Abot-Tanaw Productions

Abot-Tanaw Productions Malayang Samahan ng mga Manlilikha ng Malayang Pelikula.

A green and great day, Basudeรฑos!Nais mo bang mapabilang at bumida sa isang infomercial tungkol sa pangangalaga sa kapal...
07/03/2021

A green and great day, Basudeรฑos!

Nais mo bang mapabilang at bumida sa isang infomercial tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran? Inaanyayahan namin kayo na sumali sa "CATALYSTS," isang infomercial ng Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) at ng Basud National High School (BNHS).

Kung ikaw ay kasalukuyang mag-aaral ng BNHS ngayong school year 2020 - 2021 at nais sumali sa paggawa ng infomercial, pasok ka na kaagad!

Kung nais sumali, kailangan ng maayos na internet connection, matatas sa pagsasalita ng English o Filipino, mayroong kamera (digital or mobile phone) para sa pagkuha ng mga eksena sa loob ng tahanan, kayang pangasiwaan ang oras para sa paggawa ng kabuuang infomercial at siyempre, bukal sa loob na makipagtrabaho sa grupo ng mga mag-aaral.

Para sa detalye ng auditions at mga katanungan, maaaring i-chat ang mga bumubuo sa likod ng proyekto gamit ang kanilang Facebook Accounts:

James Gabriel Regondola (director), Haniel Kyle Alpapara Bustamante (assistant director), Yuryna Nicole Sullano (script supervisor), Marinel Bayani (talent head).

Ang pag-audition ay magsisimula mula March 6, 2021 (8:00 pm) at magtatapos sa March 8, 2021 (8:00 am)

Kaya't ano pang hinihintay niyo? Tara na, para kay Mother Earth! Maging isa na sa magigiting na eco-warrior! Be a catalyst of change! E-see you!

03/02/2021

Halina, maki-sining na!

Panoorin ngayon ang Virtual Presser ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining bilang panimula ng National Arts Month 2021 o Ani ng Sining.

"๐™‹๐™–๐™ž๐™ฃ๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ž๐™จ ๐™ฃ๐™ค๐™ฉ ๐™– ๐™˜๐™ค๐™ข๐™ฅ๐™š๐™ฉ๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™ฉ๐™ค ๐™ฅ๐™ง๐™ค๐™ซ๐™š ๐™ฉ๐™๐™–๐™ฉ ๐™ค๐™ฃ๐™š ๐™ž๐™จ ๐™—๐™š๐™ฉ๐™ฉ๐™š๐™ง ๐™ฉ๐™๐™–๐™ฃ ๐™ฉ๐™๐™š ๐™ค๐™ฉ๐™๐™š๐™ง โ€“ ๐™ž๐™ฉ ๐™ž๐™จ ๐™ข๐™ค๐™ง๐™š ๐™ค๐™› ๐™–๐™ฃ ๐™ž๐™ฃ๐™ฉ๐™š๐™ง๐™ฃ๐™–๐™ก ๐™จ๐™ฉ๐™ง๐™ช๐™œ๐™œ๐™ก๐™š ๐™ฌ๐™ž๐™ฉ๐™ ๐™ค๐™ฃ๐™š๐™จ...
02/02/2021

