Miimom Ar 'Series

Miimom Ar 'Series Focus on your little family. Nothing else matters.πŸ’―πŸ’• LEYNA ❀️ MIYAH ❀️ DIIDAD

Kapag kompleto to, kompleto naden ang buhay ko.Ganto karen ba miima?Bukod sa makitang masaya at malusog ang mga anak nat...
29/08/2024

Kapag kompleto to, kompleto naden ang buhay ko.

Ganto karen ba miima?
Bukod sa makitang masaya at malusog ang mga anak natin.

Nagiging kasiyahan din ng karamihan sa ating mga nanay ,ang mapanatiling kompleto ang mga bagay na to.. (gatas, diaper, distilled water, wipes, vitamins)
Mga pangangailangan ng ating mga anak lalo na kapag nasa newborn hanggang grumadweyt stage na tayo mga mommies!.

Kapit lang! Pasasaan pa at darating ang oras na hindi na nila kakailanganin pa ang mga bagay na to. Dahil pambaon at tuition fee naman sa school ang sunod nating iisipin. πŸ˜…πŸ˜‚

Pero habang maliit pa sila enjoyin na muna natin ang pagiging isang ina. πŸ₯°

Basta habang maliit pa sila at kailangan pa ang mga ito ,kapag kompleto to, pakiramdam ko napaka blessed kong nanay! πŸ˜‡

-miimom ar.

Sana nga gano'n na lang kadaling tumigil at tumakas sa lahat. Ang kaso kahit naman gaano na ako kapagod, parang mas hind...
14/08/2024

Sana nga gano'n na lang kadaling tumigil at tumakas sa lahat.
Ang kaso kahit naman gaano na ako kapagod,
parang mas hindi ko kayang sumuko na lang.
Dahil Hindi na lang ako nabubuhay para sa sarili ko.
Hindi ko pwede ihinto ang oras kung kelan ko gusto.
Kailangan kong magpatuloy at isang tabi
Ang lahat ng nararamdaman ko.
Dahil ngayon,
Nabubuhay na ako para sa mga anak ko.
At mas mahalaga sila kaysa sa buhay ko.

Ctto. Nanay Talks.

" AYAW NIYA KAY JINKEE."Mommy Dionisia hindi pala sumipot sa kasal nila ni Jinkee kasi hate ni Mommy D si Jinkee. MANNY ...
12/08/2024

" AYAW NIYA KAY JINKEE."

Mommy Dionisia hindi pala sumipot sa kasal nila ni Jinkee kasi hate ni Mommy D si Jinkee.

MANNY in his own words:

β€œNagpakasal kami ni Jinkee, wala yung magulang ko kasi ayaw niya kay Jinkee. Yung magulang lang ni Jinkee ang nandoon. Nandoon mga relatives niya.
Ang kasama ko, yung kapatid kong isa. Wala na. Ayaw ng mama ko kay Jinkee noong araw pa, pero unti-unti na niyang naintindihan na kailangan palang suportahan ang anak para maging masaya at maging masaya din ang magiging lola. Nakita niya na masaya ang pamilya namin."

" Ta's tinutulungan namin siyaβ€”kahit na hindi niya kami sinipot, nagagalit siya sa amin, nagagalit siya kay Jinkee, sa akin.
E, we still love our mother and father."

" Later on, naintindihan naman nila na hindi naman sa habang buhay laging nandiyan sa poder nila ako nakatira, kami nakatira. Later on, naintindihan din."

" Huwag lang natin awayin yung magulang natin. Kasi sa ayaw at sa gusto natin, iisa lang ang magulang natin. Kapag sila nawala, mahirap yun."

" Hindi ko rin naman sinasabi na maka-Mama ako, na Mama's Boy ako. That's our responsiblity. We should love our parents. Palagi ako nag-'I love you sa mama ko, sa mga magulang ko, sa mga kapatid ko, sa asawa ko.
Sa magandang sitwasyon man o hindi magandang sitwasyon, palagi akong nag-'I love you' sa kanila."

Kasi, hindi natin alam ang buhay, e. Mamaya wala na tayo, bukas wala na tayo...”

