04/01/2025
DOON KA BUMAWI SA TAONG TUMULONG SA'YO NOONG WALANG-WALA KA, HINDI SA TAONG BUMAIT LANG SA'YO NOONG NAKABANGON KA NA.
May mga taong dumating sa buhay mo noong panahon na halos wala kang maibigay, walang maipakita, at walang maipagmamalaki. Sila yung hindi nagdalawang-isip tumulong kahit walang kasiguraduhan na may maibabalik ka sa kanila. Sila yung umunawa noong oras na hindi mo pa kaya, at sila rin ang naniwala noong pakiramdam moβy wala nang naniniwala saβyo.
At ngayon, nakabangon ka na. Dumami na ang taong bumait saβyo. Pero, tandaan mo: ang tunay na pagpapahalaga, hindi dapat nakabase sa kung sino ang nandiyan noong maganda na ang lahat. Bumalik ka sa mga taong sinamahan ka noong magulo pa ang mundo mo. Sa kanila mo ibigay ang pasasalamat, hindi lang sa salita, kundi sa gawa.
Dahil sa dulo ng lahat ng tagumpay, mahalaga pa rin ang tanong na: "Sino ba ang nandiyan noong walang-wala ka?" Sa kanila dapat ang lahat ng pagmamahal at pagpapahalaga, dahil ang hirap at sakit ng buhay mo noon ay naging mas magaan dahil sa kanila.