DK-Core News

DK-Core News Helping people to communicate each other like friend,family,and more,
To give the right on informati

EXTENSION NG LTMS,PORMAL NG NILAGDAAN ANG MEMORANDUM OF AGREEMENT SA PAGITAN NG LTO NATIONAL AT BLTO -BARMM MOA SIGNING ...
19/09/2024

EXTENSION NG LTMS,PORMAL NG NILAGDAAN ANG MEMORANDUM OF AGREEMENT SA PAGITAN NG LTO NATIONAL AT BLTO -BARMM

MOA SIGNING ||:Dhen [09/19/2024]: Pormal ng lumagda ng Memorandum of Agreement (MOA) ang Land Transportation Office (LTO) at ang Bangsamoro Land Transportation Office (BLTO) para sa extension ng Land Transportation Management System (LTMS).

Ginanap mismo ang paglagda sa LTO Central Office at binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan sa pagpapahusay ng mga serbisyo sa transportasyon.

Sa pangunguna ni MOTC -BARMM Minister Atty. Paisalin P. Tago, CPA, Kasama si Deputy Minister Muhammad Ameen Abbas, Director General Atty. Roslaine M. Maniri, Engr. Razul D. Gayak, Direktor I ng BLTO, iba pang personalidad, at mga kinatawan mula sa iba't ibang tanggapan ng ministeryo.

Naroon din sina Jaime J. Bautista, Kalihim ng Department of Transportation (DOTr), Atty. Vigor D. Mendoza II, Assistant Secretary of the LTO, and Ricardo E. Alfonso, Jr.,Binigyang-diin nila ang kahalagahan ng kasunduang ito sa pagpapabuti ng kahusayan at accessibility ng transportasyon sa rehiyon.

Layunin ng MOA ay upang palawigin ang Land Transportation Management System (LTMS) sa Bangsamoro Land Transportasyon Office (BLTO), na nagbibigay-daan para sa isang mas magkakaugnay at streamlined na diskarte sa pamamahala ng mga serbisyo ng transportasyon sa iba't ibang hurisdiksyon.

Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng LTMS, makikinabang ang BLTO mula sa mga advanced na teknolohiya na mapagkukunan ng mga regulasyon sa transportasyon, paglilisensya, at mga hakbang sa kaligtasan ay epektibong naipapatupad.

Ang extension na ito ay partikular na mahalaga para sa rehiyon ng Bangsamoro, kung saan ang imprastraktura ng transportasyon ay mahalaga sa pag-unlad ng ekonomiya at koneksyon sa komunidad.

Nilalayon din nitong pahusayin ang mga kahusayan sa pagpapatakbo at bumuo ng isang balangkas para sa mga pakikipagtulungan sa hinaharap at nagmamarka ng isang mahalagang hakbang tungo sa mas epektibong pamamahala sa transportasyon at mas mahusay na mga serbisyo para sa mga komunidad sa rehiyon ng Bangsamoro.

Ang pakikipagtulungang ito ay nagpapakita ng pangako ng LTO sa pagpapaunlad ng kooperasyong intergovernmental at pagpapabuti ng paghahatid ng serbisyo sa publiko.

End

13/09/2024

ππ€ππŽπŽπ‘πˆπ: Alay sa mga manggagawang Bangsamoro, tunghayan ang iba’t-ibang mga kwento ng tagumpay mula sa mga programang handog ng Ministry of Labor and Employment.

Sa pamamagitan ng Special Development Fund (SDF), ang Bangsamoro Employment and Entrepreneurial Development (BEED) program ng Ministry of Labor and Employment (MOLE) ay nakatuon sa pagtulong sa mga manggagawa mula sa impormal na sektor upang maging produktibong kasapi ng kanilang mga komunidad.

Ito ay isinasakatuparan sa pamamagitan ng pagbibigay ng panimulang kapital para sa kanilang mga negosyo.

Lubos na pasasalamat ni Anangtesa Sapan, bise presidente ng Sahaya MNLF Association mula sa Tawi-Tawi, na nabigyang oportunidad ang kanilang asosasyon na magpatuloy sa kanilang hangarin kasabay ng pagpapalago sa kanilang munting negosyo sa tulong ng programang BEED.

Patunay ang kanilang kwento na ang pagtutulungan at pagkakaisa ay susi upang mas lalong mapagtibay ang isang samahan tungo sa maunlad na kinabukasan.

