Builders Pandayan

Builders Pandayan The Official Student Publication of Mindoro State University-Calapan City Campus

๐—๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐—œ๐—ก | Mindoro State University is this year's Grand Champion of the Salong Dagitab Christmas Festival, taking home P...
20/12/2024

๐—๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐—œ๐—ก | Mindoro State University is this year's Grand Champion of the Salong Dagitab Christmas Festival, taking home P125,000 from the Provincial Government of Oriental Mindoro.

MinSU's entry this year featured the animated film Sing 2, accompanied by a giant Christmas tree and nightly performances from the MinSU community.

University President Dr. Enya Marie Apostol accepted the award during tonight's awarding ceremony at the Provincial Capitol Complex.

Meanwhile, the entries featuring Encanto and Despicable Me secured second and third places, respectively.

It's a year-ender that won't be forgotten. Napuno ng halakhakan at pagbabalik-tanaw sa isang buong taon ang naging Year-...
20/12/2024

It's a year-ender that won't be forgotten. Napuno ng halakhakan at pagbabalik-tanaw sa isang buong taon ang naging Year-end Party ng Builders Pandayan, ngayong umaga.

Walang ring nagpatalo sa mga kapanapanabik na palaro at raffle draws na sinundan ng salo-salo ng mga dalang pagkain.

Dumalo rin si Builders Pandayan Adviser Dr. Arlyn M. Redublo na binigyang pagkilala ang naging trabaho ng publikasyon para sa pamantasan.

Maging si University President Dr. Enya Marie Apostol ay nakiisa rin sa pagdiriwang na bumisita pa sa tanggapan kasama si 'Santa Claus' dala ang pamasko para sa Builders Pandayan.

Siyam na simbang gabi para sa'king munting baka sakaliBibingka at p**o bumbong ang bungad sa umagang namumukat-mukat pa ...
18/12/2024

Siyam na simbang gabi para sa'king munting baka sakali

Bibingka at p**o bumbong ang bungad sa umagang namumukat-mukat pa ang aking mga mata
Alas tres y medya n'ong aking baybayin ang simbahan
Upang dasalin ang mga sana at nawa
Na ang hiling ay matupad sa araw ng kaniyang kapanganakan

Ngunit kalbaryo ang pagtapos ng misa
Ako na'y nagmamadaling sa paarala'y rumerekta
Bitbit ang matang matamlay at kapirasomg alaala
โ€“ng mga pinag-aralan sa isang buong semestre ng kursong sinisinta

At pagkatapos ng pagsusulit ay pilit kong sisininghap ang malamig na hangin ng gabi
Nilalakbay ang kapitolyo at ang kumikinang nitong palamuti
Pinipilit na ibsan ang pagod ng isip ko't katawan
Inaaliw ang sarili sa mga pailaw na kaysarap pagmasdan

Sana sa siyam na simbang gabing binubuno ko
Ay ang katuparan ng aking mga dasal
Isa lamang akong hamak na mag-aaral
Sa dulo ng semestreng ito, kahit hindi na uno

๐—•๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ.

//sa panulat ni Ryan Edcel Batalla

16/12/2024

Liwanag na dala ng Kapaskuhan ang pag-asa natin sa paghakbang kasama ang buong pamantasan na tahanan at pag-ibig.

Magkakaiba man ng tinatahak, walang maiiwan sa Paskong MinSUan!

Panoorin ang 2024 Christmas ID ng Mindoro State University na Pamilya, Pasko, Pag-ibig.

Performed by Pamila Ampong and Howard Howard Kent Baldonado
Music by Joshua M. Rabulan and Howard Kent Baldonado
Produced by Builders Pandayan and Office of the Student Affairs and Services-MCC

๐˜๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ตโ€™๐˜ธ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ถ๐˜ธ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ. Matapos ang maghapon kong paglagi sa paaralan, ay nabawasan na an...
16/12/2024

๐˜๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ตโ€™๐˜ธ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ถ๐˜ธ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ.

Matapos ang maghapon kong paglagi sa paaralan, ay nabawasan na ang bigat ng bag na nakasakbit sa aking likod.

Kung sa t'wing papasok ay puno ito ng pangamba, takot, pag-aalinlangan, at banta na baka ika'y aking muling masilayan, sa pagbagtas ko naman ng daan pauwi ay pinapawi ito ng mga ngiting sumisimbolo na muli kong nairaos ang isang araw sa kabila ng pagsasabwatan ng mga emosyong nagpapabigat sa bag na aking pasan.

Kung noon ay lubos kong kinamumuhian ang pauwi sa tuwing tayo'y magkasama, ngayon ay nagsisilbi itong panandaliang takas, lalo na noong sandaling napagdesiyonan mo na tahakin natin ang salungat na landas. Ito rin ang nagsalba sa akin sa tuwing dinadalaw ako ng labis na kalungkutan at multo ng mga alaalang ating sabay na pinagsaluhan.

