14/11/2023
Title: Destiny
Destiny 1
"Mom! I don't need a female personal assistant for Christ sake!" Galit na tawag ni Hayden sa inang si Atalia. Up until now, his mom never gives up on playing cupid and send women she thought would pass his standards. And hiring a female executive personal assistant is the latest one. She is his very persistent shipper. He never had a female assistant ever since because he thinks that men are more capable and efficient rather than women who act and move slow. It is also because the two women in their home are both well- pampered by his dad. Their dad is the bravest king he knew since he personally witnessed every decision-making he had while he was the CEO back then. He is the bravest, ONLY if his mom is not around. Frankly, he considers women as a pain in the ass. "So am I not allowed to make small decisions for you now?" May himig pagtatampo sa boses ng ina nito. She's really good at it. Kaya laging nakakalusot ang ina n'ya dahil she knows pretty well where his weaknesses are and she plays her card skillfully. "Okay you win". Napipilitang sagot ng binata. "But I cannot guarantee you that she will last for months and she can pass her probationary period mom." Dagdag ng binata dahil naka ilang tanggal na s'ya ng hindi mabilang na empleyada sa iba' t ibang departamento dahil hindi trabaho ang naging mga prioridad nito, bagkus ang pagpapapansin lang sa kanya dahil ito naman ang motibo ng ina para maipasok sa company nila. "That's fine baby. I love you!" Paglalambing ng ina dahil napagbigyan na naman ito ng binata. "Love you too mom." Talo na naman s'ya sa kalokohan ng ina. "You will thank me later baby Hade." Masigasig na sagot naman ng ina sa kabilang linya na tanging "Tsk" lang ang isinagot n'ya at ibinaba na ang tawag. Kelan kaya s'ya nito titigilan. He reviewed the personal data of his newly hired personal assistant but he finds her ordinary. Nothing special. Naka- bob cut lang ang hair style and an almost invisible make up. But those 'kinda' beautiful eyes were so familiar to him. Tsk tsk tsk... Another candidate for termination. Sabi agad ng isipan ng pihikang binata. Hayden Hunter is the eldest among his siblings, kasunod niya ay ang kambal na sina Arc Hunter and Ace Hunter, bunso at kaisa-isang kapatid naman na babae nila ang malditang si Ataleya Heart. He already have 2 personal assistants, one is for his personal appointments, the other one is for his personal legal matters , so the new one will probably handle his urgent personal affairs. "Tim! Take charge with all the remaining meetings for tomorrow and also on the following day." Utos ni Hayden sa isa sa maasahang personal assitant n'ya. "Yes sir Hade". Maagap na sagot ni Tim at mabilis na ininform ang kanilang main headquarter sa New York kung nasaan sila kasalukuyan ngayong nakabase. "Nick, prepare everything needed so we can head back home right away." Mabilis na utos din nito sa isa pang assistant na man n'yang maasahan rin at mabilis sa lahat ng kailangan. "Right away sir Hade." Ayon naman ni Nick. Mabilis pa sa alas kwatrong nakapag-desisyon si Hayden na umuwi. What's the reason? Nalaman lang naman n'yang may umaakyat ng ligaw sa bunso nilang kapatid na si Tale. Kahit kelan ay napakaselosong kuya ni Hade basta si Tale na ang pag- uusapan. Buti na lang at na- update agad s'ya ni Arc, isa sa kambal n'yang nakababatang kapatid tungkol dito, na pareho rin n'yang strikto. Taliwas sa kambal nito na si Ace, na babaero, mana dati ng daddy nila. Kulang pa naman ang tulog ng binata dahil sa matagal na tapos ang meeting kagabi at maagang meeting naman kaninang umaga, tapos ito pa ang mababalitaan n'ya. "Say your last words to your suitor now little witch brat before I get to catch that jerk." Tiim bagang mahina na bulong sa sarili ni Hayden habang naglalakad patungo sa nakahandang private plane pauwi ng Pilipinas. And that's the start of the hell-like life of Ataleya Heart. --------------------------------- Kinabukasan sa Company ng mga Williams sa Pinas. Maagang nagsinadatingan ang mga empleyado sa Williams Group of Companies. Alam kasi ng lahat na dumating na sa Pinas ang pinaka striktong boss nila. "Good morning Mr Williams, this way please." Bigay galang ng isa sa mga senior executives ng kompanya habang ginigiya ang batang boss patungo sa nakahandang opisina nito. Hindi hinahawakan ni Hayden ang Main office nila sa Pilipinas dahil ang ama nito ang namamahala dito. But this time, tinanggap na ito ng binata. If only his little brat sister knows how to listen to him lang sana kahit nasa malayo man s'ya, eh wala sanang magiging permanent office dito ang binata. "Good morning." Tipid na ganting bati ng binata saka sumunod sa senior executive nila habang nakasunod naman sa kanya ang dalawang personal assistant. He has his own vip access to the elevator that will be next to his office upon reaching the top floor. His mother never failed to amaze him with her skills in designing the interior of his office. She was the one who do the quick wonders in this area. His office has it's own private bedroom and comfort room. "Thanks Mr Tang for leading us here." Pasalamat ni Hayden sa senior executive na gumiya sa kanya. "My pleasure Mr. Williams". Masayang sagot naman ng executive saka bumaba. "Welcome to your new office son!" Surpresang bati ng ama kay Hayden pagkapasok pa lang n'ya sa mismong opisina nito. "Thanks dad, I thought you're still on your business trip." Nakangiting sagot nito sa ama dahil hindi n'ya akalain na may nalalaman pala itong pa-surprise surprise. Nahawa na nga ito sa ina sa pagiging thoughtful nito. "How can I let you be alone on your first day here huh." sabay tapik nito sa balikat ng anak. "We already arranged your welcome party in our company hall so see you around later, by the way, this is Celestine, the one your mom hired as your personal assistant." Sabay lingon nito sa bandang likuran ng ama. He froze a bit..
