Ang Kalahi - Ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralan ng CNHS

Ang Kalahi - Ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralan ng CNHS Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ang Kalahi - Ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralan ng CNHS, Media/News Company, Calauag.

BYAHENG BATANGAS!Abante na sa Regional Schools Press Conference 2025, sa Tanauan City, Batangas, ang opisyal na pahayaga...
24/01/2025

BYAHENG BATANGAS!

Abante na sa Regional Schools Press Conference 2025, sa Tanauan City, Batangas, ang opisyal na pahayagan ng Calauag NHS na Ang KALAHI.

Kabilang ang Ang KALAHI sa 10 pinakamahusay na pahayagan sa Dibisyon ng Quezon sa kategoryang Secondary Filipino.

Dadaan sa matinding laban ang Ang KALAHI kontra sa iba pang pahayagan sa buong CALABARZON, na gaganapin sa Pebrero 10-14, 2025.

UNDEFEATED!Nananatiling walang talo sa kanilang bracket ang Calauag Squadrons sa torneyo ng Basketball Girls 5x5 sa Pala...
15/01/2025

UNDEFEATED!

Nananatiling walang talo sa kanilang bracket ang Calauag Squadrons sa torneyo ng Basketball Girls 5x5 sa Palarong Quezon 2025.

Sinelyohan ng Squadrons ang panalo kontra Team San Antonio, 65-19.

Maaksyon pero naging one sided ang bakbakan ng magkabilang koponan sa Lavender Mamba Court.

Bumidang muli ang star player ng grupo na si Valeri Guerrero na nakapagtala ng 23 puntos.

Samantala, mainit ang kamay ni Jhanell Del Monte sa three point area, kumana si Del Monte ng 4 na tres bago ang halftime, isa rito ay buzzer be**er shot.

Napaaga ang laban ng Squadrons dahil sa mga biglaang pagbabago sa iskedyul ng torneyo.

Sa kasalukuyan ay 2-0 na ang standing ng koponan, at susubukang pabagsakin ang Team Candelaria sa kanilang kasunod na laro, bukas, Enero 16.

Kailangang manalo ng squadrons sa laban na ito upang masigurado ang pagpasok sa quarterfinals.

TULOY ANG LABAN!Abante na sa kasunod na round ang duo ng Team Calauag sa Badminton Secondary Girls na sina Pauleen Herre...
15/01/2025

TULOY ANG LABAN!

Abante na sa kasunod na round ang duo ng Team Calauag sa Badminton Secondary Girls na sina Pauleen Herrera at Henin Hardenin Garganta, pagkatapos nilang maungusan ang pambato ng Burdeos, sa tala na 2-0 game, 21-14, 23-21.

May kaba, pero nanaig ang karanasan ng dalawa na kilala nang beterano sa badminton sa 4th Congressional District mula pa elementarya, kumpara sa bagitong atleta ng Burdeos.

Sunod na makakatapat ng Smashers ang power house Team ng Lucban sa Enero 16.

Bukas rin ay inaasahang matatapos na ang torneyo ng Badminton sa Palarong Quezon 2025 sa bayan ng Lucban na nagsimula noong Enero 13.

WALANG-AWA!Ipinatikim ng Team Calauag Squadrons ang kanilang bangis sa 5x5 Basketball Secondary Girls, matapos durugin a...
14/01/2025

WALANG-AWA!

Ipinatikim ng Team Calauag Squadrons ang kanilang bangis sa 5x5 Basketball Secondary Girls, matapos durugin ang Team Tiaong sa iskor na 94-23.

Pinangunahan ni Valirie Guerrero ang dominasyon ng Squadrons na kumartada ng 34 na puntos sa kabuuhan ng laro.

"Nasa bracket namin ang defending champion last year, Candelaria, kaya mabigat pa ang makakalaban." Pahayag ni Darenn Glenmar Salvatus, coach ng Squadrons.

Samantala, kasunod nilang makakasagupa ang koponan ng bayan ng San Antonio sa Enero 16.

Tingnan!Handa nang makipagsagupaan ang mga atleta ng Calauag NHS, sa ginaganap na Palarong Quezon 2025 sa Lucban, Enero ...
13/01/2025

Tingnan!

