Roy Ventura - Servant of God

Roy Ventura - Servant of God Our mission is to hear God saying, "well done, my good and faithful servant".

"PARA SA LORD"1 Corinto 10:31Kaya nga, kung kayo'y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang laha...
15/01/2025

"PARA SA LORD"

1 Corinto 10:31
Kaya nga, kung kayo'y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos.

_________

Lahat tayo ayaw man natin o gusto, meron tayong panginoon na sinusunod sa buhay natin dito.

At meron ding dahilan bakit natin ginagawa ang mga bagay bagay o pinagkakabalahan natin sa mundo.

Pero may paalala ang Diyos na kung bakit natin dapat ginagawa ang ating mga ginagawa.

May tinuturo Siya para malaman natin kung mali ba ito o tama.

Anuman ang ating ginagawa, tanungin mo ang sarili mo.

Tama ba ito sa paningin ng Diyos o sa tao.

Malulugod o matataas ba nito ang Diyos?

"PAMANTAYAN NG DIYOS AT TAO"Mga Kawikaan 14:12May daang matuwid sa tingin ng tao,    ngunit kamatayan ang dulo nito.____...
10/01/2025

"PAMANTAYAN NG DIYOS AT TAO"

Mga Kawikaan 14:12

May daang matuwid sa tingin ng tao,
ngunit kamatayan ang dulo nito.

______________

Sa panahon natin ngayon, napakarami nang mali ang nagiging tama at mga kasalanan na pinagwawalang bahala.

Dahil ginagawa na naman ng karamihan.
Dahil yan na ang nakagawian at nakalakihan.
Dahil uso na naman.

Wag tayong magpadala sa ating mga emosyon at sa sarili lagi nakatuon.

Ganito na ako.
Eto ako.

Kapatid, ang buhay natin ay galing sa Diyos at para lamang sa Diyos.

Wag nating sayangin sa mga bagay bagay na kinaaliwan ng mundo at kasalanan.

Paano natin malalaman ang tamang paraan ng buhay?!

Bibliya.

Hindi lamang ito basta libro kundi andito ang mga utos, paalala at pangako ng Diyos.

Hindi nagbabago kahit dumami man ang uso sa susubod na taon o siglo.

MATIWASAY NA PAMUMUHAYKawikaan 3:21-2221 Aking anak, karunungan at hinahon ay huwag mong iwawala,    huwag babayaang mak...
07/01/2025

MATIWASAY NA PAMUMUHAY

Kawikaan 3:21-22
21 Aking anak, karunungan at hinahon ay huwag mong iwawala,
huwag babayaang makaalpas sa isipan at gunita.
22 Pagkat dulot nito'y masagana at marangal na pamumuhay.

_________

Napakarami sa atin gusto ng masagana at marangal na pamumuhay...

Tama ba?!

Oo naman, wala naman sigurong may ayaw ng magkaroon ng gnaun buhya diba.

Pero ang malaking tanong, paano magkaron nito?

Napakarami kasi, nananahan sa sariling kakayahan par amakamit ito.

Kaya nga halos wala na tayong pahinga sa trabaho dahil gusto nating makapagipon at sa pgakalanag eto lang ng kialangan natin.

Marami nmana gumagawa na nang mga kasalanan at pinapaubaya sa pagtaya sa mga sugal para sa mabilisang solusyon.

Pero sinabi at pinaliwanag ng Diyos sa atin ang ilang paraan para makuha mo ang masagana at marangal na buhay...

Maging mahinahon at magkaron ng kaunungan.

Bakit?!

Because it gives you clear direction saan papunta at ano ang dapat unahin.

It will give us right heart para mas magtiwala sa Diyos at mas maunawaan natin kung ano ang plano Niya.

Kaya sa susunod instead of praying na...

"Lord, pahingi po ganito ganyan"

Let's pray for wisdom and guidance from the Lord so we can decide what is right based on His plan.

Lastly, ang karunungan o wisdom ay nanggagaling sa Diyos at nagsiismula ito sa pagkakaroon ng takot sa Diyos. 🙏

"KAPANGYARIHAN NG PANALANGIN"Marcos 11:24Kaya't sinasabi ko sa inyo, anuman ang hingin ninyo sa inyong panalangin, maniw...
05/01/2025

"KAPANGYARIHAN NG PANALANGIN"

Marcos 11:24
Kaya't sinasabi ko sa inyo, anuman ang hingin ninyo sa inyong panalangin, maniwala kayong natanggap na ninyo iyon, at matatanggap nga ninyo iyon.

