16/03/2023
"The 5th floor"
A horror story. Rated SPG
Lunes na naman hays! Parang kahapon lang friday pa tas biglang lunes na ang bilis ng araw talaga. Ako nga pala si Jake 21 call center agent, panganay na anak at single. Hayaan nyo sana akong e kwento ang karanasan ko sa pagibig na may kasamang katatakotan.
2 years na akong nag tratrabaho sa BPO industry, Senior High graduate lang ako at piniling mag trabaho nalang kaysa mag aral. Dahil nga panganay kailang kumayod para sa pamilya. Sa 21 years ko sa mundong ito di ko pa naranasan magka girlfriend, feeling ko kasi pasan ko ang mundo kaya di ko na naisip bigyan ng oras ang aking lovelife hangang sa, Isang araw habang nasa canteen ako kumakain mag isa ay biglang may dumaan sa gilid ko na di ko alam pero biglang tumayo ang aking mga balahibo. Napilingon ako at nakita ko isang babaeng naka puting dress. Nakatalikod siya sa akin kaya makikita ko talaga ang hubog ng kanyang katawan, mahaba ang buhok at straight parang rebonded. Pinagwalang bahala ko nalang at nagpatuloy na akong kumain. Check ko yung oras at 3 mins nalang tapos na ang break time ko kaya agad akong tumayo at saktong pag tayo ko... nasa harap ko na yung babaeng naka puti nakatayu din sya, face to face kami di ako nakagalaw dahil na amaze ako sa ganda nya para syang diwata na artista. Bigla syang nag salita "Tapos ka na sa table sir?" tanong nya. Matagal akong naka sagot "Ah eh ahm o..oo ta..tapos na miss". Nakita ko yung training ID which means na bago palang sya. "Salamat po sir" aniya at sabay baba ng pagkain nya sa misang ginamit ko. Bigla kong naalala na tapos na break time ko tatanongin ko pa sana yung pangalan nya pero tumakbo na ako.
End of shift ko na kakapagod talaga ang araw na to ang daming calls napaka queuing, pero kahit napaka busy ko ay di parin ma wala sa utak ko yung babae. Napaupo muna ako sa lobby at nilabas yung phone ko, mag re-relax muna bago umuwi. 10 minutes later bumukas yung elevator at ang daming lumabas mga naka training IDs nag dali2x akong tumayo para sumakay. Ang daming lumabas akala ko wala nang tao sa loob kaya sumakay na ako. Nakayuko ako nong pumasko at nang inangat ko yung ulo ko nakita kong may tao pa pala. Lumaki yung mata ko dahil sa nakita ko, yung babae sa canteen kanina na naka puti nandito sya ngayun sa elevator kasabay ko.
Di ako mapakali. Naka air condition naman pero parang ang init.
Comment for part 2 π