Handa nang makipagsagupaan ang mga atleta ng Calauag NHS, sa ginaganap na Palarong Quezon 2025 sa Lucban, Enero 13-18 2025.

Sasabak na ang Lady Squadrons 3x3 at CNHS Lady Smashers sa mga laban na magsisimula mamaya.

Samantala, nasa ibang bayan naman ang ilang atletang CNHSians, katulad ng Tiaong at Quezon National High School dahil sa hiwa-hiwalay ang playing venue ng nasabing palaro.

Congratulations to the talented staff and dedicated advisers of Ang KALAHI, the official school publication of Calauag N...
29/11/2024

Congratulations to the talented staff and dedicated advisers of Ang KALAHI, the official school publication of Calauag National High School, for being recognized as the 9th Best-Performing School in the recently concluded Division Schools Press Conference, held at Recto Memorial National High School, Tiaong, Quezon, on November 25–27, 2024.

Special commendations also go to the student journalists who qualified for the Regional Schools Press Conference.

Your hard work, creativity, and commitment to excellence truly shine. Keep inspiring and raising the bar in campus journalism. Well done!

TINGNAN!It's nice to be back!Muling nagsama-sama ang mga alumni ng Calauag National High School sa isinagawang Grand Par...
29/12/2023

TINGNAN!
It's nice to be back!
Muling nagsama-sama ang mga alumni ng Calauag National High School sa isinagawang Grand Parade, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 4th Grand Alumni Homecoming ng paaralan.

Part 2

TINGNAN!It's nice to be back!Muling nagsama-sama ang mga alumni ng Calauag National High School sa isinagawang Grand Par...
29/12/2023

TINGNAN!

It's nice to be back!
Muling nagsama-sama ang mga alumni ng Calauag National High School sa isinagawang Grand Parade, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 4th Grand Alumni Homecoming ng paaralan.

Mabuhay ang mga magagaling na mga manunulat at tagapayo ng “Ang KALAHI” opisyal na pahayagan ng Calauag  NationalHigh Sc...
29/05/2023

Mabuhay ang mga magagaling na mga manunulat at tagapayo ng “Ang KALAHI” opisyal na pahayagan ng Calauag National
High School

Itinanghal na IKATLONG PINAKAMAHUSAY NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN, Filipino, Sekondarya sa buong Dibisyon ng Quezon.

Nakamit ang…
Ikalawang puwesto - Pahinang Editoryal
Ikatlong puwesto - Pahinang Balita
Ikatlong puwesto - Pahinang Lathalain
Ikatlong puwesto - Pag-aanyo ng Pahina
Ikalimang puwesto - Pahinang Agham
Ikalimang puwesto - Pahinang Isports

Qualified to compete in the Regional Schools Press Conference Group Contest.

Sulit ang pagpupuyat ng limang araw💪💙

Thank you Lord !🙏😇

“Believe you can and you’re halfway there”-Theodore RooseveltSSS: Sama-samang Susulat at di Susuko"Tuloy ang Paglingas"M...
29/11/2022

“Believe you can and you’re halfway there”

-Theodore Roosevelt

SSS: Sama-samang Susulat at di Susuko

"Tuloy ang Paglingas"

Mabuhay! Ang KALAHI

Pagpupugay sa magagaling na School Paper Advisers

At Congratulations sa lahat ng CJs na nagkamit ng gantimpala sa Iba't ibang Kategorya ng Pahayagan sa ginanap na Training-Workshop, dito palang magsisimula ang inyong tunay na laban.




~TULOY ANG PAGLINGAS~ CNHS Ang KALAHI Campus Journalism Training-Workshop 2022     ✊
28/11/2022

~TULOY ANG PAGLINGAS~

CNHS Ang KALAHI Campus Journalism Training-Workshop 2022

Pagbati sa lahat ng bagong kasapi at tagapayo ng Ang KALAHI, opisyal na paaralang pampahayagan ng Calauag National High ...
13/10/2022

Pagbati sa lahat ng bagong kasapi at tagapayo ng Ang KALAHI, opisyal na paaralang pampahayagan ng Calauag National High School.

TULOY ANG PAGLINGAS!

27/09/2022

Address

Calauag

Telephone

+639566929926

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Kalahi - Ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralan ng CNHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Ang Kalahi - Ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralan ng CNHS:

Share