______

Dito tinuturuan Niya tayo na magkaroon ng ganap na pagtitiwala sa Diyos kapag tayo'y nananalangin.

NGUNIT hindi ibig sabihin nito na anumang hilingin natin ay mangyayari agad o ayon sa gusto lang natin.

"Gusto natin ng ganito"
"Gusto mo makuha ang ganyan"

Ang Panginoon natin ay higit pa sa "pengenoon" na kaya lang magbigay sa mga panalangin natin.

Siya ay "guro" din na nagtuturo ng mga utos Niya sa atin.

At isa dito ang magkaroon ng pananampalataya.

Pero paano magkaroon ng pananampalataya sa Diyos?

Makinig at magbasa ng Salita Niya.

Roma 10:17
Kaya't ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo.

Ang pananampalataya ay dapat nakaangkla sa kalooban ng Diyos, at ang ating mga hiling o ating panalangin ay kailangang tumugma sa layunin Niya para sa atin.

Tandaan natin na ang Diyos ay may mas mataas na pang-unawa kaysa sa atin (Isaias 55:8-9), kaya minsan ay napapaisip ka kung bakit parang hindi sinasagot ang ating panalangin sa paraang inaasahan natin.

Pero ang Panginoon ay laging tumutugon, sa paraang hindi mo inaasahan mula pa noon hanggang ngayon. 🙏

"SINONG PINAGSISILBIHAN MO?"Juan 13:5Pagkatapos, naglagay siya ng tubig sa palanggana at sinimulang hugasan ang mga paa ...
02/12/2024

"SINONG PINAGSISILBIHAN MO?"

Juan 13:5
Pagkatapos, naglagay siya ng tubig sa palanggana at sinimulang hugasan ang mga paa ng mga alagad at punasan ng tuwalyang nakabigkis sa kanyang baywang.

______

Ang Panginoong Hesus...

Ang ating tagapagligtas.

Hinugasan ang mga paa ng mga alagad.

Ito ay pagsasalarawan ng pagpapakumbaba at pagserve sa ating kapwa para matupad at maparangalan ang Diyos.

Pero sa ating mundo, napakadalas na gusto natin tayo nag pinaglilingkuran.

Gusto natin tayo ang inuuna.

Gusto natin, masunod ang mga gusto natin.

At naisasantabi na ang gusto ng Diyos sa atin.

At nagtataka tayo, bakit ganito ang buhay ko...

Bakit nangyayari sa akin ito.
Bakit laging ganito.

Alam mo kung bakit?

Dahil sarili mo ang sinusunod mo.
Dahil sarili mo ang inuuna mo.
Dahil sarili mo ang panginoon mo
Dahil sasabihin ng ibang tao ang mahalaga sayo.

At hindi na ang tingin at plano ng Panginoong Diyos sayo 🙏🥺

Wag nating baguhin ang Kanyang desenyo sa'ting buhay ayon sa Kanyang mga plano. 🙌📖

REAL TALK😞PAGDATING sa Devotion, inaantok. Buti pa sa cellphone, Buhay na buhay Hindi namamalayan maraming Oras na ang s...
28/10/2024

REAL TALK😞

PAGDATING sa Devotion, inaantok. Buti pa sa cellphone, Buhay na buhay Hindi namamalayan maraming Oras na ang sinasayang, Hanggang madaling araw babad sa kaka cellphone.

Paggising sa umaga cellphone ang almusal, bubuksan ang messenger kung may nag chat, bubuksan nag Facebook kung may nag like sa post Niya.

Buong araw cellphone, nagpakabusy sa kaka-scroll, kakanood, kakagames at sa kakatiktok.

Yung gusto mong mag devotion pero di mona magagawa , gusto mo mag pray..minsan nagagawa pero sobrang ikla nalang...minsan nga hindi na talaga...yung gigising ka nalang tapos ligpit higaan, kakain lang tapos hugas pinggan, then cellphone, trabaho, tulog.

So sad, wala kanang Oras mag devotion at manalangin.😔

Natatapos lang ang araw mo na walang pagpapasalamat, natatapos lang yung araw mo WITHOUT READING GOD'S WORD?
Kinain ka na Ng CELLPHONE. GUMISING KA KAPATOD!

