16/04/2024
sa parehong init na nararanasan natin ngayon, mayroong nasa labas para magtrabaho sa construction. ang iba, nagtitinda sa lilim ng pinagtagpi-tagping lona. iyong iba nagsasaka para sa kalahating araw na kita. iyong iba, naglalakad nang nakatapak para maghanap ng basura.
marami sila. at sana, dumating ang panahon na ulanan sila ng biyaya, hindi lang basta ng panandaliang ambon ng tulong. sana dumating ang araw na kaya na nilang sumilong—nang hindi natatakot na magutom.