End

13/09/2024

PRESS CONFERENCE [09/12/2024]: Nagpa tawag ng pulong balitaan ang BAPA President at MNLF Chair,BARMM MOLE Minister Datu Muslimin G. Sema ngayon hapon para sagutin ang ilang mga katanungan hinggil sa inilabas ng SC na Mawawala ang SULU Province sa BARMM Region.

Sinabi nito na bagamat masaya siya sa naging Declaration ng SC na ang BOL ay Constitutional pero nalulungkot si BAPA President MUS Sema dahil marami ang maapektuhan sa pagdidisisyon ng SC na ihiwalay Ang Bayan ng SULU.

Pakinggan ang buong detalye


13/09/2024

BAPA,HANDA NA SA 2025 [09/12/2024]: Ayon kay Member of Parliament ADZFAR USMAN ,handang handa di umano ang Bangsamoro Party (BAPA) sa darating na BTA Parliament election sa 2025.

Kahit sa kabila ng pagkakahiwalay ng probinsya ng SULU sa BARMM Region ay tuloy tuloy parin ang preparation ng kanilang BAPA sa pangunguna ng kanilang BAPA President MUS Sema.

Narito ang kabuuan ng panayam

13/09/2024

SULU ISSUE [09/12/2024]: Posibling kasama sa pag uusapan ang inilabas na Supreme Court (SC) sa muling pagbabalik ng regular na Session ng BTA Parliament ngayon darating na September 16.

Ayon kay BTA -BARMM Deputy Speaker Atty.Omar Yasser C. Sema,ilan sa mga kapwa MP ay nagtanong kong pwedi ba matalakay ang napapanahong isyu sa probinsya ng SULU.

Kasama sa posibling maapektuhan ang 80 member of Parliament dahil magiging 73 na lamang ang matitira dahil sa inilabas ng SC,Ang nasa R.A. 11054 O BOL ay binubuo ito ng 80.

May mga paraan dagdag pa ni Deputy Speaker Sema,naka dependi umano sa mga mamamayan ng SULU Kong nanaisin nila maibabalik sa BARMM Region.

Maari di umano magkaisa at manawagan o mag file sa SC na ibalik sa BARMM ang probinsya ng SULU o Humiling ng isa pang Plebisito.

End

JUST IN!! πŒπ€π˜πŽπ‘ 𝐁𝐑𝐔𝐂𝐄 πŒπ€π“π€ππ€π‹π€πŽ 𝐀𝐓 πŠπ€ππˆπ“π€π π‰πŽπ‡π€πˆπ‘ πŒπ€πƒπ€π†, ππ‘πŽπ‚π‹π€πˆπŒπ„πƒ πŽπ…π…πˆπ‚πˆπ€π‹ π‚π€ππƒπˆπƒπ€π“π„π’ 𝐍𝐆 𝐔𝐁𝐉𝐏 𝐒𝐀 π‚πŽπ“π€ππ€π“πŽ π‚πˆπ“π˜ ππ€π†πŠπ€ 𝐌...
09/09/2024

JUST IN!!

πŒπ€π˜πŽπ‘ 𝐁𝐑𝐔𝐂𝐄 πŒπ€π“π€ππ€π‹π€πŽ 𝐀𝐓 πŠπ€ππˆπ“π€π π‰πŽπ‡π€πˆπ‘ πŒπ€πƒπ€π†, ππ‘πŽπ‚π‹π€πˆπŒπ„πƒ πŽπ…π…πˆπ‚πˆπ€π‹ π‚π€ππƒπˆπƒπ€π“π„π’ 𝐍𝐆 𝐔𝐁𝐉𝐏 𝐒𝐀 π‚πŽπ“π€ππ€π“πŽ π‚πˆπ“π˜ ππ€π†πŠπ€ πŒπ€π˜πŽπ‘ 𝐀𝐓 π•πˆπ‚π„ πŒπ€π˜πŽπ‘

Mismong si UBJP President Ahod β€œAl Haj Murad” Ebrahim, Party Vice President at VP for Central Mindanao Mohagher Iqbal at City Executive Officer Zul Qarneyn Abas ang nagtaas ng mga kamay nina Mayor Matabalao at Kapitan Madag bilang mga opisyal na kandidato ng UBJP sa Lungsod sa pagka Mayor at Vice Mayor.