NAtatapos lang ang araw mo na puro cellphone? Oo, may Bible nga sa cellphone mo pero anong nangyayari?
Natetempt kang wag magbasa noh, kasi naka on si data mo, tapos puro TING!!..Ayy messenger pala...tama diba?

May Bible ka, pero ayun..dati laging malinis yung bawat page nyan...kinukulay- kulayan mo pa, may tiklo² pa diba?
Eh ngayon..puro alikabok na, kasi inuna lagi si Facebook..si ML..si Instagram...si TikTok...

Ngayon, tatanungin kita kapatid, sa tingin mo nasa tamang gawain ka parin kaya?
Tama parin ba ang ginagawa mo?

Nawala na si MATTHEW 6:33 sa COMMITMENT MO.
Nawala na si PROVERBS 3:5-6 sa bawat gawain mo.
Nawala na si EXODUS 14:14 dyan sa puso mo.
Nawala na COMMITMENT mo sa LORD kasi?
Napuno kana kasi...malapit na deadline ng mga activities mo....natabunan kana ng salitang "BUSY'" na kahit simpleng....

"LORD, THANKYOU FOR THIS DAY....LORD, THANKYOU FOR THIS FOOD....LORD GUIDE ME IN THIS DAY....LORD, BE THE CENTER OF EVERYTHING"..Tama ba?

At sa aaminin mo man o hindi...dyan mag sisimula ang..
PANLALAMIG
CHOICE MO YUN
NAKALIMOT KA
NAGPAKA BUSY KA

kapatid, alam kong may ikakatwiran kapa....pero kapag buhay ESPIRITUAL mo ang na ang nakasalalay...may desisyon kana..mahal ka ng Diyos❤️🙏 balik kana, naghihintay Ang Panginoon.

Repent and Return to God before it's too late ‼️

"WALANG IBANG PANGALAN KUNDI HESUS"Mga Gawa 4:12-2012 Sa kanya lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat walang ibang ...
22/10/2024

"WALANG IBANG PANGALAN KUNDI HESUS"

Mga Gawa 4:12-20

12 Sa kanya lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat walang ibang pangalan sa buong daigdig na ibinigay ng Diyos sa mga tao upang tayo ay maligtas.

17 Upang huwag nang kumalat ang balita tungkol dito, pagsabihan na lamang natin sila na huwag nang magsalita kaninuman sa pangalan ni Jesus.”

18 Kaya't muli nilang ipinatawag sina Pedro at pinagsabihang huwag nang magsalita o magturo pang muli sa pangalan ni Jesus.

19 Subalit sumagot sina Pedro at Juan, “Kayo na ang humatol kung alin ang tama sa paningin ng Diyos, ang sumunod sa inyo o ang sumunod sa Diyos.

20 Hindi maaaring di namin ipahayag ang aming nakita at narinig.”

__________

Sa panahon natin ngayon, napakadami nating pinagdadasalan.

At ginagawan natin ng way para pasalamatan.

We will justify na ganito at ganyan lang.

Pero kung aaralin natin ang salita ng Diyos ilang beses na inulit na iisang pangalan lang, ang mediator, ang gigitna para sa ating kaligtasan.

Ang worst part sa panahon ngayon, ang tama gagawing katuwatuwa.

At ang mali at kasalanan, ginagaw nang tama.

Dahil uso, dahil ginagawa ng karamihan, dahil dapat daw respeto.

Pero ano ba ang dapat sundin?

Ang sumunod sa uso at gusto ng tao?
O sumunod sa plano ng Diyos?

Ang problema sa atin ngayon, nagiging makasarili tayo.

Gusto natin sundin ang ating gusto.
Sundin ang nasa puso mo.
Gayahin ang mraming tao.

Ang masakit, nababago at nahuhuli na ang disenyo sa atin ng Diyos.

Kaya kung talagang Siya ang Diyos natin at hindi ang ating mga sarili...

Balikan natin ang mga utos Niya. 📖❤️🙏

"NANINIWALA KA O KAILANGAN MO PA NG HIMALA MUNA?"Juan 20:26-2926 Makalipas ang isang linggo, muling nagkatipon sa loob n...
17/10/2024

"NANINIWALA KA O KAILANGAN MO PA NG HIMALA MUNA?"

Juan 20:26-29

26 Makalipas ang isang linggo, muling nagkatipon sa loob ng bahay ang mga alagad at kasama nila si Tomas. Nakasara ang mga pinto, ngunit pumasok si Jesus at tumayo sa kalagitnaan nila. Sinabi niya, “Sumainyo ang kapayapaan!”

