03/10/2023
βThe Lord bless you and keep you; numbers 6:24
ππβ€π
Sharing the Gospel
βThe Lord bless you and keep you; numbers 6:24
ππβ€π
β€ππββPsalmsβ¬ β106:1β¬ βNIVβ¬β¬
[1] Praise the Lord. Give thanks to the Lord, for he is good; his love endures forever.β€ππ
πππOhhh,. Thank you Lord Jesus.
BLESS THIS PAGE,
Amen ππππ
Hello kumusta po kayong lahat dyan, malapit na naman po ang Sunday, paalala po na wag nating kaligtaan ang araw ng pagsamba sa ating Dios na lumikha, Amen
Likeπ follow &share
Godbless π
Ang pagpapala ng Panginoon ay palaging darating sayo kapag marunong kang mag pasalamat sa kanya, maliit man oh malaking biyaya, laging magpasalamat sa Dios
Minsan, ipaparamdam sayo ng diablo na aping api ka na, yung tipong hirap na hirap kana sa buhay, at ipapakita pa sayo ng diablo yung mga taong successful na tao at ikukumpara ka sa mga taong iyon, at sasabihin, asan ang Dios mo? Panay ka samba sa Dios, tingnan mo mga taong walang Dios mas magagaling pa sila sayo, mas angat pa sila sa buhay,. At ipapakita sayo ng diablo ang mga dapat mong gagawin yung tipong hindi muna alam ang mga ginagawa mo pero ang totoo iniiwan muna ang paglilingkod mo sa Dios para lang makuha mo yung gusto mo sa buhay.
Alam naman natin mga kapatid na ang bagay na yan ay naranasan rin minsan ni Lord Jesus, kung paano siya tinukso ng diablo, yung tipong pinapakita kay Lord ang mga bagay na makamundo at karangyaan pero ang gusto pala ng diablo ay ang sambahin siya para maibigay kay Lord Jesus ang lahat ng iyon. Pero hindi nagtagumpay ang diablo "dahil tanging kay Lord Jesus lamang luluhod ang lahat ng nilalang."
Alam natin na pagpapalain tayo ng Dios, at sana alam rin natin kung paano tayo pagpapalain, kung ano ang mga kalooban ng Dios para pagpalain tayo. Para d tayo madaig ng tukso, kundi bagkos maging matatag tayo sa pananampalataya, na habang inaantay natin ang pagpapalang nais nating makamtam ay handa na tayo sa ating buhay, na hindi natin makakalimutan at maging handlang Pa ang kayamanan kaysa buhay na walang hanggan. Amen
Isang mabuting bagay ang magpapasalamat sa Panginoon, at umawit ng mga pagpuri sa iyong pangalan, Oh Kataastaasan:
Upang magpakilala ng iyong kagandahang-loob sa umaga, at ng iyong pagtatapat gabigabi. Awit 92:1-2
Awit 112:7 Siya'y hindi matatakot sa mga masamang balita: ang kaniyang puso ay matatag, na tumitiwala sa Panginoon.
Kapag nagdadalawang isip tayo, d malaman ng ating mga paa kung saan tutungo dahil paiba-iba ang Plano, sa huli, sinusunod parin ng ating isip at paa ang puso sa Panginoon
Kapag nagbalikloob ka sa Panginoon, d lang libo libong anghel ang magsasaya, pati na rin mga kapatiran mo na d maipinta ang mukha sa saya na muli kang makita at makasama
Kapag nagpapastol, lahat ng tupa ay sama samang kumakain, walang humihiwalay. Ganun rin tayong mga Anak ng Dios, wag kang humiwalay. Mag Church ka rin, sama sama nating namnamin ang Salita ng Dios nang may galak at pananabik sa bawat isa
Hindi lahat ng nagpupuyat ay madaming ka chat oh may jowa. Yung iba, nanalangin habang ikaw naglalaway sa sarap ng tulog na may kasamang hilik.
Kung nag focus kalang kay Lord, marami na sanang taong naligtas dahil sayo, dahil ikaw lang ang paraan para sa family mo,kaibigan mo kakilala mo. Dahil kung hindi ikaw, sino?
Kapag may banal na Espiritu kana sa puso mo, siya mesmo ang magtuturo sayo sa mga gagawin mo, para maging karapat dapat sa Dios.
Kapag pinapalo ka ng magulang mo, pwede ka naman umiyak at humingi ng tawad. Ganon rin po sa Dios. Kaya Alisin natin ang pride sa sarili.magpakababa tayo at kanya tayong itataas.
Kanino ka matatakot, kung ang Dios ay panig sayo?
Isang kayamanan sa ating buhay na makilala ang Panginoong Jesus. Dahil mahal tayo ng Dios at siya ang unang nagpakilala sa atin,bukas lang ang ating puso para sa kanya kaya lubos natin siyang nakilala
Pa follow po ng fb Page natin, sa mga hindi Pa naka follow, click nyo lang po ang "Child of God" and follow po. Salamat, God bless
Awit 29:11 Ang Panginoon ay magbibigay ng kalakasan sa kaniyang bayan; pagpapalain ng Panginoon ang kaniyang bayan ng kapayapaan.