Destiny 2
Napanganga si Hayden saglit saka maagap na nakabawi ito sa pagkakatulala. Hindi n'ya agad napansin na may tao palang nakasunod sa likuran ng ama n'ya. She seems familiar. Ang layo ng mukha nito sa naka-attached na image sa kanyang Curriculum Vitae. He admit na mas maganda ito sa personal kahit simple pa rin ang porma at halos wala man lang make-up. Hindi man nagpahalata ang binata pero hindi ito nakaligtas sa matatalas na mata ng ama. Kaya napangiti ito ng palihim. "So see you around son. You can call me anytime if you need anything." sabi ng ama na may kasama pang kindat saka umalis ng opisina n'ya. "Good morning Mr. Williams". pormal na bati ng dalaga sa kanya. "Good morning." tipid na sagot ng binata saka may tinawagan sandali sa intercom. Knock, knock knock... "Come in." ani ng binata. "Nick, meet Celestine Garcia, she is the new addition to your group, brief her all the things she needs to know, especially the dos and don'ts." Yun lang at tinalikuran na sila nito at pumunta sa mesa n'ya. "Right away sir Hade". sagot ni Nick at agad na iginiya ang bagong kasamahan sa labas ng opisina ng CEO. May sarili kasi silang receiving area, para ito sa secretary ng boss nila, at meron din silang sariling table para sa mga personal assistants bago makapasok sa mismong opisina ng CEO. Pinagtulungang tinuruan ni Nick at Tim ang bagong kasama. Dapat din masanay ito sa striktong boss. They informed her na napaka clean freak ng boss nila so kung ayaw nito na may konting kalat or messy ang mga documents na i-hahand over sa kanya. Perfectionist ito, lalo na sa mga details na i-rereport dito. Bago sila naging efficient ay dumaan din sila sa matinding training. Kinakabahan tuloy si Celestine Garcia kahit magaling s'ya sa mga bagay na to. Her experiences taught her well kaya madali na lang para sa kanya ang mga kailangan gawin. Ang dapat na lang n'yang pag-aralan ay kung papaano habaan ang pasensya sa sa medyo tahimik at striktong boss. Kung hindi lang siguro magkaibigan dati ang papa n'ya at ang mommy ng boss n'ya ay t'yak s'yang hindi makakapasok sa kompanyang ito. Lalo na sa pagiging executive personal assistant ng kilalang CEO. She will certainly make his papa proud. Laging nasa honor roll si Celestine sa isang International school noon na pinapasukan din ng magkakapatid na Williams kung saan pumasok s'ya bilang working scholar. Nerd ang dating n'ya habang nag-aaral kaya wala masyad**g pumapansin sa kanya noon. Mabait ang ama n'ya pero simula nung nagpakasal itong muli sa mayaman ny'ang madrasta ay nawalan na ito ng karapatan na magdesisyon sa bahay nila. Kaya kailangan n'yang supportahan ang sarili para matustusan ang mga pangangailan at gamot ng ama. Matapos ang mahaba- habang briefing ng dalawang kasamahan ni Celestine ay uwian na. Nakakapagod na kahit briefing pa lang. Ang daming dapat tandaan. Kinabukasan... Kakarating lang ni Celestine sa opisina ng ipatawag agad s'ya. Maaga naman s'yang dumating pero mas maaga pa rin ang boss n'ya at ang secretary nito. "Ms. Garcia, sir Hayden is looking for you." saad ni Tim na nagmamadali ring umalis dahil meron ding pinapatapos na trabaho dito ang kanilang boss. "Thanks Tim, anyway, just call me Tin" sagot naman ng dalaga habang papasok na ito sa opisina ng boss n'ya at tanging tango na lang ang sagot ng kausap. Knock