"๐™‹๐™–๐™ž๐™ฃ๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ž๐™จ ๐™ฃ๐™ค๐™ฉ ๐™– ๐™˜๐™ค๐™ข๐™ฅ๐™š๐™ฉ๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™ฉ๐™ค ๐™ฅ๐™ง๐™ค๐™ซ๐™š ๐™ฉ๐™๐™–๐™ฉ ๐™ค๐™ฃ๐™š ๐™ž๐™จ ๐™—๐™š๐™ฉ๐™ฉ๐™š๐™ง ๐™ฉ๐™๐™–๐™ฃ ๐™ฉ๐™๐™š ๐™ค๐™ฉ๐™๐™š๐™ง โ€“ ๐™ž๐™ฉ ๐™ž๐™จ ๐™ข๐™ค๐™ง๐™š ๐™ค๐™› ๐™–๐™ฃ ๐™ž๐™ฃ๐™ฉ๐™š๐™ง๐™ฃ๐™–๐™ก ๐™จ๐™ฉ๐™ง๐™ช๐™œ๐™œ๐™ก๐™š ๐™ฌ๐™ž๐™ฉ๐™ ๐™ค๐™ฃ๐™š๐™จ๐™š๐™ก๐™› โ€“ ๐™ฉ๐™ค ๐™™๐™ค ๐™—๐™š๐™ฉ๐™ฉ๐™š๐™ง, ๐™ฉ๐™ค ๐™ž๐™ข๐™ฅ๐™ง๐™ค๐™ซ๐™š โ€“ ๐™›๐™ค๐™ง ๐™ฉ๐™๐™š๐™ง๐™š ๐™ž๐™จ ๐™ข๐™ค๐™ง๐™š ๐™จ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™จ๐™›๐™–๐™˜๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™ฌ๐™š ๐™™๐™š๐™ง๐™ž๐™ซ๐™š ๐™›๐™ง๐™ค๐™ข ๐™ฅ๐™–๐™ž๐™ฃ๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐™ฃ๐™ค๐™ฉ ๐™ฌ๐™๐™–๐™ฉ ๐™ค๐™ฉ๐™๐™š๐™ง๐™จ ๐™ง๐™š๐™–๐™ก๐™ก๐™ฎ ๐™จ๐™–๐™ฎ ๐™ค๐™ง ๐™ฉ๐™๐™ž๐™ฃ๐™ โ€ฆ"

Iyan ang sinambit ng isang prolipikong pintor at eskultor na si Federico Aguilar Alcuaz. Ang tanging Pilipinong artistang nagkamit ng pinakamaraming gantimpala't parangal pang-internasyonal sa larangan ng pintura. Dahil sa kanyang angking husay, kinilala rin siya ng Pambansang Komisyon Para sa Kultura at mga Sining bilang isa sa mga Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal noong 2009.

Bantog siya bilang maestro ng abstraksiyon. Kung ang karamihan ng mga artista sa kaniyang panahon ay naging alagad ng modernismo at abstraksiyon dahil sa ito ang napapanahon, si Alcuaz ay nagsimula at nagpakahusay muna sa klasikong estilo bago tuluyang naging bihasa at nakilala rito. Nakilala siya sa kanyang mga mala-kuwadradong estilo. Kadalasan niyang isinasalarawan ang mga hubad na kababaihan, interiors, still-life at mga tanawin.

Dahil dito, siya ang unang Pilipinong nagwagi ng Prix Francisco Goya (1958). Sa Espaรฑa, natamo rin niya ang prestihiyosong Premio Moncada (1957), nagkamit ng unang gantimpala sa Pintura Sant Pol del Mar (1961), at ikalawang gantimpala sa Premio Vancell sa Fourth Biennial ng Tarrasa, Barcelona (1964). Sa gulang na 24, itinanghal si Alcuaz na pinakabatang nagkaroon ng eksibit sa prestihiyosong Sala Direccion General, Museum of Contemporary Art sa Madrid. Sa France ay pinarangalan siya ng Diploma of Honor sa International Exhibition of Art Libre (1961), Decoration of Arts, Letters and Awards na may ranggong Chevalier mula sa pamahalaang French (1964) at Order of French Genius (1964).

Bagaman mahabang panahon naglagi siya sa Europa, di niya nalimot bumalik sa Pilipinas. Nakamit niyรก dito ang maraming karangalan, kabรญlang ang Republic Cultural Heritage award, 1965; Araw ng Maynila Award, 1966; at Presidential Medal of Merit, 2006.

At ngayong Pebrero 2, bilang pag-alala sa kanyang pagpanaw, kinikilala rin ng Abot-Tanaw ang kanyang kakayahang ipinamalas sa larang ng 'visual arts' bilang bahagi ng Ani ng Sining 2021.

