DXMY 90.9 Cotabato

DXMY 90.9 Cotabato 90.9 iFM Cotabato Official page Broadcasting
(2)

16/01/2025

LOOK: Si Datu sa Talayan Datu Ali Midtimbang sa kanyang mensahe sa distribution of fertilizers at farm equipments sa bayan ng Datu Saudi MdS.

16/01/2025

LOOK: Si MP Bassir D. Utto Alhaj sa kanyang mensahe sa isinagawang pamamahagi ng abono at farm equipment sa bayan ng Datu Saudi Maguindanao del Sur.

Isinabay narin ang distribution ng 50 drivers license mula sa pondo ni MP Utto na dumaan sa BLTO BARMM.

Narito si MP Utto.

LOOK:    Tanggapan ni MP Bassir D. Utto Alhaj mamahagi ng fertilizer at farm equipments sa mga farmers cooperative sa Da...
16/01/2025

LOOK: Tanggapan ni MP Bassir D. Utto Alhaj mamahagi ng fertilizer at farm equipments sa mga farmers cooperative sa Datu Saudi at Maguindanao del Sur.

Normal narin ipamahagi ang mga driver's license na naka-avail sa free driver's licence ni MP Utto kasama ang MOTC.

Ang aktibidad na ito ay dinaluhan ng Datu sa Talayan Datu Ali Midtimbang kasama ang mga line-up nito sa UBJP.

Dumalo din Si Robert Wren Tulfo Te'o ng Turismo partylist.

16/01/2025

Bangsamoro Transition Authority (BTA) Radio program every Thursday 9:00-10:00am.

16/01/2025

PANOORIN!
Ang bahagi ng inspirational talk ni Maguindanao Del Sur Lone District Congressman Datu Mohammad "Tong"Paglas Sr. Alhadj kasabay ng opening program ng Palarong Panlalawigan ng Maguimdanao -1 Division sa bayan ng South Upi.
(Rahib Bansao)

16/01/2025

Doc ano ba to Radyoman Michael Suan MP Doc Jojo Sinolinding.

Bangkay na natgpuan sa ilog ng RH9 Cotabato City, tukoy na ang pagkakakilanlanTukoy na ng City PNP Station 2 ang pagkaka...
16/01/2025

Bangkay na natgpuan sa ilog ng RH9 Cotabato City, tukoy na ang pagkakakilanlan

Tukoy na ng City PNP Station 2 ang pagkakakilanlan ng bangkay na natagpuan palutang-lutang kahapon alas 11:30 ng umaga sa bahagi ng Tarbing River, Rosary Heights 9, Cotabato City.

Ayon kay PS2 Commander PCaptain Teofisto Ferrer Jr., kinilala ang biktima na si Alsahid Mampen Kasim, 31 anyos, Payong-Payong, Driver, residente ng Brgy. Bagua 2 nitong lungsod.

Dahil sa panawagan, mabilis na natukoy ang pagkakakilanlan ng biktima matapos tunguhin ng kaanak nito ang himpilan ng pulisya dagdag pa ni Ferrer.

Sa imbestigasyon ng estasyon dos, January 10, 2025 huling namataan si Kasim sa down town area kung saan may tatlong kalalakihan umano ang kumuha sa kanya hanggang sa hindi na ito nakabalik pa.

Kabilang pa sa sinusundang anggulo ng mga otoridad ay umanoy problema sa pamilya ayon sa salaysay ng kaanak ng biktima.

Nakitaan ng sugat sa noo, leeg, dibdib at marka ng pagtali sa kamay ang katawan ni Kasim na posibleng biktima ito ng summary ex*****on saka itinapon sa ilog.

(Radyoman Ebs Abang)

15/01/2025

Derecho Balitang Cotabato Daisy Mangod Ebs Abang Jul Dimapalao DXMY90.9 Cotabato 7:30-8:00am.

