25/06/2025
๐๐ฟ๐ฒ๐๐๐ฒ๐ฑ ๐๐ผ ๐๐บ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐๐: ๐๐ป๐ด ๐ข๐ข๐ง๐ ๐ป๐ด ๐๐ธ๐ถ๐ป๐ด ๐๐๐ต๐ฎ๐ ๐๐ผ๐น๐ฒ๐ต๐ถ๐๐ผ
๐ฏ๐ช ๐๐ข๐ต๐ฉ๐ข๐ฏ๐ช๐ฆ๐ญ ๐๐ฆ๐ณ๐ช๐ญ๐ญ๐ฆ๐ด
Sa mundo ng kolehiyo, hindi lang grades ang labananโpati outfit, minsan kailangan ng extra credits.
Life is a runway, kaya mahalaga ang outfit choices. Kaya naman, hayaan niyo akong dalhin kayo sa fashion timeline ng buhay ko o marahil, buhay niyo rin. Hindi lang ito basta usapang porma, kundi kuwento ng bawat kabanata ng aking four (o baka five?) years na gala sa unibersidad.
๐๐ฒ๐ฒ๐น๐ถ๐ปโ ๐๐ฟ๐ฒ๐๐ต: ๐๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ถ๐ฐ ๐ป๐ฎ ๐๐น๐ฎ๐ฐ๐ธ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ช๐ต๐ถ๐๐ฒ ๐๐ผ๐บ๐ฏ๐ผ
Sino ba ang hindi dumaan sa "freshie starter pack"? White polo, black pants, at sapatos na mukhang pang-misa pero pang-araw-araw pala. Ito ang panakip ng aking kaba noong unang araw na parang Final Boss Level sa laro ng buhay. Sabi nila, โDress to impress,โ pero freshie pa lang ako noonโโdress to surviveโ muna. Dahil sa hindi pa ako nakapagpapapatahi ng uniform at hindi pa niri-release ng CSC ang seal and plates, wala akong magawa kundi piliing magmukhang magte-take ng Civil Service Exam araw-araw. Pero okay lang, kasi fresh pa sa fresh and atake. Nakakahiya naman magmukhang senior kahit first year pa lang.
Kung gaano ako ka-fresh noon ay ganoon din ka-fresh sa aking mga alaala ang kahapon. Naalala ko pa noong una akong tumapak sa unibersidad. Wala akong kakilala, pero gumawa ang tadhana ng paraan para makilala ko ang mga taong bumubuo sa pagkatao ko. At hulaan nโyo kung ano suot nilaโsyempre puti rin. Silang mga nakaputi ang nakasabay ko kumain sa canteen tuwing lunch break. Sila ang sumama sakin na kumain sa labas pagkatapos ng klase. Silang mga nakaputi ang sumabay sa pag-iyak ko noong hindi ako pumasa sa isang exam ko.
Sila yung mga nakaputi na tumigil noong natanggalan ng sintas ang sapatos ko. Hinintay nila ako. At sinabayanโsinabayan sa mga hamon ng buhay.
๐ฆ๐ผ๐ฝ๐ต๐ผ๐บ๐ผ๐ฟ๐ฒ ๐ฆ๐๐ฎ๐ด: ๐๐ต๐ฎ๐ธ๐ถ-๐ฐ๐ผ๐น๐ผ๐ฟ๐ฒ๐ฑ ๐๐ผ๐ผ๐ฑ๐ถ๐ฒ ๐ฎ๐ ๐๐ผ๐ด๐ด๐ฒ๐ฟ ๐๐ฎ๐๐
Dito na nagsimulang lumabas ang tunay koโng kulayโkhaki, gray, at black. Naka-hoodie ako na parang armor laban sa lamig ng aircon sa library na feeling Alaska. Naka-hoodie ako kahit tumatagaktak ang pawis ko dahil isa lang ang gumaganang electric fan sa room. Palagi akong napagkakamalang may sakit. Bukod sa hoodie, binuhay rin ako ng jogger pants. Kahit na hindi pa napaplantsa pero keri na. Gymrat ang fantasy ko na mag-a-attend ng zumba class sa Embarcadero pagkatapos. Ito rin ang panahon na low-key tamad pero stylish pa rin. Sapatos? Yung luma koโng rubber shoes na parang sinabuyan ng cornstarchโputi na hindi na talaga puti.