knock "Yes Mr. Williams." kinakabahang bungad ng dalaga sa nakakahipnotismong kagwapohan ng boss. Dati na itong gwapo, pero mas pinatindi pa yata ng panahon. "I want you to work on this." sabay turo nito sa isang documento na nasa ibabaw ng mesa. "I need the complete details before 4:00 pm today." saad ng kanyang boss na hindi man lang sumusulyap sa kanya. "Okay Mr. Williams". saka kinuha ang sinasabing dokumento nito. "Anything else Mr. Williams?" dagdag ni Celestine na sadyang tinanong pa ang boss para matingnan lang s'ya nito sa mata, na pinagsisisihan din n'ya agad. Dahil ang nakakahimatay na tulis ng titig nito ang ipinukol sa kanya. "You may go." sagot ng binata na agad ring binalik sa monitor ang paningin nito. Bakit kasi naisipan pa n'yang kulitin ang boss, alam na man n'yang dati pa ay matipid na ito sa salita at walang interes sa mga babae. Sulyap lang naman ang hinihingi n'ya sana. "Okay Mr Williams" saka lumabas at sinimulan ang madaliang utos ng boss. Madali natapos ni Celestine ang pinagawa ng boss dahil dati na rin n'ya itong gawain sa nakaraang pinapasukan. Good thing at naka-save pa rin sa phone n'ya ang mga contacts na kilangan tawagan saka sakali. Muling kumatok si Celestine sa opisina ng boss saka pumasok ng marinig ang go signal nito. "Mr. Williams, everything is here." saka nilapag n'ya ang mga kelangan na information ng boss. Makailang beses n'ya itong inayos para masigurong kompleto at malinis tingnan. "Thanks." matipid na namang sagot nito habang tiningnan ang oras sa relo. Nasa bandang 2:00 pm pa kaya maaga s'ya ng dalawang oras sa itinakda nito. Thanks lang? Wala man lang pakunswelo d'yan sir? Naghuhurimentad**g isipan ng dalaga. Hindi naman madali ang pinagawa nito kong hindi bihasa nito ang napag-utosan. "Anything else Mr. Williams". Andyan ka nanaman Celestine, gustong gusto mo talagang makita ang magagandang mata ng boss. "Nothing else." agad na sagot nito habang sersyosong sinusuri ang kanyang pinasa na dokumento. Kaya tatalikod na sana si Celestine ng biglang magsalita ito ulit. "Ahm, kindly tell my secretary to prepare my coffee, thanks. ani nito na saglit lang s'yang tiningnan. "Alright Mr. Williams." sagot ni Celestine saka pinuntahan ang sekretarya ng boss kaso nagmamadali itong lumabas dahil may kelangan itong ihabol sa ibaba. Si Celestine na lang ang nagkusang magtimpla ng kape ng boss n'ya, baka mapagalitan pa s'ya nito kung bakit natagalan ang kape nito. Madaling inilapag ni Celestine ang coffee ng amo at mabilisang lumabas habang ang binata ay wala pa sa lamesa n'ya. Mukhang pumasok pa ito sa loob ng private bedroom kaya hindi n'ya nakita habang bitbit ang kape nito. Pagkarating ng sekretarya ng boss n'ya ay nakatanggap agad ito ng tawag. Saka para itong bibitayin sa takot na nagmamadaling pumasok sa opisina ng boss nila. 'My God please hindi naman siguro dahil sa kape kaya parang nabulyawan ang sekretarya nito?' Nagtatakang napaisip si Celestine. Halos mahulog ang dalaga sa kinauupoan n'ya ng mabilis bumukas ang pintuan ng boss at iniluwa nito ang sekretaryang parang namumutla sa takot ang mukha nito habang nakasunod naman ang gwapong boss n'ya na hindi n'ya mahulaan ang pinta ng mukha nito. 'Lagot na, ng dahil sa kape lang mawawalan na yata ako ng trabaho nito.' Tahimik na hula ni Celestine sa sarili n'ya.
