08/11/2024
ππΌπ-πΌππΌππΌ ππΌ ππΌπππππ ππ π½πΌπππππ ππππΌππΏπΌ
11 Taon ang lumipas ng nanalasa ang Bagyong Yolanda sa ilang bahagi ng Pilipinas partikular ang Tacloban City, Leyte noong November 8, 2013 kung saan ayon sa tala ng NDRRMC, nasa 6,300 ang nasawi, 28,688 ang nasugatan habang 1,062 ang nawawala.
Patuloy ang ating pagpapaalala sa ating mga KABALEYAN na sa anumang klase ng sakuna ay mahalaga ang paghahanda kung kaya naman narito ang ilang mga dapat matandaan sa tuwing may inaasahang sama ng panahon:
β
Alamin ang balita ukol sa panahon at mga anunsyong pangkaligtasan.
β
Alamin ang plano ng komunidad sa pagbibigay-babala at paglikas.
β
Suriin ang bahay at kumpunihin ang mga mahina o sirang bahagi nito.
β
Ihanda ang GO BAG na naglalaman ng mga pangangailangan ng pamilya.
β
Ilikas ang mga alagang hayop sa ligtas na lugar.
β
Kapag inabisuhan ng kinauukulan, mabilis na lumikas sa itinakdang evacuation center.