100.7 Star FM Dagupan

100.7 Star FM Dagupan Serving the nation thru music and information. This is STAR FM, the music station of Bombo Radyo PH

21/12/2024

16 YEARS OLD PRACTICAL SHOOTER ATHLETE NA SI ACOL BULLET PASCUAL ITINANGHAL NA KAMPEON SA KATATAPOS LAMANG NA 46TH SEASA IPSC CHAMPIONSHIP 2024 NA GINANAP SA LIPA CITY BATANGAS

21/12/2024

HEADLINE:
1.) Taas-presyo ng produktong petrolyo asahan sa susunod na linggo – DOE

2.) Patay sa pag-araro ng kotse sa Christmas market sa Germany pumalo na sa 2; suspek naaresto

With Star DJ Julia
(December 21,2024)
#100.7StarFmDagupan

21/12/2024

Weather News Update
With Star DJ Julia
(December 21, 2024)

#100.7StarFmDagupan

20/12/2024

BOMBO NETWORK NEWS MORNING EDITION | A 60-minute news broadcast aired all over the Philippines via satellite and all over the world thru the world wide web. Hosted by BOMBO DENNIS JAMITO AND BOMBO VICTOR LLANTINO




20/12/2024

NETWORK NEWS MORNING EDITION | A 60-minute news broadcast aired all over the Philippines via satellite and all over the world thru the world wide web.

20/12/2024
20/12/2024

NETWORK NEWS EVENING EDITION | A 60-minute news broadcast aired all over the Philippines via satellite and all over the world thru the world wide web.

20/12/2024

BOMBO NETWORK NEWS EVENING EDITION | A 60-minute news broadcast aired all over the Philippines via satellite and all over the world thru the world wide web. Hosted by BOMBO DENNIS JAMITO AND BOMBO EVERLY RICO




20/12/2024

ONE TWO PANALO PART 23:
ANNOUNCEMENT OF 3RD DAILY WINNER WEEK 6

Magandang balita para sa mga motorista! Mag-wa-waive ng toll fees ang San Miguel Corporation (SMC) sa mga expressway na ...
20/12/2024

Magandang balita para sa mga motorista! Mag-wa-waive ng toll fees ang San Miguel Corporation (SMC) sa mga expressway na kanilang pinamamahalaan ngayong Pasko at Bagong Taon. Mula 10:00 PM ng December 24 hanggang 6:00 AM ng December 25, at mula 10:00 PM ng December 31 hanggang 6:00 AM ng January 1, 2025, hindi na kailangang magbayad ng toll fees sa Skyway System, NAIA Expressway (NAIAX), South Luzon Expressway (SLEX), STAR Tollway, at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX). Ang hakbang na ito ay layong magbigay ginhawa sa mga biyahero ngayong holiday season.


20/12/2024

ONE TWO PANALO PART 23:
AWARDING OF 2ND DAILY WINNNER WEEK 6

Nagresulta ang implementasyon ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa pagbawas ng taripa sa imported na...
20/12/2024

Nagresulta ang implementasyon ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa pagbawas ng taripa sa imported na bigas ng pagkalugi at kawalan ng kita ng mga magsasaka.

Ito ang binigyang diin ni Engr. Rosendo So – Chairman, Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) matapos ipasa ang executive order na nagbawas ng taripa sa imported na bigas mula 35% patungong 15% ay nagresulta sa mas mababang retail prices ng bigas.

Ayon kay So, dapat bago ito ipatupad ay inisip munang mabuti ang ginawang implimentasyon gaya na lamang ng paglalagay ng price range upang mabago ang presyo nito at mapababa sa merkado .

Dahil dito, muling tinalakay ni So na ang pagpapababa ng taripa sa imported na produkto ay hindi nagdudulot ng magandang epekto sa lokal na produksyon ng bansa, kundi, mapapahina lamang nito ang lokal na magsasaka.

Kung sana aniya ang subsidize na 1.5 hecares sa imported ay ibinigay na lamang sa lokalidad, may posibilidad pa aniya na makamit at magarantiya ang pagbaba ng bigas.

Samantala, sa panahon sa kasalukuyang hanggang sa buwan ng Pebrero 2025, inaasahang walang aanihin ang bansa, kung kaya’t ang papasok umano muli sa merkado ay mula sa mga importasyon.

Hinggil naman sa pagdeklara ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ng all-out war vs profiteers, smugglers, hoarders, sinabi ni So na bukas ang kanilang samahan sa ganitong layunin partikular na ang layuning matuldukan na ang pagpapahirap sa mga ordinaryong pamil­yang Pilipino.

via: Bombo Radyo Dagupan


Lumagda sa isang kasunduan sina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian at Departme...
20/12/2024

Lumagda sa isang kasunduan sina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian at Department of Education Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara para isulong ang kanilang bagong programa na “Tara Basa! Turoring Program”.