Destiny 3
"Who prepared my coffee?" Malakas na tanong ni Hayden sa kanyang mga tauhan. Ang alam n'ya ay ang bagong personal assistant ang inutusan n'yang sabihan ang sekretarya n'ya ipagtempla s'ya pero hindi iyon ang templa ng kape na kadalasang iniinom n'ya. "It's me sir, Skyra had an urgent thing to do that's why I volunteered myself to prepare it." nanginginig man pero buong tapang na inamin ni Celestine ang totoo. Bahala na kung mawalan s'ya ng trabaho sa walang ka-kwenta kwentang dahilan, atleast naging totoo s'ya. Natahimik saglit ang lahat, kompleto pa naman sila ngayon dahil nakabalik na si Nick at Tim galing sa kani kanilang misyon. Tumikhim muna ang boss nila saka sabing, "Then teach her how you did that so she can prepare the same next time." saka mabilis itong pumasok pabalik sa kayang sariling opisina. Halos nabunotan sila lahat ng tinik ng marinig ang sinabi ng kanilang boss. Yun lang naman pala bakit pa kelangan daanin sa takotan. "Uhm, Ms Garcia paano mo nga pala tinimpla ang kape ni boss?" Putol ni Skyra sa nakakabinging katahimikan nilang lahat. Saka na rin nakabawi sina Tim at Nick sa pagkakatulala. Ngayon lang kasi nila nakitang parang natutuliro ang boss nila ng dahil lang sa lasa ng kape. "Tin! May plus points kana nun kay boss ah." Biro ni Nick na unang nakabawi kesa ni Tim. "Ngayon lang yan nag-appreciate si boss, di pa alam kung papaano sabihin na nasarapan sya." Naiiling na dagdag ni Tim na sadyang hininaan ang boses dahil baka marining ng bugnuting amo nila. Kaya natawa tuloy si Celestine at pati na rin ang tatlo. "Kayo talaga, tara Skyra, tuturuan kita basta promise na 'Tin' na lang tawag mo sa 'kin." masayang sabi ng dalaga habang kasamang lumalakad papuntang pantry nila. Napagtimplahan na ng dalaga dati ang binata noong sa school canteen pa lang s'ya na-assign sa dating pinapasukang school nila. Pero saglit lang s'ya 'dun na assigned dahil pinatransfer s'ya sa ibang gawain matapos sadyang pahiyain s'ya ng kanyang step- sister doon na si Monica. Si Monica lang naman ang sikat na cheer leader captain nila at campus belle pa, na sinasabing girlfriend daw umano ng amo n'ya ngayon na dati ring team captain sa school basketball team nila. Dun lang sana laging nakikita ang dating boss n'ya dahil hindi sila pareho ng baitang, mas matanda ito sa kanya ng mahigit tatlong taon. Lage sana n'ya itong ninanakawan ng tingin habang tahimik itong kumakain kasama ang team mates nito at syempre si Monica. Inspired si Celestine na turuan ang kasamang si Skyra sa kung papaano ang pagkuha ng timpla nito. Madali lang naman ang ginawa n'ya kaso halos hindi makuha kuha agad ni Skyra. Kaya nang magtimpla ito ulit, at halos sing sarap na ng ginawa n'ya ay tumigil na sila sa kakatry. Baka maubos pa ang lahat ng kape nila sa pantry, panibagong takutan na naman. Wala ng iba pang pinagawa ang boss ni Celestine. S'ya na lang ang nananatiling nakatunganga habang si Tim at Nick ay may bago na namang ginagawa at ganun din si Skyra. Naging busy ulit sila sa mga sumunod na araw. Isang araw, uwian na ng makatanggap ng notice si Celestine galing boss n'ya na kailangan n'yang maghanda ng pang lima or anim na araw na gamit dahil kasama s'ya nito sa business meeting sa Japan. Hindi mawari ni Celestine ang nararamdaman. Masaya ang dalaga dahil mukhang pinagkatiwalaan na agad s'ya ng boss n'ya. Pero na- iilang din dahil mas makakasama n'ya ito sa pang-araw araw. Pero ganoon naman talaga ang klase ng pinasukan n'yang trabaho, ang laging kabuntot sa boss n'ya kaya agad s'yang nag-reply dito. Sa makawala pa ang alis nila kaya may oras pa s'yang makabili ng mga kulang na gamit. Samantala....... Napaisip si Hayden kung saan nya nakilala ang bagong assistant. Ito pa lang ang ipinasok ng ina n'ya sa kompanya na tutok sa trabaho at hindi nagpapapansin sa kanya. Madali nitong nagawa ang inutos n'yang detalye ng magiging kasosyo nila. Hindi rin halos mukhang maghuhubad na ang kasuotan nito taliwas sa mga nagdaang mga ipinakilala ng mommy n'ya. Hindi nakakabawas sa ganda nito at ka sexyhan ang pagiging simply ng dalaga. "Mom." tawag ni Hayden sa kabilang linya na agad namang sumagot. "Hello baby, need me?" Malambing na bati ng ina. Mukhang may nakatagong saya sa boses nito. "Nothing mom. I'll just call you back anyway." nahihirapan si Hayden kung paano tanongin ang ina kung paano nakilala ang bagong assistant. Baka kasi mag-over think na naman ito. May pagkapilya pa naman ng ina n'ya kaya di nalang tinuloy ang gusto sana n'yang itanong. "Okay iho, call me back if you want to tell something" makahulugang sagot ng ina. O di ba, overthinker talaga ang ina n'ya kahit kelan. "Tim!" tawag ng binata sa intercom na agad namang dumating ang assistant. "Check her details", maikling