Bicol Frontline

Bicol Frontline Basta Bicol oragon! News, information,Public service,commentary and entertainment

20/10/2023

Huntahan express na Kasama si Jorenz Sambas October 20,2023 Pls.Follow our fb Page Bicol frontline

19/10/2023

TAMANG PANGANGAMPANYA PARA SA BSKE 2023

Bukas ay magsisimula na ang campaign period para sa BSKE 2023, narito ang mga huling paalala mula sa COMELEC:

๐Ÿ“Œ 10 ARAW ang nakalaan para sa pangangampanya (October 19-28, 2023)
๐Ÿ“Œ Mag-post ng campaign materials sa designated COMMON POSTER AREAS o PRIVATE PROPERTY na may pahintulot ng may-ari
๐Ÿ“Œ Ang ILEGAL NA CAMPAIGN MATERIALS na makikita sa pampublikong lugar at lumalabag sa mga alituntunin ay sakop ng OPLAN BAKLAS OPERATIONS
๐Ÿ“Œ Gumamit ng RECYCLABLE at ENVIRONMENT-FRIENDLY na materials sa paggawa ng election propaganda
๐Ÿ“Œ Pwede ang ONLINE CAMPAIGNING, sundin lamang ang mga alituntunin sa pagsasagawa nito
๐Ÿ“ŒLIMANG PISO (โ‚ฑ 5.00) bawat rehistradong botante sa barangay ang limitasyon sa gastusin ng kandidato
๐Ÿ“Œ Magsumite ng SOCE on or before NOVEMBER 30, 2023.

Kaya naman sundin ang mga batas at alituntunin tungkol sa pangangampanya at maging isang .

โ—TANDAAN: Ang pamimigay, pag-aalok, o pangangako ng pera o anumang bagay na may halaga, paggastos o pag-aalok ng paggastos, direkta man o hindi, para sa sinumang tao, para hikayatin ang sinuman na bumoto para o laban sa isang kandidato, ay lumalabag sa batas at gumagawa ng Election Offense na Vote-Buying.





NATIONAL NEWS  18 kumpirmadong election-related incidents, iniulat ng PNP18 na ang kumpirmadong election-related inciden...
19/10/2023

NATIONAL NEWS


18 kumpirmadong election-related incidents, iniulat ng PNP

18 na ang kumpirmadong election-related incidents na naitala ng Philippine National Police sa loob ng election period ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) mula Agosto 28 hanggang hanggang Oktubre 18.

Inulat ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo sa pulong balitaan sa Camp Crame kahapon na 12 sa mga insidenteng ito ay โ€˜shooting incidentโ€™, dalawa ang kidnapping, isa ang grave threat, isa ang indiscriminate firing, isa ang paglabag sa gun ban, at isa ang police operation na tumuloy sa engkwentro.

Apat sa mga insidenteng ito ay naganap sa Bangsamoro Autonomous Region; tig-3 sa Region 4A, Region 10 at Region 8; at tig-isa sa Region 1, Region 9 at Region 7.

Pito sa mga insidenteng ito ang nasa Prosecutors Office na para sa pagsasampa ng kaso, 8 ang โ€˜under Investigationโ€™, isa ang nasampahan na ng kaso sa korte, at dalawa ang natukoy na ang suspek.

Ayon pa kay Fajardo, walang pagbabago sa kanilang klasipikasyon ng sitwasyong panseguridad ng mahigit 42,000 barangay sa bansa hanggang kahapon, kung saan 356 pa rin ang nasa red category, 1,325 ang nasa orange category, 1,196 ang nasa yellow category, at ang nalalabing mahigit 39,000 ay walang problemang panseguridad.

Via : RP1

NATIONAL NEWSOFW na nasugatan dahil sa pag-atake ng Hamas, binisita ng Embahada ng Pilipinas sa IsraelPormal na binista ...
19/10/2023

NATIONAL NEWS

OFW na nasugatan dahil sa pag-atake ng Hamas, binisita ng Embahada ng Pilipinas sa Israel

Pormal na binista ni Philippine Ambassador to Israel Pedro Laylo Jr. ang isang Pilipino na nasugatan at kasalukuyang nagpapagaling sa Tel Aviv Sourasky Medical Center dahil pa rin sa patuloy na kaguluhan doon.