Ngayon, naiintindihan ko na kaya, pala lungkot ang namumutawi sa bawat nating pagwaglit ay dahil pinilit kong iwangis kang tahanan kong nakagisnan subalit iba pa rin pala ang kalinga ng mga bisig na yayakapin ka't hihintayin kang tumahan.

Napagtanto ko rin na hindi pala ikaw ang pahinga na inaasam ko, ang tahanan na nais kong uwian. Bagkus ay ang kung saan namulat ang mangmang kong isipan. Sa huli, ang pintuan kung saan nakasalubong si Inay, ang patuloy kong nanaisin.

Kaya ngayon, sa aking bawat pag-uwi ay natutuhan kong yakapin ang aking bag. Sa halip na pasanin ko sa aking balikat ay mas pinili ko itong kandungin at ibalot ang aking mga bisig dito tanda na ang pauwi ang nagsisilbing kanlungan ng aking mga emosyon. Nakakabawas ito ng bigat, nakapagpapagaan.

Kaya sa aking bawat pag-uwi, magaan na ang bag kong bitbit.

//sa panulat ni Alvincent Adora
//dibuho ni Chris Ricafort

Mas maningning ang Pasko dahil isang pamilya tayo sa pagdiriwang. Sa ating tahanan, kikislap muli ang pag-ibig na dala n...
15/12/2024

Mas maningning ang Pasko dahil isang pamilya tayo sa pagdiriwang. Sa ating tahanan, kikislap muli ang pag-ibig na dala ng pagmamahal Niya.

Panoorin ang Pamilya, Pasko, Pag-ibig, The 2024 MinSU Calapan City Christmas ID na handog ng OSAS at Builders Pandayan, bukas, Disyembre 16.

Tayo ang bumuo ng kwento para sa isang pamantasan na patuloy sa paghakbang, bitbit ang pag-asa ngayong Kapaskuhan.

//pubmat by Leomel De Jesus

Mula sa isang pangarap, g**o na ngayon si Ma'am Saira L. Mamo. Tila naging isang manipestasyon ang naging pahayag niya s...
13/12/2024

Mula sa isang pangarap, g**o na ngayon si Ma'am Saira L. Mamo.

Tila naging isang manipestasyon ang naging pahayag niya sa panayam ng Builders Pandayan nang siya ay magtapos ng kolehiyo, Hunyo ngayong taon.

"Malay mo maging LPT agad ako."

Anim na buwan ang nakalipas, nagkatotoo ito dahil pasado na si Ma'am Saira sa Licensure Examination for Teachers.

Ang pangarap na ito ay nag-uugat sa kaniyang kagustuhan na makapagbalik sa Mangyan community na kanyang pinagmulan.

"Ipapakita ko na hindi lang hanggang dun yung kaya ng isang katutubo na katulad ko."

Labing-isang taong kasambahay, iginapang ang pag-aaral, nakapagtapos, at naging lisensyado.

"Hindi na ako 'yung dating pinagtatawanan ninyo dahil heto na ako."

"Ngayon ay kinaya mo kaya masaya ako para sa'yo, Saira," ang mensahe niya sa sarili.

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | Mindoro State University (MinSU) celebrates 258 newly licensed teachers at the elementary and secondary levels fr...
13/12/2024

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | Mindoro State University (MinSU) celebrates 258 newly licensed teachers at the elementary and secondary levels from the September 2024 Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT).

Based on the results released by the Professional Regulation Commission (PRC) on the afternoon of December 13, the Calapan City Campus recorded 160 secondary-level passers, achieving an 81.43% passing rate.

The Main Campus and Bongabong Campus registered passing rates of 80.65% and 61.54%, respectively, surpassing the national secondary-level passing rate of 56.88%.

For the elementary level, with a national passing rate of 45.51%, the Bongabong Campus and Main Campus achieved passing rates of 76.92% and 75%, respectively.

Congratulations, MinSUans!

13/12/2024

Matapos ang September 2024 Licensure Examination for Teachers (LET), ganap nang g**o si Ma'am Saira Landicho Mamo, ang katutubong nagsumikap sa buhay para sa pangarap na magtagumpay at makapagbalik sa kaniyang komunidad.

Ang buong MinSU community at Builders Pandayan ay nagdiriwang para sa iyo, Ma'am Saira! Saludo kami sa iyong pagsusumikap.

Balikan ang kaniyang kwento sa istoryang ito na inilathala ng Builders Pandayan matapos niyang magtapos sa Mindoro State University ngayong taon.

