Banner Media

Banner Media Banner Media is a digital channel that gives you the latest news and information about the economy,

MARILAQUE highway which traverses from Marikina City, Antipolo, Tanay up to Quezon is known for it's gorgeous mountain s...
04/06/2024

MARILAQUE highway which traverses from Marikina City, Antipolo, Tanay up to Quezon is known for it's gorgeous mountain sceneries, cool weather "ala-Tagaytay", restaurants and of course ng infamous "Kamote riders" (though not all).

At a little corner of the highway located between Km. 80-81 at Sitio Silangan, Brgy. J. Santiago, Sta. Maria, Laguna, at the boundary of Brgy. Madilay-Dilay, Tanay, Rizal, sprung the Tatsulok Garden. An assuming property of around 500 to 600 square meters that packs some surprises to guests looking for a quick resting place or a site for that very important family gathering.

MARILAQUE highway which traverses from Marikina City, Antipolo, Tanay up to Quezon is known for it’s gorgeous mountain sceneries, cool weather “ala-Tagaytay”, restaurants and of c…

MARIEL RODRIGUEZ-PADILLA, NAG SORRY KASUNOD NG IV DRIP SA SENADOHumingi ng paumanhin si Mariel Rodriguez-Padilla sa mga ...
25/02/2024

MARIEL RODRIGUEZ-PADILLA, NAG SORRY KASUNOD NG IV DRIP SA SENADO

Humingi ng paumanhin si Mariel Rodriguez-Padilla sa mga na-offend sa kanyang online post habang tumatanggap ng intravenous (IV) treatment sa opisina ng kanyang mister na si Senador Robin Padilla.

Kasabay nito ay nilinaw ni Mariel na hindi niya pino-promote ang glutathione drip habang nasa tanggapan ng kanyang asawa.

Iginiit niya na ang kanyang tinanggap ay vitamin C drip na isinagawa sa ilalim ng pangangasiwa ng isang professional nurse, at hindi glutathione.

"Every week I have a Vitamin C drip. Inisip nyo po na glutathione 'yung ating ginagawa… Vitamin C po iyon," giit ng dating actress-host.

"Never ko pong intention na mambastos o whatever. My intention was to show that no matter how busy you are, prinaprioritize pa rin natin ang paglalagay ng bitamina sa 'ting katawan... I had no intention whatsoever to disrespect the Senate."

Una nang umani kaliwa't kanang batikos si Mariel sa paggamit ng treatment na hindi aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) bilang pampaputi ng balat at ginawa ang proseso sa government property. | Trish Buencamino

14/01/2024
Dagat ng pink bags for today's pamasko.
29/12/2023

Dagat ng pink bags for today's pamasko.

29/09/2023

Sen. Raffy Tulfo, kinuwestyon ang Department of Budget and Management sa pagbabawas ng P4 billion sa pondo para sa National Electrification Program habang binubuhusan ng pondo ang ilang ahensya na may katiwalian.


Ang kundisyon ng Manila Bay dahil sa patuloy na reclamation.Agree ka ba dito kung ang kapalit daw ay industriyalisasyon?
27/09/2023

Ang kundisyon ng Manila Bay dahil sa patuloy na reclamation.

Agree ka ba dito kung ang kapalit daw ay industriyalisasyon?

19/09/2023
25/08/2023

FIBA World Cup 2023 Opening Concert

Tingnan:  Nagsagawa ng sorpresang inspeksyon si Land Transportation Office (LTO) Chief Asst. Secretary Vigor Mendoza sa ...
29/07/2023

Tingnan: Nagsagawa ng sorpresang inspeksyon si Land Transportation Office (LTO) Chief Asst. Secretary Vigor Mendoza sa Araneta Central Terminal para matiyak na ligtas na ibiyahe ang mga modern jeeps na pumapasada sa iba't ibang ruta.

Sinabi ni Mendoza na kailangang maging habit na ng mga operators na tiyakin ang kahandaan ng kanilang mga units bawat araw bago ibiyahe ang mga ito.

Ilan sa napansin ni Mendoza ay mga maninipis na gulong, lumang mga windshield wipers, at maliliit na signages.

