30/10/2024
𝐀𝐁𝐈𝐒𝐎 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎:
Kasalukuyang nakararanas ng pagkaantala sa koneksyon ang Land Transportation Management System (LTMS) dahil sa teknikal na isyu sa aming Internet Service Provider (ISP).
Tinitiyak namin na ang aming network team ay kasalukuyang nakikipagtulungan sa ISP upang mabilis na maibalik ang normal na operasyon ng serbisyo.
Humihingi kami ng paumanhin sa anumang abalang naidulot nito. Makakaasa kayo na agad naming ipapabatid ang update hinggil sa sitwasyong ito.