Ito ay para tuluyan nang maisakatuparan ang magiging implementasyon nito sa publiko lalo na sa mga batang nais matutong magbasa.

Paliwanag ni DSWD Asec. Irene Dumlao, layon ng programa na matulungan ang mga kabataan na mabigyan ang mga ito ng educational support at para matulungan at maturuan ang ilang mga kabataang hirap o non-reader students na bumasa at magsulat.

Siniguro din niya na ang pagpapatupad nito ay naaayon sa kooperasyon ng mga national government agencies at local government units para makapagbigay ng mga accessible na oportunidad lalo na sa mga estudyanteng mga nasa elementarya pa lamang.

Ngayong araw inaasahan na maisasakatuparan ang kolaborasyon sa pagitan ng dalawang ahensya sa DepEd Central Office sa Pasig City.

Samantala, isa lamang ito sa mga inilatag na programa ng ahensya na siyang makakatulong sa mga kabataan hanggang taong 2028.

Ngayong taon ay umabot ng 120,359 na mga estudyante ang natulungan ng programa at kasulukuyan nang mga mayroong mga improvements sa pagbabasa.

via: BOMBO RADYO PHILIPPINES


20/12/2024

DA, tinukoy na ang pagdedeklara ng “rice emergency” ay maaaring makatulong sa pagpapababa ng presyo ng bigas

20/12/2024

ONE TWO PANALO PART 23:
ANNOUNCEMENT OF 2ND DAILY WINNER WEEK 6

Kumbinsido ang Samahang Industriya ng Agrikultura na ang ang lokal na produksyon ng palay at mais sa bansa ay gaganda sa...
20/12/2024

Kumbinsido ang Samahang Industriya ng Agrikultura na ang ang lokal na produksyon ng palay at mais sa bansa ay gaganda sa susunod na taon.

Ayon sa grupo, umaasa sila na makakabawi na ang mga magsasaka sa pagpasok ng taong 2025.

Una nang sinabi ng Department of Agriculture , na karamihan sa mga lokal na produksyon ng palay ay hirap ngayon matapos na tumama ang El Niño at sunod-sunod na kalamidad sa bansa.

Ekta-ektaryang mga sakahan sa bansa ang talaga namang pinadapa ng mga bagyong dumaan sa Pilipinas.

Ayon sa grupo, posibleng maabot ng Pilipinas sa 2025 ang 20 million metric tons sa kabuuang produksyon na nawala dahil sa kalamidad.

Nanawagan rin ang mga ito sa gobyerno para sa dagdag na pondo sa mga magsasaka at maibalik ang ipinapataw na taripa sa bigas.

Sa pamamaraang ito ay kukunti na ang pag-aangkat ng bigas na malaking kalugihan naman sa mga lokal na magsasaka.

via: BOMBO RADYO PHILIPPINES


Patuloy naman na pinapalawak ng Department of Agriculture (DA) ang kanilang programa na “Rice-for-All” kiosk sa mga pang...
20/12/2024

Patuloy naman na pinapalawak ng Department of Agriculture (DA) ang kanilang programa na “Rice-for-All” kiosk sa mga pangunahing pamilihan at ilang estasyon ng tren na nagbebenta ng P40 na halaga ng bigas.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Genevieve Velicaria-Guevarra, magtatalaga ng karagdagang 10 lokasyon pa para sa Kadiwa ng Pangulo kiosk. Sa ngayon kasi ay nasa 24 na ang kabuuang bilang ng mga kiosk sa Metro Manila sa patuloy na pagpapalawak ng programang ito.

Kabilang sa mga lokasyong nadagdag sa listahan ay ang Langaray Market, Kaunlaran Market at Phase 9 Bagong Silang Market sa Caloocan City. Agora Market sa San Juan City, Kalentong Market at Addition Hills Market sa Mandaluyong, Munos Market, Marikina Public Market, Navotas Agora Market at New Marulas Public Market sa Valenzuela City.

Samantala, siniguro naman ng DA na sa sisimulan na sa susunod na taon ang paglulunsad ng mga ito sa mga probinsiya para maabot ang mas maraming konsumer na makikinabang dito.

via: BOMBO RADYO PHILIPPINES


20/12/2024

BOMBO NETWORK NEWS NOONTIME EDITION | A 60-minute news broadcast aired all over the Philippines via satellite and all over the world thru the world wide web.

#100.7StarFmDagupan
..

Address

Bonuan Catacdang
Dagupan City
2400

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 100.7 Star FM Dagupan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to 100.7 Star FM Dagupan:

Videos

Share

Category