27 At sinabi niya kay Tomas, “Ilagay mo ang iyong daliri dito at tingnan mo ang aking mga kamay. Ilagay mo ang iyong kamay sa aking tagiliran. Huwag ka nang mag-alinlangan pa, sa halip ay maniwala ka.”

28 Sumagot si Tomas, “Panginoon ko at Diyos ko!”

29 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Naniniwala ka na ba dahil nakita mo ako? Pinagpala silang hindi nakakita gayunma'y naniniwala.”

___________

Minsan sa ating mga buhay kahit alam nman natin ang totoo nahingi muna tayo ng ebidensya, gusto muna nating makita ng ating mga mata.

Sinasabi nating naniniwala tayo sa Diyos pero base sa aksyon natin, base sa kinikilos natin, parang wala hindi tayo naniniwala sa Diyos.

Alam nating ang Panginoong Hesus ay Diyos pero kailangan pa natin ng himala muna.

Kapatid, sinabi ni Hesus...

"Pinagpala silang hindi nakakita gayunma'y naniniwala."

Ang prinsipyo ng tao, "pakita mo muna sakin ang ebidensya o resulta bago ako maniwala."

Pero sa Diyos, "maniwala ka muna sa akin, bago ko sa'yo ipakita."

At ang paniniwala ay may kalakip na pagsunod.

Sumunod muna tayo sa mga utos Niya at talikuran ang mga kasalanan.

Hindi kasi pwedeng sumusunod tayo sa Kanya pero alipin parin tayo ng kasalanan.

May oras pa para maniwala at manampalataya. 🙌🙏❤️📖

"SINO ANG PANGINOON MO?"Juan 19:1212 Nang marinig ito ni Pilato, naghanap siya ng paraan upang palayain si Jesus. Ngunit...
14/10/2024

"SINO ANG PANGINOON MO?"

Juan 19:12

12 Nang marinig ito ni Pilato, naghanap siya ng paraan upang palayain si Jesus. Ngunit nagsigawan ang mga Judio, “Kapag pinalaya mo ang taong iyan, hindi ka kaibigan ng Emperador! Ang sinumang nagsasabing siya'y hari ay kalaban ng Emperador.”

________

Sa panahon ngayon, maraming tao ang parang si Pilato.

Alam naman natin ang dapat at totoo pero mas pinipili natin ang mali at bagay na makamundo para sa palakpakan ng mga tao.

Nakakalungkot na nakakalimutan natin kung paano tayo niligtas ng Panginoong HesuKristo, ang ginawa Niya sa krus para iligtas tayo.

Kapatid, you have indentity in Christ.

Wag nating habulin ang sanlibutan at patuloy na maging alipin ng kasalanan.

Mahal ka ng Diyos.

May mas malaki Siyang plano sa'yo. 🙏🥺🙌

"ALIPIN O TAGAPAGMANA"Juan 18:39-40Pagkasabi nito, muling lumabas si Pilato at sinabi sa mga Judio, “Wala akong nakikita...
10/10/2024

"ALIPIN O TAGAPAGMANA"

Juan 18:39-40

Pagkasabi nito, muling lumabas si Pilato at sinabi sa mga Judio, “Wala akong nakikitang dahilan upang hatulan siya.

39 Ngunit ayon sa inyong kaugalian, dapat akong magpalaya ng isang bilanggo sa Pista ng Paskwa. Ibig ba ninyong palayain ko ang Hari ng mga Judio?”

40 “Hindi!” sigaw nila. “Hindi siya, kundi si Barabbas!” Si Barabbas ay isang tulisan.

_____________

Pansin mo ba...

Sa panahon natin ngayon, mas pinipili natin ang bagay o taong makamundo.

Basta sikat, follow.
Basta uso, gaya.

Ang tama nagiging mali.
Ang kasalanan, kinokopya at pinagkakaguluhan.

Kapatid, isang paalala na wag sana nating kalimutan ang identity natin sa Diyos.

Hindi ka tagarito.
Hindi ka tagamundo.

Hindi ka dapat alipin ng kasalanan at bagay na makamundo.

Tayo'y tagapagmana ng Diyos at HesuKristo.

