04/07/2023
*** PABORITONG ANAK ***
CHAPTER 1 : Pag-alala Sa Nakaraan
" Maaaaaaa , si ate Lyca naglalaro ng tubig ", sabi ni Raven ang sumunod na kapatid ni Lyca sa kanya
" Hindi ma, nagcr ako . Kaya naghuhuhagas ako ng kamay", paliwanag ni Lyca sa kanya
" Huwag kang mag aksaya ng tubig !" galit na sabi ni Valery sa anak
" Maaaaaa, si Raven naglalaro ng apoy sindi ng sindi ng posporo", sumbong ni Lyca
" Maaaaa, naglalaro pa din ng tubig si ate", sumbong naman ni Raven
" Sinungaling ka, nakita mong naghugas lang ako ng kamay", sabi ni Lyca kay Raven
" Lyca , lumapit ka nga dito", sigaw ni Valery sa anak
Pagkalapit ni Lyca ay pinalo siya ng sinturon ng ina. Wala itong pakialam kahit saan pa tamaan si Lyca. Iyak lamang ng iyak si Lyca. Pagkatapos siya paluin ay pumunta siya sa bahay ng kanyang lola.
" Ate Jas , tingnan mo tong daliri ko. Lumaki bigla ", sabi ni Lyca sa kanyang pinsan habang umiiyak pa din
" Bakit ? Anong nangyare dyan ?", nag aalalang tanong ni Jas
" Si mama kase pinalo ako ng sinturon. Sabi kase ni Raven naglalaro ako ng tubig hindi naman. Nag cr lang ako nun kaya ako naghugas . Sya nga naglalaro ng apoy pero hindi pinagalitan ", sabi ni Lyca habang umiiyak pa din
" Baliktad naman yang mama mo. Ikaw pa ang pinalo. Pano kung nakasunog si Raven ? Sino mawawalan ng bahay ? Pati kami madadamay kung nakasunog si Raven ", -Jas
" Hindi ko alam . Palagi na lang mainit ulo sakin ni mama lalo na pag wala si Dada" -Lyca
" Bakit hindi mo kasi isumbong kay papa mo ?" -Jas
" Eh di lalo akong pinag initan ni mama. Meron nga nagalit sakin si mama. Sinipa nya ako nagalit si Dada sa kanya pinagsabihan sya. Pero lalo lang ako pinag initan ni mama nung wala si Dada "- Lyca
Hindi na nun nagsalita pa si Jas. Dahil maski sya ay pansin din ang hindi pantay na pagtrato ng ina ni Jas sa kanila. Wala siyang magawa kung di maawa na lang sa pinsan kapag pumupunta ito sa kanila na umiiyak at nagsusumbong na pinalo sya ng kanyang ina kahit sa maliit na dahilan lamang.
ILANG araw ang lumipas ay niyaya ni Lyca na mag gala sa palengke si Raven . Naghanap sila ng barya sa daanan . Ngunit pag uwi nila ay napalo nanaman siya.
" Ikaw kung san san mo dinadala kapatid mo. Mamaya mawala yang kapatid mo!!", galit na sabi ni Valery sabay palo uli ng sinturon kay Lyca
" Sorry ma, hindi na mauulit . Ang sakit sakit na ma " -iyak na sabi ni Lyca
" Magtanda kang bata ka. Ang laki laki mo na puro problema pa binibigay mo sakin ", sabay palo ule ni Valery kay Lyca
Hindi alam ni Lyca kung bakit ganun na lang ang trato ng kanyang ina sa kanya. Konting galaw o konting pagkakamali niya ay palo agad ang kanyang nakukuha mula dito.
" Ikaw talaga napakapasaway mong bata ka ", sabay sabunut ni Valery sa buhok ni Lyca
" Ang pangit pangit mo talagang bata ka sabay kurot sa pisngi ni Lyca "
Walang magawa si Lyca kung di ang umiyak lamang. Kung sya ang masusunod ay ayaw niyang umalis ang ama. Kapag kasi andyan ang ama niya ay hindi siya pinapalo ng ina. Kahit anong gawin niya ay malayo ang loob ng kanyang ina sa kanya. Kahit anong taas ng marka niya sa paaralan ay wala itong reaksyon. Naalala nya pa ang sinabi nito nung kuhanan na ng card nila ;
" Ikaw na lang kumuha ng card mo mamaya ", - Valery
" Opo. Ma pano pag top 1 ule ako ?" -Lyca
" Bibilhan kita ng siopao " -Valery
" Yeheeeyyyyy ", sabi ni Lyca na tuwang tuwa
( SA ESKWELAHAN ...... )
" Top 5 , ROBERT PAGTALUNAN "
" Top 4, ALLIYAH SOPEĆA "
" Top 3, KIM BALTAZAR "
" Top 2, ALLYSSA VALDEZ "
And our " Top 1 is LYCA SANTOS "
"Congratulations to all of you. Ipagpatuloy nyo lang ang pag aaral nyong mabuti", -Mrs. Oliveros
Tuwang tuwa si Lyca dahil sya nanaman ang top 1 sa kanilang klase. Excited siyang naglalakad pauwi para sabihin ito sa kanyang ina.
" Ma, card ko. Top 1 ule ako ^__^ ", -Lyca
" Patingin ng card mo. " -Valery
Agad binigay ni Lyca ang card sa kanyang ina. Pagkabigay niya ay pumasok ito sa kwarto . Nag aantay lamang si Lyca na lumabas ule ang ina at yayain sya bumili ng siopao. Pero gumabi na ay wala pa din itong sinasabi hanggang sa matutulog na lang sila ay wala pa din. Lihim na umiyak na lamang si Lyca sa kanyang kwarto. Umasa kasi talaga siya sa sinabi ng ina .
KINABUKASAN ay umaasa pa din si Lyca sa pangako ng kanyang ina na siopao sa kanya. Pagkagising ay tinawag sya nito upang utusan bumili. Akala niya ay siopao na ang ipapabili nito pero nalungkot lamang siya dahil munggo na uulamin nila ang pinabili nito. Dahil sa labis na kalungkutan ay nakalimutan niya ang bibilhin pagdating niya sa palengke.
" hala! Ano kasi yung pinapabili ni mama na 1/4 ", sabi ni Lyca sa sarili
Dahil sa nakalimutan niya ay lumapit siya sa nagtitinda ng bigas.
" Kuya may 1/4 ba na bigas ?" -Lyca
" Naku iha wala. Sigurado ka bang bigas ang bibilhin mo?" -Tindero
" Hindi po eh! Nakalimutan ko po kase yung pinapabili sakin "- Lyca
" Bumalik ka na lang iha at itanong mo. Para hindi ka mapagalitan pag mali yung nabili mo ", -Tindero
Agad na tumakbo si Lyca. Kailangan niyang magmadali dahil may pasok pa siya.
" Ma, ano na kase yung pinapabili mo? Nakalimutan ko kase ", kinakabahan na tanong ni Lyca
" Ano ?! Nakalimutan mo?! sabay sampal kay Lyca, ang t*nga t*nga mo! 1/4 na munggo lang nakalimutan mo pa!"
Hindi na nakasagot pa si Lyca at umiyak na lamang ito.
ITUTULOY....
( NO TO PLAGIARISM !! BAWAL KOPYAHIN SA ANUMANG PARAAN )