The Petroglyphs - The Official Campus Media of SPC Senior High School

The Petroglyphs - The Official Campus Media of SPC Senior High School The Petroglyphs is the Official Campus Media of the San Pedro College- Senior High School

PAGSASALO SA KAPASUKUHANLumalamig na simoy ng hangin, nagsisibagsakang nyebe, at makakapal na mga kasuotan, ito ang mga ...
19/12/2024

PAGSASALO SA KAPASUKUHAN

Lumalamig na simoy ng hangin, nagsisibagsakang nyebe, at makakapal na mga kasuotan, ito ang mga maaari nating ilarawan sa buwan ng Disyembre. Sa buwang ito, ipinagdiriwang natin ang isa sa mga pinakamahalagang pangyayari sa ating kasasayan, ang pagkasilang sa ating Diyos na Maykapal. Ito rin ay panahon ng pasasalamat kung kaya’t maraming pamilya ang naghahanda ng salu-salo. Maraming pagkain ang kanilang inihahanda ngunit sa bansang Japan, kakaiba ang kanilang ginagawang paghahanda. Sila ay may pinipilahan at inaabangan. Ito ay ang “Kentucky Fried Chicken (KFC)”.

Noong 1974, naglunsad ng bagong proyekto ang KFC, kung saan tinawag nila itong “Kurisumasu na wa Kentakkii!” o “Kentucky para sa Pasko”. At sa paglipas ng 40 na taon, maraming pamilya sa Japan ang bumili ng KFC “meal” para sa kanilang pagdiriwang ng nasabing “holiday.”

Kahit na hindi Kristiyanong bansa ang Japan, ipinagdiriwang pa rin nila ang kapaskuhan. Sila rin ay naglalagay ng mga dekorasyon sa kanilang mga puno, nagbibigay ng regalo, at nagkakasiyahan. Ngunit, upang sila ay makakatikim ng mga pagkaing Amerikano, sila ay pumupunta sa isang “fastfood chain” na nagngangalang KFC. Patok na patok ang Kentucky sa bansa tuwing sasapit ang Pasko, gayong pinagpipilahan na ng mga mamamayan nito isang buwan bago pa ang nasabing pagdiriwang, na siyang nagpapatunay sa lakas ng impluwensya ng KFC.

Kilala ang Japan sa mga bansang hindi kinikilalang “holiday” ang kapaskuhan. Ngunit, dahil sa kasiyahang hatid ng Pasko, marami pa ring mga Hapon ang patuloy na nagdidiriwang nito, isang patunay na sa kabila ng iba’t ibang paniniwala at sari-sariling tradisyon, ang Pasko ay kilala bilang isang pagkakataon ng pagkakaisa at pagsasalu-salo.

Isinulat ni Jamaica Antonnette Labor
Likhang sining ni Kristhel Pacaldo
Layout ni Aizel Granada

KAMPANA NG KAPAYAPAANSa ilalim ng malamig na kalangitan ng Turku, Finland, humuhuni ang mga ibon kasabay sa pagtunog ng ...
19/12/2024

KAMPANA NG KAPAYAPAAN

Sa ilalim ng malamig na kalangitan ng Turku, Finland, humuhuni ang mga ibon kasabay sa pagtunog ng kampana sa tore ng katedral. Ang mga kamay ng orasan ay tumuturo sa banayad na sinag ng araw habang libu-libong anino ang nagtitipon sa makasaysayang liwasan sa “Old Great Square”. Sa bawat hiningang mainit na umaalinsabay sa hanging taglamig, umaapaw ang sabik para sa kanilang tradisyon: ang taunang “Declaration of Christmas Peace”.

Ramdam ang lamig ng nagyeyelong hapon sa bawat tumpok ng niyebe na kasing puti ng bulak sa bubong ng gusaling Brinkkalan. Isang nakamamanghang tanawin ang bumabalot sa paligid kasama ang sinaunang gusali na nagsisilbing entablado, at ang mga tauhan ay saksi sa mga awit-pangkasaysayan ng kanilang inang bayan na tilang bumubuhay sa diwa ng kanilang mga ninuno. Kawangis ng mahika ang pagdiriwang na wari’y nagbabalik sa panahon ng medyibal. Nakapalibot ang mga berdeng palamuti sa mga pulang bandila, malumanay na kumakaway sa malamig na simoy habang umaawit ang koro ng “Joululaulu“, kanta para sa seremonya ng deklarasyon; at sa huling kumpas ng maestro, katahimikan naman ang bumalot sa mabatong kalye ng Finland.

