"All is Well" 🤙
Ibinalita ni Senator Christopher "Bong" Go na nasa maayos na kondisyon si dating Pangulong Rodrigo Duterte taliwas sa pinapakalat umano ng ilan hinggil sa masamang balita tungkol sa dating pangulo.
Sa Facebook Live ng senador, sinamahan nito si Duterte sa kanyang doktor para magpa-regular check up.
"Health is Wealth, ika nga, kaya pangalagaan natin ang ating kalusugan tulad ni Tatay Digong. Sa mga nag-aalala, nagpapakalat ng masamang balita. Hindi po totoo. Okay si Tatay Digong. Ayan oh. Yan si doktora. Eyy tayo, mayor, eyy," ani Go.
📹 Sen. Bong Go/FB
Sapul sa CCTV ang pagpasok ng armado sa isang karenderya sa Brgy. San Roque, bayan ng Kitcharao, Agusan del Norte noong Sabado.
Makikita sa CCTV ang armadong lalaking naka-jacket, at binaril nito ang isa sa mga nagbabantay na tindera na agad ikinamatay nito.
Habang tumatakas ang ilang tindera ay nilimas ng suspek ang kita ng karenderya at ang bag ng biktima.
Ayon sa Agusan del Norte PNP, mabilis ding natukoy ang mga responsable at nahuli ang tatlong lalaking suspek.
Narekober ang nasa mahigit P30,000 na umano'y ninakaw na pera, dalawang kalibre ng baril, dalawang cellphone, dalawang bag, at mga jacket na ginamit umano ng mga suspek sa krimen.
PANOORIN: Emosyonal si PRO XI director PBGEN Nicolas Torre III habang nagbigay pugay sa kanyang yumaong ama, na isa sa mga fallen police officers, na nakaukit ang pangalan sa Bantayog ng mga Bayaning Pulis sa Camp Quintin Merecido, Davao City.
Ikinagalak din ni Torre na walang pulis ang namatay sa 16 na araw na police operation na humantong sa pagsuko ni Apollo Quiboloy.
"Nagpapasalamat ako sa inyong lahat, sa inyong mga sakripisyo noong nakaraang linggo. Together, we show the country and the world what the Philippine National Police can do," ani Torre.
"I am the happiest person that we did not add another name in this memorial. Naisagawa natin ang operasyon ng mapayapa at walang namatay sa atin."
PNP Chief Gen. Rommel Marbil, iginiit na galing sa KoJC compound si Apollo Quiboloy at hindi nanggaling sa Cotabato Province nang sumuko noong Linggo
PNP Chief Gen. Rommel Marbil, iginiit na galing sa KoJC compound si Apollo Quiboloy at hindi nanggaling sa Cotabato Province nang sumuko noong Linggo.
Kumpyansa naman itong ligal at walang nilabag na batas ang kanilang 16-day police operations sa KoJC compound sa kabila ng mga umano’y abuso at damage to properties, ayon sa religious group.
PNP Chief Rommel Marbil congratulates PNP for the successful KoJC operation
PANOORIN: 5-day break ang inanunsyo ni PNP Chief Gen. Rommel Marbil sa mga pulis na kasali sa police operations sa Kingdom of Jesus Christ. Magbibigay din umano ng regalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga pulis.
Pinangunahan ni Marbil ang “Talk to Men” kahapon aa Camp Quintin Merecido, Davao City at naki-boodle fight at nagpasalamat sa pagsisikap at paghihirap ng mga pulis.
Tiniyak naman ni Marbil na maibibigay ang reward sa mga informant at mga tumulong para mahuli si Pastor Apollo Quiboloy.
Live: Media Conference with Davao City Police Director, Col. Hansel Marantan on alleged angels of death and additional complainants against Pastor Apollo Quiboloy
Sulu ideneklara ng Supreme Court na hindi kasama sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ang Sulu bumoto ng NO laban sa pagsali sa BARMM noong 2019.
Inamin ni PNP Chief Rommel Marbil na may mga tipster na nakatulong para makumpirma ang presensya nina Pastor Apollo Quiboloy sa Bible School Building sa loob ng KOJC.
Idenetalye na ni BGen Nicolas Torre na sa Bible School nagtago si Pastor Apollo Quiboloy at mga kasama nito at hindi sa ipinapakalat na galing sa labas ng KOJC.
Ipinakita na sa publiko ng PNP si Pastor Apollo Quiboloy at mga kasamang akusado sa mga kasong kriminal
Si Quiboloy at mga kasama sumuko matapos ma-corner ng PNP sa loob ng Bible School sa KOJC compound at binigyan lamang ng 24 oras ultimatum, ayon sa PNP
Quiboloy napilitang lumabas dahil ang pulis malapit na sa kanya, ayon kay President Ferdinand Marcos,Jr.
Nakatakdang pasukin ng PNP ang isang building sa KOJC kung hindi ito sumuko sa loob ng 24-oras na ultimatum.
Matapos makuha ng mga otoridad sina Pastor Apollo Quiboloy at makaalis ang mga pulis sa KOJC, bumuhos ang malakas na ulan ngayong gabi.
BREAKING | Pastor Apollo Quiboloy nakuha sa loob ng KOJC matapos bigyan ng 24-oras para sumuko.
Kasama sa nakuha ang apat pang wanted sa kasong Trafficking in Person na ipina-aaresto ng Pasig RTC.
Umalis na sa KOJC Compound ang mga pulis matapos ipinag-utos ni BGen. Nicolas Torre kasunod nang pagka-huli kay Pastor Apollo Quiboloy.
Nasundan ng RNG News ang grupo ng RMFB nang bumalik sa Camp. Merecido, Catitipan, Davao City.
Live: Update situation sa KOJC
Breaking: Pastor Apollo Quiboloy nahuli na ayon kay Sec. Benhue Abalos
Muling iginiit ng Pulisya sa inilabas na mensahe ngayong araw na ipinapatupad lamang nila ang utos ng korte maging sino man ang tatamaan nito at walang halong pulitika ang kanilang.
Ang Police Regional Office 11, patuloy na naghahanap sa wanted na si Pastor Apollo Quiboloy at apat pang kasama nito sa loob ng KOJC compound sa Carlos P. Garcia Highway, Barangay Sasa,Davao City.
"Sana magpakita na sya," ang mensahe ni Senator Ronald Dela Rosa sa wanted na si Pastor Apollo Quiboloy.
Live: Senate holds committee hearing in Davao on PNP operation in KOJC
Live: Senate Committee on Justice and Human Rights holds hearing on PNP Operation in KOJC to arrest wanted Pastor Apollo Quiboloy.
[September 6, 2024]
Video: Courtesy of the Senate of the Philippines