Ang Panginoon ay aking liwanag, at aking kaligtasan: kanino ako matatakot? Ang Panginoon, ay katibayan ng aking buhay; kanino ako masisindak? Awit 27:1
Awit 18:20 Ginanting-pala ako ng Panginoon ayon sa aking katuwiran; ayon sa kalinisan ng aking mga kamay ay ginanting-pala niya ako.
Sinusubok ng Panginoon ang matuwid; nguni't ang masama at ang umiibig ng pangdadahas ay kinapopootan ng kaniyang kaluluwa.Awit 11:5
Huwag kang mananaghili sa mga masamang tao, ni magnasa ka man na masama sa kanila:
Kawikaan 24:1
Ang mga mata
ng Panginoon ay nasa bawa't dako, na nagbabantay sa masama at sa mabuti.
Kawikaan 15:3
Mangaghandog kayo
ng mga hain ng katuwiran, at ilagak ninyo ang inyong tiwala sa Panginoon.
Awit 4:5
2 Timoteo 2:22
Datapuwa't layuan mo ang masasamang pita ng kabinataan, at sundin mo ang kabanalan, ang pananampalataya, ang pagibig, ang kapayapaan, kasama ng mga nagsisitawag sa Panginoon mula sa pusong malinis.
"ilagan mo ang mga usapang walang kabuluhan"
2 Timoteo 2:15 Pagsikapan mong humarap na subok sa Dios, manggagawang walang anomang ikahihiya, na gumagamit na matuwid ng salita ng katotohanan.
2 Timoteo 2:16 Datapuwa't ilagan mo ang mga usapang walang kabuluhan: sapagka't sila'y lalong magpapatuloy sa kasamaan,
π€ PAALALA SA ATING LAHAT π€
2 Timoteo 2:11 Tapat ang pasabi: Sapagka't kung tayo'y nangamatay na kalakip niya, ay mangabubuhay naman tayong kasama niya:
2 Timoteo 2:12 Kung tayo'y mangagtiis, ay mangaghahari naman tayong kasama niya: kung ating ikaila siya, ay ikakaila naman niya tayo:
2 Timoteo 2:13 Kung tayo'y hindi mga tapat, siya'y nananatiling tapat; sapagka't hindi makapagkakaila sa kaniyang sarili.
2 Timoteo 2:14 Ipaalaala mo sa kanila ang mga bagay na ito, na sila'y pagbilinan sa paningin ng Panginoon, na sila'y huwag makipagtalo tungkol sa mga salitaan na hindi mapapakinabangan, sa ikapapahamak ng mga nakikinig.
MAGPAKALAKAS KA
2 Timoteo 2:1 Ikaw nga, anak ko, magpakalakas ka sa biyayang nasa kay Cristo Jesus.
2 Timoteo 2:2 At ang mga bagay na iyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi, ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na makapagtuturo naman sa mga iba.
2 Timoteo 2:3 Makipagtiis ka sa akin ng mga kahirapan, na gaya ng mabuting kawal ni Cristo Jesus.
2 Timoteo 2:4 Sinomang kawal na nasa pagkakawal ay hindi nahalubilo sa mga bagay ng buhay na ito; upang siya'y kalugdan niyaong nagtala sa pagkakawal.
2 Timoteo 2:5 At kung ang sinoman ay makikipaglaban naman sa mga laro, ay hindi pinuputungan maliban na kung makipaglabang matuwid.
2 Timoteo 2:6 Ang magsasaka na nagpapagal ay siyang kailangang unang makabahagi sa mga bunga.
2 Timoteo 2:7 Isipin mo ang sinasabi ko; sapagka't bibigyan ka ng Panginoon ng pagkaunawa sa lahat ng mga bagay.
HUWAG MONG IKAHIYA ANG PANGINOONG JESUS
2 Timoteo 1:8 Huwag mo ngang ikahiya ang pagpapatotoo sa ating Panginoon, ni ako na bilanggo niya: kundi magtiis ka ng mga kahirapan dahil sa evangelio ayon sa kapangyarihan ng Dios;
2 Timoteo 1:9 Na siyang sa atin ay nagligtas, at sa atin ay tumawag ng isang banal na pagtawag, hindi ayon sa ating mga gawa, kundi ayon sa kaniyang sariling akala at biyaya, na ibinigay sa atin kay Cristo Jesus buhat pa ng mga panahong walang hanggan.
2 Timoteo 1:10 Nguni't ngayon ay nahayag sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating Tagapagligtas na si Cristo Jesus, na siyang nagalis ng kamatayan, at nagdala sa liwanag ng buhay at ng walang pagkasira sa pamamagitan ng evangelio,
Caramoran
4808
Be the first to know and let us send you an email when Child Of God posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.