05/01/2021
DROPSHIPPING TIPS!
Makakatulong sa pagsisimula ng negosyo ng WALANG PUHUNAN!
Yes! Cellphone, internet lang at sipag ang kailangan 💕
Ano po ba ang dropshipping? Ito po ay proseso ng supplier to your buyer. Kami po ang magsship pero pangalan ninyo po ang nakalagay sa "sender" papunta po sa buyer ninyo. Hindi po nila malalaman na kame po ang nagship sakanila.
Paano mag uumpisa?
Based sa experience namen mas marami ang nagddropship/nagreresell ng bundles. Bukod sa mura na FREESHIPPING pa. At mas madaling i-market.
Gawa po kayo ng page or group or pwede sarili mong account. Create a price ikaw na bahala magpatong each item or bundle.
As per our client 250-300 nila naibbenta ang per tshirt.
Kung sa bundles naman po pwede nyo patungan ng 200-300 depende po sa inyo (supplier price range pa din) Pwede nyo po lakihan (suggestion ko lang po ito)
Example: (Kung ibbenta mo is per bundle)
2,600 (benta ko)
2,900 (benta mo)
300 pesos yan ang tubo mo per bundle.
Let say nakabenta ka ng 5 bundles sa ibat ibang buyer:
300 X 5 = 1,500 (Kita mo!)
May 1,500 kang kita ng walang pagod ☺️ kame na ang nagbalot at nagship ng lahat para sayo 👍🏻
Eh paano kung UNLIMITED na dami ng bundle ang kunin sayo? Eh di UNLIMITED KITA ka!
Saan ako pwede magbenta?
Alamin mo ang market mo, kung malakas ka s lugar ninyo pwede mo ialok skanila. Pero mas malaki pa din anh network online.
Sumali ka ng lahat ng buy and sell group at gumawa ng sarili mong post ng items mo. Mag isip ka ng post na makaka attract sa mga mammili gaya ng "Bundles na freeshipping"
Tanghali at hapon po ang magandang oras ng pagppost dahil nagpapahinga ang tao at madalas nag oonline sila ☺️
Sa online business sipag at diskarte po ang labanan. Pasensya at pakikisama sa buyers ang importante. At pagiging honest. Kaya sa mga gusto magsimula, mag start ka na ngayon 💕
More Income to come po sating lahat mga Besh
THANK YOU AND GOD BLESS PO 🤗🤗🤗