12/07/2024
ILPS 7th International Assembly: Defeat Imperialism
Naging matagumpay ang ika-7 pagtitipon ng iba’t ibang sektor at organisasyon na bahagi ng International league of Peoples’ Struggle (ILPS). Bitbit ang mga panawagan at isyu sa iba’t ibang bansa upang ilantad ang pagsasamantala sa mamamayan dulot ng imperyalismo.
Sa apat na araw na mga talakayan makikitang walang pinagkaiba ang pamamasista ng sariling estado ng mamamayang Pilipino sa mamamayan ng ibang bansa. Dumaranas ng matinding redtagging, pananakot, pagdukot at pagsampa ng mga gawa-gawang kaso sa mga lider at miyembro ng mass organization at sa mamamayang lumalaban mismo. Magkaugnay ang mga ipinaglalaban para sa trabaho at nakabubuhay na sahod para sa mga manggagawa, lupa para sa mga magsasaka, paggiit ng sariling pagpapasya at pagdepensa sa lupang ninuno para sa mga katutubo.
Malaking bagay din ang masalamuha ang mga matatapang na lider organisasyon. Marinig sa kanila mismo ang mga isyu at pakikibaka at ang kanilang mga natagumpayan sa kolektibong pagkilos.
Bilang ang Sabokahan ay organisasyon ng mga kababaihang Lumad mahalaga na marinig ang kasaysayan, kasalukuyang genocide na nangyayari dulot ng zeonistang Isarael at pakikibaka ng Palestine. Dahil tulad ng mga nararanasang malawakang pagbakwit ng mga Lumad, pamamaslang, makailang ulit na masaker, at pambobomba ng mga paaralan Lumad ay nagpapakita lamang ito na walang pinagkaiba ang pamamasista at panghihimasok ng imperyalistang U.S sa bansa.
Pinupunduhan ng imperyalismong U.S ang zeonistang Israel upang durugin at sapilitang burahin ang mamamayan ng Palestine upang tuluyang maangkin ang bansa. Tulad ng lipunang Pilipino na kung saan ay hawak din ng U.S. Kung kaya makikita na karamihan na nagmamay-ari ng mga malalaking kompanya ng plantasyon, minahan at mega dams sa Mindanao ay pagmamay-ari ng imperyalistang U.S.
Kaya’t mahalaga ang pagtitipon ng mga sektor at organisasyon lokal at internasyunal na kung saan ay lumalaban para sa tunay na kalayaan ng lipunan na may pagkapantay-pantay at hustisya. Mahalaga ang papel ng ILPS para sa kolektibong pagtugon sa mga isyu ng iba’t ibang bansa at kolektibong pakikibaka.