Mula sa kaluskos ng balumbon ng “Joulurauhan Julistus,” lumilitaw ang opisyal ng Turku. Suot ang tradisyunal na kasuotan ng Finland, matatag na tumayo ang alkalde sa harap ng makabagong mikropono at sa isang malumanay at maalab na tinig, binibigkas niya ang sinaunang kasulatan na nagdadala ng mga hangarin ng nakaraang henerasyon, isang pagkilala sa panahon ng kapayapaan na nagtagumpay sa kabila ng mga madilim na yugto ng digmaan at alitan.

Ang kilalang tradisyong ito ay tila nagbabalik tanaw sa kanilang marangal na nakaraan, at sa pamamagitan nito, muling binubuhay ang alaala ng unang deklarasyon noong ika-13 siglo. Ang walang kupas na proklamasyon ng kapayapaan ay naglalatag ng kaakit-akit na tanawin sa bansang Finland, hudyat ng opisyal na pagsisimula ng Pasko. Sa bawat salita, inuudyok ang lahat na iwasan ang anumang kasamaan at kasalanan sa ngalan ng pagdiriwang ng mapayapang Pasko, isang biyayang ipinaglaban ng kanilang mga ninuno.

Sa pagtatapos ng pagbasa, nagliliyab ang init ng mga mabuting adhikain sa kabila ng malamig na panahon. Ang tunog ng mga trumpeta ay umalingawngaw, kung saan ito ay nagpapahayag ng pagkakaisa at malasakit na mas nakakabighani pa kaysa sa mga makinang na dekorasyon ng lungsod. Ang tahimik na bulungan ng mga tao ay nagiging masiglang usapan habang unti-unti silang nakikipagsaluhan sa isa’t isa. Sa saglit na sandali, ang mga tinig ng kasayahan ay nag-aalimpuyo na parang kampana, lumilikha ng isang melodiyang sumasalamin sa puso ng mga mamamayan ng pinakamatandang lungsod ng bansang Finland.

Isinulat ni Astrid Marie Abarca
Likhang sining ni Yvonne Saliling
Layout ni Aizel Granada

LARO’T ALAMATSa mga araw na nagpapalapit sa buwan ng Disyembre, sa tabi ng mga nagniningning na mga ilaw na makikita sa ...
18/12/2024

LARO’T ALAMAT

Sa mga araw na nagpapalapit sa buwan ng Disyembre, sa tabi ng mga nagniningning na mga ilaw na makikita sa Iceland, habang naririnig ang mga hiyaw at tawanan ng mga tao sa nayon na pumupuno sa malamig na hangin na nakapaloob sa bansa, dito makikita na may namamalagi na isang banda ng “lads” sa itaas lamang ng maniyebe na kabundukan ng Iceland. Ang Pasko ay puno ng kagalakan, ngunit, hindi ito nangangahulugan na ang isang maliit na katatawanan ay hindi pwedeng gawin sa oras ng niyo, kung kaya, isang natatanging katangian sa bansang Iceland ang nagbibigay kaligayahan sa Pasko: ang mga “yule lads”.

Nagsisimula sa ika-12 ng Disyembre, humahantong hanggang sa Pasko, at nagtatapos sa ika-6 ng Enero, ang mga kabataan ng bansang Iceland ay nakaranas ng kagalakan, hindi lang sa isang “Santa” kundi sa 13 na sariling “Santa” ng bansa na may sari-sariling katangian. Sila ay bumibisita sa mga bata, kung saan sa mga bintana ng mga sari-sariling tahanan nila ay may nakalagay na sapatos, at binibigyan sila ng munting “candy” kung sila ay naging mabuti at isang bulok na patatas kung sila ay naging pilyo. Ang bansang ito ay punong-puno ng mga tradisyon tuwing Pasko, marami kung saan kasangkot ang mga tinatawag na “lads” na nakakaintriga at nakakabighani sa buhay ng lahat ng “Icelanders” noong unang hirit pa ng siglo. Sila ay sumasaklaw sa katangian ng kagalakan, tradisyon, at katatawanan na lumilikha ng maligayang “holiday” para sa Iceland.

