo (;)

Lahat naman tayo lumalaban,
Nang may kanya-kanyang dahilan at paraan.
Marami tayo—
Magkakaiba lang ang ating kuwento.

21/12/2024

Ramdam mo rin ba?
Sa puntong ito mas nauunawaan mo na, may kung anong kirot sa puso,
Sa tuwing mapapakinggan mo ang kantang “Sana ngayong Pasko”—
Lalo na ang mga linyang “Sana ngayong Pasko ay maalala mo pa rin ako”, “kahit wala ka na, nangangarap at umaasa pa rin ako”.

Nakausad ka naman, pero parang bumabalik lang lahat ng mga alala.
May mga nakakubli pa ring mga sana.
Iba-iba man ang kuwento at pinanggalingan nito—
Kahit tanggap mo na sadyang may kirot pa rin talaga sa puso.

May ibang hatid ang Disyembre bukod sa lamig at ginaw.
May kung anong panglaw.
Mapagtatanto mong, maraming biglang nagbago at naglaho—
Ganito lang talaga siguro;

May tao talaga na gusto mo sanang makasama ngayong Pasko,
Pero sa kung anumang dahilan,
Hindi na puwede—
Hindi na papayagan ng mundo.

21/12/2024

Unti-unti ko nang nararamdaman ang pagtatapos ng taon.

Isa-isa ko nang binibitawan ang mga hinanakit na hindi ko napakawalan. Unti-unti ko nang nililimas ang galit na namahay sa’king kalooban. Pati lungkot, pagsisisi, at panghihinayang—marahan ko nang iniiwan.

Gusto kong salubungin ang susunod na yugto nang may malinis na puso, malawak, malaki ang espasyo para papasukin ang mga bagay lang na positibo. Ang pag-ibig, pag-asa, at kabutihan sa ibang tao.

Gusto kong magsimulang muli nang walang pasan na bagahe mula sa taon na ito. Pagkakaibigan na hindi totoo, relasyong hindi sigurado, mga nakasanayan na lumalason sa moral ko’t pagkatao.

Gusto kong umusad na. Gusto ko nang gamitin ang mga natutunan ko sa mga nakaraang buwan, lumago, at makilala ang pinahusay na bersyon ko. Gusto ko nang iwan ang taon na ito, dahil ramdam ko—

habang papalapit ang bagong taon, papalapit na rin ako sa tuluyang pag-ahon.

20/12/2024

Akala ko dumating ka sa buhay ko para buuin ang mga nasira, para itama ang mga mali, at para gawing mas maganda ang mundo ko. Pinaniwala mo akong ikaw na yung sagot sa lahat ng tanong ko, na ikaw yung taong magtuturo sa’kin kung paano maging mas mabuti at masaya. Pero hindi ko inaasahan na sa huli, ikaw pa pala ang magiging dahilan ng pinak**alaking sugat sa puso ko.

Hindi ko alam kung saan ako nagk**ali, sa pag-asa, sa pagmamahal, o sa paniniwala na tama ang piliin ka. Ang sakit malaman na ikaw, na akala ko ay kaligtasan ko, ang naging dahilan ng pinak**abigat kong pagkak**ali. Ngayon, natutunan kong hindi lahat ng dumarating sa buhay mo ay nandiyan para ayusin ka. Minsan, sila pa ang magtuturo kung paano mo bubuuin ang sarili mo nang mag-isa.

friday
04/10/2024

friday

+1 happy birthday self 🎉♥️🎁
17/09/2024

+1 happy birthday self 🎉♥️🎁

Address

Diliman

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Basta Page Ko Ito posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Basta Page Ko Ito:

Videos

Share