Camarines Norte Provincial Information Office

Camarines Norte Provincial Information Office ๐€๐‹๐€๐˜ ๐’๐€ ๐ƒ๐ˆ๐˜๐Ž๐’, ๐€๐‹๐€๐˜ ๐’๐€ ๐๐€๐˜๐€๐
(5)

๐…๐‹๐€๐† ๐‘๐€๐ˆ๐’๐ˆ๐๐† ๐‚๐„๐‘๐„๐Œ๐Ž๐๐˜Agro Sport Center, Daet, Camarines NorteFebruary 10, 2025
10/02/2025

๐…๐‹๐€๐† ๐‘๐€๐ˆ๐’๐ˆ๐๐† ๐‚๐„๐‘๐„๐Œ๐Ž๐๐˜
Agro Sport Center, Daet, Camarines Norte
February 10, 2025

Verse of the DayMonday Morning | February 10, 2025
10/02/2025

Verse of the Day
Monday Morning | February 10, 2025

09/02/2025

PROVINCIAL GOVERMENT OF CAMARINES NORTE FLAG RASING CEREMONY MONDAY FEBRUARY 10,2025

08/02/2025
08/02/2025

Too much time spent indoors and intensive near vision activity lead to more children suffering from nearsightedness or .

Taking regular breaks and spending more time outdoors can reduce this risk.
Get regular eye checks!

Come and visit CNPH Eye Center
according to the available schedules.

source: https://www.facebook.com/share/p/1AEKEHJgyh/





Verse of the Day Saturday evening | February 8, 2025โ€‹โ€‹
08/02/2025

Verse of the Day

Saturday evening | February 8, 2025โ€‹
โ€‹

๐๐‘๐Ž๐•๐ˆ๐๐‚๐ˆ๐€๐‹ ๐†๐Ž๐•๐„๐‘๐๐Œ๐„๐๐“ ๐Ž๐… ๐‚๐€๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐๐„๐’ ๐๐Ž๐‘๐“๐„ ๐€๐Š๐€๐ ๐€๐‹๐€๐†๐€ ๐€๐“ ๐Š๐€๐‹๐ˆ๐๐†๐€, ๐€๐‹๐€๐˜ ๐๐€๐๐†๐Š๐€๐‹๐”๐’๐”๐†๐€๐ ( ๐Œ๐Ž๐๐ˆ๐‹๐„ ๐‚๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐‚ )BRGY POBLACION 2, BA...
08/02/2025

๐๐‘๐Ž๐•๐ˆ๐๐‚๐ˆ๐€๐‹ ๐†๐Ž๐•๐„๐‘๐๐Œ๐„๐๐“ ๐Ž๐… ๐‚๐€๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐๐„๐’ ๐๐Ž๐‘๐“๐„
๐€๐Š๐€๐ ๐€๐‹๐€๐†๐€ ๐€๐“ ๐Š๐€๐‹๐ˆ๐๐†๐€, ๐€๐‹๐€๐˜ ๐๐€๐๐†๐Š๐€๐‹๐”๐’๐”๐†๐€๐ ( ๐Œ๐Ž๐๐ˆ๐‹๐„ ๐‚๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐‚ )

BRGY POBLACION 2, BASUD CAMARINES NORTE
FEBRUARY 08, 2025 SATURDAY



Verse of the Day Saturday morning | February 8, 2025โ€‹โ€‹
08/02/2025

Verse of the Day

Saturday morning | February 8, 2025โ€‹
โ€‹

08/02/2025

๐’๐€ ๐€๐ƒ๐Œ๐ˆ๐๐ˆ๐’๐“๐‘๐€๐’๐˜๐Ž๐๐† ๐๐€๐ƒ๐ˆ๐‹๐‹๐€-๐€๐’๐‚๐”๐“๐ˆ๐€, ๐Œ๐€๐˜ ๐ƒ๐ˆ๐‘๐„๐Š๐’๐˜๐Ž๐ ๐€๐๐† ๐๐‘๐Ž๐๐ˆ๐๐’๐˜๐€!

Ang de-kalidad na edukasyong susi sa maliwanag na kinabukasan ay mas pinagtibay sa pamamagitan ng mga programang tumutulong sa mas maraming kabataang CamNorteรฑo, lalo na sa mga nangangailangan. Sa ilalim ng Padilla-Ascutia Administration, ang edukasyon ay higit pa sa pangarap, ito ay isang tiyak na hakbang tungo sa mas magandang kinabukasan para sa lahat. Sa patuloy na pagsuporta at pagpapahalaga sa kabataan, hinuhubog natin ang tagumpay ng lalawigan at ang isang mas maunlad, masaya, at progresibong Camarines Norte.



๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก ๐—ž๐—ข๐—ก๐—ง๐—ฅ๐—” ๐—ž๐—ฅ๐—œ๐— ๐—œ๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—œ๐——๐—”๐—— ๐—”๐—ง ๐—ฌ๐—ข๐—จ๐—ง๐—› ๐—™๐—ข๐—ฅ๐—จ๐—  ๐—ฆ๐—” ๐—–๐—”๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—˜๐—ฆ ๐—ก๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—˜, ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฌ๐—”๐—”๐—กIdinaos ang launching ng Kabataan Kontra Kri...
07/02/2025

๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก ๐—ž๐—ข๐—ก๐—ง๐—ฅ๐—” ๐—ž๐—ฅ๐—œ๐— ๐—œ๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—œ๐——๐—”๐—— ๐—”๐—ง ๐—ฌ๐—ข๐—จ๐—ง๐—› ๐—™๐—ข๐—ฅ๐—จ๐—  ๐—ฆ๐—” ๐—–๐—”๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—˜๐—ฆ ๐—ก๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—˜, ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฌ๐—”๐—”๐—ก

Idinaos ang launching ng Kabataan Kontra Kriminalidad (K*K) at Youth Forum nitong ika-7 Pebrero, 2024 sa Agro Sports Center, Daet, Camarines Norte na may temang "Empowering the Youth for Community Development and Leadership."

Pinangunahan ito ni PCOL Lito Andaya, Philippine National Police (PNP) Provincial Director ng Camarines Norte, at dinaluhan ni PBGEN Andre P. Dizon, Regional Director ng Police Regional Office 5. Dumalo rin sa programa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), K*K, Muslim community, Indigenous People, at mga estudyante mula sa ibaโ€™t ibang paaralan sa lalawigan. Tinalakay sa forum ang mahahalagang paksa tulad ng anti-criminality na ipinaliwanag ni Atty. Louie C. Toldanes, Assistant Regional Director ng NAPOLCOM; Drug Awareness na tinalakay ni IO II Raymundo L. Espinas; at Anti-terrorism na ipinarating ni PLTCOL Errol T. Garchitorena, Jr., Chief of Police ng Daet MPS.

Sa hapon, gaganapin ang panunumpa ng bagong halal na KKDAT at K*K Provincial Officers bilang bahagi ng opisyal na pagsisimula ng kanilang tungkulin.
โ€‹

e-BantayogFebruary 7, 2025 | Issue No. 707MARITIME SAFETY CARAVAN SA CAMARINES NORTE, ISASAGAWA|| Jayson de LemonIsasaga...
07/02/2025

e-Bantayog
February 7, 2025 | Issue No. 707

MARITIME SAFETY CARAVAN SA CAMARINES NORTE, ISASAGAWA

|| Jayson de Lemon

Isasagawa ang "Maritime Safety Caravan" ngayong darating na ika-12 ng Pebrero, 2025 sa Camarines Norte Agro Sports Complex sa pamamagitan ng Maritime Industry Authority (MARINA) Regional Office V sa Pamumuno ni Atty. Maximo I. Baรฑares Jr., Director, MRO V at pakikipagtulungan sa Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa pamumuno nina Governor Ricarte โ€œD**gโ€ Padilla at Vice-Governor Engr. Joseph Ascutia. Layunin ng kampanyang ito na maabot ang mga may-ari at operator ng bangka, at iba pang mga stakeholder sa industriya ng paglalayag sa lalawigan upang mapabuti ang kamalayan at pagsunod sa mga regulasyon sa kaligtasan sa dagat.

Narito ang mga kaukulang detalye ng mga gawain:

โ€ข Pebrero 11, 2025: Mobile Registration & One-Stop Shop sa Jose Panganiban para sa mga may-ari at operator ng bangka mula sa mga bayan ng Jose Panganiban, Sta. Elena, at Labo.

โ€ข Pebrero 12, 2025 (Umaga): Sisimulan ang araw sa isang motorcade mula Jose Panganiban patungong Daet, kasunod ang Townhall Meeting sa Camarines Norte Agro Sports Center, Provincial Capitol, Daet. Tatalakayin dito ang mga regulasyon sa kaligtasan sa dagat, batas sa proteksyon ng mga pasahero, at mga alituntunin sa pagsunod sa pamamagitan ng MARINA, Philippine Coast Guard (PCG), at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
โ€ข Pebrero 12, 2025 (Hapon): Mobile Registration & One-Stop Shop sa parehong lugar para sa mga hindi nakadalo noong Pebrero 11.

