10/12/2024
Naging daily routine na talaga ni 3E na bumaba sa makina 9am, pagka dating sa control room mag kape yan for 30 mins.
Sa hapun naman pag patak ng 5pm akyat na yan kahit pa naka balandra pa yung mga gina gawa nila iiwan nya na yan.
May isang beses panga nag bunot ng Piston at inabut sila ng 5pm, pag patak ng 5pm umakyat na si 3E dahil wala na raw sya oras na makatawag sa syuta nya.
Ilang beses na kinausap ni CE at pinag sabihan ni Kapitan pero ang lahat ay bina baliwa lang ni 3E.
Mabait si CE kaya sabi nya patapusin nalang ng contrata at wag nang pag extenin pa.
Halos araw2 sakit sa ulo ni CE kay 3E at halos araw araw din nyang pinag sabihan si 3E at hinamun pa si CE ni 3E na gumawa ng report tungkol sa kanya, pero nag titimpi lang talaga si CE.
Now time has come finish contract na si 3E at gumawa na si CE ng Appraisal, naka lagay NOT FOR REHIRE. At lahat ng kabalastugan ni 3E andun sa report ni CE.
Kapal moks pa ni 3E nag reklamo bakit ganun daw ang Appraisal nya, nag refuse to sign pa.