Sa pagbabalik-tanaw, ang 13 “yule lads” ay orihinal na kinikilala bilang “trolls”, mga anak ni Grýla, na gumagala sa malawak na niyebeng kapatagan at bundok ng bansa sa panahon ng kapaskuhan na umano’y naglilikha ng kaguluhan kahit saan siya pumupunta. Sila ay mga kasindak-sindak na nilalang na bumibisita sa bayan at nayon na nagiging sanhi ng takot sa mga tao, lalo na sa mga bata, kung kaya’t ginagamit ang kwento ng 13 “yule lads” bilang panakot sa kabataan at ginagawang halimbawa ng isang nakakatakot na kwento para sa Pasko.

Sa paglipas ng panahon, hindi na gaanong itinuturing na “nakakatakot” at “mapanganib” na mga tao ang mga “yule lads”, kundi sa halip ay tinaguriang sila bilang mapaglarong mga nilalang o “tricksters” na maglalaro ng ‘di nakapipinsalang mga kalokohan o sa ingles ay ”pranks” lalo na sa mga bata. Kahit lumipas pa ang 100 na taon, ang pagtingin tungkol sa mga ito bilang mga “tricksters” tuwing Pasko ay nananatiling isang prominenteng bahagi ng bansa at sa kultura ng Iceland. Ang mga alamat na ito ay dadako hanggang sa kasunod na mga henerasyon, at patuloy na mabubuhay sa pamamagitan ng mga salin salin na kuwento at sabi-sabi.

Gayunpaman, unti-unting nalusaw ang katakutang hatid ng mga kuwentong patungkol sa mga “yule lads” sa paglipas ng panahon; sa halip ay naging bahagi na ng pamaskong kultura at tradisyon ng Iceland. Sa kasalukuyan, tuwing sasapit ang nasabing okasyon, ipinagdiriwang ng mga taga-Iceland ang pagdating ng mga “manlilinlang” na ito sa pamamagitan ng pagkanta, kuwentuhan, at pabibigay diin sa kahalagahan ng pagkakaroon ng “mabuting” pag-uugali. Isa itong kaakit-akit na kultura ng mga taga-Iceland na patuloy na ginaganap upang bigyang kulay ang Pasko sa Iceland. Ang kapaskuhan ay puno ng kagalakan at kasayahan, ngunit, ang mga imahinasyon at kalokohan ay dalawang bagay na hinding-hindi mawawala sa mga mamamayan ng Iceland, lalo na sa 13 “yule lads”.

Isinulat ni Clarisse Anne Armada
Likhang sining ni Rj Belarmino
Layout ni Aizel Granada

PAGSINDI NG PAG-ASASa pagdating ng marahil pinakainaabangang buwan ng taon, tila nagiging “wonderland” ang Colombia kung...
17/12/2024

PAGSINDI NG PAG-ASA

Sa pagdating ng marahil pinakainaabangang buwan ng taon, tila nagiging “wonderland” ang Colombia kung saan nakahilera ang mga naggagandahang ilaw, at nagpapatugtog ng mga masisiglang musika. Ang pagdiriwang ng pasko sa Colombia ay pinaghalong kaugalian ng mga Katoliko at mga sekular na tradisyon, at ito ay isang buwanang selebrasyong binubuo ng pamilya, kultura, tradisyon, at pananampalataya.

Ang “Día de las Velitas” o “Araw ng mga Maliit na Kandila” ay ang simula ng Paskong Kolombiyano. Sila ay karaniwang naglalagay ng mga kandila at parol na gawa sa papel sa mga kalye, bangketa, at maging sa mga beranda at balkonahe ng kanilang mga tahanan tuwing ika-7 o ika-8 ng Disyembre taun-taon, at ang puting bandila na may larawan ng Banal na Ina ay dapat ding i-“display” sa kabuuan ng araw.

Mayroong paghahandang ginagawa ang mga Kolombiyano siyam na araw bago ang Pasko sa isang paraan na katulad ng ginagawa natin. Sa Pilipinas, ito ay tinatawag na Misa de Gallo; sa Colombia, ito ay Novena de Aguinaldos, na nagaganap mula Disyembre 16 hanggang 24 kada taon. Bagaman magkatulad, hindi sila nagdiriwang ng maagang misa sa umaga na karaniwang ginagawa natin; sa halip, nagdiriwang sila ng nobena para sa batang Hesus. Karaniwan itong binubuo ng mga pagtitipon, panalangin, at pag-awit ng mga anyong pampanitikan at musikal na Espanyol na may mga relihiyosong konotasyon.