🥺🙏❤️

"PAMUMUNGA"Juan 15:14Kayo'y mga kaibigan ko kung tinutupad ninyo ang aking mga utos. ______Imagine this...Di ba tayong m...
03/10/2024

"PAMUMUNGA"

Juan 15:14
Kayo'y mga kaibigan ko kung tinutupad ninyo ang aking mga utos.

______

Imagine this...

Di ba tayong mga Pinoy ang hilig natin ipagyabang kapag may kadikit o kaibigan tayong tao na may mataas na posisyon.

Yun bang tipong pakiramdam mo ayos lang gawin gusto mo kasi may kadikit ka.

"Ahh sige, kumpare ko yang si ganito"
"Naku ok lang yan, kaibigan ko si ganyan"

Pero eto ang best of the best.

Si HesuKristo mismo.

Ang Panginoon nating tagapagligtas, ay kaibigan tayo!!!

Hindi ba wala ng tatalo dun!

Kaibigan ang turing Niya sa atin kung tinutupad natin ang Kanyang mga utos.

"Ayy ano ba yan kelangan sundin muna siya bago maging kaibigan?"

Oo eh, bakit?!

Dahil ung pagsunod sa Kanya ay hindi para sa Kanyang sarili kundi para din sa atin at upang tayo ay mamunga.

Grabe diba!!

Tayo na naman ang inisip Niya.

Magkakaron tayo ng karapatan maging kaibigan ang Diyos tapos mamumunga pa tayo.

Wow!

Pero madalas kasi kaya nahihirapan tayo sa buhay dahil gusto natin tayo ang magmamaneobra ng buhay natin.

Akala natin mamumunga tayo dahil sa sarili naying galing.

Pero mali, kung malayo tayo sa Diyos, di tayo mamumunga.

Ang good news?!

May oras pa!

May oras pa para maging kaibigan Siya. 🙏📖❤️

"MAHAL MO BA ANG DIYOS?"Juan 14:21“Ang tumatanggap sa mga utos ko at tumutupad sa mga ito ang siyang umiibig sa akin. An...
01/10/2024

"MAHAL MO BA ANG DIYOS?"

Juan 14:21

“Ang tumatanggap sa mga utos ko at tumutupad sa mga ito ang siyang umiibig sa akin. Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama; iibigin ko rin siya at ako'y lubusang magpapakilala sa kanya.”

_________

Paano mo masasabi na mahal mo ang Diyos?

"Pagiging mabuti?!"
"Palaging pagsimba?!"
"Pagiging mapagbigay?!"

Habang mahalaga lahat yang mga yan sa atin, pero hindi yan ang pamantayan ng Diyos.

Para sa Diyos, masasabing Niyang mahal mo Siya kung...
1. Tinatanggap mo ang Kanyang utos
2. Tinutupad mo ang Kanyang utos

Marami sa atin (at kasama na ako don), akala natin ay titingin lang tayo sa sampung utos ng Diyos at yes tama ito pero naiintindihan kaya natin ito?

Tinutupad kaya natin ito?

Sa unang utos na "Ibigin mo ang Diyos ng higit sa lahat"...

Sinabi dito na higit sa lahat, pero pag tinongnan natin ang ating pamumuhay araw araw, sa pamilya, sa trabaho, sa eskwela, napapakita ba natin na mahal nga natin Siya?

Siya ba talaga ang ating inuuna?

Dito palang marami na sa atin ang bagsak (even me).

Nag nagiging panginoon na natin ay
1. Trabaho natin
2. Pamilya natin
3. Negosyo natin
4. At marami pang iba

Kaya kapatid, kung tunay na mahal natin ng Diyos tingnan natin kung paano natin ito isinasabuhay ha.

Ang good news?!

May oras pa tayo upang itama ang buhay natin at magliwang Siya sa atin.

May oras pa 🙏📖❤️

"MAGTATAMA NG ATING PUSO"Juan 12:2-52 Isang hapunan ang inihanda roon para sa kanya. Si Lazaro ay isa sa mga kasalo ni J...
26/09/2024

"MAGTATAMA NG ATING PUSO"

Juan 12:2-5

2 Isang hapunan ang inihanda roon para sa kanya. Si Lazaro ay isa sa mga kasalo ni Jesus samantalang si Martha naman ay tumutulong sa paglilingkod sa kanila.

3 Kumuha naman si Maria ng isang bote ng mamahaling pabangong galing sa katas ng dalisay na nardo, at ibinuhos sa mga paa ni Jesus. Pagkatapos, pinunasan niya ang mga ito ng kanyang buhok. At napuno ang buong bahay ng halimuyak ng pabango.

