PNHS Filipino CLUB 2022-2023

PNHS Filipino CLUB 2022-2023 "Di Ako GWAPO, may GAYUMA lang ang PUSO."

Ang Kabayanihan at katapangan ni G*t Andres Bonifacio ang pumukaw at naging isang tanyag na marka ng paghihimagsik ng mg...
29/11/2022

Ang Kabayanihan at katapangan ni G*t Andres Bonifacio ang pumukaw at naging isang tanyag na marka ng paghihimagsik ng mga PILIPINO sa gitna ng pang-aapi ng mga dayuhan. Ang kanyang pagbuo sa K*K ang nagkumpol sa lahing pilipino at nagbigay daan na rin para pagbigkisin ang mga diwang nahiwa ng pagkakawatak-watak. Ang mga hamong ito ang ginawa niyang inspirasyon para maghimagsik sa inaapi at pinapahirapang Pilipino. Sa paglipas ng Panahon unti-unti nating nalilinutan ang kanyang pagpupunyagi at pagpupursige para sa ating kalayaan. Bilang pagkilala sa kanyang KABAYANIHAN MABUHAY SI G*T ANDRES BONIFACIO, SULONG KABATAANG PILIPINO HANGUIN MO AT PAYABUNGIN ANG KABAYANIHAN SA MAKABAGONG MUNDO.

Ang wika ay kaluluwa ng bansa, pagkakakinlan at tulay sa pagpapadaloy ng kultura. Ang bawat buwan ng Agosto sa bawat paa...
03/09/2022

Ang wika ay kaluluwa ng bansa, pagkakakinlan at tulay sa pagpapadaloy ng kultura. Ang bawat buwan ng Agosto sa bawat paaralan sa Pilipinas ay itinakda na bilang buwan ng wikang pambansa. Ngayon taon namasentro ang tema sa "Filipino at mga Katutubong Wika Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha."

Bagaman may hamon na kinaharap sa halos dalawang taon at sa pagbubukas ng taong panuruan 2022-2023. Ang mataas na paaralan ng Pantuyan National High School ay nakiisa sa pagdiriwang ng buwan ng wika. Kalakip sa unang gawain ay pagbuo at pagbuhay sa Samahan Ng Filipino Club na naglalayong isulong at paunlarin ang wikang Filipino at asignaturang Filipino sa paaralan.

Bagkus sa pagkakabuo ng mga opisyal ng FILIPINO CLUBkung saan ang Pangulo ay si Jade Monday mag-aaral ng ika-labindalawang baitang. Agad na nagpulong at nagplano ng mga gagawin para sa pampinid na palatuntunan at mga gawaing angkop sa Psychosocial na aspeto ng mag-aaral at palaganapin pa ang masidhing pagmamahal at pagpapalawak pa ng kaalaman sa Wikang Filipino.

Sa huli ay naisagawa nag mga gawain gaya ng
pagsulat ng "Sanaysay", pagguhit ng Poster at Islogan. sa huling araw ay ang Tagisan Ng Talino, LARO ng Lahi at pagtugtog ng Katurubong instrumento. Bakas sa mga mukha ng bawat mag-aaral ang kasiyahan at dama nila ang kagandahan ng Wikang Filipino at ang yaman ng kultura ng Mandaya bilang integrasyon.

Tunay ngang ang wika ay nagiging kasangkapan ng mga ninuno natin sa pagpapadaloy ng kaugalian, naging kasangkapan rin ito upang mapanatili ang mga natuklasang kaugalian na lumikha ng napakagandang pamana sa mga kabataan. at ang pagsagot sa hamon ng pagpapanatili at pagpapayaman sa Wika kahit na sa gitna ng Pandemya at iba pang mga sakuna.

29/08/2022

Ang kabayanihan ay paglilimot sa sarili para sa isang hangarin na ikakabuti ng lahat.

Isang umaga na puno ng kabayanihan, ang samahan ng FILIPINO ng Pantuyan NHS ay nakikiisa sa pagpupugay at pagkilala sa MGA BAYANING lumaban, ipinaglaban at lalaban pa para sa ating BAYAN.

28/08/2022

Para sa mga mag-aaral

Ano o sino ang di ninyo malilimutan na tao o pangyayari sa UNANG ARAW NG PASUKAN? Pakisagutan at maari kayong sumagot sa WIKANG FILIPINO na pananalita.

Address

P. M. Sob.
Caraga
8203

Telephone

+639152211002

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNHS Filipino CLUB 2022-2023 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Nearby media companies


Other Digital creator in Caraga

Show All

You may also like