Chill guy lang atake ko, pero ang totoo, nagsisimula nang bumigat. Nagiging mahirap na pumasa sa bawat exam. Nagiging madalas na ang pagpirmi sa bahay kesa gumala. Napapadalas na ang pag-inom ng dalawang tasa ng kape tuwing hating-gabi. Napapadalas na ang matulala, malungkot, at umiyak.
Biglang bumibigat, lumalalim, at nakalulungkot.
๐๐๐ป๐ถ๐ผ๐ฟ ๐๐ฟ๐ถ๐ป๐ฑ: ๐ง๐ต๐ฒ ๐๐ถ๐ด๐ด๐ฒ๐๐ ๐๐น๐ผ๐ ๐จ๐ฝ
Dumating na ang thesis defense season. Kaya naman, corporate attire ang naging default koโcoat na laging kulubot, at slacks na minsan may konting kanin pa sa bulsa. Ang peg: "I'm serious pero may kalat pa rin." Pinakamalala? Yung sapatos ko na medyo gutomโmedyo nakanganga na kasi. Pero ito rin yung "glow up phase" ko. Nag-color analysis kami kasama ang mga kaibigan ko sa department store gamit ang mga damit doon at nalaman ko na hindi pala bagay sa skin tone ko ang brown. Kaya nagpalit ako ng kulayโblue, cool, and dark tones.
Marami ang nakapansin sa aking pagbabago ng anyo. Napansin ito ng mga classmate ko. Napansin ng mga professor ko. At, napansin niya rin. Sinong โniyaโ? Eh di si โanoโ, basta si โanoโ. Bukod pala sa glow up era, ay โin-love eraโ ko rin pala ito. Sino ba namang hindi mahuhulog ang loob kung sasabihan ka na bagay sayo ang mga damit na inakala mong hindi. Bagay raw sakin ang naka-polo shirt. Napa-check out tuloy ako sa Shopeeโng polo shirt na naka โbuy one-take one.โ Magastos pala magmahal. โMahal agad?โ Oo, mabilis ako ma-fall eh.
Sabi nila, ang pinakamahirap daw sa lahat ng taon sa kolehiyo ay ang third year. Totoo pala ang balita. Mahirap nga talaga. Pero, kinakaya koโmay taga-cheer up eh. Sana ranas nyo rin. Totoo pala na kahit gaano kahirap ang mga pagsubok sa buhay, ay magiging madali ito kapag may kasama ka. Wala kang jowa? Huwag ka mag-alala, hindi lang naman jowa ang pwede mo makasama, pwede rin kaibigan, pamilya, o pati alagang nโyong hayop. Dapat lang natin magpagtanto na may kasama tayo, at hindi tayo mag-isa sa buhay. Mahirap ang buhay, pero dapat umusad pa rin dahil may kasama tayo, may kakampi, may katuwang sa pagpasan sa bigat ng mundo.
๐ฆ๐ฒ๐ป๐ถ๐ผ๐ฟ ๐ฆ๐๐ฎ๐ด๐ด๐ฒ๐ฟ: ๐๐ฒ๐๐ ๐๐ฟ๐ฒ๐๐๐ฒ๐ฑ, ๐ญ๐ฒ๐ฟ๐ผ ๐ฆ๐๐ฟ๐ฒ๐๐?
