
30/10/2024
Joint BSP & GSP Encampment 2024 ng Patong-Happh Valley Integrated School at Hibatang-Lipunan Cluster, nagpapatuloy sa pag-arangkada.
Ika-30 ng Oktobre 2024, Joint BSP & GSP Encampent ay nagpatuloy na umarangkada sa ikalawang araw. Sa pagpapatuloy ng encampment ay sinimulan ng mga scouters ang araw ng isang masigla at nakakainsak na zumba na pinangunahan nina Sir Fernando at Sir Arnel.
Matapos kumain at makapaghanda ay nagsimula ang pagbibigay ng oryentasyon sa mga scouters tungkol sa Flag Signaling , Knot tying, Proper Folding of Philippine Flag at First Aid. Pagkatapos ay nasundan ng clean-up drive sa ilog ng barangay Patong.
Pagkatapos ng lahat ng mga aktibidad ay nagkaroon ng pampinid na programa kung saan nagbigay ng kanyang mensahe si Hon. Sopriano Salonoy, kapitan ng barangay Patong.
Natapos ang Joint BSP & GSP Encampment 2024 ng Patong-Happy Valley Integrated School at Hibatang-Lipunan na Cluster na may galak at mga baong bagong kaalaman na maaaring magamit sa kani-kanilang pang-araw-araw na buhay.