ANG PAUSIG KAY HESUS NG MGA PINUNO NG MGA JUDIO
Ang pag usig ng mga Judio kay Hesus sa loob ng templo
Juan 5:14-47
[14] Pagkatapos nito, nakita ni Jesus sa loob ng Templo ang lalaki at sinabihan itong, “Magaling ka na ngayon! Huwag ka nang gumawa ng kasalanan at baka masahol pa riyan ang mangyari sa iyo.” [15] Umalis ang lalaki at sinabi sa mga Judio na si Jesus ang nagpagaling sa kanya. [16] Dahil dito, si Jesus ay sinimulang usigin ng mga pinuno ng mga Judio, sapagkat nagpagaling siya sa Araw ng Pamamahinga. [17] Ngunit sinabi sa kanila ni Jesus, “Ang aking Ama ay patuloy na gumagawa hanggang ngayon, at gayundin ako.” [18] Lalo namang pinagsikapan ng mga pinuno ng mga Judio na ipapatay siya, sapagkat hindi lamang niya nilabag ang batas tungkol sa Araw ng Pamamahinga, sinasabi pa niyang ang Diyos ang kanyang Ama, at sa gayon ay ipinapantay ang kanyang sarili sa Diyos. [19] Kaya't sinabi sa kanila ni Jesus, “Pakatandaan ninyo na walang magagawa ang Anak sa kanyang sarili lamang; ang nakikita niyang ginagawa ng Ama ang siya lamang niyang ginagawa. Ang ginagawa ng Ama ay siya ring ginagawa ng Anak, [20] sapagkat minamahal ng Ama ang Anak at ipinapakita sa Anak ang lahat ng ginagawa niya at higit pa sa mga ito ang mga gawang ipapakita sa kanya ng Ama upang kayo'y humanga. [21] Kung paanong binubuhay ng Ama ang mga patay, gayundin naman, binubuhay ng Anak ang sinumang nais niyang buhayin. [22] Hindi humahatol kaninuman ang Ama, sa halip ay ibinigay na niya sa Anak ang buong kapangyarihang humatol [23] upang maparangalan ng lahat ang Anak, tulad ng kanilang pagpaparangal sa Ama. Ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi nagpaparangal sa Ama na nagsugo sa Anak. [24] “Pakatandaan ninyo: ang nakikinig sa aking salita at sumasampalataya sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan, sa halip ay inilipat na siya sa buhay mula sa kamatayan. [25] Pakatandaan ninyo na darating ang panahon, at ngayon na nga, na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Diyos at ang sinumang makin
Walang ibang nanggaling sa langit at bumaba dito sa lupa upang iligtas lamang ang tao sa kaparusahan. Walang matuwid sa paningin ng Dios wala kahit isa.
#AngSalitaNgDios
Nangaral si Hesus sa loob ng templo at namangha ang mga nakarinig sa kanya.
Nangaral si Jesus sa loob ng Jerusalem sa pista ng mga judio.
Juan 7:2, 2-33, 35-52
[2] Nang malapit na ang pista ng mga Judio na tinatawag na Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol,
[2] Nalalapit na noon ang Pista ng mga Tolda, isa sa mga pista ng mga Judio, [3] kaya't sinabi kay Jesus ng kanyang mga kapatid, “Bakit hindi ka umalis dito at pumunta sa Judea para makita ng iyong mga tagasunod ang ginagawa mo? [4] Walang taong naglilihim ng kanyang ginagawa kung ang hangad niya'y maging tanyag. Ginagawa mo rin lamang ang mga bagay na ito, magpakilala ka na sa sanlibutan.” [5] Maging ang mga kapatid ni Jesus ay hindi nananalig sa kanya. [6] Sumagot si Jesus, “Hindi pa ito ang tamang panahon; sa inyo'y maaari kahit anong panahon. [7] Hindi kayo kapopootan ng sanlibutan, ngunit ako'y kinapopootan nila, sapagkat pinapatotohanan kong pawang masasama ang mga gawa nito. [8] Kayo na lamang ang pumunta sa pista. Hindi ako pupunta sapagkat hindi pa ito ang tamang panahon.” [9] Pagkasabi nito, nagpaiwan siya sa Galilea. [10] Pagkaalis ng kanyang mga kapatid, si Jesus ay palihim na pumunta rin sa pista. [11] Hinahanap siya roon ng mga Judio. “Nasaan kaya siya?” tanong nila. [12] Pabulong na pinag-uusapan siya ng marami. “Siya'y mabuting tao,” sabi ng ilan. “Hindi, inililigaw niya ang mga tao,” sabi naman ng iba. [13] Ngunit walang nangahas magsalita nang hayagan tungkol sa kanya dahil sa takot sa mga pinuno ng mga Judio. [14] Nang kalagitnaan na ng pista, pumasok si Jesus sa Templo at nagsimula na namang magturo. [15] Nagtataka ang mga pinuno ng mga Judio at naitanong nila, “Saan kaya nakakuha ng karunungan ang taong ito gayong hindi naman siya nakapag-aral?” [16] Kaya't sinabi ni Jesus, “Hindi sa akin ang itinuturo ko, kundi sa nagsugo sa akin. [17] Kung talagang nais ninumang sumunod sa kalooban ng Diyos, malalaman niya kung ang itinuturo ko'y mula nga sa Diyos, o kung ang sinasabi ko ay galing lamang sa akin. [18] Ang nagtuturo ng galing sa sarili niya
Kilala nyo ba talaga ako? Tanong ni Jesus.