utos n'ya sa kanyang assistant na agad namang nakuha kung ano ang ibig sabihin. He's not interested in her, he is just curious. Pagtatanggol ng binata sa sariling isipan. Napatayo bigla ang binata ng malasahan ang kape na matagal na n'yang huling nalasahan. Hindi n'ya maintindihan kung papaanong nagka ganito ang lasa nito gayong ibang iba naman ang lasa nito sa nakasanayan na n'ya. Kaya pinatawag agad n'ya ang sekretayang nagtimpla nito. "Sir Williams sorry po sir pero hindi po ako ang nagtimpla kanina ng kape n'yo kasi tinatapos ko yung pinapahabol n'yong memo." Takot na turan ng sekretarya n'ya. Ganoon ba ka nakakatakot ang aura n'ya kaya kahit simpleng tanong lang ay para nang maihi ang kausap nito? "Then who?!" Mas lalo tuloy umiksi ang leeg ng kanyang secretary sa taas ng boses n'ya. "I'll find it out outside sir". Halos hindi magkanda ugaga na sagot ng sekretarya at mabilis na lumabas ng opisina ng binata na sinundan naman ni Hayden ng mahahahabang hakbang. Imbis na ang takot na sekretarya ang magtanong sa kanyang kasamahan ay inunahan ito ni Hayden. "Who prepared my coffee?" halos dumagond**g na tanong nito. Napabalikwas ng tayo si Celestine. Kitang kita ang pagkabigla nito sa magagandang bilog na mata ng dalaga. Ang bagong assistant n'ya pala ang gumawa ng kape kanina. Kaya imbis na magpakita ng galak ay medyo pagalit na inutos dito na turuan ang sekretarya n'ya kung papaano ang paghalo at pagtimpla ng ganoong lasa saka mabilis na bumalik sa sariling opisina. Kahit anong mangyari ay ayaw n'yang ipakita rito na napapa-impress s'ya sa mga ginagawa ng dalaga. 'Ego Hayden ego.' Tsk tsk tsk reklamo ng utak n'ya. Sumasakit tuloy ang ulo n'ya sa nangyari at natuklasan.
Destiny 4
Mabilis lumipas ang dalawang linggo. Mas lalo na -appreciate ni Hayden ang pagiging prompt at fast leaner ni Celestine. Wala pa itong sablay. Hindi rin n'ya ito nakitaan man lang ng konteng senyales na may gusto ito sa kanya o di kaya nagpapa-cute man lang. Lagi itong professional na humaharap sa kanya. Na minsan naiinis na rin s'ya. Gusto sana ng binata na ito ang magtempla ng kape n'ya dahil may kulang pa rin sa templa ng kanyang secretary, pero ma-pride s'ya kaya tinitiis na lang nito ang iniinom na kape. Nalalapit na ang business trip si Hayden sa Japan. Kaya kailangan kasama n'ya ang kanyang maaasahang mga tauhan sakaling kelanganin na naman n'yang biglaang iwan ang mga ibang meetings n'ya. Wala sanang balak ang binata na isama ang bagong assistant dahil boung akala n'ya ay niri- reto lang ito ng ina sa kanya. Pero mali pala s'ya. Magaling ito sa trabaho at parang mapagkakatiwalaan din naman. Kaibigan pala at dating kasamahan ng ina n'ya ang ama ng dalagang assistant. At ngayo'y naaalala na n'ya na dati pala itong schoolmate sa International school na pinapasukan n'ya. T'yak na tinutulangan ito ng ina dahil nangangailangan ito ng trabaho dahil sa amang may sakit. Hindi dahil para paibigin s'ya. Ito pala ang dating school mate na hinanap hanap n'ya nung minsang itinimpla din sya ng kape sa school canteen nila. Napakalayo kasi ng hitsura nito sa dati na may suot pa na malalaking salamin at laging matatakutin.. She is my younger twin brother's classmate. Alam ito ng binata dahil minsan n'yang inabangan ang dalaga dahil nahihiwagaan s'ya dito. Lage kasing nakatago sa makapal na salamin ang magagandang mata nito at mahahabang pilik mata. Ni minsan hindi n'ya nakikitang ngumiti ang mapupula nitong labi. "Damn Hayden!" mura ng binata sa sarili. Wala sa tipo n'ya na laanan ng oras sa isapan ang kahit na sinong babae. He will bring her in their Japan business trip para sakaling magkamali man ito dun, may rason na s'yang tanggalin ito. Hindi na gusto no Hayden ang mumunting t***k ng kanyang puso. Kaya habang maaga, mas maigi ng mawala sa kanyang paningin ang babaeng ito. 'Im just curious about her and love the taste of her coffee that's it.' Insist n'ya sa sarili. Maagang dumating sa airport si Hayden pati na si Nick at Tim na sinundo s'ya bago tumungo sa airport. Tiningnan n'ya ang paligid saka hinahanap ng mata n'ya ang bagong assistant. 