11/05/2024
I copy this from a page and i edit and added some words.
"Parang lumalabas na pinapakain ko kayo",
from "PALAMUNIN KO KAYO"
"Kung hindi ako magtrabaho, paano kayo"
from "Kung wala ako, paano ka"
"Sige, ako sa bahay, ikaw kumayod"
from "Palit tayo. Ako sa bahay, ikaw magtrabaho"
"Saan ba napupunta sweldo ko?"
"lagi ka nga lang nakaupo, Ano ikinapagod mo?"
Ilan lang yan sa mga salitang naririnig natin sa mga asawa natin. Mga salitang para kang walang silbi sa buhay. Yan yung salitang isinusumbat dahil sa tingin niya ay wala kang naitutulong. Bakit nung time ba na Wala sila at buntis ka at nanganganak andiyan ba sila. Yung gabi gabing puyat, nagpapalit ng diaper, magpapa dede, mag hugas ng mga bote at maglaba ng mga damit nila May natinig ka ba?
Akala kasi ng ibang asawa sila lang ang may karapatang mapagod. Akala nila sila lang ang may ambag at pakinabang. Akala nila dahil sila ang nag-aakyat ng pera, sila lang ang may karapatang mapagod, magpahinga, at lumigaya.
Well, FYI, parehong napapagod ang nagtatrabaho at ang nasa bahay. Hindi lang kasi nila nakikita dahil wala sila. Kung nakikita mo mang nagcecelpon, nanonood ng tv o ano ang ginagawa May karapatan naman siya magpahinga dahil siguro tulog ang bata o Tapos na ang ginagawa. wag nating sukatin kung sino ang mas pagod. parehong napapagod, parehong may naiaambag at parehong kailangan ng pahinga at maayos na tulog.
Alisin natin yung salita na kapag nasa bahay ay walang ginagawa at puro celpon, nood ng tv at hilata lang. tapos sasabihin pinapakain ko kayo at ako nagtratrabaho, Kaya sumunod kayo sa mga Inuutos ko at sinasabi ko. Kung Ayaw niyo lumabas kayo.
Sana lang, yung mga asawa diyan wag niyo naman sila ibaba masyado porke Hindi nagtrabaho at kayo ang nagtratrabaho, huwag niyo rin iparamdam sa asawa niyo na kaya niyo sila. E Kung ganyan pala ang pananaw mo e di sana hindi ka na nag asawa, Kung alila pala ang hanap mo.
THAT IS VERY WRONG. YOUR SPOUSE IS YOUR PARTNER, NOT YOUR SLAVE.
Let this sink in to everyone.
PS:
To everyone experiencing this:
Huwag hahayaan na mapanghinaan ng loob dahil sa mga ganyang salita. We should know our worth as a person. Huwag ibabase ang halaga sa sasabihin ng iba.
YOU ARE WONDERFULLY MADE AND YOU ARE DOING GREAT. YOU ARE LOVED AND YOU ARE WORTH IT. ❤
Ctto
(c) Hugot ni nanay sa buhay