22/10/2024
Kapag STAY AT HOME Mom ka, ang sasabihin sayo magtrabaho kadin para makatulong sa Asawa mo
Kapag WORKING MOM naman, sasabihin sayo hindi mo natututukan at naaalagaan ang Anak mo
Ang hirap maging Nanay,
Hindi mo alam kung saan kaba lulugar
Ang bigat ng EXPECTATIONS kapag NANAY ka,
Kailangan nagagawa mo lahat
Kailangan napagsasabay mo lahat
Hindi ka pwedeng magreklamo kapag napapagod kana
Kapag nagalit ka, o napagalitan mo ang Anak mo
Masamang ina kana😢
Kapag nagkasakit ka, kailangan kumilos ka parin
Dahil alam mong walang ibang aasahan ang anak at asawa mo
Kaya para sa mga NANAY na patuloy lumalaban
Sa mga NANAY na halos wala ng pahinga
STAY AT HOME O WORKING MOM
Alagaan mo din ang Sarili mo
Para sa Sarili mo
Para sa mga Anak mo
At para sa Asawa mo