'Sabi na nga ba laging nahuhuli sa lakaran ang mga babae', tanging sa isipan lang na reklamo ni Hayden. "Good morning Mr Williams" boses ito ni Celestine kaya napalingon agad ang binata. "The plane is now ready and we can go on board anytime". dagdag pa nito na galing na pala sa private plane na sasakyan nila. "Okay, let's go" tipid pa rin na sagot ng binata. Hindi kelan man ipinapakita nito ang totoong emosyon. Na-impress man s'ya pero hindi na kailangang ipaalam pa sa dalaga. Tahimik lamang ang apat sa boung byahe. Umidlip sandali si Hayden habang komportable itong nakaupo sa spacious seat n'ya. Pati na rin ang tatlong assistants nito ay nakiidlip na rin. Bago pa man lumapag ang eroplanong sinasakyan nila ay ang mabangong amoy na naman ng kape ang napagpagising kay Hayden. "Mr Williams, do also want to drink a cup of coffee?" propesyonal pa rin ang dating nang tanong ng dalaga kahit tungkol na sa maiinom ang tinatanong nito. "Yes please". bakit ba naman s'ya tatanggi eh ang dalawang assistants nga n'yang mga lalaki nauna ng at mukhang enjoy na enjoy sa kakahigop ng sarili nilang kape na t'yak si Celestine din ang may templa dahil sa amoy pa lang nito. Kaya sinet- aside n'ya ang pride para makahigop na rin sa laging inaasam na lasa ng kape. Makalipas ang ilang minuto ay lumapag na ng eroplanong sinasakyan nila sa Japan. Mukhang good mood ang striktong boss nila dahil hindi ito masyad**g nakasimangot ngayon. Maaliwalas lang ang hitsura nito na mas pogi tingnan. May sumundo sa kanila para maihatid sa kanila hotel. Kanya kanya sila ng hotel room. Pero before sila pumasok, sinabihan muna sila ni Hayden na magpahinga na lang muna dahil kinabukasan pa ang simula ng series of meetings nila. At pinaaalahanan din na i-check ang kani- kanilang assigned task na ini- mail sa kanila ng boss. Each of them ay may kanya kanyang target investors assigned na dapat mapa- Oo nila to have a deal with them. Hindi sana ito masyad**g seseryosohin ni Hayden, dahil s'ya naman ang laging hinahabol ng mga ka business deals n'ya. Pero iba 'to ngayon. Sumali kasi sa business meeting ang Yale Elite International na matindi rin nilang karibal pagdating sa negosyo. Kung ang Williams ang nangunguna sa business transactions sa America at mga karatig nitong bansa, Yale Elite Int naman ang may hawak sa malalaking negosyo sa sa europa. Closing this deal will mark who the true leader is in the business world. Kaya Ibinigay n'ya sa kanyang tatlong assistants ang mga medyo maliliit na business deals para matutukan ang malalaking shareholders. Apat ang ibigay n'ya kay Celestine habang tig aanim kay Tim at Nick. At sa kanya na ang natitirang malalaki ang hawak na shares na investors. Pagkapasok ni Celestine sa sariling kwarto ay agad na ni-review ang email ng boss. Napag-aralan na ito ng dalaga bago pa man sila lumipad patungong Japan, pero dapat i-refresh n'ya ang sarili para walang makaligtaan. Kinaumagahan ay nakahanda na ang lahat sa labanan. Pagkatapos nilang kumain ay tahimik pa rin silang tumungo sa hall ng meeting nila. Tahimik lang si Hayden pero napamangha s'ya sa simple at fresh look ng dalagang assistant. Nagawa nitong tingnang elegante ang simpleng suot na puting business suit na bagay na bagay sa maputi at makinis na balat. Hindi maiksi ang skirt nito pero tama na, para hindi maikakaila ang mahahaba at tuwid na mga binti nito. Gayun din naman si Celestine, sa bawat araw na ginawa ng Diyos ay pagwapo ng pagwapo ang masungit na boss nila. Lalo pa itong gumwapo sa suot na black suit at light peach na inner. Kahit na ano pa siguro ang suotin nito mas lalakas pa ang appeal at magmukhang mamahalin. Pero hindi nga lang ito masalita. 'Hirap naman nito na sobrang tahimik ng boss mo, nakakapanis ng laway.' Reklamo ni Celestine sa sarili na hanggang isipan lang n'ya at baka masibak pa s'ya kung isaboses ito. "Good morning Hade." I guessed it right that you will personally attend this meeting". Malambing at sabihin nating may kalandiang bati ng isang magandang dalaga kay Hayden habang papasok pa lang sa venue. Umamba sana ito ng humalik sa boss nila na hindi rin nangyari dahil hindi man lang yumuko ng kaonti ang matangkad na binata para makabeso man lang ang kausap. Hininaan lang nito ng konte ang hakbang pero patuloy pa rin ito sa paglalakad. "Hi Monica, you're here." Hindi interesad**g sagot ng boss nila na saglit lang sinulyapan ang kausap. 'Wait who?' Nabigla si Celestine sa narinig na pangalan. Saka n'ya tinitigan ulit ang babaeng kausap ng amo n'ya. Si Monica nga. Buti na lang at nasa likuran s'ya ni Tim at Nick kaya hindi s'ya napansin ng step- sister n'yang tanging kay Hayden lang ang atensyon. "Yeah, I've been working in the Yale Int for quite some time now kaya Im one of the sexy presentor." ani nito na matamis pa rin ang ngiti kahit hindi gaano pinapansin ng boss nila. "If only you accepted me before in your company, then I guess, I would be one of your beautiful asset, especially when it comes to this kind of meeting." Pagmamayabang ni Monica. "See you around Hade". Saka kumaway ito papunta sa naka assigned seat nito. Maganda naman talaga ang step- sister n'ya. Hindi kalabisan kung ipagmayabang ang ganda nito lalo na at magaling din itong mag- alaga sa sarili. Simula na ang meeting, tumagal ng dalawang araw ang presentations ng bawat grupo ng Yale Internationals at Williams Group of Companies.
