Earth Watch Weather Philippines Digital

Earth Watch Weather Philippines Digital Welcome to the official page of Earth Watch Weather Philippines Digital.

09/12/2024

BREAKING: Kanlaon Volcano is currently erupting. Details to follow.

08/12/2024

UPDATE: Halos buong ang nakakaranas ng makapal na kumpol ng kaulapan ngayong hapon dulot ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Asahan ang malalakas na pag-ulan na maaaring magdulot ng pagbaha sa mabababang lugar at landslide sa bulubundukin.

Keep monitoring for more updates.

MAGING ALERTO VISAYAS, MINDANAO AT PALAWAN.🌧️⚠️UPDATE: Ang ITCZ ay nagdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat ...
08/12/2024

MAGING ALERTO VISAYAS, MINDANAO AT PALAWAN.🌧️⚠️

UPDATE: Ang ITCZ ay nagdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa , , at , na maaaring magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa.

Ang Shear Line naman ay nakakaapekto sa Isabela, Aurora, Quezon, at Bicol, na may parehas na panganib dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Ang Amihan ay nagdudulot ng maulap na kalangitan at pag-ulan sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, at mga kalapit na lugar, habang may bahagyang maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Ilocos Region at Cordillera, na may mababang epekto.

Ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay maaaring makaranas ng panaka-nakang pag-ulan mula sa localized thunderstorms, na posibleng magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa.

KEEP MONITORING FOR UPDATES

05/12/2024

CONGO ON ALERT OVER MYSTERY FLU-LIKE DISEASE THAT KILLED DOZENS

Congo’s health minister said Thursday, December 5, 2024, that the government is on alert over a mystery flu-like disease that in recent weeks killed dozens of people, nearly half of which were children.

Authorities have so far confirmed 71 deaths, including 27 people who died in hospitals and 44 in the community in the southern Kwango province, health minister Roger Kamba said.

“The Congolese government is on general alert regarding this disease," Kamba said, without providing more details.

Of the victims at the hospitals, 10 died due to lack of blood transfusion and 17 as a result of respiratory problems, he said.

Authorities have said that symptoms include fever, headache, cough, and anaemia. | via AP

KEEP SAFE, BICOLANDIA 🌧️Patuloy parin nakaranas ng malakas na pag-ulan ang Bicol Region ngayong gabi dahil parin ito sa ...
30/11/2024

KEEP SAFE, BICOLANDIA 🌧️

Patuloy parin nakaranas ng malakas na pag-ulan ang Bicol Region ngayong gabi dahil parin ito sa epekto ng Shearline, kaya maging alerto sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa naranasan pag-ulan.

PAALALA: Wala po tayong mino-monitor na bagyo sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Keep monitoring for updates

UPDATE: Ang Shear Line ay inaasahang magdudulot ng malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas simula ngay...
30/11/2024

UPDATE: Ang Shear Line ay inaasahang magdudulot ng malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas simula ngayon hanggang bukas ng hapon (Disyembre 1).

Inaasahang ang matindi hanggang napakatinding pag-ulan (100-200 mm) sa Northern Samar, Eastern Samar, Albay, Sorsogon, at Catanduanes.

Habang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan, (50-100 mm) ang posible sa Quezon, Laguna, Batangas, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Camarines Norte, Camarines Sur, Masbate, Aklan, Samar, Biliran, Leyte, at Southern Leyte.

Kaya maging alerto palagi sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga naturang lugar.

Keep monitoring for updates

UPDATE: Naglabas ng Yellow Warning Level para sa  ,  ,  ,  , at   dulot ng epekto ng Intertropical Convergence Zone (ITC...
28/11/2024

UPDATE: Naglabas ng Yellow Warning Level para sa , , , , at dulot ng epekto ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ). Ibig sabihin, posible ang pagbaha sa mga mabababang lugar at maaaring magkaroon ng landslide sa mga bulubunduking bahagi dahil sa patuloy na malalakas na pag-ulan.

Keep monitoring for updates

UPDATE: Ang mga rehiyon ng  , Rehiyon ng Davao, Hilagang Mindanao,  ,  ,  ,  ,  , at   ay nakararanas ng maulap na kalan...
28/11/2024

UPDATE: Ang mga rehiyon ng , Rehiyon ng Davao, Hilagang Mindanao, , , , , , at ay nakararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa epekto ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at thunderstorm.

Kaya maaring magdulot ito ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan, na posibleng magdulot ng flash floods at pagguho ng lupa, lalo na sa mabababang lugar at bulubunduking bahagi.

