Au Story of Marky

Au Story of Marky Let's delulu mga beshy�

"Childhood Friends"Part 12 (LAST PART)(AT THE ROOFTOP)*/ Habang nakatingin kaming dalawa sa mahangin na alapaap, walang ...
27/01/2024

"Childhood Friends"
Part 12 (LAST PART)

(AT THE ROOFTOP)

*/ Habang nakatingin kaming dalawa sa mahangin na alapaap, walang nagsasalita samin at si ace na ang unang nagsalita

Ace: Love, sorry sa ginawa ko kahapon mali ko yun dahil hindi ko alam na mag-walkout ka ng walang pasabi samin at tsaka si kevin na pinakilala ko that's my cousin sa mother side, at sorry kasi hindi ko naisip na masasaktan ka alam ko na mali ko yun sana mapatawad moko prince, ikaw lang ang gusto ko walang nang iba pa promise!
Prince: Naiintindihan ko naman, tini-test mo ba ako kung bibitaw na ako or hindi?
Ace: Hmmm hindi dahil naisip ko lang yun kasi trip ko lang dahil ang saya mo nung mga nakaraan kaya gusto ko na paiyakin ka, ang galing umaacting namin noh napaniwala namin kayo HAHAHAHA
Prince: Oo na, nagseselos at nasasaktan ako

*/ Niyakap ni ace si prince sa likod

Ace: Prince, sorry ha? Nasaktan lang din ako sa mga sinabi ni stacy nung nakaraan na baka tama sya na hindi tayo tanggapin ng daddy mo, malay mo hindi nila tayo maiintindihan
Prince: Ace, bat hindi natin itry love bukas na bukas pupunta tayo kanila daddy at saktong weekend tomorrow pupunta tayo dun.

*/ Tinangal ni ace ang yakap nya kay prince at nagtaka si prince

Ace: Prince, natatakot ako..

*/ Yumakap naman si prince sa kanya at nagsabi nang..

Prince: Love bat ka naman po matatakot, I'm here kung hindi nila tayo matanggap, I don't care ang alam ko lang is maging masaya lang ako na kasama ka
Ace: Paano kung ayaw talaga ng daddy mo?
Prince: Hindi yun love, promise ako bahala sa'yo matatanggap tayo yan magtiwala ka lang
Ace: Sige sabi mo eh, iloveyou my king
Prince: iloveyou more my queen

*/ Magkayakap lang sila habang pinagmamasdan ang magandang tanawin sabay ng simoy ng hangin.

(Kinabukasan)
*/ Habang nag-aayos ng mga gamit si ace dahil tatlong araw sila dun sa bahay ni prince at si prince naman ay nag-aantay lang sa baba ng condo ni ace, nang makatapos si ace ay bumaba na ito.

Ace: love, sorry kanina kapaba dito?
Prince: Kakarating ko lang, so tara na?
Ace: Let's go love

(After 1 hours)

*/ Ginising na ni prince si ace dahil nakatulog ito sa byahe

Prince: love? Gising kana po, nandito na po tayo
*/ Nagising si ace
Ace: Andito na tayo?
Prince: Yes love

*/ Nakita nya agad yung harap ng bahay nila prince

Ace: Grabe ang ganda pala ng bahay nyo labas palang
Prince: hihi thanks love mas mapapahanga kapa kapag pumasok kana sa loob

*/ Pumasok na sila sa bahay ni prince at mas lalong nanglaki ang mga mata ni ace sa sobrang lawak at laki ng bahay ni prince

Ace: Gagi love ang ganda at laki ng bahay nyo
Prince: Magpapagawa din tayo ng ganyan love kapag nakatapos na tayo dalawa
Ace: Sige love promise yan

*/ May nagtawag kay prince na isang babae na napalingon silang dalawa at si ate nikki ito.

