Radyo Agila Naga

Radyo Agila Naga News and Public Affairs

ANAK NA SANGKOT SA DROGA, ISINUPLONG NG SARILING AMA SA OTORIDADGigisingin sana ng ama ang kaniyang anak nang tumambad s...
30/08/2024

ANAK NA SANGKOT SA DROGA, ISINUPLONG NG SARILING AMA SA OTORIDAD

Gigisingin sana ng ama ang kaniyang anak nang tumambad sa kaniya ang mga sachet sa loob ng silid nito na sa tingin nito ay ilegal na droga.

Hindi nag-atubili, humingi nang tulong ang ama at inilapit sa Barangay ang kaniyang anak na agad namang ipinarating sa Police Station 5 ng Naga City PNP.

Ayon sa ulat, ang supek ay kinilala sa alyas na “Joshua” 28 anyos, at residente ng, Zone 1, Mabolo Naga City. Nakumpiska sa kaniya ang hinihinalang shabu na may bigat na 10 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱36,000, kasama ang limang pirasong maliliit na sachet ng shabu at tatlong piraso ng hinihinalang ma*****na.

Ayon sa ama ng suspek, wala namang trabaho ang kaniyang anak kayat nagtataka ito kung saan galing ang pera nito. Dito napag-alaman na ito ay dahil sa malaki na ang koneksyon ng anak sa ilegal na droga.

Hindi lubos akalain ng ama ng suspek na ganito na pala ang kalagayan ng kaniyang anak kayat hindi na ito nagdalawang isip na isinumbong ito sa awtoridad upang sumailalim sa rehabilitasyon at matigil na ang pagkakasangkot sa anumang may kinalaman sa droga.


Sitwasyon sa Julian Meliton Elementary School sa Barangay Concepcion Pequeña, Naga City sa kasagsagan ng pag ulan kanina...
28/08/2024

Sitwasyon sa Julian Meliton Elementary School sa Barangay Concepcion Pequeña, Naga City sa kasagsagan ng pag ulan kaninang umaga.

Binaha ang loob ng paaralan dahil bukod sa mababa ang lugar na ito ay ilang oras rin na naranasan ang pag-ulan sa lungsod.

Agad naman na pinauwi ang mga estudyante at kinansela ang pasok. | via Nikka Layderos

📷 Principal Neil Manaog/CDRRMO

WALA NANG PASOK SA LAHAT NG GRADE LEVEL SA PILI CAMARINES SUR!!!SUBJECT : SUSPENSION OF CLASSES FOR PRE-SCHOOL ELEMENTAR...
28/08/2024

WALA NANG PASOK SA LAHAT NG GRADE LEVEL SA PILI CAMARINES SUR!!!

SUBJECT : SUSPENSION OF CLASSES FOR PRE-SCHOOL ELEMENTARY AND HIGH SCHOOL (PUBLIC AND PRIVATE) SENIOR HIGH SCHOOL AND COLLEGE (PUBLIC)

DATE : August 28, 2024


PRICE WATCH | Alamin ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado publiko sa Naga, City!Price check conducted by...
28/08/2024

PRICE WATCH | Alamin ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado publiko sa Naga, City!

Price check conducted by Market

Enterprise and Promotions Office (MEPO)
As of Monday, August 26, 2024

Paalala ng MEPO para sa mga mamimili, magdala ng lalagyan, ecobag, o basket kung mamamalengke sa NCPM o saan man na establisimyento-komersyal sa Naga, dahil sa regulated use of plastic para sa mga wet products (fish, meat, food, wet vegetables and fruits). Samantala, sa pinapasunod na Single use of plastic, isa na lang ang pagbalot at bawal na ang pagdoble. Habang sa dry goods, papel na ang dapat na gamit na pambalot.

Kung may pagdududa sa timbang ng mga pinamili, ay mayroong timbangan ng bayan kung saan pwede nila i-check kung nasa tamang timbang ito. Maaari nama dumulog sa management ng MEPO para sa mabilis at kaukulang aksyon o tumawag sa kanilang telepono (054 881 7906).

Courtesy: Naga City Government


Nasampahan na ng Ragay Municipal Police Station ng mga kasong murder, dalawang frustrated murder at attempted murder sa ...
28/08/2024

Nasampahan na ng Ragay Municipal Police Station ng mga kasong murder, dalawang frustrated murder at attempted murder sa Camarines Sur Provincial Prosecutor’s Office, Naga City nitong Agosto 24, 2024 bandang alas 4:30 ng hapon ang suspek sa pamamaril sa apat na mangingisda sa Ragay, Camarines Sur.

Ang nasabing insidente ay nangyari nitong Agosto 23, ika-8:00 ng umaga ng sa parte ng dagat na nasasakupan ng Barangay Lower Omon, Ragay.

Kinilala ang mga biktima bilang alyas “Virgilio,” 29, may asawa, residente ng Brgy. Upper Omon, Ragay, alyas “Reynaldo,” 61, residente ng Brgy. Poblacion, Tagkawayan, Quezon, alyas “Raffy,” 60, na residente sa Brgy. Lower Omon, Ragay, at alyas “Epifanio,”52, na residente naman ng Port Junction, Ragay, Camarines Sur.

Ayon kay PMaj Ryan Bagasala, COP Ragay MPS, nag-file sila ng kaso para patunayang hindi bias o pantay sila at walang kinikilingan ano man o sino man ang suspek. Kung ano anya tama o nararapat na aksiyon yun rin ang kanilang gagawin.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon, habang ang mga empleyado ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kasama ang Fishery Law Enforcement Team (FLET) ng LGU-Ragay ay nagsasagawa ng operasyon laban sa iligal na pangigisda, ang mga biktima ay kanilang nahuli na nangingisda sa pamamagitan ng buli-buli.

Nang ang mga biktima ay huhulihin na ng mga kagawad ng BFAR at FLET, ang mga ito ay dali-daling tumakas patungo sa pangpang ng barangay kung saan ilang beses na pinaputukan ng suspek na si alyas “Joseph”, 36, residente ng bula at isang kawani ng BFAR gamit ang isang shotgun na isyu ng kanilang tanggapan.

Nagresulta ito ng pagkakaroon ng mga tama sa iba’t-ibang parte ng katawan ng mga biktima na daglian namang dinala sa ospital ngunit ang biktimang si alyas “Virgilio” ay idineklara nang dead on arrival.

Samantalang ang suspek ay kusang sumuko sa mga rumespondeng pulis at sa ngayon ay nasa pangangalaga ng Ragay Municipal Police Station.


Address

San Agustin, Camarines Sur
Canaman
4400

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Radyo Agila Naga posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Radyo Agila Naga:

Videos

Share

Category


Other Radio Stations in Canaman

Show All