26/07/2023

"Kung sino ang may kasalanan, dapat panagutin"- Sen. B**g Go

Kaugnay sa resignation ng 18 police officials na dawit umano sa iligal na droga.

26/07/2023

Masayang binati ni Senador B**g Go ang Philippine women's football team sa makasaysayang unang panalo kontra New Zealand sa FIFA World Cup.

09/07/2023

Pangulong Ferdinand "B**gbong" Marcos Jr. binanatan ni Negros Oriental Cong. Arnie Teves sa pangakong P20 kada kilo ng bigas.

Teves binabangga na ang mga Marcos?

09/07/2023

From a sender: Yung gusto ko pong maawa, pero mas nananaig ang inis ko sa lalaking may karga sa sanggol.

KAAWA-AWANG PASILIDAD NG PUP MAIN CAMPUS, IKINADISMAYA NI TULFO DISMAYADO si Senador Raffy Tulfo sa nakitang kalagayan n...
02/07/2023

KAAWA-AWANG PASILIDAD NG PUP MAIN CAMPUS, IKINADISMAYA NI TULFO

DISMAYADO si Senador Raffy Tulfo sa nakitang kalagayan ng mga pasilidad sa Polytechnic University of the Philippines sa Sta. Mesa, Maynila.

Batay sa hiling ng ilang estudyante, nagsagawa ng inspeksyon sa main campus ng State University ang senador.

Napansin ni Tulfo na napaglipasan na ng panahon ang mga laboratory equipment ng Engineering Department doon na hirap pang paandarin at tila maituturing na anyang basura.

Napansin din ng senador ang mga butas-butas na bubong at sira-sirang sahig na tila bibigay na.

Napuna rin ng mambabatas ang mga gusaling kailangan ng i-renovate at mga silyang nangangalawang at marupok na sa kalumaan.

Bukod pa rito, nakita rin ni Tulfo ang mala-pugon na hallways at classrooms dahil kulang na nga sa ventilation at wala pang ceiling fans.

Ang mga elevators anya sa iba’t ibang gusali ay sira, na dapat sana’y pinapakinabangan ng mga estudyanteng PWD.

"Sa basketball court nito, sa daming tuklap ng semento, baka hindi na mag-bounce ang bola. Ang matindi pa, ang mga kable ng kuryente ay lumalawit sa loob ng gym na maaaring makaaksidente," pahayag ng senadorm

Hindi rin nakaligtas sa mata ng mambabatas ang ilan sa mga gusali ay walang kuryente dahil sa konstruksyon subalit may proyekto na halos isang taon nang ginagawa pero paghuhukay pa lang ang natatapoa.

Kapansin-pansin din anya ang nagkalat na mga tinambak na binasurang gamit sa iba’t ibang lugar sa campus na maaaring pagpugaran ng mga lamok at maging sanhi ng dengue.

Ipinaliwanag naman nina University President Manuel Muhi at Vice President for Administration Adam Ramilo, na taun-taon ay tinatapyasan ng Department of Budget Management (DBM) ang kanilang budget kaya tali ang kanilang mga kamay sa paggawa ng karampatang building improvements at pagbili ng mga modernong kagamitan.

Nangako naman si Tulfo kina Muhi at Ramilo na tutulong na maipaglaban ang pondo ng PUP sa susunod na budget hearing ng Senado para mapaayos at mapaganda ang campus lalo pa’t nang malaman niya na marami sa mga estudyante rito ay mga anak ng OFWs.



Natalong Senatorial candidate Larry Gadon, dinisbar na ng Supreme Court!
28/06/2023

Natalong Senatorial candidate Larry Gadon, dinisbar na ng Supreme Court!

SUBSISTENCE ALLOWANCE NG MGA SUNDALO AT PULIS, PINADARAGDAGANISINUSULONG ni Senador Raffy Tulfo na madagdagan ang subsis...
28/06/2023

SUBSISTENCE ALLOWANCE NG MGA SUNDALO AT PULIS, PINADARAGDAGAN

ISINUSULONG ni Senador Raffy Tulfo na madagdagan ang subsistence allowance ng lahat ng opisyal at enlisted personnel ng Armed Forces of the Philippines (AFP) gayundin ang lahat ng commissioned at non-commissioned personnel ng Philippine National Police (PNP).