โ€ข Pebrero 13, 2025: Pagpapatuloy ng Mobile Registration & One-Stop Shop sa Camarines Norte Agro Sports Center.

Magkakaroon din ng mga talakayan hinggil sa mga sumusunod na paksa:

โ€ข Kampanya para sa Kaligtasan: Pangunahing tatalakayin ang kahalagahan ng pagsunod sa mga regulasyon sa kaligtasan sa dagat.
โ€ข MARINA BEST: Ipakikilala ang "Maritime Industry Authority's Blockchain Enabled Automated Certification System" (MARINA BEST) bilang isang modernong sistema para sa sertipikasyon.
โ€ข Mga Update mula sa PCG at BFAR: Magbibigay ng mga update ang mga kinatawan ng PCG at BFAR hinggil sa mga programa at proyekto nila.
โ€ข Kasunduan: Isang Memorandum of Understanding (MOU) ang lalagdaan upang palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng mga ahensya.

Magtatapos ang programa sa isang open forum kung saan magkakaroon ng pagkakataon ang mga dumalo na magtanong at magbahagi ng kanilang mga saloobin. Ang caravan ng Marina ay mahalaga sa pagpapalaganap ng kamalayan sa kaligtasan sa dagat at pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng mga ahensya at komunidad.




๐”๐’๐’๐€๐ ๐‚๐Ž๐Ž๐‘๐ƒ๐ˆ๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐Œ๐„๐„๐“๐ˆ๐๐†Camarines Norte Provincial Hospital, Daet, Camarines Nort
07/02/2025

๐”๐’๐’๐€๐ ๐‚๐Ž๐Ž๐‘๐ƒ๐ˆ๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐Œ๐„๐„๐“๐ˆ๐๐†
Camarines Norte Provincial Hospital, Daet, Camarines Nort


Verse of the Day Friday evening | February 7, 2025โ€‹โ€‹
07/02/2025

Verse of the Day

Friday evening | February 7, 2025โ€‹
โ€‹

e-BantayogFebruary 7, 2025 | Issue no. 706BAGONG PAMBUHAN BRIDGE, TULAY TUNGO SA GINHAWA AT SEGURIDAD|| Piolo AbreraPorm...
07/02/2025

e-Bantayog
February 7, 2025 | Issue no. 706

BAGONG PAMBUHAN BRIDGE, TULAY TUNGO SA GINHAWA AT SEGURIDAD

|| Piolo Abrera

Pormal nang binuksan sa publiko ang bagong Pambuhan Bridge nitong ika-6 ng Pebrero, 2025, sa Barangay Pambuhan, Mercedes, Camarines Norte. Ang proyektong ito ay naglalayong mapabuti ang daloy ng transportasyon, palakasin ang lokal na ekonomiya, at tiyakin ang kaligtasan ng mga residente, lalo na sa panahon ng kalamidad.

Sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa ilalim ni Governor Ricarte "D**g" Padilla, katuwang sina Vice Governor Engr. Joseph V. Ascutia at Congresswoman Rosemarie C. Panotes, matagumpay na naisakatuparan ang pagsasaayos ng tulay. Ang proyektong may kabuuang pondo na 35 milyong piso ay naisakatuparan naman sa tulong at pagsisikap ni Senator Robinhood "Robin" Padilla.

Sa loob ng maraming taon, naging suliranin ng mga taga-Pambuhan ang lumang spillway na madaling binabaha at nagiging sagabal sa daloy ng trapiko. Dahil sa madalas na pagbaha, maraming residente ang hindi nakakatuloy sa kanilang trabaho, paaralan, at mga pamilihan. Ayon sa mga residente, malaking ginhawa ang hatid ng bagong tulay sa Pambuhan, sapagkat hindi na nila kailangang mag-alala tuwing uulan dahil maaari nang tumawid nang ligtas ang mga tao at sasakyan. Sa mga nakaraang panayam, ipinahayag din ng Rural Health Unit (RHU) ng Mercedes na mas magiging mabilis na ngayon ang pagresponde sa mga medical emergencies. Dati, kapag mataas ang tubig at hindi madaanan ang lumang tulay, nahihirapan ang kanilang grupo na makarating sa mga pasyente. Ngayon, dahil sa mas matibay at maaasahang tulay, mas mabilis na nilang matutugunan ang pangangailangang medikal ng mga residente.