4 Ito'y pinuna ni Judas Iscariote, ang alagad na magkakanulo sa kanya. Sinabi niya,

5 “Bakit hindi na lamang ipinagbili ang pabango at ibinigay sa mga dukha ang pinagbilhan? Maaaring umabot sa tatlong daang salaping pilak ang halaga ng pabangong iyan!”

6 Sinabi iyon ni Judas, hindi dahil sa siya'y may malasakit sa mga dukha, kundi dahil sa siya'y magnanakaw. Siya ang tagapagdala ng kanilang salapi, at madalas niyang kinukupitan ito.

_____________

Ang nakakalungkot, marami sa atin sa panahong ito ay parang si Judas Iscariote...

Gustong gumawa ng "mabuti" sa kapwa pero ang totoo ay may ibang layunin, may ibang motibo.

Nakakalungkot.

Sana maging katulad tayo ni Maria na inuuna ang pagsisilbi sa Diyos kaysa sa anumang mamahalin o importanteng bagay.

Ang good news?!

Pwede pa nating itama ang lahat ng ito.

Talikuran ang mga maling gawa at sumuko sa Panginoong HesuKristo. 🙏

Siya ang magbabago ng ating puso at liwanag na magbibigay solusyon sa madilim nating pamumuhay. 🙌❤️📖

"KALUWALHATIAN NG DIYOS"Juan 11:40Sinabi ni Jesus, “Hindi ba't sinabi ko sa iyo na kung sasampalataya ka ay makikita mo ...
24/09/2024

"KALUWALHATIAN NG DIYOS"

Juan 11:40

Sinabi ni Jesus, “Hindi ba't sinabi ko sa iyo na kung sasampalataya ka ay makikita mo ang kaluwalhatian ng Diyos?”

__________

Ito ay patungkol sa pagbuhay muli ng Diyos kay Lazaro.

Hindi Niya pinigilang mamatay si Lazaro kundi hinayaan Niya ito upang buhayong muli!

Bakit?

Upang ipakita ang kapangyarihan ng Diyos.

Sa buhay natin, may mga problema o isipin tayong hinahayaan ng Diyos upang mas makilala mo Siya.

Kagaya ng paggamit Niya sa buhay at sitwasyon ni Lazaro, sa pinagdadaanan mo ngayon na halos patay na din at hindi mo na alam ang gagawin at uunahin...

Hindi kaya ang pananampalataya lang ang kailangan mong buhayin?

Lumapit ka sa Diyos ng buong puso at hayaan mo Siyang magliwanag sa buhay mo. 🙏🙌

"PASTOL NG ATING BUHAY"Juan 10:9-119 Ako ang pintuan. Ang sinumang pumapasok sa pamamagitan ko'y maliligtas. Papasok siy...
21/09/2024

"PASTOL NG ATING BUHAY"

Juan 10:9-11

9 Ako ang pintuan. Ang sinumang pumapasok sa pamamagitan ko'y maliligtas. Papasok siya't lalabas, at makakatagpo ng pastulan.

10 Dumarating ang magnanakaw para lamang magnakaw, pumatay, at manira. Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, buhay na masaganang lubos.

11 “Ako ang mabuting pastol. Iniaalay ng mabuting pastol ang kanyang buhay para sa mga tupa.

_____________

Pareho ba tayo noon?

Akala ko dati kailangan maging mabuti para maligtas pero mali pala...

Tanging ang Panginoong Hesus lang ang daan.

At ang kaaway (satan) ay naparito para ilayo tayo sa katotohanan.

Naparito lang ang magnanakaw o kaaway upang magnakaw, manira at pumatay.

Kaya pansin mo ba, sa twing nakakagawa tayo ng kasalanan parang ang layo layo natin sa Diyos.

Parang wala talagang kapayapaan noh.

Ninanakawna ba tayo ng peace sa mga puso natin, nasisira at unti unting namamatay ang pagibig natin sa Diyos.

Pero ang good news, kahit anong kasalanan o karumihan ang buhay natin noon, binigyan tayo ng pagasa at kaligtasan ng Panginoon. 🙏🙌📖❤️

"UTOS NG DIYOS"26 Sumagot si Jesus, “Totoo ang sinasabi kong ito: hinahanap ninyo ako, hindi dahil sa mga himalang nakit...
12/09/2024

"UTOS NG DIYOS"

26 Sumagot si Jesus, “Totoo ang sinasabi kong ito: hinahanap ninyo ako, hindi dahil sa mga himalang nakita ninyo, kundi dahil nakakain kayo ng tinapay at nabusog.