Sa kanyang Senate Joint Resolution No.2, nais ni Tulfo na itaas sa P250 mula sa P150 ang subsistence allowance ng mga uniformed personnel kada araw.

Una nang ikinairita ni Tulfo ang napakababa anyang allowance ng mga sundalo at pulis na tinitipid nila para sa almusal, tanghalian, at hapunan kaya’t hindi sasapat para makabili ng disenteng hamburger.

Sinabi ng senador na panahon nang kilalanin at bigyang kahalagahan ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga sundalo at pulis sa pangangalaga sa kapakanan at kaligtasan ng mamamayan.

Kasabay nito, hinimok ni Tulfo ang Department of National Defense (DND), sa pakikipag-ugnayan sa AFP at Department of the Interior and Local Government (DILG), kasama ang PNP, na maglalabas ng mga guidelines at regulasyon na kinakailangan upang maipatupad ang mga probisyon ng joint resolution.

Iginiit din nito sa gobyerno na isama sa General Appropriations Act ang tamang alokasyon para sa kabuuang pagtaas sa Subsistence Allowance.


ROBIN, WALANG NAKIKITANG MASAMA SA PAGIGING GUN COLLECTORUMAASA si Senador Robin Padilla na hindi mamasamain ng taumbaya...
28/06/2023

ROBIN, WALANG NAKIKITANG MASAMA SA PAGIGING GUN COLLECTOR

UMAASA si Senador Robin Padilla na hindi mamasamain ng taumbayan ang pagtungo sa isang tindahan ng baril at pagdemo sa paggamit ng long fi****ms.

Binigyang-diin ng senador na tinitiyak niyang isa siyang responsableng kolektor ng mga baril na mayroong mga dokumento.

Katunayan anya sa ngayon ay mahigit 10 baril ang bahagi ng kanyang koleksyon na pawang kumpleto sa dokumento at maroon din siyang license to own and possess fi****ms, gun license at permit to carry.

Bukod dito, sumailalim din anya siya sa proper gun handling at basic combat training para makapag may ari ng mga armas.

Idinagdag pa ng senador na sa sobrang ingat at pagmamahal nya sa mga baril ay tinatrato nya ang mga ito na girlfriend, asawa at minsan ay ka-fling

Kasama sa mga armas ni CZ firearm o g***k, caliber 556, caliber 45, 9MM, Ak saiga 9mm, HK firearm, classic 45 at 38.

Bukod dito mayrooon pa anya siyang ibang koleksyon subalit hindi na ibinalik sa kanya ng PNP nang kanyang isuko ang mga ito na kinabibilangan ng M1 garand rifle, c**t M-4, C**t AR-15 at Wi******er 30/30

Matatandaang nakulong si Padilla dahil sa illegal possession of fi****ms at ginawaran ng absolute pardon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.


BARANGAY PINAKIKILOS KONTRA LATO-LATOPinagsabihan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga opisyal ng barangay ...
20/06/2023

BARANGAY PINAKIKILOS KONTRA LATO-LATO

Pinagsabihan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga opisyal ng barangay na dapat sila ang manguna sa pagsaway sa mga nagbebenta at sa mga naglalaro ng kontrobersyal na “lato-lato” sa kanilang komunidad ngayong natagpuan na bawal ito.

Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na dapat magkusa na ang mga opisyal ng barangay na ipagbawala ng lato-lato makaraang sabihin ng Food and Drugs Administration (FDA) na wala itong kaukulang ‘certificate of product notification’.

Dapat umano ipakita ng mga barangay officials ang kakayanan nila lalo na’t nalalapit na ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre.

"Isa pang kailangan i-chase, saan nanggagaling itong lato-lato, sino ang nagpapasok, nag-iimport o sino ang gumagawa?" ayon kay Castelo.

Bagama't wala umano sa kanila ang mandato para habulin ang naturang "mapanganib" na laruan, sinabi ni Castelo na adbokasiya nila sa DTI ang proteksyon ng mga konsyumer at maaring lumapit sa kanila ang FDA maging ang isang organisasyon tulad ng Ecowaste Coalition para magsagawa ng mga operasyon.

Address

Caloocan
1402

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Banner Media posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Banner Media:

Videos

Share