15/01/2025

PANOORIN!
Ang inspirational talk ni MBHTE Director -1 Johnny Balawag kasabay ng unang araw ng Palarong Pambansa ng Maguindanao Del Sur.
Ito'y ginanap sa bayan ng South Upi kahapon January 15, 2025.
(Radyoman Rahib Pangato Bansao)

15/01/2025

Straight to the point SM Erwin C. Cabilbigan, Eb's Abang DXMY 90.9 RMN Cotabato

Malawakang Voters' Empowerment Forum Para sa Kabataan, Pormal na Pinasimulan ng  BYC, COMELEC, at iba pang InstitusyonSa...
15/01/2025

Malawakang Voters' Empowerment Forum Para sa Kabataan, Pormal na Pinasimulan ng BYC, COMELEC, at iba pang Institusyon

Sa hangaring lubos pang maunawaan ng sektor ng mga kabataan ang idaraos na kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), pormal na pinasimulan ng Bangsamoro Youth Commission (BYC) ang kanilang malawakang “Voters' Empowerment Forum for the Youth”.

Idinaos ang naturang aktibidad sa Cotabato State University (CSU) sa Cotabato City katuwang ang Commission on Elections (COMELEC) at Integrated Development for Democratic Mindanao Project (IDDMP).

Dumalo sa nasabing aktibidad ang mahigit 3,000 student leaders ng unibersidad, sa pakikipagtulungan ng CSU Administration at University Student Council.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni BYC Commissioner Nas Dunding ang kahalagahan ng paghahanda ng kabataan sa usapin ng eleksyon, lalo na’t nalalapit na ang 1st Parliamentary Election sa BARMM.

Aniya, ang kinabukasan ng rehiyon ay nakasalalay sa aktibong pakikilahok ng kabataan sa election process.

Sa forum, in-orient ni Cotabato City COMELEC Election Officer Atty. Pai Paglala-Manduyog ang mga kabataang partisipante hinggil sa ‘automated voting machine’ na gagamitin sa nalalapit na halalan.

Ipinakita at ipinaliwanag ni Atty. Manduyog sa mga ito features ng makina, paano ito gamitin at kung paano gumagana.

Ilan pa sa itinampok sa forum ang pagtalakay sa Bangsamoro Electoral Code ni Atty. Jam Nagamura mula sa Bangsamoro Transition Authority Parliament, at ang perspektibo ng Islam hinggil sa eleksyon na ibinahagi ni Sheikh Amry Edris.

Samantala, naroon sa kaganapan upang pagpakita ng kanilang suporta sa inisyatiba sina Members of Parliament (MPs) Aida Silongan, Abdullah Hashim, at Jamel Macacua, kasama ang iba pang opisyal.

Magpapatuloy ang Voters' Empowerment Forum sa iba’t ibang pangunahing unibersidad sa rehiyon sa mga susunod na araw, bilang bahagi ng layuning maipaabot sa mas maraming kabataan ang kahalagahan ng kanilang boto at papel sa democratic process.
(DAISY MANGOD)

15/01/2025

17th Annual General Assembly Meeting ng NASAGEN Irrigation Association INC, Matagumpay na naisagawa sa SGA.

Matagumpay na naisagawa ika- 17th Annual General Assembly Meeting ng NASAGEN Irrigation Association INC sa Sitio Pantaden, Barangay Kibayao, Kapalawan, Special Geographic Area-BARMM kanina January 15,2025 na pinangunahan ni Mamasabulod.

Ayon kay former Maguindanao MPMERUIT Chair at Kapalawan Aspirant Mayor Transceiver, layon ng naturang pulong ay upang maspalakas at mapalago pa ang pananim ng mga magsasaka sa baasakan.
(RB)

15/01/2025


DXMY 90.9 RMN COTABATO

Ustadz ng Qur Ann,patay matapos matumbahan ng punong kahoy sa bayan ng Datu Piang.Patay on the spot ang isang Ustadz mat...
15/01/2025

Ustadz ng Qur Ann,patay matapos matumbahan ng punong kahoy sa bayan ng Datu Piang.

Patay on the spot ang isang Ustadz matapos mabagsakan ng punong kahoy habang nasa loob ng kanyang bahay kasabay ng malakas na buhos ng ulan at hangin sa Barangay Buayan, Datu Piang, Maguindanao Del Sur bandang alas 5:30 ng takip silim kahapon.