08/09/2024
08/09/2024

COTABATO CITY [09/03/2024]: Pinangunahan ni City Mayor Mohammad Ali Bruce Matabalao ang City Hall sa Barangay ngayon araw sa Barangay Poblacion 2, Kasama ang mga emplyado ng Peoples Palace Mula sa Ibat-ibang departamento at Ang tabang para ihatid ang mga serbisyo para sa mga taga Poblcion 2

Pinaliwanag din niya ang pagsasara ng STL sa Lungsod at mga naka line up na mga plano pra sa pagpapabuti at pagpapaganda ng syudad.

Narito ang kabuuan ng panayam!!

08/09/2024

PAGBUBUKAS NG KCC MALL [09/03/2024]: Sa nalalapit na pagbubukas ng Department Store ng KCC Mall sa Cotabato City mayroon ng paghahanda ang City Government ayon kay Hon. Mayor Mohammad Ali Bruce Matabalao.

Marami kasi nakikita na mga kumento o mga post sa Facebook na magiging problema ang daloy ng trapiko Kong sakali magbubukas Ang pinaka malaking KCC Mall sa Mindanao.

Ayon Kay Matabalao,may nakahanda na umano ang City kong sakali man magkakaroon ng mabigat na daloy ng trapiko.

Isa din umano itong magandang senyales na umuunlad na ang Cotabato,may mga plano na din ang kasalukuyang administration na magkakaroon ng Skyway Cotabato Hospital at Muslim Cemetery na may lawak na 3Hecta Hectar.

08/09/2024

Barangay Chairwoman Bai Johaira Madag, Pinasalamatan ang pagbaba ng serbisyo mula sa People's Palace para sa kanyang mga ka-barangay sa Poblcion 2, Cotabato City.

Sa pamamagitan ng City Hall sa Barangay,bumababa ang mga emplyado ng ibat-ibang Departamento galing sa Peoples Palace atTabang mula sa BARMM kasama ang Barangay Monitoring Liaison officer BMLO.

08/09/2024

WATCH!!

Former Congresswoman Bai Sandra S.A. Sema pinangunahan ang BARMM Assembly at Parido Federal ng Pilipinas MASS OATH TAKING ng Koalisyon ng Batayang Sector

Pakinggan ang kanyang kasagutan kong ano ang nakikitang impact nito sa mga kababayan nating mga nasa impormal workers

08/09/2024

RATIONALE [09/07/2024]: Ipinaliwanag ni Lead Convenor ng Koalisiyon ng Batayang Sector at Former Congresswomen Bai Sandra S.A.Sema kong ano nga ba ang Koalisiyon ng Batayang Sector.

Sa ginanap na BARMM Assembly at Partido Federal ng Pilipinas MASS OATH TAKING ngayon araw, Ibat-ibang mga grupo mula sa impormal na manggagawa na binubuo ng mga association ang nanumpa sa harap ni PFP Party President at South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo.

08/09/2024

MGA NAGHIRAP ANG DAPAT MAMUNO SA BARMM [09/07/2024]: Ito ang sinabi ni BARMM Chief Minister Ahod B Ebrahim ayon sa kagustuhan ni PBBM

08/09/2024

PAGKAKAISA [09/07/2024]: Ito ang hatid na mensahe ni PFP President at South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo ,Jr sa ginanap na BARMM Assembly at Partido Federal ng Pilipinas MASS OATH TAKING ng Koalisyon ng Batayang Sector.

Kong magkakaisa di umano ang mga namumuno sa BARMM government ay mas lalo ito gaganda at magiging modelo ito sa buong pilipinas sa pagbuo ng Pederalismo.

08/09/2024

Maraming salamat sa patuloy na pagsubaybay sa ating mga news☺️☺️☺️

Aasahan niyo na mas papalawakin pa ntin at magbibigay ng totoo at tamang impormasyon❀️❀️❀️

MAHIGIT 8.7 MILLION HALAGA,INILAAN NG MOTC-BAA MULA SA GAAB 2023 PARA SA PAGPAPALAWAK NG STAFF HOUSE SA SANGA-SANGA AIRP...
04/09/2024

MAHIGIT 8.7 MILLION HALAGA,INILAAN NG MOTC-BAA MULA SA GAAB 2023 PARA SA PAGPAPALAWAK NG STAFF HOUSE SA SANGA-SANGA AIRPORT, MAGAGAMIT NA

TAWI-TAWI [September 4,2024]: Pormal ng Turn-over Ceremony ang isa sa mga proyektong pagpapalawak ng isang gusali ng Staff House ng Ministry of Transportation and communication -Bangsamoro Airport Authority sa Sanga-Sanga Airport sa Tawi-Tawi nitong buwan ng setyembre 2,2024.