Juan 7:28-29
Habang nagtuturo si Jesus sa templo, sinabi niya nang malakas, “Totoo bang kilala ninyo ako at kung saan ako nanggaling? Sinasabi ko sa inyo ang totoo, hindi ako naparito sa sarili kong kagustuhan. Ang tunay na Dios ang nagsugo sa akin, pero hindi ninyo siya kilala.Kilala ko siya dahil nanggaling ako sa kanya, at siya ang nagsugo sa akin.”
Banal ang templo ng Dios
#AngSalitaNgDios
Nagalit si Jesus ng gawing palengke ang banal na templo ng Dios, o sa panahon ngayon ay kung tawagin ay simbahan.
#AngSalitaNgDios
Ginawang palengke ang banal na templo ng Dios
Nagalit si Hesus at pinagsisira ang mga paninda sa loob ng templo
"Gibain nyo ang templong ito, at itatayo kong muli sa loob ng tatlong araw"
Sabi ni Jesus
(Ang katawan ni Jesus ay ang templo ng Dios)
Ipinanganak na bulag, muling nakakita dahil sa pananampalataya at pagsunod ☝🏼
#HesusDiyosNgHimala #AngSalitaNgDios
Ako ang ilaw ng sanlibutan
Sabi ni Jesus
#HesusDiyosNgHimala #jesus #AngSalitaNgDios
Sinamba ng dating bulag si Hesus
#HesusDiyosNgHimala #jesus #AngSalitaNgDios
Juan 8:12-30
Muling nagsalita si Jesus sa mga tao, “Ako ang ilaw ng mundo. Ang sumusunod sa akin ay hindi na mamumuhay sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw na nagbibigay-buhay.” Nang marinig ito ng mga Pariseo, sinabi nila, “Ikaw lang naman ang nagpapatotoo tungkol sa sarili mo, kaya hindi ka paniniwalaan.” Sumagot si Jesus, “Kahit na nagpapatotoo ako tungkol sa aking sarili, ang sinasabi ko ay totoo, dahil alam ko kung saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta. Ngunit kayo, hindi ninyo alam kung saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta. Humahatol kayo ayon sa pamamaraan ng tao, pero ako ay hindi humahatol kaninuman. Kung hahatol man ako ay tama ang hatol ko, dahil hindi ako humahatol nang mag-isa kundi ako at ang Amang nagsugo sa akin. Hindi baʼt nakasulat sa Kautusan ninyo na kapag tugma ang patotoo ng dalawang saksi, nangangahulugang totoo ang kanilang sinasabi? Nagpapatotoo ako tungkol sa aking sarili, at ang Amang nagsugo sa akin ay nagpapatotoo rin tungkol sa akin.” Nagtanong ang mga Pariseo, “Nasaan ba ang iyong Ama?” Sumagot si Jesus, “Hindi nʼyo ako kilala o ang aking Ama. Kung kilala sana nʼyo ako, makikilala nʼyo rin ang aking Ama.” Ang mga itoʼy sinabi ni Jesus nang nangangaral siya sa templo, malapit sa lalagyan ng mga kaloob. Pero walang nagtangkang dumakip sa kanya dahil hindi pa dumarating ang oras niya. Muling nagsalita si Jesus sa mga pinuno ng mga Judio, “Aalis ako at hahanapin nʼyo ako, ngunit mamamatay kayo na hindi pa napapatawad ang mga kasalanan ninyo. At hindi kayo makakapunta sa pupuntahan ko.” Kaya nag-usap-usap ang mga pinuno ng mga Judio, “Magpapakamatay kaya siya? Ano ang ibig niyang sabihin na hindi tayo makakapunta sa pupuntahan niya?” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kayoʼy makamundo at akoʼy makalangit. [24] Kaya sinasabi kong mamamatay kayo na hindi pa napapatawad ang mga kasalanan ninyo. Sapagkat kung hindi kayo maniniwala na ako ang Cristo, tiyak na mamamatay kayo na hindi pa
Ako ang anak ng Dios, nasa akin ang ama, ako ay nasa kanya.
Juan 10:33, 36-38
[33] Sumagot ang mga pinuno ng mga Judio, “Hindi dahil sa mabubuting gawa kaya ka namin babatuhin, kundi dahil sa paglapastangan mo sa Diyos! Sapagkat nagpapanggap kang Diyos, bagama't tao ka lamang.”
[36] Ako'y pinili at isinugo ng Ama; paano ninyo ngayon masasabing nilalapastangan ko ang Diyos dahil sa sinabi kong ako ang Anak ng Diyos? [37] Kung hindi ko ginagawa ang mga ipinapagawa ng aking Ama, huwag ninyo akong paniwalaan. [38] Ngunit kung ginagawa ko ang mga ito, paniwalaan ninyo ang aking mga gawa kung ayaw ninyong maniwala sa akin. Sa gayon, matitiyak ninyong nasa akin ang Ama at ako'y nasa kanya.”