Ace: Ate?
Nikki: Hello ace

*/ At niyakap ni ace si nikki dahil sobrang namiss nya ito sa sobrang tagal nitong hindi nagkita

Ace: Alam mo ba ate sobrang namiss kita
Nikki: Ako din ace, buti naman okay na kayo ng kapatid ko
Prince: Prank lang pala
Nikki: Nako naman kayong dalawa
Prince: Asan pala si mama at papa
Nikki: Ah nadun sa dinning area, for sure gutom kayo
Prince: Sige tara na love

*/ Naglakad na sila papunta dining area, pumasok na sila nadun ang mommy at daddy ni prince

Prince: Hi mommy and daddy
*/ Nag-bless si prince
Prince: Kasama ko pala si ace, sya pala yung boyfriend ko at kababata ko sa bicol kung saan tayo tumira dati
Ace: Hello po tita and tito
*/Nag-bless din sya

Carmen: Nako wag muna akong tawagin tita, mommy nalang
Ace: Ah sige po.. mommy
Carmen: Pa, wala kabang reaction
Ronald: Hindi lang ako makapaniwala na ganyan lumaki ang anak ni maria sa sobrang pogi
Carmen: Oo nga, okay pa ba yung bahay namin dun?
Ace: Ah opo laging po namin nililinis
Carmen: Maraming salamat naman
Ronald: Oh tara na kain na tayo, wag kang mahiya ace kumain ka lang
Carmen: Oo kain ka lang jan, wag kang magpapatalo sa dalawa na yan
Nikki: Nadamay nanaman ako mom si prince lang matakaw
Prince: Guilty nalang

*/ Nagtawanan sila...
(After 10 minutes)

*/ Pagkatapos kumain nila naiwan si carmen at ace sa dinning table

Carmen: Ace
Ace: Yes po?
Carmen: Alam ko na mabait ka sana maging mabait ka sa anak ko, alam ko maalagaan mo sya at hindi sasaktan simula palang nung mga bata kayo alam ko na may nararamdaman na kayo pero hindi nyo lang sinasabi
Ace: Oum naman po mommy, gagawin ko po yan
Carmen: Maraming salamat ace ha, ikaw ang nagbigay ng saya ulit sa anak ko
Ace: Walang anuman po tita

*/ Nang makatapos sila dun, ay pumunta na sa taas si ace at prince sa kwarto nila

Ace: Grabe ang bait talaga ni tita carmen
Prince: Mabait talaga si mommy, alam mo naman yan simula bata pa tayo
Ace: Hindi pa rin sya nagbabago, pero si tito ronald okay naman
Prince: Kinausap nya ako kanina habang naguusap kayo ni mommy, sabi nya " Wag daw kita saktan, sya daw magpapalayas sakin sa bahay"
Ace: HAHAHA sinabi nya yun
Prince: Oo HAHAHA

*/ Nagtawanan silang dalawa at Niyakap naman ni prince si ace

Prince: Thank you moon
Ace: For what?
Prince: For everything, kung di dahil sayo hindi ako magiging masaya ng ganito, ang saya ko na nakilala kita
Ace: Aww nakaktouch HAHAHA, Thank you din sa lahat star, I know na both sides okay na kung di dahil sayo hindi ako lilipat ng ateneo HAHAHA
Prince: Ang saya ko nga nung sinabi mo sakin sa chat na dun ka mag-aaral halos nasipa ko si ate nikki nun
Ace: Ikaw talaga HAHAHAHA

*/ Nagpahinga na silang dalawa...... (8 hours later) nagising si prince at ginising nya si ace para umakyat sa rooftop nila para masilayan nila ang shooting star

Prince: Love, moon, gising ka jan akyat tayo sa taas
Ace: Bakit naman po?
Prince: Basta

*/ Umakyat silang sa taas na at sumabay ang malakas na simoy ng hangin at saktong nagpakita ang shooting star, nag-wish na sila.

Ace and Prince: Sana magtagal kaming dalawa
*/ Nagyakap sila dalawa

Prince: Iloveyou my moon and my love
Ace: Iloveyou more my star and my love

THE END

"Childhood Friends"PART 11Disclaimer: This story work of fiction so don't take seriously*/ Kinabukasan Habang nag-aayos ...
27/01/2024

"Childhood Friends"
PART 11

Disclaimer: This story work of fiction so don't take seriously

*/ Kinabukasan
Habang nag-aayos si Ace para pumasok sa school meron nag-message sa kanya at ito si Prince

(AT THE MESSAGE)
Prince: Asan kana po?
Ace: Nasa bahay pa
Prince: Sunduin po kita jan?
Ace: Wag na may kasama din naman ako eh
Prince: Ah sige po, ingat

POV PRINCE
Di ko alam kung ano nangyayare kay Ace ngayon, kahapon lang okay pa kami pero pagdating ngayon hindi na, may nagawa ba ako?

