Joyce ola Mojica

Joyce ola Mojica online seller

28/04/2024

🥰

11/03/2024

ISANG SULAT MULA SA KABILANG BUHAY:
Babala mula sa Yumaong Kamag-anak na nasa Impyerno

Sumusulat ako sa iyo mula sa lugar na hindi kayang ipaliwanag ng anumang salita. Napakainit dito, nalalapnos, at nauubos na ang aking balat. Walang tigil ang pagsunog sa akin. Nababalot ako ng apoy.

Napakabigat ng hangin dito. Hindi ako makahinga. Sa katunayan, wala akong hininga.

Nakakapagtaka dahil naaamoy ko ang baho kahit hindi ako makahinga. Kabulukan! Kamatayan! Kamatayang kasuklam-suklam at kasuka-suka. Kamatayang kasindak-sindak at kahindik-hindik!

Tuloy-tuloy lang. Walang tigil. Hindi ko na kaya. Para akong patuloy na sinasaksak. Pakiramdam ko'y sinasagasaan ako ng isang napakalaki at napakabilis na sasakyan nang paulit-ulit. Walang hinto. Walang pahinga.

Ngunit hindi lamang init at sakit ang nagpalala sa lugar na ito. Napakaraming nakakatakot na mga insekto sa paligid – gumagapang, lumalakad, at pumapasok sila sa akin. Walang tigil na pagkagat. Napakasakit. Napakahapdi. Wala silang awa. Walang pinipili. Mga uod!

Inuuod ako. Maging aking isipan. Inuuod ang aking isipan ng mga ala-ala ng nakaraan. Paulit-ulit kong nakikita at naaalala ang mga nangaral sa akin. Nakakabingi ang kanilang boses. Hindi ko na kaya.

Napakaingay ng mga ala-alang iyon. Sayang! Bakit hindi ako nakinig? Bakit ako nagmatigas? Bakit ako nagbingi-bingihan? Anong ipinagmamalaki ko?

Napakadami ng pagkakataong iyon!

Nakakarindi! Puno ang lugar na ito ng sigawan. Hindi kailanman maikukumpara sa anumang ingay na aking narinig. Hapis. Mga pagtangis... walang hinto! Nakakabingi!

Hinang-hina na ako. Gutom na gutom. Uhaw na uhaw. Pagod na pagod. Hindi ako makapagpahinga o makaidlip dahil sa sakit.

Tila ba isang bangungot na hindi na matatapos. Sana nga'y natutulog lang ako. Sana nga'y maaari pa akong magising.

At ang pinakamasama? Ang paghihirap kong ito'y hindi na matatapos. Naririto na ako nang walang hanggan, milyon, bilyon, at trilyong mga taon na nasa aking harap, nakapalibot sa akin, at nasa aking hinaharap.

Kawalan ng pag-asa. Hindi na ako makakatakas dito.

Wala na akong lakas.

Nakikiusap ako sa iyo, huwag mong gayahin ang aking pagkakamali. Tumalikod ka sa kasalanan. Humingi ka ng kapatawaran. Magsisi ka habang may oras ka pa. Huwag mong hayaan ang kataasan at katigasan ng iyong ulo na dalahin ka sa maling landas.

Manumbalik ka sa Diyos at tumalikod sa kasalanan. Magsisi ka.

Makipagrelasyon ka kay Hesus. Pakinggan mo ang paulit-ulit N'yang panawagan sa iyo. Bago matapos ang iyong buhay, kuhanin mo ang pagkakataong ito!

Pakiusap!

Nakikiusap ako sa iyo!

Wag kang ganyan🙄titipid ako ngaun😅
06/03/2024

Wag kang ganyan🙄titipid ako ngaun😅

04/03/2024
Unisex leather laptop bagBrand: septwolves10/10 condition Like newPrice: 350
03/03/2024

Unisex leather laptop bag
Brand: septwolves
10/10 condition
Like new
Price: 350

Big hand bagNandyn na po lahat ng detailsNo issue10/10 conditionLike new🥰Price: 320 only
03/03/2024

Big hand bag
Nandyn na po lahat ng details
No issue
10/10 condition
Like new🥰
Price: 320 only

Ladies leather backpackLike new🥰10/10 conditionPrice: 400 only
29/02/2024

Ladies leather backpack
Like new🥰
10/10 condition
Price: 400 only

Nakikihati sa sahod ko😔
23/02/2024

Nakikihati sa sahod ko😔

10/02/2024

Titanic history

Breakfast like this😋😋😋
26/01/2021

Breakfast like this😋😋😋

Address

Cebu City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Joyce ola Mojica posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Joyce ola Mojica:

Videos

Share

Nearby media companies


Other Digital creator in Cebu City

Show All