Keep monitoring for updates

LINDOL ALERT, CAGWAIT, SURIGAO DEL SURIsang lindol na may lakas na magnitude 5.0 ang tumama sa Cagwait, Surigao del Sur,...
27/11/2024

LINDOL ALERT, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR

Isang lindol na may lakas na magnitude 5.0 ang tumama sa Cagwait, Surigao del Sur, bandang 4:59 PM ngayong Miyerkules, ayon sa PHIVOLCS. Naitala ang Instrumental Intensities sa Intensity III sa Lungsod ng Tandag at Intensity I sa Lungsod ng Bislig, parehong nasa Surigao del Sur.

Inaasahang ang mga aftershock, kaya pinapayuhan ang mga residente na manatiling alerto.

PHIVOCLS

UPDATE: Maaaring may mabuong isang Low-Pressure Area  o weak (LPA) sa silangan ng Mindanao sa mga susunod na araw, at In...
27/11/2024

UPDATE: Maaaring may mabuong isang Low-Pressure Area o weak (LPA) sa silangan ng Mindanao sa mga susunod na araw, at Inaasahang nitong magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Visayas at Mindanao, dulot din ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at posibleng shear line.

Keep monitoring for updates

20/11/2024

Panoorin kung paano nasira ang mata ng Super Typhoon matapos tumama sa bulubundukin ng Sierra Madre.

SALAMAT, SIERRA MADRE ⛰️Sa tuwing humihina ang bagyo sa luzon, ikaw lagi ang dahilan, sana'y mamulat ang lahat sa kahala...
19/11/2024

SALAMAT, SIERRA MADRE ⛰️

Sa tuwing humihina ang bagyo sa luzon, ikaw lagi ang dahilan, sana'y mamulat ang lahat sa kahalagahan ng iyong kabundukan, upang ikaw ay maprotektahan at mapangalagaan.

SAVE SIERRA MADRE

MARAMING SALAMAT PAGASA ❤️To: Dost_pagasa We extend our deepest gratitude for your unwavering dedication in monitoring a...
18/11/2024

MARAMING SALAMAT PAGASA ❤️

To: Dost_pagasa

We extend our deepest gratitude for your unwavering dedication in monitoring and reporting on Super Typhoon Pepito over the past days. Your timely and accurate updates have been crucial in helping us prepare for the storm's impact, ensuring the safety of countless families and communities across the country.

Your commitment to providing clear and reliable information, even in the face of challenging weather conditions, does not go unnoticed. We truly appreciate the hard work and sacrifices of your meteorologists, forecasters, and all staff members who work around the clock to keep us informed and safe.

Maraming salamat po sa inyong serbisyo at malasakit para sa bayan. Your efforts are invaluable, and we are grateful for the protection and guidance you provide during these times. Mabuhay po kayo, PAGASA!

With heartfelt thanks,
[Earth Watch Weather Philippines Digital]

𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘: Bagyong Pepito humina bilang Typhoon, taglay parin nito lakas ng hangin aabot sa 165 km/h at may pabugsong hangi...
17/11/2024

𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘: Bagyong Pepito humina bilang Typhoon, taglay parin nito lakas ng hangin aabot sa 165 km/h at may pabugsong hangin aabot naman sa 275 km/h. Kumilos naman ito pa West Northwestward sa bilis na 25 km/h.

Inaasahang lalabas ang Bagyong PepitoPH sa kalupaan ng Luzon sa pagitan ng Pangasinan, La Union, o timog Ilocos Sur ngayong gabi o bukas ng madaling araw (18 Nobyembre).

Patuloy itong kikilos pa-kanluran hilagang-kanluran at inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng umaga o tanghali, bago lumiko pa-kanluran dahil sa paparating na hanging amihan.

Magdudulot ito ng malakas na pag-ulan na posibleng magdulot ng flash floods at landslide sa Hilaga at Gitnang Luzon, habang ang malalakas na hangin at storm surge ay maaaring makaapekto sa mga baybaying lugar.

Keep monitoring for updates

𝗕𝗥𝗘𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗘𝗪𝗦:Mata ni Super Typhoon Pepito nag landfall na sa Dipaculao, Aurora ngayong hapon.Keep monitoring for update...
17/11/2024

𝗕𝗥𝗘𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗘𝗪𝗦:

Mata ni Super Typhoon Pepito nag landfall na sa Dipaculao, Aurora ngayong hapon.