- Manny Pacquiao
( Boxing champ )

Ctto

πŸ“·

Sabi nga sa kanta: "kwento mo yan, masama kami diyan"Marahil ay meron ang ilan sa atin na naka encounter na nito. Sinisi...
11/08/2024

Sabi nga sa kanta: "kwento mo yan, masama kami diyan"

Marahil ay meron ang ilan sa atin na naka encounter na nito. Sinisiraan tayo sa ibang tao dahil baka:
1. May galit sila sa atin
2. Naiinggit sila sa atin
3. Baka totoong nasaktan natin sila
4. O baka wala lang. Lifestyle na nila ang pagusapan ang ibang tao.

Totoong masakit ito kasi wala tayong kalaban laban para ipagtanggol ang sarili natin. Pero ayos lang din kasi wala naman tayong kailangang patunayan lalo na kung alam natin ang tunay na dahilan.

Minsan mas okay na wala ka nalang pake--- sayang kasi sa oras at effort. Pero vice versa, kung may nasaktan din naman tayo, keep it private at huwag na natin sila siraan para iangat ang sarili sa iba.


Live your life.
Mind your own business.
Be happy with who's infront of you.
Surround yourself with people na hindi kayang gawin sa atin ito.
Pray for healing and forgiveness.
Think before you speak.

CTTO.

Sana magbago na din yung mga magulang na mahilig mang-guilt trip sa mga anak nila tapos magququote pa ng Bible verse na ...
10/08/2024

Sana magbago na din yung mga magulang na mahilig mang-guilt trip sa mga anak nila tapos magququote pa ng Bible verse na
"Honor thy father and mother"
without realizing that it works both ways dahil ang kadugtong nun ay..
"Parents, don't provoke your children to anger". Hindi yan one-way and in favor only to the parents.

Kaya maraming bata/anak ang nagkikimkim ng sama ng loob sa mga magulang dahil sa guilt-tripping cycle.
Ang gusto nila, sila lang ang nirerespeto, sila lang ang pinapakinggan, sila lang ang masusunod at sila lang ang may say dahil magulang sila.
Nase-set aside na yung feelings at emotions ng anak at lumalaki nalang na may sama ng loob dahil never sila napakinggan at na-acknowledge.

Parents, remember that it's easier to build a strong and loving relationship with your children than to repair a broken adult.



Ctto.

TATLONG OPINYON dito sa Jowa-GoldenBoy-Mother IssueπŸ₯‡βœ¨1. π—₯π—˜π—¦π—£π—˜π—–π—§ π—¦π—›π—’π—¨π—Ÿπ—— π—•π—˜ π— π—¨π—§π—¨π—”π—Ÿ.Hindi lang anak sa magulang ang dapat m...
10/08/2024

TATLONG OPINYON dito sa Jowa-GoldenBoy-Mother IssueπŸ₯‡βœ¨

1. π—₯π—˜π—¦π—£π—˜π—–π—§ π—¦π—›π—’π—¨π—Ÿπ—— π—•π—˜ π— π—¨π—§π—¨π—”π—Ÿ.
Hindi lang anak sa magulang ang dapat may respeto. Ang magulang sa anak ay dapat may respeto rin sa kanyang pagkatao.

Giving respect to your children doesn’t mean you submit to them. It only means you acknowledge their right to make decisions because after all, hindi mo sila pag-aari. Anak mo sila, pero hindi mo sila propertyπŸ˜‰

2. 𝗔𝗦 𝗔 π—šπ—™/𝗕𝗙/𝗔𝗦𝗔π—ͺ𝗔, π—œπ—ͺπ—”π—¦π—”π—‘π—š π— π—”π—žπ—œπ—¦π—”π—ͺ𝗦𝗔π—ͺ 𝗦𝗔 π—œπ—¦π—¦π—¨π—˜ π—‘π—š π—£π—”π— π—œπ—Ÿπ—¬π—” π—‘π—š π—œπ—¬π—’π—‘π—š 𝗣𝗔π—₯π—§π—‘π—˜π—₯

This is a very important lesson. Wag po tayong nakikisawsaw. Ibigay natin sa kanila yung freedom na pag-usapan at pagdesisyunan yung nga bagay na para sa kanilang pamilya. Yes you can give advice to your partner, but hindi ka pwedeng nakikialam.

In one of the videos I watched from Chinkee Tan’s interview on a famous Entrepreneur, isa sa mga natutunan kong lesson is: Wag manghimasok sa away pampamilya ng iyong asawa.

When siblings or mag-ina/ama have discussions and issues, it can be resolved kasi hindi nila matitiis ang isa’t isa. Andun ang pagmamahalan at pagtutulungan kahit anong mangyare. Blood is thicker than water nga eh, db? BUT, kapag may nanghimasok nang ibang tao sa usapan, mas lalong NAGKAKALABUAN.