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | Panibagong topnotcher ang muling naitala ng Mindoro State University para sa Agricultural and Biosystems Engine...
12/12/2024

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | Panibagong topnotcher ang muling naitala ng Mindoro State University para sa Agricultural and Biosystems Engineering Licensure Exam (ABELE), ayon sa resulta na inilabas ng Professional Regulation Commission (PRC), Disyembre 12.

Sa rating na 84.92%, nakamit ni Lanz Louie Daniel Alamo ang ika-9 na pwesto para sa MinSU Main Campus, dalawang araw matapos ang eksaminsayon.

Naitala naman ng pamantasan ang 71.11% na passing rate para sa kabuoang 32 na bagong mga Agricultural and Biosystems Engineer kumpara sa national passing rate na 56.34%.

Pagbati sa mga bagong enhinyero ng bayan!

Via Jhon Carlo Landicho

๐—ง๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ธ ๐—ป๐—ฎ, ๐—ป๐—ฎ-๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฐ๐—ธ ๐—ฝ๐—ฎ: ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฆ๐—จ ๐—ช๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐—ปโ€™๐˜€ ๐—•๐—ฎ๐˜€๐—ธ๐—ฒ๐˜๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—น ๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐˜€ 11-๐—ฝ๐—ผ๐—ถ๐—ป๐˜ ๐—ฑ๐—ฒ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐˜ ๐˜๐—ผ ๐—ฐ๐—น๐—ฎ๐—ถ๐—บ ๐—–๐—–๐—”๐—”19 ๐—ด๐—ผ๐—น๐—ฑTrailing by 11 points...
10/12/2024

๐—ง๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ธ ๐—ป๐—ฎ, ๐—ป๐—ฎ-๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฐ๐—ธ ๐—ฝ๐—ฎ: ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฆ๐—จ ๐—ช๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐—ปโ€™๐˜€ ๐—•๐—ฎ๐˜€๐—ธ๐—ฒ๐˜๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—น ๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐˜€ 11-๐—ฝ๐—ผ๐—ถ๐—ป๐˜ ๐—ฑ๐—ฒ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐˜ ๐˜๐—ผ ๐—ฐ๐—น๐—ฎ๐—ถ๐—บ ๐—–๐—–๐—”๐—”19 ๐—ด๐—ผ๐—น๐—ฑ

Trailing by 11 points entering the final frame, the MinSU Womenโ€™s Basketball Team staged a dramatic comeback, defeating the DWCC Halcons to claim the golden podium after years of drought.

Jea Abetria delivered crucial points in the final minutes before the buzzer, securing a flawless season record and overcoming their long-time rival.

"Wala po sa mindset namin ang matalo kada laro. Sabi nga rin po sa'min [ng mga seniors], miracle po ang panalo namin," Abetria shared.

Despite the physicality and strong team chemistry displayed by the Lady Halcons to limit Meryll Cuasay's offensive impact, the entire Lady Knights team stepped up late to achieve what seemed impossible.

In the final seconds, Natalie Cabatay forced a critical turnover, resulting in a clutch steal that sealed the game. The Lady Knights were crowned the Women's Basketball champions with a nail-biting 69-67 victory over the Halcons.

"Simula't sapul, ang goal po namin ay mag-champion, at inaalay po namin ang kampeonatong ito sa team captain namin na graduating," Finals MVP Cuasay said, reflecting on their outstanding campaign.

"Nagpuntahan na sa bench yung mga ibinabad naming player during timeout at umiiyak na sila no'ng natambakan kami ng 11 points. Sabi ko, meron pang 5 minutes para makabawi at inulit kong 'wag titigil sumugod hangga't hindi pa tumutunog ang buzzer. Ayun, lalong humigpit yung depensa namin at pumasok lahat yung mga huling tira," head coach Juan Paulo Matunan recounting the pivotal moments of the game.

"Unang-una po, nagpapasalamat po ako sa Panginoon at sa lahat ng sumuporta lalong-lalo na ang MinSU. Hindi lang ang team na 'to ang nanalo. Lahat ng MinSU, panalo," Matunan expressed in an interview.

This marked the first championship for the Lady Knights in the Womenโ€™s Basketball, ending their six-year title drought.

Via John Miguel de Guzman

๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ | Just one more victoryโ€”possibly tomorrowโ€”is all the MinSU Women's Basketball Team needs to bring the championshi...
09/12/2024

๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ | Just one more victoryโ€”possibly tomorrowโ€”is all the MinSU Women's Basketball Team needs to bring the championship home to the university, and thatโ€™s exactly what theyโ€™re aiming for.

In the game earlier today at Sentrong Pangkabataan, the Lady Knights struck first, defeating the DWCC Halcons in the opening match of the best-of-three championship series with a score of 65-58.

Merylle Cuasay led the charge with 24 points, propelling the MinSU Women's Basketball Team to a strong comeback in the league.