Bumibida din sa mga hapag ng mga Kolombiano ang Cena de Navidad na siyang tawag sa kanilang mga pangunahing handaan tuwing Pasko. Ito ay binubuo ng mga putahe tulad ng ”ajiaco bogotano“, “buñuelos” o mga pritong maruya na may keso, “hojuelas”, ”natilla”, at “lechona” o baboy na pinalamanan ng gisantes at bigas. Ang mga pamilya naman ay dumadalo sa Misa de Gallo pagkatapos ng Cena de Navidad at kasunod ng misa, karaniwang matatagpuan ng mga bata ang kanilang mga regalo sa ilalim ng punong pampasko.

Bukod pa rito, tuwing ika-28 ng Disyembre, ipinagdiriwang ng mga Kolombiyano ang “Innocents’ Day” upang gunitain ang utos ni haring Herod na patayin ang lahat ng sanggol na bumababa sa dalawang taong gulang kalakip ng kaniyang hangaring patayin ang Mesiyas. Gayunpaman, sa Colombia, ipinagdiriwang nila ang araw na ito sa isang kakaibang paraan. Para sa kanila, ang ika-28 ng Enero ay katulad ng ”April Fools’ Day”, kung saan ang mga kaibigan at pamilya ay naglalaro ng mga biro at kalokohan sa isa't isa. Ginagawa nila ito sa kadahilanang nais nilang salubungin ang darating na taon nang masaya. Sa katunayan, ang mga istasyon ng telebisyon ay nagpapalabas pa ng mga “bloopers” o nakakatawang pagkakamali ng mga tao noong nakaraang taon.

Kagaya ng karamihan, ang Pasko sa Colombia ay isang okasyong nakasentro sa pamilya kung saan ipinapahayag mo ang pasasalamat para sa sakripisyo ni Hesus sa krus sa pamamagitan ng paglalaan ng oras kasama ang iyong mga mahal sa buhay.

Isinulat ni Edward John Cosep
Likhang sining ni Jasmine Madayag
Layout ni Aizel Granada

ANINO NG PASKO Sa pagsapit ng Disyembre sa malamig na panahon sa bansang Austria, ipinagdiriwang ang “Krampus Festival” ...
16/12/2024

ANINO NG PASKO

Sa pagsapit ng Disyembre sa malamig na panahon sa bansang Austria, ipinagdiriwang ang “Krampus Festival” o mas kilala bilang “Krampusnacht”. Ito ay Isang “European popular legend” kung saan may isang pigurang kumakatawan bilang kalahating kambing at kalahating demonyo na nagpaparusa sa mga pasaway na bata tuwing Pasko. Ito ang kasama ni St. Nicholas, at ang Krampus ay pinaniniwalaang nagmula sa Alemanya, kung saan ang kanyang pangalan ay nagmula sa salitang Aleman na “Krampen”, na nangangahulugang “Kuko.”

Ang Krampus ay bahagi ng Paganong na mga ritwal para sa “winter solstice”. Ayon sa alamat, siya ay anak ni Hel, ang “Norse” na diyos ng underworld. Sa paglaganap ng Kristiyanismo, naugnay si Krampus sa Pasko sa kabila ng pagtakwil ng simbahang Katoliko sa naturang mito.

Ang nasabing nilalang at si St. Nicholas ay sinasabing dumarating tuwing gabi ng Disyembre 5. Habang ginagantimpalaan ni St. Nicholas ang mga mabubuting bata sa pamamagitan ng pag-iiwan ng mga regalo, pinapalo naman ni Krampus ang mga malilikot na bata gamit ang mga sanga at patpat. Sa Disyembre 6 o St. Nicholas Day, gumigising ang mga bata para hanapin ang kanilang mga regalo o alagaan ang kanilang mga pinsala.

Kasama sa mga pagdiriwang na kinasasangkutan ng Krampus ang “Krampuslauf” o “Krampus run”. Sa aktibidad na ito, madalas nagaganap ang mga inuman at parada sa mga lansangan, kung saan tampok ang kalahok na ginagaya ang wangis ng Krampus sa pamamagitan ng pagsusuot ng mga costume, tinatakot at paminsan-minsang hinahabol ang mga manonood. Sa mga kahulihang bahagi ng ika-20 siglo, nagsimula ang mga pagsisikap na mapanatili ang pamanang kultura ng Austria.