Keep monitoring for updates

𝗟𝗢𝗢𝗞: Satellite image as of 3pm Super Typhoon    TROPICAL CYCLONE WIND SIGNAL 🟣TCWS No. 5•Central portion of Aurora•Sout...
17/11/2024

𝗟𝗢𝗢𝗞: Satellite image as of 3pm Super Typhoon

TROPICAL CYCLONE WIND SIGNAL

🟣TCWS No. 5
•Central portion of Aurora
•Southern portion of Quirino
•Southern portion of Nueva Vizcaya

⚠️Hangin: 185+ km/h
Epekto: Matinding pagkasira; halos lahat ng istruktura ay masisira, matagalang pagkawala ng kuryente at komunikasyon.

🔴TCWS No. 4
•Rest of Aurora, the rest of Nueva Vizcaya
•Rest of Quirino, the southern portion of Ifugao
•Benguet, Southern portion of Ilocos Sur
•La Union, Eastern portion of Pangasinan
•Northern portion of Nueva Ecija
•Northern and eastern portion of Polillo Islands

⚠️Hangin: 118-184 km/h
Epekto: Malubha hanggang napakalubhang pinsala; malaking abala sa kuryente at komunikasyon.

🟠TCWS No. 3
•Southern portion of Isabela
•Rest of Ifugao, Mountain Province
•Southern portion of Abra
•Rest of Ilocos Sur, the rest of Pangasinan
•Northern and eastern portions of Tarlac
•Rest of Nueva Ecija, Northern portion of Bulacan
•Northern portion of Quezon
•Including the rest of Polillo Islands

⚠️Hangin: 89-117 km/h
Epekto: Katamtaman hanggang malubhang pinsala; maaaring masira ang mga puno at pananim, posibleng magka-brownout.

🟡TCWS No. 2
•The rest of Isabela
•Southwestern portion of mainland Cagayan
•Kalinga, Southern portion of Apayao
•Rest of Abra, Ilocos Norte, Zambales
•Bataan, Pampanga, Rest of Bulacan
•Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna
•Central and eastern portions of Quezon
•Camarines Norte, Northwestern portion of Camarines Sur

⚠️Hangin: 62-88 km/h
Epekto: Magaan hanggang katamtamang pinsala; ilang bubong at pananim ang maaapektuhan.

🔵TCWS No. 1
•Rest of mainland Cagayan
•Rest of Apayao, Batangas
•Northern portion of Occidental Mindoro
•including Lubag Islands,
•Northern portion of Oriental Mindoro
•Northwestern portion of Romblon
•Marinduque, Rest of Quezon
•Rest of Camarines Sur, Catanduanes,
•Albay, the northern portion of Sorsogon
•Burias Island

⚠️Hangin: 39-61 km/h
Epekto: Kaunting pinsala; bahagyang masisira ang mga bahay na gawa sa magaan na materyales.

Stay safe everyone

17/11/2024

DINALUNGAN, AURORA ⚠️🌀

Ramdam na din ang malakas na hangin sa bayan ng Dinalungan Aurora ngayong hapon dahil sa super Typhoon .

🎥KhayVinz Bonifacio

𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘: Si Super Typhoon   ay inaasahang mag-landfall sa Aurora ngayong hapon. Tatawid ito sa mga kabundukan ng Sierra M...
17/11/2024

𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘: Si Super Typhoon ay inaasahang mag-landfall sa Aurora ngayong hapon.

Tatawid ito sa mga kabundukan ng Sierra Madre, Caraballo, at Cordillera sa hilaga at gitnang Luzon, at lalabas ng kalupaan ngayong gabi. Pagkatapos, kikilos ito papunta sa West Philippine Sea at inaasahang lalabas ng PAR bukas ng umaga o tanghali (18 Nobyembre).

Bago mag-landfall bahagyang hihina ang bagyo bago tumama sa Aurora ngayong hapon. Habang tumatawid sa Luzon magkakaroon ng paghina dahil dadaanan nito ang mga kabundukan ng Sierra Madre, Caraballo, at Cordillera.

Paglabas sa West Philippine Sea patuloy na hihina dahil sa epekto ng northeasterly wind surge.

Samantala asahan makakaranas ng matinding ulan ang hilaga at gitnang Luzon, at malalakas na hangin lalo na sa paligid ng sentro. May posibilidad ng storm surge sa mga baybayin ng silangang Luzon.

Keep monitoring for updates

Address

Cebu City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Earth Watch Weather Philippines Digital posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Earth Watch Weather Philippines Digital:

Videos

Share


Other Cebu City media companies

Show All