Nasa Php 8,796,690.92, ang halaga ng proyekto, na pinondohan sa ilalim ng General Appropriations Act of the Bangsamoro (GAAB) ng 2023, at sinimulan ito noong Disyembre 18,2023.

Ang bagong dalawang palapag na istraktura, ay may lawak na 226 metro kuwadrado na malapit lamang sa tabi ng kasalukuyang staff house na may walong well-appointed na mga sala

Ang kanilang mga kontribusyon ay naging instrumento sa paggawad ng 1-unit pick-up truck sa MOTC-BAA- Sanga-Sanga Airport at ito ay umaakma sa mga pangangailangan sa pagpapatakbo ng bagong sasakyan at sumisimbolo sa patuloy na pakikipagtulungan at dedikasyon sa pagsusulong ng imprastraktura at serbisyo ng transportasyon sa rehiyon.

Ang proyekto ay sumasalamin sa malaking pamumuhunan sa pagpapabuti ng mga kondisyon sa pagtatrabaho ng mga tauhan ng paliparan at binibigyang-diin din ang pangako sa pag-unlad ng imprastraktura sa loob ng rehiyon ng Bangsamoro.

Bilang karagdagan sa mga tagumpay sa pagtatayo, isa pang proyekto ang nakakuha ng kapansin-pansing suporta mula sa Transitional Development Impact Fund (TDIF), na pinangasiwaan nina Member of Parliament Jose Lorena at Suharto Ambolodto sa pamamagitan ni Minister Paisalin P. Tago, CPA.

Ang kanilang pinagsamang pagsisikap ay sumasalamin sa isang mas malawak na pangako sa pagpapahusay ng pisikal at logistical na aspeto ng Tawi development landscape.

Kasama sa seremonya ang presensya ni MP Eddie M. Alih at lahat ng opisyal at kawani ng MOTC sa programa at iba pang dignitaryo

Tiniyak naman ni MOTC-BAA Manager 1, Kaycy Lynn Paraiso sa kanyang pagsisikap ang maayos na pagpapatupad ng mga operasyon sa paliparan, na umaayon nang walang putol sa mga layunin ng pagpapalawak ng bagong staff house.

End

CLEAN UP DRIVE [AUGUST 31, 2024 | 5:30 A.M.]: Nagsagawa ng Clean Up Drive ang Lungsod ng Cotabato para sa mas malinis at...
02/09/2024

CLEAN UP DRIVE [AUGUST 31, 2024 | 5:30 A.M.]: Nagsagawa ng Clean Up Drive ang Lungsod ng Cotabato para sa mas malinis at maaliwalas na Syudad kahapon sa city plaza.

Ang naturang activities ay gagawin buwan-buwan na pangungunahan ng mga kawani ng City Government.

Simula ngayong Lunes, September 2, ang Old City Hall Compound ay magkakaroon na ng clearing bilang hudyat ng pagsasaayos nito.

PROPOSED  SULU AIRPORT DEVELOPMENT PROJECT SA SUMADJA HALL, SULU AREA COORDINATING CENTER, BANGKAL, PATIKUL, SULU, PORMA...
29/08/2024

PROPOSED SULU AIRPORT DEVELOPMENT PROJECT SA SUMADJA HALL, SULU AREA COORDINATING CENTER, BANGKAL, PATIKUL, SULU, PORMAL NG NILAGDAAN

SULU [AGOSTO 29,2024]||: Pormal ng lumagda ng Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Bangsamoro Planning and Development Authority (BPDA) at Ministry of Transportation and Communications (MOTC) sa lalawigan ng Sulu ngayon araw.

Ang naturang MOU ay para sa pagsasagawa ng feasibility study at master plan sa proposed na Sulu Airport Development Project sa Sumadja Hall, Sulu Area Coordinating Center, Bangkal, Patikul, Sulu.

Sinaksihan ito nina Hon.Mayor Nivocadnezar Tulawie ng Talipao at Vice Mayor Aiman Tan ng Maimbung Kasama sina Sulu Gov. Abdusakur M. Tan,Engr. Bertrand Chio, Provincial Planning and Development Coordinator ng Sulu at MOTC-BAA Director Atty. Ranibai D. Dilangalen.