*Nasa school na si Ace at ang isang lalake na hindi kilala ng mga kaibigan nya, nagulat sila Ashley, Ken, at Calix sa nakita nila

Ace: Ashh!! Ken!! Calix!!
Ashley: Tara na
At lumalapit sila kanila Ace at sa isang lalake
Ace: Guys, meet my friend Kevin
Ashley, Ken, Calix,: Hello po
Kevin: Hello, I'm Kevin btw hindi ba nasasabi sa inyo ni Ace?
Ace: Ay oo nga pala, isa din sya sa nanliligaw sakin
Ashley: Weh?!
Ken: What the..??
Calix: True ba?
Kevin: Yes, alam ko na meron na sa kanya nanliligaw pero hindi ako magpapatalo dun noh, so Ace kita nalang tayo mamayang lunch?
Ace: Ah sige sige, thank you ulit haa
Kevin: Byee everyone

At nang makaalis si Kevin hinila agad nilang tatlo si Ace
Ashley: Beh, ano yun?
Ken: Oo nga
Ace: Manliligaw ko, bakit?
Calix: Ante, gumagawa ka nanaman ba ng issue?
Ace: Ano naman issue dun teh? At tsaka bakit si Prince lang ba may karapatan na manligaw sakin?
Ashley: May point ka naman pero beh paano kung malaman to ni Prince
Ace: Edi malaman nya wala naman akong pake

At nag-walkout si Ace sa kanila

Ashley: May nagiba kay Ace?
Ken: Napansin mo ba yun?
Ashley: Oo naman teh, at tsaka hindi na sya masyadong nababaliw kay Prince, di tulad noon
Calix: People change teh
Ashley: Alam ko naman pero feeling ko talaga may nangyare sa kanila ngayon eh malalaman ko din yan

Umakyat na sila at Saktong najan na Ang kanilang teacher

Teacher: Good morning class
Students: Good morning sir

(LUNCH BREAK)
Habang nag-aayos ng gamit si Ace, lumapit sa kanya
si Prince, nagtanong
Prince: Sasabay kaba sa tropa mag-lunch?
Ace: Ahh oo pero may isasama ako
Prince: Ah sige, sino ba yan?
Ace: Makikita mo nalang mamaya

May tumawag kay Ace na kilalang boses at ito si Kevin
Kevin: Ace!!!
Ace: Kamusta?
Kevin: Okay lang naman medyo nahihirapan sa Physics, pero kaya naman
Ace: Ah ganun ba tara na ipapakilala kita sa ibang mga kaibigan ko pa
Kevin: Ah sige sige

At umalis na sila naiwan magisa si Prince sa loob nakita ang pagkasweet ng dalawa at nakita nya kung paano hawakan ni Ace si Kevin ganun din si Kevin, halos gusto na nya umiyak pero pinigilan nya

At nang makarating sila Ace sa upuan ng mga kaibigan nila at ganun din Prince.

Ace: Guys, I want to meet you my good friend Kevin,
Troy: Hello par
Zack: Hello
Ronnie: Hello bro
Kevin: Hello din
Ace: Tara na kain na tayo

Nakilala ni Kevin lahat ng kaibigan ni Ace maliban lang kay Prince dahil hindi ito umiimik at kumakain lang
Ace: Btw, guys nililigawan din nya ako

Nagulat sila Troy, Zack, Ronnie sa sinabi ni Ace
Zack: Ahh okay, goodluck
Troy: 2
Ronnie: 3

At nang matapos sila kumain, nagpaalam na si Kevin sa mga kaibigan ni Ace

Kevin: Bye guys nag-enjoy ako
Ashley: hehehe sige byee
Ace: Sige bye bye
Kevin: Byee

Habang naglalakad sila lahat nauna na sakanila si Prince at alam nila na medyo nalulungkot ito.
Prince: Una na ako sainyo guys haa may pupuntahan pa ako eh

Nakikita sa mga mata nya na paiyak na sya.
Ronnie: Ah sige sige bro, ingat
Prince: Thanks bro

Umalis na nga si Prince, nang makarating si Prince sa parking lot ng school umiiyak ito at halatang nasasaktan, sa nakita nya at narinig nya kanina

Prince: Tangin*!! Akala ko ako lang bakit may umeepal nanaman sa buhay namin ni Ace, sino ba yang Kevin na yan Ace, ano bang nangyayare sayo bat naman ganun? Wala naman akong ginawa sayo

Umalis na nga sya at nagpunta sya sa bahay nila, buti nalang wala ang kanyang magulang nya ang nadun lang is Ate nya

Nikki: Oh, Prince bat nandito ka? At bakit ganyan mukha mo magang-maga?
Prince: Atee!! Nasasaktan ako, bakit ganun? Bat lagi nalang ako sinasaktan ng mga taong mahal ko?
Nikki: Hindi kita maiintindihan Prince anong bang nangyare?