Ang Overseas Filipino Worker (OFW) na si Joey Pagsolingan ay nagtamo ng sugat sa kaniyang kaliwang braso at kinailangan sumailalim sa surgery matapos mabaril sa nangyaring pag-atake ng militanteng grupong Hamas.

Binisita rin ni Ambassador Laylo sa naturang ospital ang underground emergency room para sa mga medical airlift at mass casualty incident gayundin ang pakikipag-ugnayan sa mga nakaligtas sa pag-atake ng militanteng Hamas.

Samantala, nagpasalamat naman ang Embahada ng Pilipinas sa Israeli Defense Forces sa pagligtas at pag-aalaga sa mga Pilipino na kasalukuyang nasa ospital pati na rin sa Filipino community na tumutulong sa iba pang nasugatan.

Via : RP1

ISLA RACHO FESTIVAL NG MASBATE, KAMPEON SA ISINAGAWANG KASANGGAYAHAN FESTIVAL; REGIONAL FESTIVAL OF FESTIVALS COMPETITIO...
19/10/2023

ISLA RACHO FESTIVAL NG MASBATE, KAMPEON SA ISINAGAWANG KASANGGAYAHAN FESTIVAL; REGIONAL FESTIVAL OF FESTIVALS COMPETITION

Tinanghal bilang kampeon ang Isla Rancho Festival ng San Pascual, Masbate sa isinagawang Kasanggayahan Festival: Regional Festival of Festivals Competition na isinagawa sa Sorsogon Capitol Park nitong Martes, Oktubre a-desi syete.

Nag-uwi ng tumatagingting na P1M piso ang Isla Rancho Festival habang tumanggap naman ng P500,000 cash prize ang Gayon Ciudad Festival ng Sorsogon City na naging 1st Runner Up at nag-uwi naman ng P300,000 ang Bantayog Festival ng Sta. Elena, Camarines Norte na nanalo bilang 2nd Runner Up.

Bukod sa cash prize, tumanggap din ang Isla Rancho Festival ng minor awards kagaya ng Best in Musicality at Best in Costume habang ang Gayon Ciudad Festival ay nasungkit naman ang Best in Street Dancing (Moving Choreography) award.

Samantala, tinanghal naman bilang Festival of Festivals Kasanggayahan Queen ang Coron Festival ng Tiwi, Albay na tumanggap ng P100,000; 1st runner up ang Tinagba Festival ng Iriga City na tumanggap ng P60,000; at 2nd Runner up ang Kamuy-an Festival ng Baao, Camarines Sur na tumanggap ng 40,000 cash.

PHOTO CREDITS: 1st photo ctto
(2nd Photo: Marky Almo)

Via : Bicol Idol net fm

ORGULLO KAN BICOL TRADE AND TRAVEL FAIR, NAKATAKDANG ILUNSAD BUKAS NG DTI BICOL SA MANDALUYONG CITYNakatakdang ilunsad n...
19/10/2023

ORGULLO KAN BICOL TRADE AND TRAVEL FAIR, NAKATAKDANG ILUNSAD BUKAS NG DTI BICOL SA MANDALUYONG CITY

Nakatakdang ilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) Bicol ang 28th Orgullo kan Bikol (OKB) trade and travel fair sa Shangri-La Plaza Mall sa Mandaluyong City bukas, Oktubre a-desi nwebe.

Ang apat na araw na trade and travel fair ay inorganisa ng ahensya katuwang ang OKB Association, Inc. at Local Government Unit (LGU) ng Tabaco.

Layun ng aktibidad na maitaguyod, maibida, at maibenta ang mga kakaibang produkto ng mga piling Micro Small and Medium Enterprises (MSMEs), mahikayat ang mga mamimili sa ibang panig ng mundo at maipakilala ang mga bagong produkto at exhibitors at maitampok ang mayang pamana at craftsmanship ng Bicol Region.

