07/03/2024
Good.morning mga lodi :)
Poging Mobile Legends Streamer
Davao City
8000
Be the first to know and let us send you an email when JunaX Gaming TV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.
Send a message to JunaX Gaming TV:
Ako nga po pala si Efren Usares Jr. Na discover ko tong streaming sa kasagsagan ng Pandemic na nagpabago sa pananaw ko sa aking buhay. Akala ko kasi puro nalang malas dumarating sa buhay ko everytime may magandang nangyayari. Year 2011 ako naka Graduate ng College (Electrical Engineering) proud na proud mama at papa ko dahil out of ilang graduating sa EE dept. isa ako sa tatlong nakapasa. Yung kasi yung panahon na 3hrs lang tulog ko kasi waiter ako sa restaurant habang nag aaral at talagang sobra pagsubok that time. Sobrang saya kasi kahit di pa ako naka take ng board natanggap ako agad sa Work (San Miguel Corp. pa nga) the day na binalita ko kay mama at papa na start na ako kinabukasan is the saddest day of my life. Inatake si mama at after 3days sa ICU kinuha na sya ni LORD. Kainis noh?kasi yun na yung time na makakabawi na sana ako kay mama at papa but then bigla pa syang kinuha ni Lord. Muntik na ako nawalan ng gana magpatuloy but then I know magagalit si mama kung di ako nagpatuloy kaya laban lang.. Kasi syempre naman nanjan pa si Papa at mga kapatid ko. Eto na nga sobrang lucky ko kasi yung work place ko sobrang pinapahalagan nila ang performance ng isang employee kaya sunod sunod magagandang nangyari sa career ko. Yung lupa namin na nasangla dahil sa pag aaral naming magkakapatid nakuha namin ulit. Super happy. then naka help ako kahit konti sa aking kapatid sa pag aaral nya. Then nakapagpundar pa ako ng internet cafe na pangarap ko. Then nakakuha pa ako ng Kotse at iba pa na pangarap ko lang dati. But then talagang bilog ata ang mundo. Year 2017, biglang nangyari ang nagpabago ng aking buhay. Isang malaking pagkakamali ang nagawa ko dahil sa Scam Scheme na nasalihan ko. As in sobrang down ko after nun. Nawawala ako sa sarili ko. Nag iba ang ihip ng hangin. Marami akong kaibigan na kalaban na tingin sa akin. Meron pa ngang tinuring ko na kapatid na nagawa pa akong ipa NBI. Sobrang sakit at hapdi. Tanga kasi ako hehe... nasilaw sa easy money. kaya nadamay pa ibang kaibigan ko at kakilala.
Lahat ng pinaghirapan ko nawala ng isang iglap. Then pati work ko ay nadamay pa. Kasi wala na ako sa focus then may issue pa sa kasamahan ko na di ko nalang i discuss hehe nakisabay pa sa depression ko . Akala kasi nila sobrang strong ko. Iba kasi image ko guys masayahin at strong. Pero deep inside durog na durog na ako. Nagka hope kami nung 2018 kasi kasama ko sa na scam tinulungan kami at babangon daw kami ulit. Pero nung time na feel namin na makakabangon na kami naiwan kami sa ere. Ayun hehe... Another sad part na naman hehe.. Umuwi ako sa davao dala ang napakabigat na problema. Kaka retire lang ni papa at alam nyo ba. Talagang sobrang bait ni papa.. Tinulungan nya ako mkapag business at talagang pinagsikapan namin na imanage ng one and only partner ko na sobrang napakabait at supportive ( JOY 11yrs na kami ha sa hirap at ginhawa hehe). Ayun na nga hehe ..sobrang pasalamat namin kay Lord kasi syempre nagclick naman. Pero eto na naman yung tinatawag na pag ikot ng gulong ng buhay hehe..tinamaan na naman kami kasi biglang nagka pandemic hehe..cancelled lahat ng events.. Sobrang hindi ko na alam gagawin hehe as in ...Super nawalan na ako ng gana sa buhay. Pero nung April nag try ako mag stream kasi gusto ko mawala yung mga tumatakbo na masasama sa isip ko hehe...So start na ako.. and then napakahirap pala mag stream noh kung walang nanunuod hehhe..1 viewer ko sometimes si Joy or sometimes yung dummy account ko na ino open ko sa ibang browser. So i decided na stop na g**o hehe... Pero nung may biglang pumasok sa isip ko na parang gusto ko talaga subukan pa. Kaya yun na nga may mukha na ako sa live then shock ako kasi merong mga taong biglang lumabas at nagbigay ng tulong as in. Wala akong kakayanan na mag pa raffle or what pero nanjan sila para mag sponsor. Till now nanjan pa rin sila always. Yung dating 1 viewer ko every live nadagdagan ng nadagdagan. Then hanggang ngayon patuloy na nadadagdagan pa. Sobrang saya ko kasi yung dating ako na namiss ko ng ilang taon . Unti unti ng bumabalik nang dahil sa streaming life ko now. Marami akong bagong kaibigan. Marami akong bagong matatawag na kapamilya.Hindi man ako totally nakakabangon sa pagkakadapa . Pero ngayon magaaan sa pakiramdam na nabago ng streaming yung pananaw ko sa buhay. Akala ko kasi buong buhay ko na sisisihin ang sarili ko sa mga maling desisyon ko sa buhay . Sobrang haba na guys noh? Pero gusto ko lang sabihin guys.. “ Kahit ilang beses kapa madapa as long as merong isang taong naniniwala sayo na kaya mo makakabangon at makakabangon ka rin” “ at ang taong number one na dapat maniwala na kaya mo is walang iba kundi yung sarili mo” Jackpot lang ako kasi nanjan si Joy ^_^ yung isang nakakita at isa sa nga taong talagang di ako iniwanan, Syempre sa family ko din at ibang mga special friends ko. Basta maraming salamat at sana sabayan nyo ako sa aking pagbangon guys hehe..
#junaxgamingtv pasok sa banga ^_^ This it pancit...