At kwinento nya sa Ate nya lahat, at nagulat sya sa mga sinabi ng kapatid

Nikki: Ace?? Diba sya yung kaibigan mo sa probinsya? Nililigawan mo pala yun bat hindi mo sinabi sakin?
Prince: Baka magalit kayo sakin, alam mo na si papa diba ayaw na ayaw nya kay Ace
Nikki: Hindi, noon yun nung mga panahon may alitan yung pamilya nila satin pero alam nya na nagugustuhan mo yun, kaya bat naman pipigilan nararamdaman mo kung sya lang tinitibok mo at tsaka hindi mo ba muna tinatanong si Ace kung nililigawan ba sya or hindi malay mo kaibigan lang talaga nya.
Prince Ate, hindi naman ipagmamalaki ni Ace yun samin kung hindi sakanya nanliligaw diba
Nikki: May point ka naman pero, you should know muna kung may chance kaba kay Ace or wala diba
Prince: Sa tingin mo ba meron?
Nikki: Oo naman alam ko naman may gusto din yun sa'yo wag kang panghinaan ng loob, kaya mo yan fighting!!
Prince: Thank you talaga ate
Nikki: Welcome bunso

*/ Kinabukasan
*Pumasok na si prince sa school nila at nakita nya sila Ace at Kevin na magkasama

Ace: Thank you talaga kahapon nagselos talaga ng sobra yung bebe ko, nagwalk out daw kahapon for sure nasasaktan nayun at umiiyak mag-sorry nalang ako sa kanya later
Kevin: Oo beh pansin ko naman sa mukha nya, ang galing ko naman umacting, pwede na po ako sa t.v
Ace: Wag delusional ante

*At nakita ni kevin si prince at tinawag nya ito
Kevin: Prince!!
*Hindi sya ito pinansin
Kevin: Gag* beh hindi nya ako pinansin
Ace: Hayaan muna ako na bahala dun
Kevin: Sure ka ha, labas na ako jan
Ace: Oo naman, sige na umalis kana baka malate ka sa class mo
Kevin: Sige beh
Ace: Bye

* Nag-hiwalay na nga sila, nang makarating si ace sa classroom nila, hinahanap nya agad si prince at nakita nya nakaupo lang sa gilid nag-iisa

Ace: Love?
*Nang marinig nya ang boses ni ace hindi nya ito pinansin at nakikinig lang sya sa music nya
Ace: Love, can we talk po later may sasabihin lang ako na important
Prince: Sige

*Alam sa sarili ni ace na nasasaktan si prince sa mga ginawa nya kahapon, chance na nya ito mag-explain

(Lunchbreak)

Sir: May have your break class
Students: Thank you sir

*/ Habang nag-aayos si prince ng mga gamit nya, lumapit sakanya si ace at nagsabi na...

Ace: I will wait for you at the rooftap, I hope na pumunta ka

*Umalis na nga si ace, nag-dadalawang isip si prince kung pupunta ba sya or hindi

Ronnie: Pre, pumunta kana para malaman mo lahat ng nangyare kahapon, nagkwento na sya kanina samin habang nag-lesson si sir
Zack: Totoo yan pre
Troy: Par, alam nating apat na hindi magagawa ni ace na maghanap ng iba at magpaligaw agad-agad
Prince: Punta na ba ako?
Troy: Oo pre, pumunta ka malay mo jan pala sagutin ka na nya diba?
Ronnie: Totoo yan
Prince: Sige pupunta ako salamat sainyo mga pre ha
Ronnie, Zack, Troy: Welcome pre, fighting!!

