06/01/2024
π€π€π€
ANG REYNANG WALANG PAKELAM
Hindi sya nagbibigay ng unsolicited advice pero buong puso syang magbibigay ng kanyang payo KUNG tatanungin mo sya.
Hindi siya nanghihimasok sa pagpapalaki namin sa aming mga anak. Nirerespeto nya kung ano man ang aming pamamaraan.
Hindi siya nagdedemand ng atensyon, suporta o kung ano pa pwedeng i-demand. Alam nyang ang priority ng anak nya ay ako na asawa at ang mga anak namin.
Kung may tampuhan man o alitan kaming mag-asawa, wala syang kinakampihan o ginagatungan, sa halip, tinutulak nya kami pabalik sa isaβt-isa.
Nakaalalay naman siya KUNG talagang kinakailangan, pero never syang nanguna.
Hindi nya ini-insist kung ano ang alam nyang dapat. Para sa kanya, tapos na ang panahon ng pagtuturo saming mga anak nya. Malaya na kaming pumili kung ano sa tingin namin ang tama at makakabuti sa sarili naming pamilya.
Hindi sya pala-silip at lalong di sya pala-comment sa kung paano namin pinapatakbo ang aming sariling kaharian.
YES!
Siya ang REYNA na walang PAKELAM hindi dahil sa wala syang malasakit at pagmamahal, kundi dahil malinaw sa kanya na ako ang REYNA sa binubuo naming tahanan. β₯οΈ
Mapalad akong tunay hindi lang sa aking asawa kundi lalo sa mother-in-law na hindi mala-monster-in-law. π€
β’β’β’β’β’β’β’β’β’β’β’β’β’β’β’β’β’β’
Para sa mas marami pang makabuluhang USAPANG MAG-ASAWA, click here:
πhttps://bit.ly/ThriveInLifeShopee
Need mo ng marriage counseling?
π https://bit.ly/TILThrivingMarriage
Need to have a S*X Planner? (for Married Couples ONLY!)
π https://www.facebook.com/100044205891088/posts/876866683796853/?mibextid=cr9u03