Sa panahong ito, ipinagdiriwang ang Krampus sa buong mundo, at ang lumalagong kasikatan ng mitolohikal na halimaw ay pinatutunayan ng mga pangunguna nito sa mga horror films. Isang reaksyon sa komersyalisasyon ng Pasko ang mas lumalawak na impluwensya ng Krampus. Sa kabila ng kaniyang nakakakilabot at di-pangkaraniwang pagkatao, ang Krampus ay nagsisilbing patunay na ang Pasko ay isa ring paalala na kailangan nating pagsikapan na maging mabuti at mapagbigay sa ating kapuwa.

Isinulat ni Bea Danielle Centina
Likhang sining ni Ayka Martinez
Layout ni Aizel Granada

KANDILA NG PAG-ASASa gitna ng pinakamadilim na gabi ng taglamig sa Sweden, kung saan malupit ang niyebe at binabalot ng ...
15/12/2024

KANDILA NG PAG-ASA

Sa gitna ng pinakamadilim na gabi ng taglamig sa Sweden, kung saan malupit ang niyebe at binabalot ng mga anino ang paligid, isang prusisyon ng mga kumukutitap na kandila ang pumuputol sa kadiliman, pinangungunahan ng isang babaeng paslit na may suot sa korona ng mga kandilang bumubusibusilak bilang simbolo ng pag-asa sa panahong hindi nagpapakita ang araw.

Ipinagdiriwang tuwing Disyembre 13, ang Santa Lucia o kilala bilang “Festival of Lights and Renewal” ay tanyag na markahan ng “winter solstice” at simula ng Pasko. Ang tradisyong ito ay galing sa kwento ni Santa Lucia, isang Kristiyanong martir na nagmula sa Syracuse, kung saan siya ay pinarangalan ng mga tao para sa kanyang katapangan at liwanag, na sinasagisag sa pamamagitan ng mga prusisyon ng kandila. Ito ay nagpapaalala sa lahat na kahit na sa pinakamadilim na panahon, ang liwanag at pagpapanibago ay laging naroroon, nagdadala ng ilaw at pag-asa habang nagsisimula ang pagtaas ng mga oras ng gabi.

Ang prusisyon ng Lucia o “Luciatåg” ay nagsisimula sa pagpili ng isang batang babae upang gumanap bilang Santa Lucia, kung saan siya nangunguna sa daan habang suot ang isang puting “gown”, pulang sintas, at korona ng mga kumikislap na kandila. Sa likod niya, sumusunod ang kanyang mga “handmaiden” o “tärnor;” mga “star boy” o “tjärngossar;” at mga taong “gingerbread” o “pepparkaksgubbar”. Bawat isa ay may hawak na sariling kandila at ang nasabing prusisyon ay dumadaan sa mga tahanan, paaralan, at ospital, upan maghatid ng munting sinag ng lliwanag at tunog ng mga kanta o “Luciasanger” tulad ng "Sankta Lucia," na inaawit ng lahat ng lumalahok sa “Luciatåg”.

Nagsimula ang tradisyon noong ikaapat na siglo nang si Santa Lucia ng Syracuse, na may suot na korona ng mga kandila, ay nagdala ng ilaw at pagkain para sa mga Kristiyanong nagtatago sa mga ”catacomb” ng Roma. Ang kanyang pagsuway sa kadiliman ay naging simbolo ng pag-asa, at nagbigay inspirasyon sa mga bansa tulad ng Sweden, Norway, at ilang bahagi ng Italya. Ang unang naitalang pagdiriwang ay naganap sa isang tahanan sa Sweden noong 1764, ngunit ang tradisyon ay tunay na nagsimula noong 1900s. Ayon sa mga “Swedish folklore”, tuwing Disyembre 13, ang mga masasamang espiritu ay namasyal sa lupa; kaya ang mga tao ay nanatiling gising sa loob ng bahay, pinapalibutan ng ilaw sa panahon ng Lussevaka upang protektahan ang kanilang sarili.

Habang nagpapatuloy ang “Luciatåg,” ang mainit na amoy ng “Lussekatter“ o “saffron buns” ay pumailanlang sa hangin, at sinasalamin ng kanilang gintong kulay ang tanglaw ni Lucia habang ang dalawang pasas ay kumakatawan din sa mga mata ng isang nakaluhod na pusa. Nagkakaisa ang mga pamilya, umiinom ng “glögg” o “mulled wine” at kumakain ng “pepparkakor” o “gingerbread cookies,” na nagbabahagi ng init at ginhawa. Ang mga pagkaing ito ay sumasagisag sa pagdiriwang at nagdadala ng liwanag sa pinakamadilim na araw ng taon sa bansa.