*/ Umalis na nga sya at pumunta sa rooftop
(AT THE ROOFTOP)

*/ TO BE CONTINUED

"Childhood Friends"PART 10 *KinabukasanPOV: ACE Nag-asikaso na ako para pumasok na kaso bigla may nagchat sakin at ito s...
17/01/2024

"Childhood Friends"
PART 10

*Kinabukasan
POV: ACE
Nag-asikaso na ako para pumasok na kaso bigla may nagchat sakin at ito si Prince
(AT THE MESSAGE)
Prince: Ace, andito na ako sa baba nagaasikaso kana ba?
Ace: Ah oo maliligo lang ako saglit
Prince: Ah sige wait nalang kita dito
Ace: Ah sige sige

*After 10 minutes
Ace: Hi prince
Prince: Hello, sakay kana
Ace: Sorry sa pagaantay, alam mo naman diba
Prince: Hindi okay lang sanay na ako

*After 30 minutes
Habang naglalakad sila Ace at Prince, nakasalubong nila si Stacy at Raven.
Stacy: Hays, nakakita nanaman ako ng mga pangit babe
Raven: Oo nga babe
Ace: Stacy ayaw namin ng gulo at hindi na ako nagparinig sayo
Stacy: Bakit nasaktan kaba?
Prince: Pwede ba Stacy nananahimik na kami pwede manahimik ka na rin
Stacy: Hindi ako mamanahimik hanggang hindi kayo naghihiwalay
Ace: Sa tingin mo ba kami?
Stacy: Tandaan mo prince, alam ba ng mga magulang mo ang ginagawa mo?
Prince: Wala na ka dun kung hindi pa alam ng magulang ko
Raven: Tama na pre
Prince: Kayo na ang tama na
Ace: Magsitigil na kayo, tara na hayaan mo na sila

At umalis na nga sila at medyo nalungkot si Ace sa sinabi ni Stacy at napaisip sya kung tatanggapin ba sila ng magulang ni prince, at makalipas ang ilang oras at breaktime na nila, hindi pa rin nawawala sa isipan ni Ace ang sinabi ni Stacy kanina at nakita ito ng kaibigan na si Ken at Calix

Ken: Mhie, okay ka lang ba?
Ace: Ah okay lang ako..
Calix: Hindi ka okay, na-feel ko may nalaman ka kanina kapa nakatunganga
Ken: Totoo, tell us what is the problem?
Ace: Hayyy... Napaisip kasi ako sa sinabi ni Stacy samin kanina eh
Ken: Ohmyghad! Nagkita kayo sa hallway kanina?
Ace: Oum, at may sinabi sya na medyo kinabahan ako at nalungkot at napaisip
Calix: Ano ba ang sinabi ng impakta na yun sainyo.
Ken: Oo nga
Ace: Paano daw kung malaman ng magulang ni Prince ang about samin pero hindi naman kami magkasama lang kami pero hindi kami
Calix: Oh! Yun pala wala naman kayo bakit naman natatakot kung malaman ng magulang ni Prince
Ace: Guys, may kwento kasi bakit natatakot ako mawala ulit si Prince sa tabi ko,

(FLASHBACK)
DADDY NI PRINCE: Prince, ayoko na lumalapit ka kay Ace
Prince: Bakit naman dad?
DADDY NI PRINCE: Simula pa nung nagkaroon kami sa alitan ng tatay nya naging masama na ang loob ko lalo sa bata na yan kaya nagpadesisyon ko na umalis na tayo dito at ipapabantay natin to sa mama nya
Prince: Dad naman
MOMMY NI PRINCE: Sumunod ka nalang sa tatay mo Prince
Prince: Pero mom please bigyan mo'ko ng time para makapag paalam sakanya
MOMMY NI PRINCE: Hindi pwede magpapagalitan ka ng papa mo manahimik ka nalang.

(END OF FLASHBACK)
Ken: Grabe pala nangyare sainyo dati kaya pala sobrang namiss nyo ang isa't isa
Ace: Ito ang dahilan kung bakit dito ako nag-aral kasi alam ko na dito sya nag-aaral
Calix: Pero malay mo mhie ngayon matanggap kana ng magulang nya kasi since elementary pa kayo nung dalawa ni Prince baka hindi na masama loob nila sainyo.

*Pagkatapos nila kumain ay pumunta ulit sila sa room at nag-aantay sa next teacher nila, ngunit absent ang susunod nilang teacher, kaya umuwi na silang lahat, hinahanap ni Prince si Ace kanila Ken at Calix

Prince: Ken!!
Ken: Bakit?
Prince: Nakita mo ba si Ace?
Calix: Ah, umuwi na sya kanina pa naglalaro kayo ng mga tropa nyo kaya umuwi nalang sya hayaan mo hinatid naman sya ni Ronnie.
Prince: Ahh okay sige salamat haa
Calix: You're Welcome Prince

(Kinabukasan)
*/TO BE CONTINUED

Address

Caloocan

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Au Story of Marky posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Au Story of Marky:

Share