27 Huwag ang pagkaing nasisira ang inyong pagsikapang kamtan, kundi ang pagkaing hindi nasisira na nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Iyan ang ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao, sapagkat ipinapakita ng Diyos Ama na siya ang may ganitong karapatan.”

28 Kaya't siya'y tinanong nila, “Ano po ang dapat naming gawin upang aming matupad ang ipinapagawa ng Diyos?”

29 “Ito ang ipinapagawa sa inyo ng Diyos, sumampalataya kayo sa sinugo niya,” tugon ni Jesus.

________

Magpahanggang ngayon ay ganito parin tayong mga tao.

Karamihan, lumalapit at hinahabol lang ang Diyos para lang masatisfy o makuha natin ang mga panalangin natin.

"Lord, sana..."
"God, gusto ko..."

Habang wlaa namang masama sa paglapit at paghingi sa Kanya, ang mali at nakakalimutan natin ay ang nagbibigay nito sa atin.

Masyado na tayong focus sa mga gusto natin at hindi sa gusto ng Diyos.

Masyado na tayong focus sa mga biyaya na bigay at hindi sa nagbibigay ng biyaya.

Pero ito ang best part...

Sinabi ng Panginoong Hesus ang dapat nating gawin upang makabawi tayo at matupad natin ang pinapagawa sa atin ng Diyos.

Ang sumampalataya tayo sa sinugo Niya - Panginoong HesuKristo. 🙏🙌

"SOLUSYON SA PAGAHON"2 Sa lungsod na ito, malapit sa Pintuan ng mga Tupa ay may malaking imbakan ng tubig na may limang ...
11/09/2024

"SOLUSYON SA PAGAHON"

2 Sa lungsod na ito, malapit sa Pintuan ng mga Tupa ay may malaking imbakan ng tubig na may limang portiko. Kung tawagin ito sa wikang Hebreo ay Bethzata.

3 Nasa paligid nito ang maraming maysakit, mga bulag, mga pilay, at mga paralitiko.

4 Sila'y naghihintay na gumalaw ang tubig, dahil may panahong ang isang anghel ng Panginoon ay bumababa at pinapagalaw ang tubig, at ang maunang lumusong sa tubig matapos na ito'y gumalaw ay gumagaling sa anumang karamdaman.

5 May isang lalaki doon na tatlumpu't walong taon nang may sakit.

6 Nakita siya ni Jesus at alam niyang matagal nang may sakit ang lalaki kaya't tinanong niya ito, “Gusto mo bang gumaling?”

7 Sumagot ang maysakit, “Ginoo, wala pong maglulusong sa akin kapag gumalaw na ang tubig; papunta pa lamang ako, may nauuna na sa akin.”

8 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan at lumakad ka.”

9 Noon di'y gumaling ang lalaki, binuhat ang kanyang higaan, at lumakad.

________

Sa buhay natin, parang tayo yung lalaki na may tatlumpu't walong taon nang may sakit.

Nagaantay tayo sa himala at mga bagay na pag "nagawa natin" ay bubuti na ang ating mga sitwasyon.

Pero sa kabila ng pagaantay ng mahabang panahon nakalimutan natin ang pinakamahalang bagay na kailangan nating gawin.

Masyado tayong naasa na may tutulong sa atin, o sa ibang solusyon...

Pero ang pinakaimportante ay ang paglapit sa Panginoon.

Gaya ng ating binasa, tinanong lang ng Diyos, "gusto mo ba?"

Ikaw, gusto mo ba talaga magbago na ang sitwasyon mo ngayon?

Ilapit mo lang sa Diyos ng buong puso mo, kalimutan ang nakaraan mo at lakaran Kanyang mga utos at plano. 🙏🙌

Address

Calauan
4012

Telephone

09198579752

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Roy Ventura - Servant of God posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Roy Ventura - Servant of God:

Videos

Share

Our Story

I am Roy Ventura.

I am an Engineer for almost four years and now a CEO and Founder of VIG Financial Advisors (a life insurance agency under Philam life).

I help employees to be at their best and be limitless to maximize the gift that God given to us.

I offer career opportunities and my expertise in finance for them (employees) to be a happy millionaire too!