30/08/2024
Matagumpay na nakapamahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng tig-tatlong libong pisong ayuda sa 500 mag-aaral ng baitang 12 na mga anak ng botante ng Dasmariñas nitong umaga ng Agosto 30, Biyernes na ginanap sa San Agustin II Covered Court.
Nagmula sa mga paaralan ng Dasmariñas Integrated High School, Dasmariñas East Integrated High School, Emmanuel Resurrection Congressional Integrated High School, Paliparan III Senior High School, at Paliparan II Integrated High School ang mga estudyanteng nakatanggap ng ayuda kasabay ng Tulong Eskwela Program.
Sa kabila ng itinakdang call time na alas-8, nagsimula ang pamamahagi ng ayuda ng alas-11 ng umaga matapos hintayin ang pagdating ni Mayor Jenny Barzaga.
Kaugnay nito, inanunsyo ni Mayor Barzaga na magkakaroon pa ng karagdagang pamamahagi ng ayuda sa iba't ibang strand at paaralan mula sa Dasmarinas sa mga susunod na hindi pa tiyak na petsa.
Binanggit din ang ground breaking ng University of the Philippines (UP) Dasmariñas sa Setyembre na inaasahang magpapalago pa sa lungsod.
Isinulat ni: Adelaine Magalang