19/07/2024
"ENVIRONMENTAL DISASTER"
Nasa 20 na toneladang patay na isda ang nabubulok na sa Piracicaba River sa Sao Paulo, Brazil. Ayon sa mga awtoridad, dahil ito sa tinambak na industrial waste sa ilog ng isang planta ng asukal at ethanol.
Mahigit isang linggo na raw nabubulok ang mga patay na isda, na nagdulot ng masangsang na amoy sa lugar.
Ayon sa gobyerno, posibleng maramdaman ang epekto nito nang ilang taon. Tinawag din nila itong "environmental disaster."
📸: Reuters