Nagtatapos ang prusisyon sa liwanag ng mga kandila na patuloy na kumikinang, nagwawaksi sa kadiliman ng taglamig. Sa pamamagitan ng mga kandila, kanta, at mga pagsasalo salo, pinapaalala sa atin ni Santa Lucia na hindi dapat tayo kailanman mawalan ng pag-asa dahil mawala man ito nang panandalian, ang araw ay manunumbalik sa huli.

Isinulat ni Regina Camille Lobino
Likhang sining ni Alfonso Advincula
Layout ni Aizel Granada

Liwanag sa KadilimanSa pagtitipon ng mga umaalingawngaw na trumpeta, kumikinang na mga ilaw, at malamig na simoy ng hang...
14/12/2024

Liwanag sa Kadiliman

Sa pagtitipon ng mga umaalingawngaw na trumpeta, kumikinang na mga ilaw, at malamig na simoy ng hangin bawat taon, sa gabi ng ika-5 ng Disyembre, idinaraos ng Switzerland ang tradisyonal na prusisyon sa bisperas ng “St. Nicholas Day”. Ang “Klausjagen,” na nangangahulugang "Chasing the Klaus," ay 100 na taong tradisyong ginaganap taun-taon sa bayan ng Küssnacht, na nagdadala ng kahalagahan sa mga masining at espirituwal na kaganapan ng Pasko. Dahil dito, ang maligayang pagdiriwang ay nag-iiwan ng mga hindi malilimutang memorya sa libu-libong bisita ng bayan bawat taon.

Nagsisimula ang nasabing pagdiriwang sa mahigit 1,500 na lalaking lumalahok sa isang martsa o parada patungo sa madilim na landas ng Küssnacht, habang nagsusuot sila ng mga malalaking palamuti sa ulo na tinawag na “ifönel,” kung saan kapareho ito ng isang miter ng obispo. Higit pa rito, kitang kita ang pagka-elaborado ng mga disenyo ng mga higanteng miter, may iba’t ibang mga detalyadong padron at pigura, at kinukumpleto ito ng kanilang kaakit-akit na mga kulay na maaaring tumimbang ng 20 “pounds”. Ang mga “ifönel” ay ginugupit mula sa mga karton at papel, pinagsama-sama, pagkatapos ay sinisindihan mula sa loob. Lumiliwanag ang mga ito sa mga madidilim na kalye na para bang mga “stained glass window” o higanteng “night sky lantern” na dumadaloy sa himpapawid.

Hindi lamang kaaya-aya ang mga kaganapan sa mata, ngunit kasama rin dito ang mga masisiglang tabumbong ng mga paagang na mayumi sa pandinig. Kung ikaw ay isa sa mga manonood ng prusisyon, maririnig mo rin ang mga nakabibingi na “trycheln” o kampana, at ang labtik ng mga “Geislechlöpfer,” o latigo. Ang labtik ng “Geislechlöpfer” ay nagsilbing sandata laban sa mga masasamang espiritu. Ang mga nakababatang grupo ng mga Swiss ay nagdadala ng paagang, “trycheln,” at “Geislechlöpfer,” samantala ang mga mas matatandang grupo ay nagpapanggap bilang sina Samichlaus o “The Swiss Santa” at Schmutzli, na katulong ni Samichlaus, kung saan, bahay-bahay ang pagbisita ng dalawang grupo upang maitaboy ang lahat ng mga maligno at sila ay naghahandog ng mga matatamis na mga pagkain sa mga bata .

Ang pagdiriwang ng Klausjagen ay naghahatid ng mga pambihirang kombinasyon sa pamamagitan ng parada; ang sarang ng mga ifönel, saliw ng mga “tryceln”, “Geislechlöpfer”, at trumpeta, at mga awit ng kagalakan ng taong-bayan. Sa pamamagitan ng tradisyong ito, nabibigyang kahulugan ang mga mahahalagang kaisipan at paniniwala ng mga taong bayan sa Küssnacht. Sa pagdiriwang ng selebrasyong ito, pinatutunayan ng mga mamamayang Swiss na ang pag-alala sa Pasko ay talagang nagsisilbing isang liwanag sa kadiliman.