BAGONG VIP LOUNGE,PORMAL NG BINUKSAN PARA SA PUBLIKO SA COTABATO AWANG AIRPORTCOTABATO CITY (Agosto 27, 2024)||: Isang T...
28/08/2024

BAGONG VIP LOUNGE,PORMAL NG BINUKSAN PARA SA PUBLIKO SA COTABATO AWANG AIRPORT

COTABATO CITY (Agosto 27, 2024)||: Isang Tagumpay ang pagbubukas ng bagong Cotabato Airport kahapon kong saan nagkaroon ceremonial Ribbon Cutting sa pangunguna ni MOTC Minister Atty Paisalin P.Tago,PhD Kasama ang iba pang dignitaryo.

Opisyal na ipinasa ang pasilidad sa Ministry of Transportation and Communications – Bangsamoro Airport Authority (MOTC-BAA) matapos ang punduhan ng PHP 4,455,000 mula sa Transitional Development Impact Fund ni Engr. Baintan A. Ampatuan, CSEE, MNSA

Naging posible ang proyektong ito sa pamamagitan ng masigasig na pagsisikap ng mga Member ng Parliament Ministro Atty. Paisalin P. Tago, CPA.

Sa mensahe ni Deputy Minister Muhammad Amen Abbas,pinuri niya si MP Ampatuan sa kanyang dedikasyon sa proyekto at ang Engr Construction para sa mabilis na pagkakatapos ng pasilidad.

Binigyang-diin niya na ang lounge ay dinisenyo hindi lamang para sa mga kilalang manlalakbay kundi pati narin sa lahat ng pasahero, na nagpapakita ng layunin nitong mapabuti ang kabuuang karanasan sa paliparan.

Ang bagong pasilidad ay nangangako ng mas mataas na karanasan sa paglalakbay hindi lamang para sa mga kilalang bisita kundi para sa mas malawak na komunidad, sa pamamagitan ng marangyang pasilidad at pinahusay na kaginhawaan na nakatutok sa pangangailangan ng mga manglalakbay.

Sa kabilang banda,sinabi naman ni MP Ampatuan na ang mga patakaran ay hindi lamang binubuo ng parliyamento ang pasilidad kundi isinasagawa rin sa mga praktikal na aplikasyon sa totoong mundo tulad ng VIP Lounge, na sumasalamin sa kanilang pangako sa pagpapabuti ng pampublikong imprastruktura at tinitiyak na ang mga desisyon ay may positibong epekto sa komunidad.

Bukod dito, ipinahayag ni Ministro Tago ang pasasalamat sa lahat ng mga MP na sumuporta sa mga inisyatiba ng MOTC. Inanunsyo niya na ang VIP Lounge ay papangalanang "People's Lounge" upang ipakita ang layunin nitong magsilbi sa nakararami ng mga manlalakbay at magbigay ng pantay na pagtrato sa lahat.

Ang pagbago ng pangalan ay nagsasaad ng pangako sa pagbibigay ng isang inklusibo at pinahusay na karanasan sa paglalakbay at pagpapabuti sa mga VIP at malawak na pangako na pagbutihin ang imprastruktura at itaas ang pamantayan ng serbisyo sa Cotabato (Awang) Airport.

End

MGA USTADZES MULA SA IBA'T-IBANG LALAWIGAN NG BARMM,NAKATANGGAP NG P15,642.00 MULA SA MOLECOTABATO CITY (08/23/2024)||: ...
23/08/2024

MGA USTADZES MULA SA IBA'T-IBANG LALAWIGAN NG BARMM,NAKATANGGAP NG P15,642.00 MULA SA MOLE

COTABATO CITY (08/23/2024)||: Namahagi ng mga STIPEND sa 163 na mga Ustadz ang Ministry of Labor and Employment (MOLE), sa pamumuno ni MOLE Minister Datu Muslimin Sema,(BAPA MUS) kahapon ng umaga, Agosto 22, sa Jamiat Cotabato and Institute of Technology sa Lungsod ng Cotabato.

Ang bawat indibidwal na nakatanggap ay bilang benepisyaryo ng Bangsamoro Internship Development Program (BIDP)

Kasama sa pamamahagi ang 34 na ustadzes mula sa Cotabato City, 15 mula sa Maguindanao del Norte, 37 mula sa Maguindanao del Sur, 25 mula sa Lanao del Sur, 25 mula sa Marawi City, at 27 mula sa Special Geographic Area.

Ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng β‚±15,642.00, na sumasaklaw sa kanilang kabayaran para sa tatlong buwang dedikadong serbisyo.

Sinabi ni MOLE Deputy Minister,Tommy Nawa na ang pagkakaisa ay nananatiling pundasyon ng epektibong pamamahala at pag-unlad. Binigyang-diin niya na walang limitasyong pangako at serbisyong ipinaabot sa mga taong Bangsamoro.

Ang pahayag ni Deputy Minister Nawa ay sumasalamin sa isang determinadong dedikasyon sa pagtiyak na ang lahat ng pagsisikap ay nakadirekta sa pagpapabuti ng komunidad ng Bangsamoro.

Nagpahayag naman ang mga opisyal mula sa Hay-ato Ulama El-Muslimina Bil-Filibbin, Inc., na sina Deputy General Secretary Dr. Muhammad Nadzir Abil at Sheik Saad Sindatoc,bilang pasasalamat,galak at suporta sa mga Ustadzes/ulama ng MOLE-BARMM.

Naramdam di umano ng mga Ustadzes/Ulama na kasama sila at nakapagpapatibay na makita ang mga pinuno ng Bangsamoro na nagpapasimula ng mga programa na sumusuporta sa mga ulama ngayon.

Ipinaabot ni Sheik Muslim Guiamaden, ang Wali ng Bangsamoro, ang kanyang pasasalamat sa Bangsamoro Government at MOLE sa pagkakataong iniaalok ng programa at sa kanilang walang patid na suporta at pangako sa kapakanan ng mga ustadze.

Samantala,nagpaabot ng pasasalamat si OIC-Director ng MOLE-AFS Atty.Mohamad-Ali Midtimbang, Jr. sa lahat ng dumalo sa kaganapan at binigyang-diin niya na ang BIDP ay isang pangunahing inisyatiba sa ilalim ng MOLE at ito ay gumagana mula nang itatag ang BARMM. Nagpahayag siya ng pag-asa na ang iba't ibang programa ng ministeryo ay patuloy na makikinabang sa mas maraming nasasakupan ng Bangsamoro sa hinaharap.

Ang matagumpay na pamamahagi ng mga stipend ay hindi lamang nagbigay ng kinakailangang suportang pinansyal ngunit pinatibay din ang dedikasyon ng MOLE sa pagkilala sa mahalagang papel ng mga lider ng relihiyon na ito, na nagbibigay-daan sa kanila na ipagpatuloy ang kanilang mahalagang serbisyo sa komunidad

End

08/20/2024||: Sa ginanap na episode ng "Kapihan sa Bagong Pilipinas"inisa isa ng Office of Civil Defense-Bangsamoro Auto...
22/08/2024

08/20/2024||: Sa ginanap na episode ng "Kapihan sa Bagong Pilipinas"inisa isa ng Office of Civil Defense-Bangsamoro Autonomous Region (OCD-BAR) ang mga programa,serbisyo, proyekto,mga patakaran,sa 6ID Kampilan Public Assistance Center (KPAC), Awang, Maguindanao del Norte.

Kasama si OCD-BAR Regional Director Joel Mamon bilang Guest kong saan itinampok nito ang mga highlight ng mga nagawa,ginagawa at mga priority projects at iba pa.

Layunin ng kapihan sa Bagong Pilipinas na palakasin ang mga patakaran, aktibidad, at mga nagawa ng bawat tampok na departamento, na naaayon sa mandato ng Bagong Pilipinas (BP) governance at leadership agenda ng administrasyon.

Abangan ang buong detalye...

22/08/2024

PAKINGGAN||: Sagot ni Atty. Anwar A. Malang ng BTWPB Management Representative sa ginanap na Ceremonial Signing ng First issuance of minimum Wage order BARMM-DW-01, kahapon sa Mole Regional office.

19/08/2024

STATEMENT||: Ito ang pahayag ni MOLE Datu Minister G.Sema (BAPA MUS) sa ginanap na Ceremonial Signing ng First issuance Ng Minimum wage sa mga Domestic workers sa BARMM Region.

Ang (P5,000.00) pesos kada buwan ang ibibigay sa mga kasambahay na mamamasukan dito sa buong BARMM Region.

Ito ay matapos lagdaan ngayon araw ng Wage Board ng Bangsamoro Tripartite Wages Productivity Board (BTWPB panel) sa pangunguna ni MOLE Minister Sema na siya ring Chairman ng BTWPB

Ang Wage Order No. BARMM DW - 01 na naglalayong maglaan ng Minimum na sahod na 5,000 pesos kada buwan para sa mga Kasambahay.