Destiny 5
1294 Words
Sa pangatlong araw ng meeting nila ay sinimulan na ng tatlong assistants ni Hayden ang kanya kanyang misyon habang kausap rin niya ang malalaking shareholders. Nakapag-close na s'ya ang ilang deals bago pa mananghalian. After ng lunch, mga pasado alas dos pa lang ay napansin n'yang wala ng kausap si Celestine. Mag-isa itong abala sa kaka-input ng details sa sariling laptop. "How's your business deals Ms Garcia?" tanong agad ng binata, buti na lang ay maliliit lang na shareholders ang ibinigay n'ya rito sakaling wala ito ni isang napa- oo. "Hi Mr. Williams." Parang nabigla pa ito sa paglapit n'ya. "They all agreed to have business with us sir, so I emailed right away the content of our deals to their respective emails." masigla at masayang sagot nito habang nagpipindot pa sa keyboard ng laptop nya. 'Wow'. Napa arkong wow ang bibig ni Hayden dahil hindi n'ya akalain na napakabilis nitong nakapagclose ng deal kahit baguhan ito at nagfollow up pa agad sa copy ng deals nila. Ina- under estimate n'ya lang talaga ang kakayanan ng babaeng kaharap kaya sa tuwing nagawa nito ang pinagagawa n'ya ay lubos ang paghanga nya rito. "Good". Tanging naging tugon ni Hayden kay Celestine. Saka tiningnan ang dalawa pa n'yang assistants na hindi pa tapos. "If you dont mind Mr Williams, can I help Tim or Nick so we can finish early?. saad ng dalaga. "I also read the details of those shareholders since we already talked about it before our flight here". dagdag pa ng dalaga baka pansin nito ang pagdadalawang isip ng boss. "Okay, go ahead and good luck". Saka mahinang tinapik ang balikat ni Celestine bago tumalikod upang ipagpatuloy ang sarili ding gawain n'ya. Parang nakuryente si Celestine sa ginawa ng boss. Iba na talaga 'pag ganoon ka gwapo at kabango ang kausap mo, tapik pa lang ay magsitayuan na ang balahibo mo. Sa saya? Napangiti ng lihim ang dalaga dahil sa naisip n'ya at agad dinalohan sina Tim at Nick na parehong ring successful ang kanya kanyang tasks. Natapos nila ang araw ng maaga at napaka-succesful pa, wala ni isang transaction ang sinayang nila. Ganun din ang boss nilang si Hayden bitbit nito ang tagumpay at wala man lang tinira para sa rival nitong Yale Int. Kaya nagpatawag ang ka business deal nila ng closing party kinagabihan. Namo-mroblema ngayon si Celestine habang papauwi sila ng hotel dahil hindi n'ya ito napaghandaan. Puro formal suit ang dala ng dalaga. Ding.. d**g... Biglang tumunog ang door bell sa kwarto ng dalaga. Nang buksan ito, ay si Nick ang nakita n'yang may bitbit na paper bags. "Tin, pinapaabot ni boss. Suotin mo daw to mamaya sa party", at may ngiti itong kasama ng parang nang aalaska. "Salamat, buti na lang at maalalahanin din pala ang masungit na boss natin dahil wala sana talaga akong maisusuot." sabi naman ng dalaga at tinanggap ang dala nitong paper bags. "Naku mabait naman talaga ang boss natin, galante pa. Masungit lang tingnan yan pero busilak ang puso n'yan. Sige na para makapagbihis ka na. Kakatukin ka na lang namin ulit mamaya." Sabi ni Nick na umalis na. Napalula si Celestine ng mabuksan ang mga laman ng branded na mga paper bags. Puro ito mamahalin na damit, sandal, sling bag at make up set. Ang sarap naman mamigay ang gwapong boss n'ya kaya hindi s'ya nagdalawang isip na i-text ito. Celestine: Thank you so much for these stuffs Mr. Williams but these are too much. I hope it is ok with you that I'll just pay some of these stuffs in terms through salary deduction? Hayden: Never mind that, It's my way of compensating you for the job well done. Mabilis na man na reply ng boss n'ya. Mabuti pa sa text mahaba haba pa ang reply kesa sa personal na mabibilang lang sa daliri ang salita nito. Nagpahinga ng konti ang dalaga saka naligo muli at nagsimula ng magbihis. 