Isinulat ni Martha Denise Magno
Likhang sining ni Francine Gwyneth Centeno
Layout ni Aizel Granada

PETRO CULMINATES CAMPUS JOURNO WORKSHOP SERIES ‘24Closing its three-part series, The Petroglyphs held the last leg of it...
09/12/2024

PETRO CULMINATES CAMPUS JOURNO WORKSHOP SERIES ‘24

Closing its three-part series, The Petroglyphs held the last leg of its Campus Journalism Workshop Series, December 7 at San Pedro College - Main Campus.

The organization showed their full force as they rallied up knowledgeable speakers who simultaneously tackled news and news feature writing, the principles of design and newspaper layout, and photojournalism and photography.

Chelsea Jamias and Pio Angelo Tingzon, former associate editors of the organization, worked hand-in-hand and discussed the overall concept, fundamental rules, and accepted conventions of news and news feature writing.

Moreover, delving into the aspect of layout and design, Jerald Torres highlighted the essence and nuances of both endeavors.

Trisha Aying also shared her insights and knowledge on photojournalism and photography, emphasizing the importance of the stories conveyed through photos.

Gearing up its campus journalists in the various fields of journalism, the student publication will aim for accolades in the upcoming Division Schools’ Press Conference (DSPC).

Glyphs-on-duty: Minneiah Otayde, Abbygay Dumpit, Martha Pagaling and Jelabelle Argente

09/12/2024

LOOK BACK | SPEECHFEST 2024

Voxcels 2024: Finding Excellence with Your Voice was held on December 2, 2024, at the San Pedro College gymnasium featuring various activities highlighting the importance of communication and individual expression.

News Presenter: Elyza Kasandra Go
Videographer: Aneira Regan Consul
Video Editor: Azeyah P. Gutierrez
Directors: Jenielyn Astillo, Marielle Galendez

As we turn the page to Day 3, we conclude the three-Saturday campus journalism training series. This moment will carry t...
06/12/2024

As we turn the page to Day 3, we conclude the three-Saturday campus journalism training series. This moment will carry the weight of everything we’ve learned, preparing us for the challenges ahead.

Culminating this juncture, the last troop of seasoned journalists will impart their expertise and stories from the field. Their insights and experiences will inspire and equip you with the skills to take your craft to the next level.

Let’s make the most of this final opportunity to learn, grow, and take the next step in our journalistic journey. See you this Saturday, journalist!

Get ready for a packed agenda, scribes! Join us this December 7 for the last day of The Petroglyphs’ Campus Journalism W...
06/12/2024

Get ready for a packed agenda, scribes! Join us this December 7 for the last day of The Petroglyphs’ Campus Journalism Workshop 2024.

Swipe through to see what’s in store as we plunge into a new horizon of impactful storytelling, creative newspaper layouts, and capturing powerful moments through photography.

Take a leap toward journalistic excellence as we wrap up the last nuances of the craft.

VOXCEL 2024 | RESONATING MELODIESClosing with  the remarkable event with the suitable vibe and energy, talented performe...
03/12/2024

VOXCEL 2024 | RESONATING MELODIES

Closing with the remarkable event with the suitable vibe and energy, talented performers from the Artistic Unison Resonating Opuses (AURO) showcased their skills on the stage as the last intermission.

With their last song “Still Into You,” the band captured the audience’s attention inviting them to sing along as the event neared its end.

Voxcel 2024 has now concluded and students evidently showcased their various talents and skills in different fields of communication and arts.





Glyphs-on-duty: Precyllda Dano, Lexie Loayon and Jelabelle Argente

VOXCEL 2024 | VICTORIOUS VALORSNearing the denouement of Voxcel 2024, the triumphants were finally revealed, Monday at S...
02/12/2024

VOXCEL 2024 | VICTORIOUS VALORS

Nearing the denouement of Voxcel 2024, the triumphants were finally revealed, Monday at San Pedro College gymnasium.

In the Banner Making, Characterization and Extemporaneous Speaking competitions, the Draculus reigned superior among the four clusters.

This was followed by Lagoons also prevailing in Mobile Journalism and Radio Broadcasting.

Externalizing an inimitable performance, Lycans were declared champions in Spoken Poetry.

Following a rigorous showdown of choreographic visuals and resounding cheers, Grade 11 STEM 1 bagged the champion title after reigning victorious in the Jazz Chant competition.

Emerging triumphant, Grade 11 STEM 3 took home the first runner-up accolade with their eye-catching performance that captivated both the audience and judges.