Maliban sa mga residente, malaki rin ang maitutulong ng bagong Pambuhan Bridge sa mga negosyante, magsasaka, at mangingisda na araw-araw na bumibiyahe upang dalhin ang kanilang mga produkto sa bayan at iba pang bahagi ng lalawigan. Dahil sa mas maayos na daan, mas mapapabilis ang transportasyon at mas magiging episyente ang distribusyon ng mga kalakal.

Ang Pambuhan Bridge ay isang simbolo ng panibagong yugto para sa mga residente ng Barangay Pambuhan at mga kalapit na lugar. Ipinapakita ng proyektong ito na sa pamamagitan ng maayos na koordinasyon at epektibong pamamahala, ang mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan ay maaaring matugunan, at ang isang simpleng tulay ay maaaring maging daan patungo sa mas ligtas at maunlad na kinabukasan.โ€‹
โ€‹

๐†๐Ž๐•๐„๐‘๐๐Ž๐‘ ๐‘๐ˆ๐‚๐€๐‘๐“๐„ "๐ƒ๐Ž๐๐†" ๐๐€๐ƒ๐ˆ๐‹๐‹๐€ ๐€๐“ ๐•๐ˆ๐‚๐„ ๐†๐Ž๐•๐„๐‘๐๐Ž๐‘ ๐‰๐Ž๐’๐„๐๐‡ ๐€๐’๐‚๐”๐“๐ˆ๐€, ๐๐€๐†๐Š๐€๐‹๐Ž๐Ž๐ ๐๐† ๐‘๐„๐‹๐ˆ๐„๐… ๐†๐Ž๐Ž๐ƒ๐’ ๐€๐“ ๐‘๐„๐’๐‚๐”๐„ ๐•๐„๐‡๐ˆ๐‚๐‹๐„Ipinaabot an...
07/02/2025

๐†๐Ž๐•๐„๐‘๐๐Ž๐‘ ๐‘๐ˆ๐‚๐€๐‘๐“๐„ "๐ƒ๐Ž๐๐†" ๐๐€๐ƒ๐ˆ๐‹๐‹๐€ ๐€๐“ ๐•๐ˆ๐‚๐„ ๐†๐Ž๐•๐„๐‘๐๐Ž๐‘ ๐‰๐Ž๐’๐„๐๐‡ ๐€๐’๐‚๐”๐“๐ˆ๐€, ๐๐€๐†๐Š๐€๐‹๐Ž๐Ž๐ ๐๐† ๐‘๐„๐‹๐ˆ๐„๐… ๐†๐Ž๐Ž๐ƒ๐’ ๐€๐“ ๐‘๐„๐’๐‚๐”๐„ ๐•๐„๐‡๐ˆ๐‚๐‹๐„

Ipinaabot ang relief goods at rescue vehicle sa ilang coastal barangay ng Mercedes, Camarines Norte nitong ika-6 ng Pebrero 2025. Inihandog ni Governor D**g Padilla at Vice Governor Joseph Ascutia ang nasabing mga tulong. Ipinamahagi ang relief goods sa mga barangay ng Pambuhan, Masalong-salong, Hinipaan, Matoogtoog, Manguisoc, Gaboc, Cayucyucan, at Mambungalon.

Kasabay din nito ang awarding ng rescue vehicle sa Barangay Manguisoc, Matoogtoog at Mambungalon upang mas mapadali ang pagresponde sa mga nangangailangan ng tulong sa ating mga kababayan na mga nasa malalayong barangay.

Lubos na nagpapasalamat ang mga residente ng bayan ng Mercedes na nakatira sa coastal areas dahil sa bukod na nakatanggap sila ng relief goods ay nakatanggap rin ang kanilang barangay ng rescue vehicle na sa pamamagitan nito ay mapapadali ang kanilang trasportasyon tuwing may emergency.

Ang pamamahagi ng relief goods at rescue vehicle ay patunay na pagtulong ng ating Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte at layuning matugunan ang pangangailangan ng mamamayan sa mga bayan ng Camarines Norte.


Address

4X63+WX4, F. Pimentel Avenue, Camarines Norte
Daet
4600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Camarines Norte Provincial Information Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Camarines Norte Provincial Information Office:

Videos

Share