Sa kanila naghahari ang Dios
#SalitangDiyos
Lucas 1:26-37
[26] Nang ikaanim na buwan ng pagbubuntis ni Elizabet, inutusan ng Dios ang anghel na si Gabriel na pumunta sa nayon ng Nazaret sa Galilea.
[27] Pinapunta siya sa isang birhen na ang pangalan ay Maria. Nakatakda nang ikasal si Maria kay Jose na mula sa lahi ni Haring David.
[28] Sinabi ni Gabriel kay Maria, “Matuwa ka, Maria, ikaw na pinagpala ng Dios. Sumasaiyo ang Panginoon.”
[29] Nabagabag si Maria sa sinabi ng anghel. Inisip niyang mabuti kung ano ang ibig sabihin noon.
[30] Kaya sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, dahil pinagpala ka ng Dios.
[31] Magbubuntis ka at manganganak ng isang lalaki, at papangalanan mo siyang Jesus.
[32] Magiging dakila siya at tatawaging Anak ng Kataas-taasang Dios. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Dios ang trono ng ninuno niyang si David.
[33] Maghahari siya sa mga lahi ni Jacob magpakailanman; ang paghahari niya ay walang katapusan.”
[34] Nagtanong si Maria sa anghel, “Paano po ito mangyayari gayong dalaga pa ako?”
[35] Sumagot ang anghel, “Sasaiyo ang Banal na Espiritu at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasang Dios. Kaya ang banal na sanggol na ipapanganak mo ay tatawaging Anak ng Dios.
[36] Maging ang kamag-anak mong si Elizabet ay buntis din sa kabila ng kanyang katandaan. Alam ng lahat na baog siya, pero anim na buwan na siyang buntis ngayon.
[37] Sapagkat walang imposible sa Dios.”
#SalitangDiyos #jesuslovesyou #TagalogBible
Walang hindi magagawa ang Dios, dahil ang lahat sa kanya ay pwedeng mangyari
#AngSalitaNgDios
Tandaan mo itong verse na ito
Kung nagtitiwala ka sa Panginoong Hesus
#AngSalitaNgDios
Lucas 5:17-26
Isang araw habang nangangaral si Jesus, may mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan na nakaupo malapit sa kanya. Nanggaling ang mga ito sa ibaʼt ibang bayan ng Galilea at Judea, at maging sa Jerusalem. Taglay ni Jesus ang kapangyarihan ng Panginoon para magpagaling ng mga may sakit. [18] May mga taong dumating na buhat-buhat ang isang lalaking paralitiko na nasa higaan. Sinikap nilang ipasok ito sa bahay upang ilapit kay Jesus. [19] Pero hindi sila makapasok dahil sa dami ng tao. Kaya umakyat sila sa bubong at binutasan ito. Pagkatapos, ibinaba nila sa harap ni Jesus ang paralitikong nakahiga sa kanyang higaan. [20] Nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko, “Kaibigan, pinatawad na ang mga kasalanan mo.” [21] Sinabi ng mga Pariseo at ng mga tagapagturo ng Kautusan sa kanilang sarili: “Sino kaya ang taong ito na lumalapastangan sa Dios? Walang makakapagpatawad ng kasalanan kundi ang Dios lang!” [22] Pero alam ni Jesus ang iniisip nila, kaya tinanong niya ang mga ito, “Bakit kayo nag-iisip ng ganyan? [23] Alin ba ang mas madaling sabihin: ‘Pinatawad na ang iyong mga kasalanan,’ o, ‘Tumayo ka at lumakad’? [24] Ngayon, papatunayan ko sa inyo sa pamamagitan ng pagpapagaling sa taong ito na ako, na Anak ng Tao, ay may kapangyarihan dito sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan.” At sinabi niya sa paralitiko, “Tumayo ka, buhatin mo ang higaan mo at umuwi!” [25] Tumayo agad ang paralitiko sa harap ng lahat, binuhat nga niya ang kanyang higaan at umuwing nagpupuri sa Dios. [26] Namangha ang lahat at pinuri nila ang Dios. Sinabi nila, “Kahanga-hanga ang mga bagay na nakita natin ngayon!”
#AngSalitaNgDios #jesuslovesyou
Maging katulad ng Asin na nagbibigay ng lasa, ibig sabihin wag hayaang mawala ang lasa ng asin o ang pananampalataya mo sa Dios.
#AngSalitaNgDios
Magliwanag na parang ilaw ang inyong buhay na nakikita ang bagong buhay, para magsilbing ilaw sa mga taong nasa kadiliman (Wala sa Dios)
#AngSalitaNgDios
Tinatawag ng Dios ang taong makasalanan, upang magsisi hindi ang mga banal sa sarili nilang pananaw.
#AngSalitaNgDios #SalitangDiyos
MATEO 15:
[11] Hindi ang pumapasok sa bibig ang nagpaparumi sa tao, kundi ang lumalabas sa bibig ang nagpaparumi.”
[16] At sinabi niya, “Pati ba naman kayo'y wala pa ring pang-unawa? [17] Hindi pa ba ninyo nalalaman na ang anumang pumapasok sa bibig ay tumutuloy sa tiyan, at inilalabas sa daanan ng dumi? [18] Ngunit ang mga bagay na lumalabas sa bibig ay nagmumula sa puso at siyang nagpaparumi sa tao.
#AngSalitaNgDios
MATEO 15:11, 16-20
[11] Hindi ang pumapasok sa bibig ang nagpaparumi sa tao, kundi ang lumalabas sa bibig ang nagpaparumi.”
[16] At sinabi niya, “Pati ba naman kayo'y wala pa ring pang-unawa? [17] Hindi pa ba ninyo nalalaman na ang anumang pumapasok sa bibig ay tumutuloy sa tiyan, at inilalabas sa daanan ng dumi? [18] Ngunit ang mga bagay na lumalabas sa bibig ay nagmumula sa puso at siyang nagpaparumi sa tao. [19] Sapagkat nagmumula sa puso ang masasamang pag-iisip, pagpatay, pangangalunya, pakikiapid, pagnanakaw, pagsaksi sa kasinungalingan, at paglapastangan. [20] Ito ang mga bagay na nagpaparumi sa tao; ngunit ang kumain nang hindi naghuhugas ng mga kamay ay hindi nagpaparumi sa tao.”
#AngSalitaNgDios
Ang limang tinapay at dalawang isa, ang himalang ginawa ni Hesus sa mga ito.
Pinakain ang limang libong tao.
PINAKAIN ANG LIMANG LIBONG TAO
"DALAWANG ISDA AT DALAWANG TINAPAY"
Mateo 14:16-21
Pero sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi na nila kailangang umalis. Kayo ang magpakain sa kanila.” [17] Sumagot sila, “Mayroon lang po tayong limang tinapay at dalawang isda.” [18] “Dalhin ninyo ang mga ito sa akin,” ang sabi ni Jesus. [19] Inutusan niya ang mga tao na maupo sa damuhan. Kinuha niya ang limang tinapay at dalawang isda. Tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Dios. Pagkatapos, hinati-hati niya ang tinapay at ibinigay sa mga tagasunod niya, at ibinigay naman nila ito sa mga tao. [20] Kumain silang lahat at nabusog. Pagkatapos, tinipon nila ang natirang pagkain, at nakapuno sila ng 12 basket. [21] Ang bilang ng mga lalaking kumain ay mga 5,000, maliban pa sa mga babae at mga bata.
#AngSalitaNgDios