Grade 11 STEM 5 followed closely, securing second place with their upbeat and lively performance, leaving the stage with hurrays and cheers.

Filling the air with exhilaration and fascination, the most awaited segment, the announcement of overall ranking, commenced.

Pharaohs rose as third runner-ups, trailing behind Draculus and Lycans who were hailed as second and first runner-ups, respectively.

Reaching the moment of truth, the cluster of Lagoons was pronounced as champions for the 2024 Speech Festival.





Glyphs-on-duty: Minneiah Otayde, Precyllda Dano, Hannah Santisteban, Marc Aimery Campos, Martha Pagaling, Lexie Loayon and Jelabelle Argente

VOXCEL 2024 | ENCHANTING JAZZ Immersing the gymnasium into the jazzy feeling and chanting rhythms, the Grade 11 students...
02/12/2024

VOXCEL 2024 | ENCHANTING JAZZ

Immersing the gymnasium into the jazzy feeling and chanting rhythms, the Grade 11 students collectively showered the audience with enthusiasm and colorful hues as they presented their jazz chant performances.

Gracing the stage first was the enthralling STEM 6, followed by STEM 5, STEM 4, and STEM 2, with STEM 3 concluding the first half of the roster.

Its second half commenced with the ever-so-captivating chants of ABM-HUMSS 1, which was subsequently followed by STEM 8 and STEM 1, with STEM 7 ending the jazzy enchantments.





Glyphs on-duty: Minneiah Otayde, Lexi Loayon and Jelabelle Argente

VOXCEL 2024 | ELECTRIFYING ELOQUENCEAfter the brilliant presentation of radio broadcasting, participants from the four c...
02/12/2024

VOXCEL 2024 | ELECTRIFYING ELOQUENCE

After the brilliant presentation of radio broadcasting, participants from the four clusters showcased their skill in the Extemporaneous Speaking Competition in Voxcel 2024.

Speakers captivated the audience with their ability to craft articulate, persuasive speeches on complex topics within a short time frame.

With poise and precision, they demonstrated their depth of knowledge and wisdom, leaving the crowd impressed by their impromptu brilliance.

The segment underscored the art of extemporaneous speaking, highlighting the participants’ ability to think on their feet and deliver powerful messages.





Glyphs-on-duty: Precyllda Dano, Martha Pagaling and Jelabelle Argente

VOXCEL 2024 | BROADCASTING BLITZContenders for the Radio Broadcasting competition stood in the spotlight as they deliver...
02/12/2024

VOXCEL 2024 | BROADCASTING BLITZ

Contenders for the Radio Broadcasting competition stood in the spotlight as they delivered captivating news segments.

Presenting unique special segments and infomercials, the crowd listened attentively to the engaging content of the broadcasters as they showcased their skills in scriptwriting, voice modulation and technical ex*****on.





Glyphs-on-duty: Hannah Santisteban, Martha Pagaling and Jelabelle Argente

VOXCEL 2024 | AMPLIFYING EXPRESSIONSMarking the event's midway, Kabilin Theatre and Arts Collective occupied the center ...
02/12/2024

VOXCEL 2024 | AMPLIFYING EXPRESSIONS

Marking the event's midway, Kabilin Theatre and Arts Collective occupied the center stage for an enchanting performance.

Illuminating the essence of self-expression, Kabilin delivered a rendition of an original song from the soundtrack of the animated series "Monster High."





Glyphs-on-duty: Marc Campos, Lexie Loayon and Jelabelle Argente

VOXCEL 2024 | EMANATING THE POWER OF WORDSCultivating the art of communication and aiming to celebrate the essence and p...
02/12/2024

VOXCEL 2024 | EMANATING THE POWER OF WORDS

Cultivating the art of communication and aiming to celebrate the essence and power of words, the Spoken Word Poetry competition commenced with the cluster of Lagoons setting the stage first, in which they pondered their thoughts around the question “What is freedom?”

Ultimately closing the competition proper for the segment and expressing their then-unsaid thoughts in the gymnasium, the cluster of Lycans graced the audience emphasizing that with every word they speak, they are bound to carve a path.





Glyphs-on-duty: Minneiah Otayde, Martha Pagaling, Lexie Loayon and Jelabelle Argente.

Address

Davao City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Petroglyphs - The Official Campus Media of SPC Senior High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to The Petroglyphs - The Official Campus Media of SPC Senior High School:

Videos

Share