Dinaluhan ng wage Board members sa pinanguna ni BTWPB Chairman at MOLE Minister Datu Muslimin Sema (BAPA MUS),MTIT Minister Abu Amri Taddik, BPDA Director General Engr. Mohajirin Ali, Atty. Anwar Malang bilang kinatawan ng management representative at Datu Haron Bandila at Jonathan Acosta bilang Workers Representative at Norlyn Odin.

Magiging epektibo ang Wage order para sa mga Domestoc workers o kasambahay pagkatapos ng "15 days" Labing limang araw ng Publication.

Isang courtesy meeting ang naganap sa pagitan ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity ...
17/08/2024

Isang courtesy meeting ang naganap sa pagitan ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) at ng Ministry of Labor and Employment (MOLE) noong Huwebes ng umaga, Agosto 15, sa MOLE Regional Office, Bangsamoro Government Center sa Cotabato lungsod.

Ang pangunahing tampulan ng pulong ay upang talakayin ang patuloy at binalak na Preventing and Transforming Violent Extremism (PTVE) na mga programa ng OPAPRU at upang tuklasin ang mga potensyal na pagkakataon sa pakikipagsosyo sa pagitan ng OPAPRU PTVE Program at ng MOLE.

Ang mga talakayan ay umikot sa pagtukoy ng potensyal na pakikipagtulungan sa pagitan ng mga kasalukuyang pagsisikap at mga programa ng OPAPRU at MOLE, na may layuning lumikha ng isang komprehensibong sistema ng suporta para sa mga dating mandirigma habang sila ay muling nagsasama sa lipunan.

Nagpahayag ng kanyang sigasig si MOLE Minister Datu Muslimin G. Sema sa ideya ng pagbibigay ng suporta at kadalubhasaan ng ministeryo, lalo na sa pamamagitan ng mga pagsasanay sa pagpapaunlad ng mga kasanayan na nakaangkla sa mga mandato at programa nito.

Ang iminungkahing partnership ay may pangako para sa malaking benepisyo, hindi lamang sa pagkamit ng mga ibinahaging layunin ng OPAPRU at MOLE kundi pati na rin sa pagpapalakas ng kabuuang pagsisikap tungo sa kapayapaan at pagkakasundo sa pamamagitan ng napapanatiling kabuhayan sa rehiyon ng Bangsamoro.

Dumalo sa pulong sina Program Manager Marie Rose Abejuela, Dean Aragazi, at Ephol Calandria mula sa OPAPRU SHAPEO-PTVE Office, kasama ang mga opisyal ng MOLE sa pangunguna ni MOLE Minister Datu Muslimin G.Sema.(BAPA MUS)

TINGNAN | Alinsunod sa pangako ni Chief Minister Ahod ”Al Haj Murad” Ebrahim na ilapit ang Gobyernong Bangsamoro sa mga ...
16/08/2024

TINGNAN | Alinsunod sa pangako ni Chief Minister Ahod ”Al Haj Murad” Ebrahim na ilapit ang Gobyernong Bangsamoro sa mga Tao, nakatakdang isagawa ng OCM Project TABANG ang β€œTABANG Bangsamoro Convergence Program” bukas Agosto 17 sa Camp Bilal, Sitio Kora-Kora , Barangay Tamparan, Munai ng Munai, Lanao del Norte.

Ang nasabing kaganapan ay magsasama-sama ang iba't ibang mga ministri, ahensya at tanggapan ng Bangsamoro Government upang maghatid ng mga serbisyo at produkto maging sa mga komunidad ng Bangsamoro sa labas ng BARMM.

Ang pagbibigay ng tulong sa mga komunidad ng Bangsamoro sa labas ng pangunahing teritoryo ng rehiyon ay ipinag-uutos sa ilalim ng Seksyon 12, Artikulo VI ng Republic Act No. 11054, kung hindi man ay kilala bilang Bangsamoro Organic Law. Ito ay upang mapahusay ang kanilang pag-unlad sa ekonomiya, panlipunan at kultura.

08/08/2024

OWNER OF KINGDOM FRIES IN COTABATO

KUYA SAM DIOCOLANO

Address

Cotabato City
9600

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DK-Core News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to DK-Core News:

Videos

Share

Nearby media companies