19/06/2023
Mga ilan sa mga kabutihan napapaloob sa Araw ng Arafah (ito ay 9 Dhul Hijjah 1444 | 27 June 2023)
1. Sa sinumang mag-aayuno sa araw na ito, patatawarin ang dalawang taon niyang mga kasalanan.
2. Sa araw na ito maraming mga alipin ililigtas ng Allâh mula sa Impiyernong Apoy.
3. Ang mga panalangin na araw na ito ay tatanggapin, diringgin ng Allâh.
4. Ang Allâh ay bababa sa kalangitan ng mundo (ang Kanyang pagbaba ay naaayon sa Kanyang Kataas taasan at Kaluwalhatian).
5. Ang araw na ito ang siyang pinakamainam na araw sa buong taon.
6. Doble ang mga gantimpala ng mga taong masipag at matiyaga gumawa ng ‘Ebâdah sa araw na ito (pag-aayuno, dhikr, sunnah na salâh, pagbasa ng Qur’an, sadaqah, pag-utos ng mabuti at pagpigil ng masama, panalangin at iba pa.
7. Ang mainam na Du’âa ay sa araw ng Arafah, kaya’t damihan ang mga panalangin sa araw na ito, kabutihan dito sa mundo at kabutihan sa Kabilang Buhay (isama sa DU’ÂA ang mga mahal sa buhay, kamag-anak, kaibigan at mga kakilala).
8. Ang Allâh ipagmamalaki Niya ang Kanyang mga alipin (nagausumikap gumawa ng ‘Ebâdah) sa harap ng Kanyang mga anghel.
9. Magbalikloob at humingi ng tawad sa Allâh, iwasang gumawa ng kasalanan o masama sa araw na ito sapagka’t doble rin ang parusa matatamo ng taong gumagawa nito.
Note: Ang pag-aayuno sa Araw ng Arafah Ay para lamang sa mga taong hindi magsasagawa ng Hajj.
Sinabi ni Shiekh Ibnu Baz (kahabagan nawa siya ng Allâ): ❝Ang pag-aayuno sa Araw ng Arafah ay natatangi, at mayroon itong nakalaan na malaking gantimpala ipapawalang-sala ng Allâh (ang sinumang mag-ayuno sa Araw na ito) isang taon na nakaraan at isang taon na hinaharap. Subali’t ang magsasagawa ng Hajj ay hindi pinahihintulutang mag-ayuno sa Araw ng Arafah; dahil ang Propeta Muhammad ﷺ ay nananatili sa Araw na iyon (Araw ng Afarah) siya ay hindi nag-ayuno.❞ Majmuo’ Fatâwâa Wa Maqâlât Ash-Shiekh Ibn Baz (15/405)
قال الشيخ العلامة ابن باز رحمه الله : ❞ صوم يوم عرفة مستقل، وله فضل عظيم يكفر الله به السنة التي قبله والسنة التي بعده، أما الحاج فلا يجوز له أن يصوم يوم عرفة؛ لأن النبي ﷺ وقف في ذلك اليوم وهو مفطر ❝ مجموع فتاوى ومقالات الشيخ ابن باز ( ١٥ / ٤٠٥ )
Paabutin nawa tayo ng Allâh sa Araw ng Arafah. Tanggapin nawa ng Allâh ang lahat ng ating mabubuting gawa at nawa’y ipatawad nawa ng Allâh ang ating mga kasalanan at pagkukulang.
_________________
📚UST. Mohammed Averoun III
Da’wah Mission KSA 🇸🇦