Kinilala ang naturang biktima na si Al-qari Abdulbayan Banto nasa hustong gulang at residente ng nasabing Barangay.

Ayon sa pamangkin ng biktima, naghahanda na ito sa kanyang pag aabdas para mag Salah ng waktu ng Magrib ng mabuwal ang punong kahoy at nataon na nabagsakan ng bahay nito.

Inabot pa ito ng mahigit kalahating Oras bago natanggal sa punong kahoy na nakadagan sa kanya sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Dahil dito ay labis na nagdalamhati ang kaanak at pamilya ng biktima.

Kinabukasan kaninang Umaga ay agad din itong hinatid sa kanyang huling hantungan batay sa paniniwala ng Islam.

Ang aming pakikiramay, Kullon napsin Jaikatul Maut, Innaliahi Wainnalilahi Rajiun.

(Radyoman Rahib Bansao) //CCTO//

Congressman Paglas, nakiisa sa Palarong Panlalawigan sa Maguindanao Del Sur.Nakiisa si Maguindanao Del Sur Lone Congress...
15/01/2025

Congressman Paglas, nakiisa sa Palarong Panlalawigan sa Maguindanao Del Sur.

Nakiisa si Maguindanao Del Sur Lone Congressman Datu Mohammad "Tong"Paglas Sr. Alhadj sa ginanap na Panlarong Palalawigan sa Maguindanao Del Sur.

Nag umpisa ang naturang opening program kanina sa bayan ng South Upi at inaasahang magtatapos ito sa loob ng tatlong araw.

Ayon kay Congressman Paglas, malapit sa kanyang puso ang kagawaran ng edukasyon sa sapagkat dito nakasalalay ang kinabukasan ng mga kabataan at sa susunod pang hemerasyon.

Sinabi rin ni Paglas na isa rin siyang atleta at naging basketball player varsity sa loob ng sampong taon noong panahon ng kanyang kabataan.

Dagdag pa ng kungresista, nakapagpatayo rin siya ng gusali sa ilang mga paaralan sa lalawigan na nagkakahalaga ng tig isang milyong piso bawat gusali.

Ipinunto rin ni Paglas na gagawa siya ng paraan upang masolusyonan ang lahat ng mga pangangailangan ng mga atleta sa Maguindanao Del Sur.

Kanina ay namahagi rin ito ng Cash assistant sa bawat Zone kasama ang PO.
(Rahib Bansao)

15/01/2025

PANOORIN!
Ang bahagi ng panayam kay Ministry of Basic Higher and Technical Education Director -1 Johnny Balawag kasabay ng Opening program ng Palarong Panlalawigan sa Maguindanao Del Sur kanina January 15, 2025 na may Temang Empowering Future Bangsamoro Leaders Across Diver's Communities Through Sports.

Ito'y ginanap sa bayan ng South Upi at inaasahang magtatapos ito sa loob ng tatlong araw.
(Rahib Bansao)

15/01/2025

Provincial meet ng Maguindanao Del Sur, pormal ng nag umpisa sa bayan ng South Upi.

Pormal ng nag umpisa ang opening program ng Provincial Meet ng Maguindanao Del Sur School Division kanina sa bayan ng South Upi at inaasahang magtatapos ito sa loob ng tatlong araw.

Ayon kay South Upi Mayor Reynalbert Insular, ito ang kauna-unahang Palarong Panlalawigan na sila ang nag host at maituturing itong malaking challenge sa Lokal na Pamahalaan ng South Upi.

Bagaman bumuhos ang malakas na ulan ay hindi ito inalintana ng mga atleta kaguruhan LGU South Upi.

Dagdag pa ni Mayor Insular, Maging si Congressman Paglas ay hindi nag nagpaawat at sumama sa Flag Racing kahit na magulas at mabasa ang playground dulot ng malakas na ulan.

Pinasalamatan din Insular ang lahat ng nakiisa sa naturang sa naturang Palarong Panlalawigan.
(Rahib Bansao)

Address

3rd Floor NUB Bldg. Cor. Sinsuat & Gov. Gutierrez Avenue, Rosary Heights 9
Cotabato City
9600

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DXMY 90.9 Cotabato posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share