04/09/2023
BAKIT AKO ANG MAYOR?
HINDI AKO MUJAHIDEEN. HINDI AKO ORGANIC MEMBER NG M**F. HINDI AKO NAPASAMA SA COMBAT FIELD SA PANAHON NG STRUGGLE. Tama naman po lahat yan. ANG HINDI TAMA AY ANG SABIHIN NA WALA AKONG NAIAMBAG SA BANGSAMORO LALO NOONG PANAHON PA LANG NG FAB, CAB, at BOL. Pero hindi ako ang tipo ng tao na nagbibilang ng lahat ng aking tulong at ambag kaninuman at sa anumang grupo o gawain. Whether or not I am recognized and appreciated for my contributions, it doesn't matter to me. The Almighty is watching and that is all that matters.
PASASALAMAT NA WALANG PATID SA LAHAT NG TUMULONG AT NAGHIRAP PARA TAYO AY MAGING MAYOR NG COTABATO CITY - M**F sa pamamagitan ng UBJP, BIG 5, SPECIAL 4, at BM PARA SA LAHAT! Hindi na ako magbabanggit ng indibidwal na pangalan para siguradong wala akong makaligtaan. HINDI KO LANG DAPAT KALIMUTAN ANG MAYORYA NG MGA MUSLIM, KRISTYANO, IP at iilang TSINO NA NAGBUHOS NG KANILANG SUPORTA dahil kung hindi dahil sa kanila, HINDI RIN NATIN KAKAYANIN.
HINDI PO AKO NAG-APPLY PARA MAGING KANDIDATO PAGKA MAYOR AT LALONG HINDI KO IPINAGPILITAN ANG SARILI KO. NAIMBITAHAN AKO NG LIDERATO NG UBJP AT TINANGGAP KO ITO MAKALIPAS ANG ILANG LINGGO NG PAGKONSULTA SA AKING PAMILYA AT MGA SUPPORTERS. Para sa akin ay pangalawa na lang ang karangalan na makonsidera ng M**F bilang kandidato dahil ang unang pumasok sa isip ko ay ITO NA ANG PAGKAKATAON KONG DIREKTANG MAKATULONG SA UMPUNGAN NA SYANG KASALUKUYANG NAGDADALA SA BARMM. I knew that it was going to be an uphill battle and I was an underdog but I also knew that UBJP will back me up all the way so I fought it hard. Ang tanging personal na bitbit ko sa laban ay ang aking track record bilang Konsehal at Development Worker at ang parehas na pagtanggap sa akin ng mga CotabateƱo, Muslim man o Kristyano. Sa madaling sabi, tanging ang aking TALINO, KARANASAN at PUSO ang aking naging ambag. Tama ang sabihin na dahil sa tulong ng lahat, nanalo tayo pero hindi siguro tama ang sabihing nanalo tayo nang dahil lang sa iilang tao. NAGPAGOD DIN AKO, NAGSUMIKAP, at GINAWA ANG LAHAT NG AKING MAKAKAYA. Kung hindi kaya si Bruce Matabalao ang kandidato natin, mananalo kaya tayo? Hindi natin masasagot pero isa lang ang sigurado, ako lang ang may-ari ng QAD'R ko.
WALANG KUNDISYON, WALANG HININGING KAPALIT, WALANG PINAG-USAPANG ARRANGEMENTS AT LALONG WALANG KAHIT NA ANONG DEMANDS ANG M**F KUNG SAKALING MANALO AKO BILANG MAYOR.
Sa awa ng ALLAH SWT at sa samang-samang tulong ng mga nais ng pagbabago sa Cotabato City, NANALO TAYO. BILANG KABAYARAN SA LAHAT NG SUMUPORTA AT BILANG SAGUTIN KO SA MAYKAPAL, GINAGAWA KO ANG LAHAT NG AKING MAKAKAYA UPANG PATUNAYAN AT MAIPAKITA ANG BAGONG BRAND NG BANGSAMORO LEADERSHIP NA PARA SA LAHAT. Hindi ko na iisa-iisahin ang ating mga nagawa at marami pang gagawin, PERO NAKIKITA AT NARARAMDAMAN NG LAHAT ANG PAGBABAGO. Maaaring may iilan na hindi pa kuntento, pero hindi nila masasabi na wala tayong ginagawa at walang pagbabagong nangyayari.
WALA AKONG ALAM NA IBA PANG PARAAN UPANG MABAYARAN O MASUKLIAN ANG SAMA-SAMANG PAGTULONG NG LAHAT PARA AKO AY MAGING MAYOR MALIBAN NA LANG SA MABUTING SERBISYO AT MAKATAONG LIDERATO NA PATAS, MAHUSAY, WALANG PINIPILI at PARA SA LAHAT!
Kung may mga tumulong man sa atin na naghahangad ng kapalit o kabayaran maliban sa aking mabuting serbisyo, maaaring hindi ko mapagbigyan ang inyong mga personal na kagustuhan pero sana ay makita ninyo na sa pangkalahatan, TINATAMASA NG HIGIT NA NAKAKARAMI ANG ATING SERBISYO PARA SA LAHAT.
Sa muli, maraming salamat sa inyong lahat lalo na sa M**F leadership na ang tanging hiling at utos sa akin ay gampanan nang mahusay ang aking trabaho at pagsilbihan ng buong-puso ang mga Bangsamorong CotabateƱo. No more, no less.
Para sa Batang Mahusay, Para sa Bangsamoro, PARA SA LAHAT!
Bruce Dela Cruz Matabalao