๐‡๐š๐ฅ๐ข๐ง๐š'๐ญ ๐ฆ๐š๐ค๐ข-๐ฌ๐ข๐ง๐ข๐ง๐ ! Ngayong buwan ng Pebrero, kaisa ang Abot-Tanaw Productions sa National Commission for Culture and ...
01/02/2021

๐‡๐š๐ฅ๐ข๐ง๐š'๐ญ ๐ฆ๐š๐ค๐ข-๐ฌ๐ข๐ง๐ข๐ง๐ !

Ngayong buwan ng Pebrero, kaisa ang Abot-Tanaw Productions sa
National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa pagpapayaman ng sining at kultura ng bansa sa pagdiriwang natin ng National Arts Month (NAM) o Ani ng Sining ngayong buwan ng Pebrero.

Sa pangangasiwa nina NCCA Chairman Arsenio โ€œNickโ€ Lizaso, Executive director Al Ryan Alejandre, Deputy Executive Director Marichu Tellano, Supervising Officer for Administration Bernan Joseph Corpuz at NCCA Subcommission on the Arts (SCA) Commissioner Dr. Rolando Tolentino, iikot ang paksa ng NAM ngayong taon sa "Alab Sining, Alay Sigla" habang patuloy na binibigyang oportunidad ang bawat manlilikha na maipamalas ang kanilang mga obra na siyang nagpapaigting sa kaluluwa ng bansa, ang sining.

Nilalayon ng NAM na pangalagaan, itaguyod at ipagmalaki ang mga likhang sining ng mga Pilipino; ibuklod ang sining at buhay pamayanan; at gamitin ito bilang mga instrumento ng pagbabago para sa pagpapahalaga sa edukasyon.

Nanlamig man ang ating bansa bunsod ng pandemya, patuloy na aalab ang pusong may bahid ng sining na siyang mag-aalay ng sigla sa bawat isa. Kaya, tara na, maki-sining na!

26/11/2020

Kukutitap pa ba ang mga liwanag sa gitna ng madilim at malamig na Kapaskuhan?

Mula sa panulat at direksyon ni James Gabriel Regondola, inihahandog ng Abot-Tanaw Productions ang kwento ng isang balikbayang si Hope, na umuwi sa Pilipinas para hintayin ang pag-uwi ni Esperanza, ang kaniyang ina ilang araw bago ang Pasko.

ESPERANZA
Opisyal na Lahok para sa Film Festival
Uuwi na sa 11.27.2020.

Kukutitap pa ba ang liwanag sa gitna ng madilim at malamig na Kapaskuhan?Mula sa panulat at direksyon ni James Gabriel R...
25/11/2020

Kukutitap pa ba ang liwanag sa gitna ng madilim at malamig na Kapaskuhan?

Mula sa panulat at direksyon ni James Gabriel Regondola, inihahandog ng Abot-Tanaw Productions ang isang maikling pelikulang magkikintal ng gintong aral sa puso ng bawat isa.

ESPERANZA.

Abangan ang kaniyang pag-uwi sa Nobyembre 27, 2020.

15/10/2020
Sa lahat ng mga sumusubaybay sa Abot-Tanaw, sa mga g**o, sa mga mag-aaral, humihingi po kami, ng paumanhin tungkol sa na...
15/10/2020

Sa lahat ng mga sumusubaybay sa Abot-Tanaw, sa mga g**o, sa mga mag-aaral, humihingi po kami, ng paumanhin tungkol sa naunang naisapublikong post tungkol sa pagbabago ng skedyul ng pagkuha ng mga modyul at pagpasa ng mga awtput, bukas, Oktubre 16.

Amin na pong binura ang anunsyo upang hindi pa kumalat pa, nakikiusap din po kami, na huwag nang ipasa pa sa kahit na sino ang mga screenshot upang hindi na makapaghawan ng pangamba.

Lubos na gumagalang,
James Gabriel Regondola, Punong Patnugot

Address

Daet
4600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Abot-Tanaw Productions posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Abot-Tanaw Productions:

Videos

Share

Category