Dadaluhan ang aktibidad ng nasa isang daan at tatlong (103) MSMEs at anim (6) na institutional exhibitors mula sa Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, at Sorsogon kung saan kasama ang nasa dalawamput limang (25) bagong exhibitors na nakatakdang tumanggap ng full marketing assistance sa fair.

Ilan sa mga produktong ibibida sa trade and travel fair ang mga decorative christmas products, export-ready handcrafted materials, ceramics, furniture, fine jewelry at mga processed food kasama na ang coconut at cacao-based products.

SOURCE: from DTI Region V Bicol
Via: Bicol idol net fm

MGA AKTIBIDAD PARA SA 78TH CATANDUANES FOUNDATION ANNIVERSARY, NAKAHANDA NANakahanda na ang mga aktibidad sa paggunita n...
19/10/2023

MGA AKTIBIDAD PARA SA 78TH CATANDUANES FOUNDATION ANNIVERSARY, NAKAHANDA NA

Nakahanda na ang mga aktibidad sa paggunita ng 78th Catanduanes Foundation Anniversary simula Oktuber a-bente sinco hanggang a-bente sais, taong kasalukuyan.

Sisimulan ang aktibidad ng pre-celebration events na kinabibilangan ng Ginoong Catandungan 2023 sa Oktuber a-bente uno na gaganapin sa Virac Sports Complex, na susundan ng Binibining Catandungan 2023 sa Oktubre a-bente dos.

Gaganapin naman sa Oktubre a-bente kwatro ang The Miss Teen Catandungan 2023 sa Virac Town Center Metrowalk at magkakaroon naman ng festivities kick off ng Padadyaw sa Tinampo sa Oktubre a-bente sinco na sisimula sa Plaza Rizal patungo sa Capitol Grounds.

Sa naturang petsa ay nakatakda din buksan sa publiko ang Ginikanan; Culture, Arts and Heritage Exhibit at Catandungan Trade and Tourism Fair.

Tampok din sa opening day ang Pantomina Showdown na dadaluhan iba't-ibang munisipalidad sa Catanduanes.
Sa Oktubre a-bente sais ay magkakaroon ng Thanksgiving Mass na susundan ng Parade of Faith.

Magkakaroon naman ng Wreath Laying Ceremony bilang pagpupugay kay Congressman Francisco Perfecto na gagawin san Frontage ng Legislative Building at State of the Province Address (SOPA) ni Governor Joseph C. Cua sa Catanduanes Covention Center.

Bukod dito, ay magkakaroon din ng drum and lyre corps competition, fellowship night at marami pang iba.

SOURCE: Catanduanes Tourism Promotion
Via: Bicol idol net fm

Tatak Oragon  Balita at Talakayan will be live soon hosted by Jorenz sambasPls Follow our FB page Bicol frontline
18/10/2023

Tatak Oragon Balita at Talakayan will be live soon hosted by Jorenz sambas

Pls Follow our FB page Bicol frontline

27/09/2023

Pasada balita na kasama si Jorenz Sambas September 28,2023

27/09/2023

Morning na Gising na kasama si Jorenz Sambas September 28,2023

22/09/2023

Heart to heart na kasama si Jorenz Sambas September 22,2023

12/09/2023

Heart to Heart talk na kasama si Jorenz Sambas September 13,2023

Good day ka oragon's will resume our program at Bicol Frontline is  tomorrow! Pls. Follow our fb page at Bicol Frontline...
12/09/2023

Good day ka oragon's will resume our program at Bicol Frontline is tomorrow!

Pls. Follow our fb page at Bicol Frontline

Basta Bicol oragon!