Itโs internship season, kaya I only act professional. Di muna ako magiging joker, seryoso muna. Di makabasag pinggan ang atake araw-araw. Dahil senior year na, dapat elevated na rin ang fashion sense ko. Ang fantasy ko ay โif itโs not YSL, I donโt want it.โ Syempre biro lang โyan dahil wala nga ako pera pambayad sa boarding house ko. Pero kung usapang fashion, mas mature at maayos na ako manamit. Old money aesthetic, soft boy, at cottage core ang atake lagi. Nag-level up ang fashion choices koโexperimental na sa kulay, shoes na hindi na nadulas sa hallway, at confidence na parang uminom ng three-in-one na kape. Yung confidence ko this year parang siguradong ga-graduate na talaga (kahit medyo alanganin pa).
Hindi lang din fashion sense ang nag-level up saโkin, pati na rin ang kamalayan ko sa reyalidad. Ngayon, mas alam ko na kung ano ang gusto ko sa buhay. Mas alam ko na kung saan ako pupunta. Mas alam ko na kung anong landas ang tatahakin ko. Marahil, lahat ng mga karanasang natamo ko sa mga nakalipas na taon ang naghatid sa akin dito.
Ngayon, ang tanging bumabagabag sa aking isipan ay kung anong damit naman ang isusuot ko pagkatapos ko sa kolehiyo. Iyong damit bang makakabuhay ng isang pamilya? O โyung damit na magpapatamo sakin ng kakarampot na sweldong sapat lamang para mabayaran ko ang mga bayarin sa tubig at kuryente. Makapagsusuot ba ako ng damit na kung saan ay makagagalaw ako nang malaya? O iyong damit na hubad?
Nalalapit na ang araw ng aking pagtatapos sa kolehiyo. Kung tatanungin mo ako kung ano nararamdaman ko, marahil โhindi ko alamโ ang maisasagot ko. Masaya ba ako? Marahil oo, dahil sa wakas natapos rin. Malungkot ba ako? Oo, dahil simula na ng totoong laban. Wala akong alam kung anong buhay ang tatamasain ko pagkatapos nito, ngunit dalangin ko na sana ay masuot ko ang damit na ninanais ng puso ko.
๐๐ฟ๐ฎ๐ฑ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐น๐ผ๐: ๐๐น๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ฆ๐ฒ๐ฐ๐๐ฟ๐ฒ๐ฑ
At sa wakas, eto naโang paborito kong outfit sa lahat: barong with the alampay. Mukha akong pulitikong mangangako pero mapapako lang naman. Damang-dama ko ang pagka-Pilipino. Suot ko rin ang alamapay na hiniram ko lang sa iba kasi ang mahal pala. Nakangiti ako habang suot ito, pero deep inside, naaalala ko ang lahat ng "laba-hugas-kain-aral" na pinagdaanan ko para lang maisuot ito.
๐ข๐ข๐ง๐ ๐๐น๐ฎ๐๐ต๐ฏ๐ฎ๐ฐ๐ธ
Ang kolehiyo, parang fashion show. Hindi mo man napansin, bawat damit na sinuot mo, may istorya. Ang iba, suot mo para itago ang lungkot; ang iba, para ipakita ang tapang. Kaya next time na makita mo ang lumang hoodie mo o ang nagkapunit-punit moโng slacks, tandaan mo: hindi lang 'yan basta tela. Yan ay bahagi ng kwento moโng mga alaala, ng saya, at oo, pati ng mga sablay.
Kaya sa mga nagbabasa nito, anong outfit mo ngayon? Panalo ba sa porma, o sakto lang? Basta ang mahalaga, kahit anong suotin mo, ikaw pa rin ang bida.
๐๐ช๐ฃ๐ถ๐ฉ๐ฐ ๐ฏ๐ช ๐๐ช๐ฅ๐ฆ๐ญ๐ช๐ต๐บ ๐๐ฐ๐ณ๐ข๐ฏ๐ต๐ฆ, ๐๐ฉ๐ช๐ฆ๐ง ๐๐ณ๐ฆ๐ข๐ต๐ช๐ท๐ฆ ๐๐ง๐ง๐ช๐ค๐ฆ๐ณ