Matutong lumugar.

3. π—”π—Ÿπ—ͺ𝗔𝗬𝗦 π—•π—˜ π—šπ—₯π—”π—§π—˜π—™π—¨π—Ÿ 𝗧𝗒 𝗬𝗒𝗨π—₯ 𝗣𝗔π—₯π—˜π—‘π—§π—¦.

Kahit anong mangyare, magkamali man sila along the wayβ€” pay GRATITUDE to your parents. Magpasalamat. Magpatawad. Magpahalaga.

Nakikita lang natin yung mali nila nung nagkaisip na tayo, pero hindi natin nakita ang mga sakripisyo nila nung wala tayong magawang tama sa buhay kundi umiyak, dumede at kumulit.

Matagal nila tayong pinatawad at pinagtiyagaan, sana gawin din natin yan kapag sila naman ang nangailangan.

πŸ˜‰βœ¨

CTTO: Tita Kim

Maniwala ka:PAG MABUTI KA SA ANAK KO, dodoblehan ko pa ang kabutihan mo.kahit simpleng bigay mo sa anak ko naaapreciate ...
09/08/2024

Maniwala ka:
PAG MABUTI KA SA ANAK KO, dodoblehan ko pa ang kabutihan mo.

kahit simpleng bigay mo sa anak ko naaapreciate ko yun.
Kung anjan ka pag bday ng anak ko,
Kung makikita ko ung pagmamahal mo at kabutihan mo sa anak ko,
Yung kahit simpleng pasalubong lang na nagsasabing naaalala mo ang anak ko,
Di ko nakakalimutan yun.

Kahit sino ka man sa buhay ng anak ko,
Tita, tito, lolo, lola, ninang, ninong, kaibigan,
Pag nagpakita kang pagmamahal sa anak ko, mamahalin din kita ng buong puso ko.

Pag dumating ang araw na kailanganin mo ng tulong,
Ako naman ung andito para sayo.
Di ako makakalimot.
Kase mahal ko ang lahat ng nagmamahal sa anak ko.
Pag anak ko na ang pinakitaan mo ng kabutihan,
Tagos yan sa puso ko.

THE BEST THING THAT YOU CAN DO TO A MOTHER IS TO LOVE HER CHILD.

Words by: Nanay Talks
CTTO: Nanay Talks

I have reached 3.5K followers! Thank you for your continued support. I could not have done it without each of you. πŸ™πŸ€—πŸŽ‰β™₯️
02/08/2024

I have reached 3.5K followers! Thank you for your continued support. I could not have done it without each of you. πŸ™πŸ€—πŸŽ‰β™₯️

Huwag mong baguhin ang sarili mo,huwag mong itago ang tunay na ugali mo,huwag kang matakot magpakatotoo,ipakita mo lang ...
02/08/2024

Huwag mong baguhin ang sarili mo,
huwag mong itago ang tunay na ugali mo,
huwag kang matakot magpakatotoo,
ipakita mo lang yung mga tunay sayo.

Hayaan mong magalit sila sa pagpapakatotoo mo,
hayaan mong masuklam sila sa tunay na ugali mo,
hayaan mong mamuhi sila sa mga pinapakita mo,
hayaan mong mainis sila sa mga sinasabi mo,
hayaan mong mayamot sila sa ugali mo,
hayaan mong mairita sila sa galawan mo,
hayaan mong umiwas sila sayo dahil sa istilo mo.

Hindi mo kailangan i-please ang mga tao,
para magustuhan ka at ang mga ginagawa mo,
basta alam mo sa sarili mo,
na tama at mabuti ang ginagawa mo,
at wala kang inaapakang tao,
ay wala kang dapat ipangamba o ikabahala tol.

Ccto.

09/05/2024

Salute to all mothers na walang sawang nag aalaga ng makukulit na bulilit❀️🫑πŸ’ͺ🏻
naway bigyan pa Tayo ng mahabang pasensha ng maykapal at laging protektahan ang ating mga malilikot na anakπŸ˜‡

Happy Mother's day mga ilaw ng tahanan!❀️

Address

DasmariΓ±as
4114

Telephone

+639753404728

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Miimom Ar 'Series posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Miimom Ar 'Series:

Videos

Share


Other Digital creator in DasmariΓ±as

Show All