LALAKING MAY KASONG ATTEMPTED HOMICIDE ARESTADO NG VINZONS PNPVinzons, Camarines Norte- Matagumpay na nalambat ng mga ta...
08/09/2023

LALAKING MAY KASONG ATTEMPTED HOMICIDE ARESTADO NG VINZONS PNP

Vinzons, Camarines Norte- Matagumpay na nalambat ng mga tauhan ng Vinzons PNP sa pangangasiwa ni PMAJ ARKHEMEDES C GARCIA sa ikinasang manhunt charlie operation ang isang lalaking may kaso sa Purok 6, Brgy Calangcawan Norte, Vinzons, Camarines Norte nito lamang Setyembre 7, 2023 dakong alas 11:00 ng umaga.
Ang akusado ay kinilalang si Alyas โ€œSARโ€, 59 taong gulang, at residente ng Purok 6, Calangcawan Norte, Vinzons, Camarines Norte. Inaresto si Sar sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni Hon. Divina Gracia Gutierrez Peรฑafiel, Presiding Judge ng Municipal Trial Court, Branch 5, Vinzons, Camarines Norte na may petsang Agosto 31, 2023, para sa kasong Attempted Homicide sa ilalim ng Criminal Case No. 23-3818. Ang nasabing kaso ay may rekomendadong piyansang Php 36,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng himpilan ng Vinzons ang nabanggit na personahe para sa kaukulang disposisyon.

Courtesy: Vinzons Municipal Police Station

Tingnan| Nitong  September 6, 2023 ang tauhan ng Paracale MPS ay nagsagawa ng monitoring para sa pagpapatupad ng Executi...
08/09/2023

Tingnan| Nitong September 6, 2023 ang tauhan ng Paracale MPS ay nagsagawa ng monitoring para sa pagpapatupad ng Executive Order No. 39 para sa price ceiling ng regular and well milled na bigas at nagpaabot ng mga impormasyon tungkol sa EO 39 na ang ๐ซ๐ž๐ ๐ฎ๐ฅ๐š๐ซ ๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฅ๐ž๐ ๐ซ๐ข๐œ๐ž ๐š๐ฒ ๐๐š๐ฉ๐š๐ญ ๐๐ก๐ฉ๐Ÿ’๐Ÿ.๐ŸŽ๐ŸŽ ๐ค๐š๐๐š ๐ค๐ข๐ฅ๐จ ๐ฌ๐š๐ฆ๐š๐ง๐ญ๐š๐ฅ๐š๐ง๐  ๐š๐ง๐  ๐ฐ๐ž๐ฅ๐ฅ-๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฅ๐ž๐ ๐ซ๐ข๐œ๐ž ๐ง๐š๐ฆ๐š๐ง ๐š๐ฒ ๐๐ก๐๐Ÿ’๐Ÿ“.๐ŸŽ๐ŸŽ ๐ค๐š๐๐š ๐ค๐ข๐ฅ๐จ.

Courtesy| Paracale Municipal Police Station - Camarines Norte PPO

06/09/2023

Morning na gising na kasama si Jorenz Sambas September 7,2023

05/09/2023

Morning na gising na kasama si Jorenz Sambas September 6,2023

02/09/2023

Heart to heart talk kasama si Jorenz Sambas September 2,2023

01/09/2023

Pasada balita kasama si Jorenz Sambas September 1,2023

24/12/2022

MERRY CHRISTMAS & HAPPY NEW YEAR!
Holiday greetings of Sir Jubert Estrella and the Estrella Family

10/12/2022
01/12/2022
24/09/2022

Maligayang Kaarawan Po National Chairman Noel Gallardo , Transformation and Revival Organization for Prosperity and Advocacy (TROPA) Inc.
Pagbati mula po sainyong Lingkod Sektoral,
Jubert Estrella Eagle CN Jubert Estrella
Panlalawigan, Taga-Pangasiwa
TROPA Camarines Norte

23/09/2022

CTTO Senator Imee Marcos.

12/09/2022

Maligayang kaarawan sa ating mahal na Pangulong BBM!โค

Nawa'y patuloy kayong biyayaan ng Diyos ng mabuting kalusugan, karunungan, at pakikiramay, gayundin ng lakas at paninindigan na magbigay ng mga solusyon sa mga nalalabing problema na patuloy na bumabagabag sa ating bansa ngayon.

Mabuhay!โค๐Ÿ’š



Address

Daet

Telephone

+9519040857

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bicol Frontline posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share