8 pm ang party nila kaya naghaponan nalng sila sa kani kanilang room bago pupunta sa naturang selebrayon. Mabuti na lang at may alam si Celestine sa pagmake up dahil na rin sa kakanuod dati ng mga make up tutorials sa youtube. Konti lang ang inilagay n'yang make up dahil hindi s'ya sanay na makita ang mukha na may makapal na kolorete. Sinundo na s'ya ni Tim bandang 7:45 upang bumaba na para makaalis na sila patungo sa selebrasyon na inihanda ng mga Japanese business partners nila. Pagkapasok ni Celestine sa nag-aantay na sasakyan ay excited ang mata n'yang makita ang gwapong boss. Kaso bigo s'ya dahil nauna na pala ito sa venue. "Nauna nang umalis si boss at Nick dahil bilin nito na 'wag ka daw madaliin." Panimula ni Tim baka napansin nito ang dismayado n'yang mukha. "Kumatok lang ako kakina kasi ipapaalam ko lang sana sayo na aantayin lang kita sa lobby and to let you take your time, kaya nabigla ako ng makitang handa ka na rin pala." mahabang paliwanag ni Tim sa tahimik pa ring dalaga. "Ganun ba, mabilis lang din naman ako mag-ayos kaya hindi ako natagalan." Natatawa na wika ng dalaga. Lage kasi iniisip ng mga kalalakihan na mabagal ang mga babae. Hindi naman lahat, sadyang 'girl on the go' s'ya lage. Konting ayos lang ok na. Bumukas ang private box ng hotel na ginanapan ng party nila at kitang kita ni Hayden ang pagpasok si Celestine. Hindi n'ya akalain na pati sa ganitong party ay on time pa rin ito. Sinadya n'yang mauna sa venue dahil alam n'yang laging nahuhuli ang mga kababaihan sa ganitong party na ang pag-uusapan. Parang huminto ang mundo ng binata nang makita nito ang suot na old rose velvet spaghetti strap dress na bigay n'ya. He just randomly pick it sa isang sikat na brand ng shop dahil mabilisan lang n'yang binilhan ito dahil alam n'yang wala itong naihandang damit para sa party dahil hindi rin n'ya ito naabisuhan na posibleng may party kung mag-imbeta ang host partners nila. Lutang na lutang ang makikinis at mapuputing balikat nito at ang bandang dibdiban. May mataas pala na tabas ng slit ang bandang kaliwang side nito na hindi nya napansin kanina kaya exposed ang mahahabang legs ng dalaga na pinagpyistahan naman ng tingnan ng maraming business partners niya. Sakto lang ang make up nito na nakapagpa enhance lalo sa maamong mukha ng dalaga. 'Tame yourself Hayden. Babae lang yan. At marami ka pang makikitang higit pa sa kanya.' sulsol n'ya sa sariling isipan. Nabaling ang atensyon ni Hayden dahil sa mahinang yugyug ng katabing si Monica. Inimbitahan rin kasi ito ng isang japanese na shareholder na mukhang interesado rito. "Hayden, who is she?" tanong ng maarteng dalaga. Hanggang ngayon bumubuntot pa rin ito sa kanya sa t'wing makikita s'ya nito. "She's Celestine, one of my assistants." sagot ng binata na ibinalik ang tingin sa papalapit na dalaga kasama si Tim. Napanganga si Monica sa narinig. "Celestine Garcia?" Manghang tanong ng dalaga kay Hayden. "You knew her?" pasimpleng balik tanong na binata. "Of course! She is my ugly step sister. She is the nerd girl in our school before remember? Hindi makapaniwalang sagot ng dalaga habang obvious ang panibugho sa mga mata nito. Maganda si Monica pero ordinaryo lang itong tingnan kung maitatabi sa natural na ganda ni Celestine. Kahit halos wala na itong suot sa kakarampot na tela ng damit nito, ay mas nakakabighani pa rin sa mata tingnan ang step sister nitong si Celestine. Pareho man silang sexy pero mas matangkad at mas ka-aya aya ang aura ng dalagang assistant n'ya. Kaya milya milya ang layo ng babaeng katabi n'ya ngayon sa babaeng nasa harapan n'ya na si Celestine. 'You are only drunk dude'. reklamo ng utak ni Hayden dahil parang nag-iinit ang katawan n'ya habang tinititigan ang palapit na assistant.
Para po mabasa ang buong kwento available sa DREAME/YUGTO app or click mo lang po ang link sa baba:👇🔞‼‼⚠‼
Book Link: 👉 https://www.dreame.com/story/593582592-destiny--tagalog
Book title: 👉Destiny (Tagalog)
Author: 👉Left-handed