โ€œWe will do our best para [maibalik] sa MinSU ang kampeonato sa Women Basketball League,โ€ Coach Macalalad promises while riding high after his team's performance.

The Lady Knights now hold a 1-0 lead and are just one win away from claiming the title.

Via Sheila Mae Maglaqui
Photo by John Miguel De Guzman

Sabi ni Gloc 9, pilitin mong hanapin agad kung ano ang mahal mo. Hanapin nang maaga para pwede mong ipaglaban nang matag...
09/12/2024

Sabi ni Gloc 9, pilitin mong hanapin agad kung ano ang mahal mo. Hanapin nang maaga para pwede mong ipaglaban nang matagal, ingatan ng matagal, at mahalin ng matagal.

At sa pagkakataong mahanap ka at ako naman ang mawala, hanapin mo rin sana ako...

Mahal kong pinangarap.

//dibuho ni Trixie Lee De Leon
//yungwritermalamang

๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ | Three is the lucky number for the MinSU volleyball team as they successfully claimed the bronze medal against t...
06/12/2024

๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ | Three is the lucky number for the MinSU volleyball team as they successfully claimed the bronze medal against the St. Mark Avian Cats in a riveting three-set match with scores of 25-17, 22-25, and 25-17, marking this podium finish as their third time winning bronze in the CCAA Men's Volleyball Tournament.

In 2022, when the CCAA reopened closed-contact sports, the Knights tried to defend their crown and finished in 3rd place after defeating the CCC Warriors.

With the departure of their seniors and starters, the Knights pushed through the competition with a newly revamped lineup in the 18th season of the CCAA, securing another bronze against the SCMBT Navigators.

As Season 19 began, the Green Knights faced difficulties, falling twice in the early rounds of eliminations with a 0-2 standing.

Despite their rough start, the Knights' eagerness flared up as they managed to get back on track, winning their remaining games and eventually securing the bronze medal in the CCAA Men's Volleyball Tournament.

Via Ryan Edcel Batalla

๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ | "Ang laki ng improvement niyo." These were the words of Coach Dane Chester Masongsong after the MinSU Lady Knig...
06/12/2024

๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ | "Ang laki ng improvement niyo." These were the words of Coach Dane Chester Masongsong after the MinSU Lady Knights finished the Volleyball Tournament with a silver medal.

The Lady Knights faced a tough match against their long-time rival, the DWCC Halcons, in the gold medal round, with scores of 18-25, 19-25, 13-25.

After the game, Masongsong admitted that their performance was slow-paced, contributing to the loss. However, he highlighted the significant progress made by the rookies and the entire roster in their rotation.

"Hindi ko na kayo kailangang isa-isahin, lahat kayo nag-improve. Ang laki ng improvement niyo," Masongsong stated.

"Baka kaya nangyari โ€˜yon kasi may nakalaan na mas maganda sa'tin," he added.

Meanwhile, Landicho still makes a push for the rocking green threads to podium despite the loss, tallying 6 points and being part of the Mythical 6 alongside teammate Andal.

Via John Miguel de Guzman

06/12/2024

Sa ika-11 taon ng ICCATHLON, mas pinalaki na ang pagsasama-sama ng mga BS Tourism Management at BS Hospitality Management dahil sa paglahok ng iba pang kolehiyo sa Oriental Mindoro at pagdagsa ng mga sponsors para sa tatlong araw na tradeshow, competition at convention.

Silipin ang ibang eksena sa 11th ICCATHLON kasama si Alfred Beldia.


๐—Ÿ๐—ข๐—ข๐—ž | College of Business and Management (CBM) has officially reopened ICCATHLON for its 11th year, now expanded with m...
05/12/2024

๐—Ÿ๐—ข๐—ข๐—ž | College of Business and Management (CBM) has officially reopened ICCATHLON for its 11th year, now expanded with more sponsors and participating colleges from across the province.

The tradeshow has also kicked off, featuring micro enterprises from the city.

In support of the event, VPAA Dr. Ciedelle Salazar, CED Dr. Franie Afable, and Dean Emma Vida Liwanag were present.

ICCATHLON will run until December 6, covering the tradeshow, competition and convention.

Via Zainne Arandia

02/12/2024

Naglipana na ang mga political ads sa telebisyon ilang buwan bago pa magsimula ang pormal na kampanya. Milyones ang gastos nila para lamang magpakilala. Kung ikaw ang tatanungin, iboboto mo ba sila?

Samahan si Bryce Tolentino sa pagtalakay sa kung gaano nga ba kalaki ang nagagasta ng mga politiko para lamang manalo sa eleksyon.


Address

Mindoro State University/Calapan City Campus
Calapan
5200

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Builders Pandayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Builders Pandayan:

Videos

Share

Category