01/12/2024
๐ฉ๐๐ฉ๐ ๐ฆ๐๐ก๐๐ข๐ฅ๐ฆ
๐ก๐ผ๐๐๐ฟ๐ฎ ๐๐ถ๐ฒ๐ฟ๐ฎ, ๐ป๐ฎ๐ด๐น๐ถ๐น๐ถ๐๐ฎ๐ฏ ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฒ๐ผ๐ป; ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฐ, ๐ผ๐ฝ๐ถ๐๐๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐
Napuno ng hiyawan at palakpakan ang Gymnasium ng Philippine Science High School Southern Mindanao Campus (PSHS-SMC) noong ika-29 ng Nobyembre nang itinanghal ang Grade 12 "Nostra Fiera" (Batch 2025) bilang Overall Champion ng Kalasag 2024.
Pagkatapos ng mahigit dalawang buwan ng paghahanda at pagsusumikap, nakamit nila ang kanilang inaasam-asam na kampeonato sa naturang kaganapang pinangungunahan ng Sports Club.
"We started preparing as early as October, knowing how busy we were as we juggled academics, college entrance exams, and other responsibilities. For us, time management was really important. The key element that brought us to this moment was our teamwork and dedicationโeveryone worked hard, supported one another, and stayed focused on our shared goals," paliwanag ni Rei Dawn Gamboa, Governor ng Batch 2025.
Dikit ang naging labanan para sa korona ngayong taon sapagkaโt tatlong puntos lamang ang naging kalamangan ng Fiera kontra sa Grade 10 "Azul Mayari," 244-241.
"Our batch feels incredibly happy and relieved. Winning this title has been a significant goal for us since last year, and itโs especially meaningful as itโs our final year. This victory showcases the culmination of months of hard work, determination, and unity," ani Gamboa.
Samantala, nakamit naman ng Grade 11 "Regalis Salvia" ang ikatlong puwesto (196 puntos); Grade 9 "Kasai Kaisers" ang ikaapat na puwesto (135 puntos); Grade 8 "Xanthous Hathors" ang ikalimang puwesto (126 puntos); at Grade 7 "Verdant Vespids" ang ikaanim na puwesto (64 puntos).
Kaugnay ng pagtatapos ng Kalasag 2024, nagdagdag ng isang pabilin ang Batch 2025 Governor, โAlways prioritize respect and kindness in everything you do. Work hard, but remember that growth comes from reflecting on your experiences and taking accountability for your actions. Aim to create a positive and inclusive environment, and focus on building memories and learning from every step of the journey.โ
๐พ๐ก๐ค๐จ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ง๐๐ข๐ค๐ฃ๐ฎ
Sa ginanap na Closing Ceremony, unang nagpakitang-gilas ang Sports Club sa kanilang Special Intermission Number, kung saan nagkaroon sila ng pasabog na entrance habang nakalulan sa isang sasakyan at sumayaw sila sa iba-ibang pop songs.
Sunod na binigyang-parangal ang mga nagwagi sa Minor Events na Chess, Tetris, Patintero, Hatakan ng Lubid, Table Tennis, Badminton, 4x100 Relay, at 50-Meter Dash.
Bago naman kinilala ang mga podium finisher sa Major Events, ginanap muna ang kauna-unahang takbo ng Theme Dance sa Kalasag: โengineersโ ang Grade 8, โphysicistsโ ang Grade 9, โchemistsโ ang Grade 10, โdoctorsโ ang Grade 11, at โarchitectsโ ang Grade 12.
Pagkatapos ginantimpalaan ang mga nanaig sa Major Events, itinakda naman ang mga Overall Winner ng Kalasag 2024.
Sinundan ito ng talumpati ni Julius Benedict Rios, Presidente ng Sports Club, tungkol sa diumanong matagumpay na pagtatapos ng Kalasag 2024 na ginanap mula noong ika-27 hanggang ika-29 ng Nobyembre.
"Cheers to everyone's effortsโstudents, batch governors, and most especially to our dear Sports Club. From the bottom of my heart, I would like to say thank you for the success of this year's Kalasag," aniya.
Nag-iwan naman ng mensahe si Dr. Jonathan Mancao, ang Tagapayo ng Sports Club, hinggil sa pakikilahok ng komunidad ng PSHS-SMC.
"Thank you to our supportive teachers... Sa ating management for giving the fundings and reviewing the proposal... To our advisers na walang sawang nagbabantay sa inyo during practices... Sa ating mga parents na nandito hanggang ngayon... And of course, sa aking Sports Club... Pasensiya na ako sa mga limitations namin sa pagco-calls. I'm challenging everyone, this even goes to the management, to the teachers, if gusto niyong hawakan ang Kalasag, welcome po kayoโฆ Hopefully, maging lesson sa atin ang Kalasag, at higit sa lahat, nag-enjoy kayo and gained a friend or two. Lahat tayo ang panalo," pahayag niya.
๐๐๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐ข๐ช๐ก๐
Ang Kalasag 2024 ay isang palatandaan sa ating mga prinsipyo bilang mga mag-aaral at indibidwal at sa mga bagay na maaari pang pagbutihin sa susunodโbago tayo pumili ng mga desisyon, atin munang siyasatin at kilatisin ang ating mga nais sabihin o gawin. Isa rin itong oportunidad upang maipamalas natin ang kakayahan ng mga iskolar na lumago sa isports at sining.
Higit sa lahat, binabati ng Bagwis-Agham ang lahat ng mga nakilahok at nagwagi sa Kalasag 2024, lalo na sa Batch 2025 para sa kanilang maalab na pagtatapos sa kompetisyon. Maraming salamat din sa mga nag-antabay sa aming page para sa mga update ng ibaโt ibang isports. Nawa'y magkikita-kita tayo muli sa Kalasag 2025.
๐ท: Kryste Irle Toledo, Christine Gomez, Rhaizyll Clyte Giltendez, Denzel Heart Hontanosas, Francis Gabriel Dangoy, at Zyescha Kiz Lim
๐จ: Anne Kyle Mantilla at Frezhia Eunice Minoy